W-6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

W-6: Evidence

THIRD PERSON'S POV

Matapos mag-usap nina Zidane at Jasper tungkol kina Jerah at Belle, bumalik na sila sa kanilang classroom.

Nadatnan nila roon ang magkaibigang sina Bella at Dana.

Nang makaupo ang dalawa sa designated seat nila, "Bro, Jas, bakit hindi na lang natin siya diretsuhin para malaman agad natin kung siya nga ba si Jerah." Mahinang tanong ni Zidane sa kaibigan.

Lumingon si Jasper kay Zidane, "Wag muna, baka mabigla siya agad. Lalo tayong mahihirapan mag-imbestiga."

Walang nagawa ang binatang si Zidane dahil pumayag siya sa pinag-usapan nilang dalawa.

May sumilip na isang babae sa kwarto nila. "Excuse me, dito po ba ang classroom ni Belle Antonio?" Paniniguradong tanong ng isang babae at base sa itsura niya at sa suot niya, nurse siya ng school.

Nagtaas ng kamay si Belle, "Bakit po?" Magalang na tanong niya.

"Pinapatawag ka sa clinic, oobserbahan ang mga estudyante para sa medical." Paliwanag ng nurse.

Tumingin si Belle kay Dana at tumango ang huli. Niligpit ni Belle ang mga gamit niya at lumabas ito kasabay ang nurse na tumawag sa kanya.

"Malalaman na natin Jas kung siya nga ang kapatid mo. Sana lang hindi siya maghinala." Pabulong na sabi ni Zidane

Sinundan na lamang ng dalawa ang pag-alis ng nurse at ang dalagang si Belle.

Nang makarating sa clinic, pinaupo ng nurse si Belle sa isa sa mga kama na naroroon.

"Please wait," umalis ang nurse sa harap ni Belle at may kinuha itong mga gamit na gagamitin kay Belle. Ito ang balak na ginawa nina Zidane at Jasper, ang DNA testing para makumpirma agad nila ang lahat.

Bumalik ang nurse sa harapan ni Belle, may binigay siya rito na isang cotton buds.

"Say ahh," binuka ni Belle ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung para saan ang ginagawa niya. Tapos na naman siya sa medical purpose ng school.

Pinasok ang cotton buds sa bibig niya lalo na sa kanyang cheeks. After nu'n, nilagay ito sa isang test tube.

Akala niya tapos na ang magiging medical niya pero may nilabas pa ang nurse na isang injection.

Kinuhanan siya ng dugo, "para saan po ba ito?" Nagtatakang tanong niya sa nurse.

"School purposes, Ms." Sabi ng nurse habang inaayos ang mga ginamit niya.

Nagtataka man tumango-tango na lamang siya.

"P'wede ka na bumalik sa klase niyo. Salamat pala," Sa sinabi ng nurse, umalis na siya sa clinic.

Hindi na lang niya pinansin kung para saan ang ginawa sa kanya ng nurse baka nga for school purposes.

Nang makabalik sa classroom, nakita niya ang prof nilang nagtuturo na.

Kumatok siya sa pinto, "Sorry, Ms ngayon lang po. Pinapunta po kasi ako sa clinic,"

"Okay, umupo ka na." Yumuyukong lumakad si Belle papunta sa kanyang upuan.

Pagkaupo niya, siniko agad siya ni Dana, "Mamaya," mahinang bulong niya rito na tipong sila lang ang makakarinig.

Nagtuloy-tuloy ang diskasyon ng prof nila. Puro pasulat ang pinagawa sa kanila.

Nang matapos ang klase nila sa subject na Science, "Uy, Belle, anong pinagawa sa'yo sa clinic?" Tanong agad ni Dana ang bumungad sa kanya.

"Kinuhanan ako ng dugo at kinuhanan ako ng laway gamit ang cotton buds," sagot ng dalawa sa tanong ni Dana.

"Para raw saan 'yon?" Tanong ulit ni Dana.

"For school purposes daw." Kibit balikat ni Belle.

"School purposes? Diba tapos na tayo roon?"

"Oo, pero hindi ko na lang pinansin,"

"Saka para saan iyong laway mo?"

"Hindi ko alam,Dana. Basta sumunod na lang ako sa pinagawa nung nurse para naman siguro sa akin 'yon."

----

Pagkatapos ng klase, lumabas agad ang dalawang binata na sina Jasper at Zidane. Tumungo agad sila sa clinic.

Pagkarating sa clinic, nadatnan nila ang nurse na kinausap nila para sa plano nilang dalawa.

"Okay na po, Sir." Sabi agad ng nurse.

"Kailan malalaman ang result?" Tanong ni Jasper.

"Mga 3 weeks pa po, sir para malaman ang result." Tumango si Jasper.

"Hindi ba pwedeng mapadali ang result ng DNA test?" Sabat ni Zidane.

"Hindi po maaari, Sir. Tinitignan po ng maayos ang magiging resulta ng DNA test."  Walang nagawa ang dalawa kundi tumango na lang sa sinabi ng nurse.

"Sasabihan na lang po namin agad kayo for result," tumango ang dalawa at lumabas ng clinic.

Habang naglalakad ang dalawa papuntang parking, "Ang bagal naman pala malaman ng result," sabi ni Zidane.

"Wala ganoon talaga, hintayin na lang natin."

Nang makarating sa parking, nakita nila sina Belle at Dana na palabas na sa campus.

"Sundan natin," walang paundangan na suggestion ni Zidane.

"Tara," sumakay ang dalawa sa kani-kanilang sasakyan at sinundan ang dalawang dalaga.

Malayo ang agwat ng kotse nila sa dalawang dalaga na naglalakad lamang.

Lumiko ang dalawang dalaga sa isang eskinita, sinundan pa rin nila ito. Nakikita ng dalawa na puro dikit-dikit ang mga bahay dito.

Sa isa pang eskinita pumasok ulit ang dalawang dalaga, sa puntong iyon hindi na nakasunod ang dalawang lalaki dahil hindi na kasya ang mga dala nilang kotse.

Biglang nagring ang phone ni Jasper, "Bro, balik na tayo hindi na natin sila masusundan. Baka mapahamak pa tayo rito." Aniya na Zidane sa kabilang linya.

Nag-u-turn ang dalawang binata para umikot na at umalis.

Sa kabilang banda, nakauwi ng ligtas sina Belle at Dana.

"Nandito ka na pala, Belle! Labhan mo nga 'tong slacks ko, hindi ko na malabhan dahil papasok na ako. Nakakainis naman kasi itong boss ko! Ang alam ko day-off ko ngayon!" Inis na sabi ng kanyang tiyahin.

"Sige po, Tiya. Lalabhan ko po ito, magbibihis lamang ako." mahinhin na sabi ni Belle.

"Osige-sige. Aalis na ako! Ito na naman ang boss ko, kanina pa  tumatawag! Akala niya siguro hindi ako papasok." Kinuha ni Marta ang bag niya diretsong lumabas sa bahay nila.

Dumiretso agad ni Belle sa kanyang kwarto na maliit at masikip. Nagpalit agad siya ng pambahay.

Nagtungo agad siya sa likod bahay nila para labhan ang slacks ng tiya Marta niya at ang uniform niya kanina.

Ang akala niyang slacks at uniform lang ang kanyang lalabhan ay nagkakamali siya. May iba pa palang labahin ang nasa likod bahay nila, puro damit nila iyon na mukhang naumpisahan na ng kanyang tiya at hindi natapos dahil sa boss na pinapapasok siya.

Walang nagawa si Belle kundi labhan na rin ito, buti na lang at wala silang assignment sa araw na ito.

Pinusod ni Belle ang kanyang buhok at inumpisahan labhan ang mga labahin nila.

Malapit na niyang matapos ang mga labahin ng may biglang nagtapon sa kanya ng mga damit.

Lumingon siya sa pintuan at nakita niya ang kanyang pinsan na nakatayo sa pinto.

"Labhan mo rin 'yan! Tamang-tama naglalaba ka rin naman na!" Pagkasabi ng pinsan niyang si Dria ay umalis na ito agad.

Walang nagawa ang dalaga at nilabhan na rin niya ang pinaghubaran na uniform ni Dria.

Halos alas-siko na siya ng hapon natapos dahil sa tambak na labahin at puro puti pa ito.  Hindi pa rin siya nakakakain ng tanghalian.

Halos manghina siya pagkatapos niyang isampay ang mga damit na nilabhan niya.

Pagkapasok niya sa kanyang kwarto, humiga siya at bakas sa mukha niya ang pagod at gutom.

"Nakakapagod na araw,"

Bigla na lang siya nakatulog ng mahimbing.



- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuu!💋💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro