Chapter 18 - Before It Sinks In

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Play 'Before it sinks in' by Moira Dela Torre above for better reading!

***************

Chapter 18

"Is there a lifetime waiting for us?"

|HER|

'Curiosity kills me.'

Paulit-ulit na tumatakbo 'yun sa utak ko. Curiosity kills me. Because I'm fucking curious why Jace wasn't there when I needed him. Alam ko naman na sobra akong duwag. Alam ko na sobra ako kung dumipende kay Jace---and that's badly bad. I know very well that it's not healthy and it's pretty toxic.

Ang toxic nung thought na nakadipende ako kay Jace. Na sa lahat ng pagkakataon at bagay, inaasahan ko siya. Na kapag masaya ako kailangan nandyan siya sa tabi ko. Na every time malungkot ako, gusto ko nandyan pa rin siya sa tabi ko. Alam kong ang toxic na kapag kailangan ko ng tulong, si Jace kaagad ang naiisip ko.

Si Jace.

Akala ko kasi palagi siyang nasa tabi ko. Akala ko kasi isang tawag ko lang, he's there. I thought he's always there beside me. I was thinking that he can be by my side whenever I feel alone or whenever my trauma was attacking me again. Pero hindi. I was wrong. Hindi pala. Hindi pala dapat. So I should stop this growing feelings and attachments of mine towards him.

I know na dapat minsan matuto ako sa mga bagay nang ako lang. Alam ko na dapat sanayin ko na ang sarili ko paunti-unti na wala siya dahil alam ko naman na hindi siya palaging nandyan. Masakit, pero ano bang magagawa ko? Dapat marunong akong tumayo sa sarili kong mga paa.

Pero paano ko ba gagawin 'yon? Nasanay ako na kasama ko siya. Nasanay ako na nandyan palagi 'yung Jace na best friend ko. Nasanay ako na nasa tabi ko palagi si Jace.

So how can I teach myself to learn on my own? How can I teach myself to get used to every single things without him?

Nung junior highschool kami may nambu-bully sa akin. Palagi akong binubwiset nung lalaking 'yon tapos bubuntutan ako para lang mang-asar. One time nakasalubong ko si Jace kaya sinabi ko sa kanya 'yung nangyari. Tinanong niya sa akin kung sino daw ba 'yung loloko-lokong lalaking 'yon. At ako 'tong si tanga, tinuro din. Kinabukasan, nagulat na lang ako nang biglang lumapit sa akin 'yung lalaking bully at bigla siyang nag-sorry out of nowhere.

At ang nakakagulat pa ay may pasa siya sa mukha---sa may bandang pisngi. I don't know what to respond nor what to react. Pero nagulat na lang din ako nang makita ko din si Jace nung araw na 'yon.

He's smiling brightly habang naglalakad palapit sa akin but something stopped me. May black eye din siya. I have no mite idea what he did that time. Pareho silang may pasa sa mukha nung lalaking nangbu-bully sa akin. Ayokong masyadong mag-isip ng kung ano-ano dahil baka nagkataon lang na pareho silang may pasa sa mukha at nagkataon lang din na biglang nag-sorry sa akin 'yung bully.

Nung isang beses naman na nawalan ako ng pera at wala nang natira para sa pamasahe ko, I decided na maglalakad na lang ako pauwi sa amin. Hindi rin naman masyadong malayo ang school na pinapasukan ko sa bahay namin kaya p'wede namang lakarin. Nakakailang hakbang pa lang ako palayo pero nakasalubong ko si Jace sa may tabi din ng daan. Naglalakad din siya at sinasabayan niya ako.

Sinusundan niya ako. Gabi na rin kasi ang uwian noon. Hindi ko alam kung bakit. Pero hanggang sa makarating ako ng bahay nakasunod pa rin siya sa akin. Nagalit sa akin si lola Delia noon dahil gabing-gabi na ako umuwi. Ni walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Nakayuko lang ako habang paulit-ulit na humihingi ng patawad dahil hindi ako p'wedeng sumagot. I couldn't defend myself and so Jace did it for me. Alam na alam niya kasi na paborito siya ni lola. Magaling kasi mambola si loko. Kaya ang ending, doon na lang siya sa bahay nag-dinner.

Tapos every year, every death anniversary ng parents ko pumupunta ako sa may sementeryo kung saan sila inilibing. At doon. Doon ako umiiyak nang sobra-sobra. I will cry my heart out. Kasi kahit anong mangyari, kahit gaano na katagal at kahit gaano pa katagal ang lumipas, the pain my parents left me when they died will never fade away.

Sasamahan ako ni Jace na magpunta sa sementeryo but he will not accompany me when I was in my parents' grave because he knew very well that I couldn't cry when there were people around me.

Mags-stay lang siya sa malayo. Kunwari wala siyang nakikitang Julia na umiiyak. Kunwari wala siyang naririnig na mga hagulgol ng babaeng umiiyak dahil sa mga namatay niyang magulang.

At pagkatapos kong umiyak at right after I feel better ay lalapit na ako sa kanya and we will act like as if there's no such thing happened. Dadalhin niya ako sa labas, tapos kakain kami ng ice cream sa malapit na ice cream parlor.

Jace is there---like always. Like constantly. Like regularly. Like continuously. Palagi. Araw-araw. At isa sa mga natutunan ko habang kasama ko siya, natutunan ko na kapag nasanay ka na sa tao at kapag nasanay ka na rin sa kung paano ka mabuhay kasama siya, hindi magiging ganoon kadali para sa'yo ang mabuhay ulit mag-isa kung sakaling umalis siya o kung sakaling pilitin mo ang sarili mo na mabuhay nang malayo sa kanya.

Kaya nahihirapan ako. Nahihirapan ako at hindi ko alam kung saan ako magsisimula o kung paano ba ako magsisimula na turuan 'yung sarili ko na wala siya.

Si Jace...

He became my source of happiness.

When he became part of my life, biglang bumalik 'yung dating Julia. 'Yung Julia na masiyahin. 'Yung totoong ako.

I've been with him for too long. I have become accustomed to his company and his presence. It's been ten years. Marami na kaming napagsamahan. Marami akong nalaman na mga bagay tungkol sa kanya at ganoon din siya sa akin. I learned a lot from Jace. He became the foundation of my broken hearts.

He taught me how to be happy. He always reminds me of good things I forget to do. Palagi siyang nand'yan sa tabi ko sa tuwing nakakagawa ako ng hindi magandang bagay at napapasama sa trobol. Sa tuwing nasa tabi ko siya, napapanatag ako.

Jace has been my support during the times I've been down in life. He's the one who understands me and doesn't judge me every time he sees how weak I am as a person. He was always by my side and because of that, I got used to his company. With so much he taught, I have even learned to love.

I learned to love him.

Sa tinagal ng panahon na magkasama kaming dalawa, hindi lang ito ang unang beses na nag-come up ako sa ganitong desisyon. Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses ko nang gustong sumuko. Kasi sa nararanasan ko, imbis na nagmamahal ako ng masaya, mas lalo lang akong nasasaktan.

It's been a long time. Siguro ito na talaga 'yung time. I keep on telling myself "You can do this, Julia!"

Kaya ko 'to. Kakayanin ko rin.

Napahinga ako bigla nang malalim dahil sa mga thoughts na pumapasok sa utak ko. I looked up and took a deep breath.

Aaminin ko na I feel disappointed. Hindi ko alam kung saan o kung kanina but more on I'm disappointed because Jace wasn't there when I needed him. Dismayado ako sa kanya siguro dahil siya ang inaasahan kong tutulong sa akin. Dismayado ako dahil hindi niya nasagot ang tawag ko at mas lalong dismayado ako dahil hindi ko nagawang marinig ang boses niya na nagpapakalma sa akin sa tuwing natatakot ako.

Pero kung dismayado ako sa kanya, mas dismayado ako sa sarili dahil alam ko naman na wala akong karapatang maramdaman 'to. Ano bang alam ko? Paano pala kung sobrang busy sa trabaho ni Jace kaya hindi niya nagawang sagutin 'yung tawag ko? Paano pala kung may something important na nangyari? Dapat ba unahin niya ako? Dapat ba ba mas inuna niya ako kahit wala naman siyang obligasyon sa akin?

I feel like a big mess. Pakiramdam ko isa akong malaking pabigat. Napatingala ako at napapikit. Tuluyan nang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Mga luhang hindi ko alam kung saan nanggagaling. Umiiyak ba ako dahil naalala ko ulit kanina 'yung nangyaring aksidente fifteen years ago? O umiiyak ako dahil nasasaktan ako sa taong inasahan ko na hindi naman dumating?

Nakaupo ako sa isang hospital cot. I just woke up and finding myself lying here. Nakatitig lang sa malayo habang tuloy-tuloy lang na tumutulo ang mga luha ko. Nakasarado ang pintuan ng kwarto ko kaya wala akong ibang kausap, at ang tangi ko lang nagagawa sa ngayon ay mag-overthink.

The last thing I remembered is that there was an accident. Nagkakagulo ang mga tao sa labas. Maraming mga taong duguan at humihingi ng saklolo. And then hindi katagalan may isang lalaking lumapit sa akin para tulungan ako. We went out of the bus and after that saka ko muling nakita ang mga taong nagkakagulo. Ang magulong daan at mausok na lugar. Tapos... tapos... Black out. I couldn't remember anything.

Muli akong napabuntong hininga at napapikit. Para akong nanginginig ulit sa tuwing naalala ko ang pangyayaring 'yon. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko saka tumayo.

I was about to go to the restroom which was also inside the room but I stopped when I heard a knock on the door.

I turned around at nagtatakang tiningnan ang doorknob na paulit-ulit na gumagalaw na para bang may pilit na nagbubukas dito.

"JULIA!"

I was startled from where I was standing and looked at the door in shock when I recognized the voice of the man outside. Nanghihina ang mga tuhod ko. I feel like it's my tears, again trying to get out.

I pursed my lips.

Ayoko sana siyang makita. Halo-halong emosyon ang nararamdam ko na para bang nagtutulak sa akin para hindi ko gustuhin na makita siya. Gusto ko muna sanang mapag-isa. Gusto ko muna sanang matahimik at ayokong guluhin niya muna ako...

"Juls!" I overheard Jace.

Nakita ko kung paano mabilis na bumukas ang pinto ng kwarto at saka siya pumasok mula doon. Nang mapalingon siya sa pwesto kung saan ako nakatayo, mabilis siyang lumapit sa akin. He then pulled me closer to him and wrapped his hands around my waist. Walang ni isa sa amin ang nakapagsalita. I don't know what to say. I'm lost for words.

I just remained standing and staring at the door that was now open. Hindi ko rin siya mayakap kaagad pabalik. Dala ng gulat hindi ako 'agad na nakapagsalita. But I'm all aware that I am running out of breath. I could also feel that my eyes are starting to be teary.

"Julia... I-I'm sorry." I heard Jace say pushing away my tears to get ahead of the fall.

Hindi ko alam kung para saan ang paghingi niya ng tawad pero namalayan ko na lang ang sarili ko na umiiyak ng sobra habang nakabaon ang ulo ko sa balikat niya.

He may be apologizing for being late. He may be apologizing because he made me feel this way. He made me feel guilty and sad. At maaaring humihingi siya ng tawad dahil nakikita niya akong umiiyak pero hindi niya ako magawang patahanin.

"I-im sorry kung nahuli ako. I fucked up. Kasalanan ko. Kasalanan ko, Juls. I'm so sorry. Don't cry. Please don't cry. I'm here. Nandito na ako, Juls. I promise... I promise hindi na ako mahuhuli ulit." his voice suddenly broke and with that, all my emotions that had come together suddenly came out.

I felt his overwhelming embrace. He placed his hand on my head and caressed it. I buried my face in his chest and cried.

Pakiramdam ko mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko na alam ang naging pagkakasunod-sunod ng dahilan kung bakit ako umiiyak pero ang alam ko lang, halo-halo na ang lahat.

Hindi ako masyadong malakas para indahin 'to 'e. Hindi ako masyadong malakas para patahanin ang sarili ko sa tuwing umiiyak ako kaya natatakot ako sa tuwing ganito siya dahil baka isang araw... baka sa isang iglap umiyak na lang ako nang mag-isa. Baka isang araw umiyak na lang ako na wala na siya sa tabi ko.

Sa isang iglap lang... heto na naman ako.

Here we go again...

Napahikbi ako ng malakas at saka siya niyakap pabalik. Naramdaman ko naman na mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. I'm really lost for words. I have no idea what to say. The only thing I know is that I'm crying. My hands were shaking at hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko.

Naiinis ako. Bakit ba kasi ako ganito? Why the hell am I like this? I feel like a bothersome. Pakiramdam ko malaki akong sagabal sa kanya.

Nananatili lang akong umiiyak habang nakayakap kay Jace. I don't know what to react.

"Sorry... sorry, Julia kung nahuli ako."

He kept on apologizing while gently caressing the back of my head.

He never spoke again but I could feel remorse and his sincerity. I know him... I know him well.

I leaned on Jace's chest for a while and burst into tears. Pakiramdam ko lahat ng sakit na nararamdaman ko ay ibinuhos ko na lahat. Lahat ng pagod.

As I hugged Jace, there's so many questions ran through my mind. Paano na lang kung wala siya? Paano na lang kung hindi talaga siya dumating at hinayaan ako? With so many questions going through my mind I feel like I'm going crazy. As I hugged him, suddenly this bizarre thought came...

I don't really know what love is. I have no idea what is love and how that fucking thing happens. But one thing is for sure. That there's no certain in love. Sometimes goodbyes really happens.

Si Jace 'yung tipo ng kaibigan na hindi kayang mang-iwan pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako na baka isang araw umalis na lang siya kapag nalaman niya ang nararamdaman ko. He's caring and thoughtful.

He's the typical type of friend na halos oras-oras kang papaalalahanan na kumain ka sa tamang oras. 'Wag magpapagutom. 'Wag magpapakapagod. Ingatan mo ang sarili mo. Be careful always. Be attentive to yourself. Be observant. He always reminded me to pray, to be grateful, to ask god for forgiveness.

Maaaring sa ibang mga tao, simple lang 'yon. There's nothing special. But whenever Jace is telling me those words, my heart leap out. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon. I have no idea how he manages to make me fall for him over and over again. Even deeper.

"Give time for yourself, " Yun ang palagi niyang sinasabi sa akin at sa sobrang daming beses niya ng sinabi sa akin ang bagay na 'yan, hindi ko na makalimutan.

Jace never failed as my best friend. Minsan sa sobrang buti niyang kaibigan, pati ang mga sweet gestures niya na hindi ko dapat bigyan ng malisya, inaasahan ko. Though, alam ko na hanggang dito lang kami. Alam ko na may malaking pader ang nakaharang sa pagitan naming dalawa na halos araw-araw isampal sa akin ng tadhana.

I really love Jace. But as much as I love him, I'm running out of love for myself. Love is not selfish, isn't it?

When we love a person, we shouldn't be hurt at all times. We should feel better and the pleasure of love by some means. But in my case, it's so different to the point that I can no longer afford to give him love knowing that I'm running out of love for myself.

Hindi ba dapat healthy ang love? But look... It's unhealthy to me to the point na nauubos na ako. Maybe, it's the right time for me to set free. To let go of my feelings for him. To change and to start again.

Masyado akong nakulong sa pagmamahal ng taong hindi ako kayang mahalin pabalik. I understand our situation. I can comprehend that he can't give the love back to me because that's how affection and devotion is. Love doesn't even expect anything in return.

Pero minsan pala kahit alam natin kung ano dapat ang takbo ng pag-ibig, hindi natin maiwasan na humingi nang mas higit pa. Kahit minsan lang. Kahit isang beses lang. Dahil gusto lang natin maranasan na mahalin ng taong mahal natin.

But we know that life is unfair.

So here I am, standing next to Jace while hugging him and still crying, decided not to bother him anymore. I will no longer ask in destiny for a chance to have 'us' with the two of us. I just want to ask the universe for the last time---why did this happen to us?



********************

#LifetimeWP

Just_A_Goofy_Lady's Note:

Hi goofies! Ngayon na lang ulit ako nakapag-update ng story na ito. Anyways, mabanggit ko lang po na ang title ng story na 'to formerly ay "Lifetime" and now it's "Was There A Lifetime Waiting For Us?" so para hindi malito ang iba. I just decided to changed the title para mas maging catchy at approaching sa mga readers. Isa pa, salamat sa mga nagbabasa! Even sa mga silent readers. Thank you po!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro