Chapter 14 - Pansamantala

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dedicated to AsherVexus

**************

Chapter 14

"I'd spend a lifetime waiting in vain just to go back to the way we were before..."

|ELIZ|

Wala ka bang balak pumunta dito? We've been waiting for you.

- Nicole

I rolled my eyes after I read my friends' message. Pagkatapos ay pumasok na ako sa isang maingay, madilim at mausok na lugar---a club. A place where I could be what I want to be. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay sinalubong na kaagad ako ng mga taong nagkakagulo sa loob, mausok, at madilim na loob ng bar. There are lots of people who are having fun around. Mga nagkakasiyahan, nagtatawanan, nagpapakawala at mga walang pakialam sa sasabihin ng iba.

Sana kagaya nila, kaya ko ring magpakasaya ng ganyan.

As I step inside, I feel the need to fix myself and consider this night as a free time for me where I can be what I want to be. Pumunta ako sa lugar sa kung saan maraming taong nagsasayawan---sa dance floor. The DJ's hyping the crowd reason why many of us are shaking their bodies and dancing as if there was no tomorrow.

'Tulad nila, hinayaan ko ang sarili ko na gawin kung anong gusto ko. I dance. I enjoyed the night. I have fun without limitations, without boundaries, without having someone
to tell me what I need to do.

Sumasayaw ako sa gitna kasabay ng mga tao sa tabi ko, likod ko, at harap ko. I don't know how long it takes. Hindi ko rin alam kung tinamaan na ba ako ng ilang shots ng alak na ininom ko kanina. Basta ang alam ko, nilalabas ko lahat ngayon. Nilalabas ko lahat ng sama ng loob. Sakit. Lungkot.

While dancing, I closed my eyes. But as I closed it, there were moments flashing back. The man I used to love. 'Yung batang ako na pinapagalitan ng mga magulang niya. 'Yung old self ko na mahina at umiiyak sa tuwing napapagalitan at nasisigawan. They were all flashing back. They were all coming back. The bad memories that I badly want to forget...

Sa pagbabalik ng mga alaala sa utak ko, mas lalo akong naglikot sa gitna ng mga tao. Mas lalo kong nilakasan ang paggalaw at pagsayaw ko habang nakapikit ang mga mata ko. I dance as if there was no tomorrow. I dance as if this was my last one. I dance until those memories fades.

Hanggang sa hindi ko namalayan na natumba na pala ako. Hindi ako napansin ng mga taong nasa paligid ko dahil 'tulad ko, maaaring may mga pinagdadaanan din sila na kinakalimutan nila ngayon. Dahil maaaring 'tulad ko ay kinakalimutan rin nila ang mga bagay na hindi na nila gustong balikan.

Hindi ako kaagad nakatayo. Nakayuko lang ako habang nakahawak pa ang mga kamay ko sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pagbagsak ko. Nakatitig ako sa sahig, nagre-reflect dito ang makukulay na ilaw dahil sa kintab nito. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakasalampak hanggang sa I felt someone was helping me to stand up straight.

Hindi ko kaagad makita kung sino siya dahil na rin sa mga dark at bright colors ng ilaw pero nang maaninagan ko ng malapitan ang mukha niya ay napaatras ako sa gulat.

Bakit siya nandito? Ibig sabihin ba...?

"Uy, Eliz!" hindi kaagad ako nakasagot sa kanya dahil medyo blurry pa ang paningin ko dahil sa pagsayaw ko at konting pag-inom ng alak. "What are you doing here? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Atlas. I immediately step back. Ayoko nang makita pa sila. Ayoko nang makita pa ulit siya.

Unti-unti akong tumango kay Atlas at akmang tatalikod na sana pero may sinabi siya. Mga salitang ayoko na sanang marinig pa pero parang ang tadhana mismo ang kalaban ko sa mga oras na 'to kaya wala akong magawa.

"Mukhang mag-isa ka lang. Sabay ka na sa amin. Nasa taas lang sina Jace." dinig kong alok niya. Gusto ko na sanang umayaw at sabihin sa kanyang aalis na ako, maauna na ako dahil may gagawin pa akong importante pero hindi ko ba alam kung bakit parang walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Kasi ang totoo? Gusto ko rin naman talaga siyang makita. Gusto ko rin naman talagang maramdaman ang presensya niya... nagsisinungaling at nagpapanggap lang ako na ayoko kasi alam ko naman na sa huli, mas lalo ko lang siyang masasaktan.

Napayuko na lang ako at dahan-dahang umiling. "I'm sorry, Atlas pero kailangan ko nang umalis. Salamat." hahakbang na sana ako palayo pero naramdaman ko ang kamay niya sa pulso ko.

"Matutuwa sila kapag nakita ka nila."

Natigilan ako. I bowed my head and sigh deeply. Matutuwa? Sila? Matutuwa si Jace na nandoon ako? Imposible. Asa pa ako.

Hindi ko na lang alam. Wala pa naman akong nakikilalang tangang tao na gugustuhin pa rin makita ang taong nanloko sa kanila. I know Jace has a lot of remorse and resentment towards me. Ako ang nang-iwan without telling him any explanations. Without letting him know. Paano mangyayari na gusto niya pa rin ako makita? I know Jace. Galit 'yon sa akin.

"Salamat na lang pero kailangan ko na talagang umalis---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla akong hinila ni Atlas palayo sa dance floor ng club. Namalayan ko na lang na humahakbang na kami papalapit sa hagdan patungo sa second floor kung saan nandoon sina Jace.

Ayokong magpakita sa kaniya... pero parang gusto ng mga mata ko na masilayan siya.

"Atlas---teka sandali! Hindi p'wede! Aalis na nga ako! May gagawin pa ako---"

"Daya nito! Nagso-solo ka doon 'e p'wede ka naman sumama sa amin. Tsaka alam ko namang palusot mo lang na may gagawin ka. Minsan lang 'to. Trust me, matutuwa sila. Promise."

Napatitig na lang ako sa kawalan habang hawak niya pa rin ang pulso ko at hila-hila niya ako papalapit sa taong sinaktan ko noon.

Naalala ko nung last time na magpunta kami dito together with Jace, it was a bothersome, bad and uncomfortable one. Wala akong ibang magawa noon kundi sumama sa kanila kahit pa nandoon si Jace.

Ramdam kong ayaw ni Jace na nandoon ako kasama nila. Alam ko 'yon. Na-notice ko 'yon. Nakasimangot lang siya at tahimik when in fact, 'yung Jace na kilala ko---gentle, masiyahin, mabait at hindi niya hahayaang may ma-left behind sa mga kasama niya.

But that night was different. Alam kong hindi siya komportable na nandoon ako kasama sila. He drank until he was lost in himself. Hindi ko mabilang kung ilang alak ang nainom niya nung gabing 'yun. I want to stop him and tell him to not take a lot of alcohol---pero anong magagawa ko? Ano na nga ba ulit ako sa buhay niya? Ex. Ex-girlfriend.

Kaya kailangan wala na akong pakialam sa mga iaaksyon niya. Dapat wala na akong pakialam sa mga gagawin at desisyon niya. Kung desisyon niyang magpakalasing, wala na ako doon. Labas na ako doon kasi iniwan ko siya.

Pero masisisi niya ba ako?

Hindi ko namalayan na sa kakahila sa akin ni Atlas ay nasa second floor na pala kami. May natatanaw ako na mga pabilog na lamesa sa hindi kalayuan, marami ring mga tao doon. Sa mga VIP booths. And I saw from afar, nandoon sila. Nandoon si Jace.

"Atlas, you shouldn't have brought me here." bulong ko sa sarili pero hindi ko namalayan na narinig niya pala 'yon. "You have left no choice, Eliz." sagot niya.

Atlas is a friend of mine dahil kaibigan siya ni Jace. Even Akiro and Hugo. Pero si Atlas ang pinaka makulit sa kanila at parang walang alam sa mga nangyayari. I can sense that Akiro and Hugo also feels uncomfortable when I'm around. Lalo na si Nikki.

Bago pa kami makalapit sa kanila ay inayos ko ang sarili ko. I fix myself, my hair, and my fitted dress to look good. Saka ako lumunok ng paulit-ulit. Kumukuha ng lakas ng loob.

Nakakailang hakbang pa lang kami papalapit sa kanila, nakuha na kaagad namin ang atensyon ng bawat isa sa kanila. They were all looking at us. I can see shock in their eyes. Probably dahil nakita nila akong kasama si Atlas at malamang sa malamang, makakasama nila ako ngayong gabi.

Hindi pa kami nakakalapit pero nanginginig na ang mga tuhod ko. Parang ayoko nang tumuloy. But someone... I look on someone... I saw someone...

Si Jace.

***

|HIM|

Nakita ko siya ulit. But this time, hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko. Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko. I just found myself being silent and uncomfortable.

Nakaupo na kaming lahat sa may round table. Sila Hugo nag-iinuman. Si Nikki nakasimangot. Si Juls kanina pa kuha nang kuha ng shot ng alak. Eliz and I are just silent.

A moment of silent filled us whenever Hugo and Atlas are not talking. Masyadong awkward ang air together. Hindi ko alam kung kaya ko ba. Kanina pa kami ganito.

Maya-maya pa nakita ko si Julia na kumuha ulit ng baso ng alak. Alam kong hindi ko siya masasaway dahil mas matapang pa 'to sa 'kin. I couldn't do anything but to look at her. Napapa-tsk na lang ako at bumubuntong hininga dahil talo naman ako sa kaniya.

Ewan ko kung anong mali sa kaniya. Hindi naman siya ganito kanina. Bigla na lang siyang nag-ganyan. I have no idea what's up to her. Wala naman siyang period pero ang lala masyado ng mood swings.

But even though I have a problem with Juls, there's something in me that drives me to think of Eliz. Kanina pa 'to. Kanina pa ako parang hindi mapakali sa mga ikikilos ko. Hindi ko alam kung may mali. But it's just that, I can't handle the fact that Eliz is here with us-pero nakakaramdam ako ng natatakot.

Natatakot ako na baka mamaya hindi ko na lang mapigilan ang sarili ko na hatakin siya at ilayo dito. There's something in me that wanted to ask her some questions. To ask her the reasons. Kasi pakiramdam ko kahit pa gaano na katagal na panahon ang lumipas nandito pa rin 'yon. 'Yung mga tanong. 'Yung what if's. 'Yung could have beens.

Napapikit ako. I drank the alcohol in front of me. I drank it straightly. I don't know how long it was going pero hangga't kaya ko pinipigilan ko 'yung sarili ko sa kung ano mang nararamdaman ko.

Out of mistake, napadaan ang tingin ko kay Eliz. And right then and there, she was also looking at me. Our eyes met and I can feel the connections.

Natigilan ako.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero hindi ko na na-control pa 'yung sarili ko. I reached for her hand and held it tight. Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

Shit. Lasing na ba ako?!

"J-jace..." she said, also whisper.

I can also feel the stares that my friends are giving me pero parang wala akong pakialam. All I can see is Eliz and I in this place. Nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya.

Mga ilang segundo rin kaming nagpapalitan ng mga malalalim na tinginan sa isa't-isa bago ako magsalita. "Mag-usap tayo." sabi ko. I dragged her with me. Ramdam ko ang pagtahimik nila Akiro at ang mga tingin na binibigay nila sa amin nang gawin ko 'yon. But I don't care. This time, I don't care.

***


"Jace, anong problema mo? Bakit mo ako dinala dito?" Eliz hissed. Nararamdaman kong parang naiinis siya? Hindi ko alam, basta I just can sense that she's upset.

Dinala ko siya sa may rooftop ng bar. Mabilis ang mga lakad ko while dragging her here.

"Wala ka ba talagang balak kausapin ako?" tanong ko sa kanya. Nagulat siya nang titigan ko siya ng diretso sa mga mata. Hindi ko alam pero parang dinadala ako ng alak na nainom ko sa isang lugar na ayokong puntahan. Parang tinutulak ako nito para itanong kay Eliz ang mga bagay na gusto kong itanong habang may pagkakataon pa ako. Nakatitig lang ako sa kaniya ng diretso while preventing myself from exploding.

Medyo mahirap kasi. Mahirap magpigil ng galit. Mahirap magpigil ng nararamdaman. Alam ko, ramdam ko na kung magiging ganito na lang kaming dalawa ni Eliz, na kung hindi kami mag-uusap, na kung hindi namin pag-uusapan ang bagay tungkol sa aming dalawa baka hindi na rin ako maka-move forward. Natatakot ako. Ayoko.

"Anong kausapin, Jace? May dapat ba tayong pag-usapan?" I can see from her face na nawala na ang gentle and genuine face na pinapakita niya kanina, because now she looks more serious. She looks furious to me for dragging her here.

Napatingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala. I breathe out deeply.

"Seryoso ka ba d'yan? Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Hindi kita maintindihan, Jace. I really don't get you! Why did you drag me here for no reason, huh? Akala mo ba tayo pa din? Akala mo ba may relasyon pa rin tayo para hawakan mo na lang ako at dalhin kung saan mo gusto? Jace, tapos na tayo. We're over. Tapos na. Matagal na."

Napatahimik ako. I felt a pang in my heart. Grabe siya magsalita. Ang sakit niyang magsalita. Totoo nga ang kasabihang masakit ang katotohanan.

"Yun nga, Eliz 'e! 'Yun nga! 'Yun 'yung dahilan! Matagal na tayong tapos! Matagal na tayong wala pero parang tayo pa rin kasi nasasaktan pa rin ako!"

"Pero wala ka nang dahilan para masaktan, Jace!"

"I have, Eliz! I have! Alam mo kung ano? Kasi putangina lang! Nakakagago 'e! Paano ko makakalimutang iniwan ako ng girlfriend ko for four years nang walang dahilan? Ha? Iniwan ako na parang tanga! Iniwan ako na parang nagloko ako! Iniwan ako na para bang may malaki akong kasalanang nagawa! At ngayon babalik ka?! Susulpot ka na lang ulit bigla sa buhay ko na parang wala lang? Paano mo ako nagagawang harapin ng hindi nahihiya? Paano mo nasisikmurang humarap sa ex-boyfriend mo na iniwan mo nang walang dahilan? Ha? Eliz? Hindi ka man lang ba nahihiya sa akin?"

Diretso lang akong nakatingin sa kaniya while throwing those painful words. I can saw pain in her eyes and regrets... I guess? Napaluha siya sa mga sinabi ko. She even bit her lips to stop herself from sobbing.

"A-ano bang gusto mong mangyari?" tanong niya. Mas lalo akong nainis. Like fuck?! Anong gusto kong mangyari? Seryoso ba siya? Wala ba talaga siyang ideya kung anong gusto kong mangyari?

We have no closure. Ni hindi pa clear sa akin kung hiwalay na ba talaga kami kasi for god's sake! Hindi naman siya nagsabi. Bigla na lang siyang umalis! And now? Babalik siya? Tatanungin ako kung anong dahilan? Nakakagago.

Napahilamos ako sa mukha ko at tumingala. I closed my eyes as I felt some tears coming.

"We have no closure, Eliz. Alam mo bang sobra akong nahirapan nung umalis ka? Para akong mababaliw. Hindi ko alam kung anong p'wede kong gawin para mawala 'yung sakit." I paused.

Muli akong napabuntong hininga at nagpatuloy, habang siya, umiiyak lang habang nakatingin sa akin.

"Minsan ba, Eliz naisip mo ako? Minsan ba sumagi sa utak mo kung kamusta na ba ako? Kung okay na ba ako? Kung buhay pa ba ako? Minsan ba nilagay mo 'yung sarili mo sa sitwasyon ko? Kasi kung oo sana alam mo 'yung nararamdaman ko. Sana alam mo na kaya tayo nandito, na kaya kita dinala dito dahil gusto kitang kausapin. Gusto kitang tanungin kung bakit... bakit ka umalis? Bakit mo ako iniwan? Kasi Eliz kahit pa tapos na tayo, kahit pa gaano na katagal tayong tapos, hahabulin at hahabulin pa rin ako ng mga tanong ko sa isip ko. Hindi ko magawang magmahal ulit ng iba kasi bilanggo pa rin ako ng nakaraan... naiintindihan mo ba ako?"

Muli akong napatingala at napahinga nang malalim. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa magkahalong galit at sakit na para bang bumabalik ulit lahat ng nararamdaman ko noon. Mabigat sa pakiramdam pero totoo ngang kapag nasabi mo na ang mga bagay na matagal mo nang gustong ilabas, kahit papaano ay gayaan ang loob mo. It's been a very long time bago ko masabi lahat ng 'to.

I can hear her sob. She's crying as if sa aming dalawa siya pa ang mas nasasaktan. How come a girl like her will cry this hard kahit siya naman ang nang-iwan.

Bakit kaya minsan 'yung mga nang-iiwan sila pa 'yung may lakas ng loob na magpakita at um-acting na parang sila ang mas nasasaktan?

I felt Eliz approach me. She held my hand tightly. "Jace... Jace, I'm sorry kasi... k-kasi..." hindi niya pa man natatapos ang sinasabi niya, she cried uncontrollably again.

"I have reasons, Jace. I feel the need to leave you kasi... k-kasi I fell out of love..." she muttered dahilan para matigilan ako bigla.

"I-ilang beses kong pinilit ang sarili ko na mahalin ka ulit. N-na hanapin 'yung reasons kung bakit kita minahal pero wala. Wala akong nagawa. Hindi ko na alam 'e. Hindi na talaga kita mahal. I just woke up one day and having this unwanted feeling. Naramdaman ko na lang isang araw na wala na 'yung nararamdaman ko para sa'yo. I-i was scared, Jace. I became coward. I was scared to tell that to you that's why I left... and I'm so sorry k-kasi alam kong hindi dapat. Hindi dapat akong umalis 'e. Dapat nagpaliwanag ako. Dapat sinabi ko sa'yo para hindi ka na nahirapan pa nang mas matagal... I'm sorry... I'm sorry, Jace."

Nakatitig lang ako kay Eliz at diretsong nakatingin sa kanya habang umiiyak siya ng sobra-sobra na para bang sa aming dalawa, siya dapat ang mas nasasaktan. Na para bang sa aming dalawa dito, siya ang iniwan ng walang dahilan... na para bang siya ang nabigla dahil sa mga dahilang binitawan niya.

"I'm s-sorry..." she sobbed.

Nakaramdam ako ng frustrations. Damn, ang sakit naman. Ang hirap naman tanggapin nun.

She fell out of love with me... so kailan doon 'yung totoo at kailan 'yung hindi? Kailan siya ngumiti nang totoo sa akin? Kailan siya nagsabi ng I love you nang totoo at kailan 'yung sinabi niya lang 'yon dahil kailangan?

Napakuyom ang kamao ko.

"Ah, okay..." I nodded my head as her answered suddenly registered in my mind.

"Kailan pa? Kailan pa, Eliz? Tangina naman 'e. Fuck that reason! Sana sinabi mo sa akin nang mas maaga para hindi ako nakulong sa mga kagaguhang wala naman pa lang katotohanan! Kasi alam mo ba, Eliz... gulong-gulo na ako 'e. Kung matagal mo na akong hindi mahal-kailan mo sinabing mahal mo ako ng totoo at kailangan 'yung hindi?! Alin doon 'yung totoo? Saan doon 'yung kasinungalingan?!"

"Nahirapan ako, Jace! It was hard for me! I-i know it's my fault. I know I should've told you earlier para hindi ka na nahirapan. P-pero every single time na sinusubukan ko para akong napanghihinaan ng loob 'e. Gusto ko na lang umatras palagi. Hindi ko tinutuloy kasi ayokong masaktan ka..."

"At sa tingin mo ngayon hindi ako nasasaktan? At sa tingin mo 'yung ginawa mong pag-aalis, hindi ako nasaktan doon? Bakit ang selfish mo?"

She was taken aback by my words. Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo... I'm not selfish, Jace!"

"You are, Eliz! You are! Hindi mo ako inintindi! Umalis ka na lang bigla! Tapos ngayon sasabihin mo na ginawa mo yon para lang din sa akin? Do you expect me to thanked you?! Inaasahan mong pasasalamatan kita kahit parang pakiramdam ko nung mga panahong 'yun wala akong kwentang tao! Para akong mamatay, Eliz! At wala kang alam doon!"

Then she shed tears again.

"I can't blame you kung ganyan ang tingin mo sa 'kin, Jace. But still, I'm sorry... s-sana mapatawad mo ako."

After that she left me, stunned by the absence. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa unti-unti na siyang mawala sa paningin ko.

Bakit parang mas nasasaktan siya? Hindi ba dapat ako 'yon? Dapat ako 'yung umiiyak. Dapat ako 'yung mas nasasaktan. Pero kung makaarte siya, parang siya pa 'tong mas nahirapan.

Tumalikod na rin ako at umalis hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong papunta kay Juls na nasa restroom.

I deeply sigh once again.

And as I do that, I heard someone's calling my name.

"J-jace..."

Napatingin ako dito, and right then and there, I saw Julia. She's standing from afar, looking at me with shocked in her eyes.

"Julia..." lumapit ako kay Julia at niyakap siya nang mahigpit.

And as our skin touches, as I felt her presence, parang lumuwag na rin ang nararamdaman ko.


****************

#LifetimeWP

https://www.youtube.com/watch?v=SJSWRNnyj28

Please play "Pansamantala" by Callalily after reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro