Chapter 32 - Jealous and Numb

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 32

|HIM|

So he likes her.

Sa halos buong oras nang pag-upo ko habang naka-indian seat sa lapag, ayun lang ang panay na sumasakop sa isip ko. Hindi matigil. Parang may kung anong sirang plaka ang paulit-ulit na nagpe-play ng bagay na 'yon sa utak ko hanggang sa tila ba marindi na lang ako.

Nakaupo ako sa ground floor, naka-indian seat habang nakatingin kay Julia na nakangiti habang kinakausap si Zane. Napabuntong hininga ako sabay bagsak ng soda in can sa mini table sa gitna. Sa sobrang lakas ng pagkakabagsak ko, napalingon silang lahat sa akin, including her with all shock in their eyes.

"Jace, ano ba dahan-dahan naman! Tumatalsik 'yung soda 'e!" Nikki spat out pero hindi ko siya pinansin. Tinignan ko lang si Julia na nakatingin din sa 'kin, confusions written all over her face.

"Jace, are you okay?" I overheard Eliz asked me. At sa puntong 'yon, napabuntong hininga na lang ulit ako sabay harap sa kanya.

Two weeks. Dalawang linggo, at sa loob ng dalawang linggo, Eliz's condition is improving. Nag-undergo siya ng mga tests, hiatus, treatments at therapy.

Nung una, nahihirapan pa siyang mag-adjust dahil naninibago pa siya sa mga gamot na kailangan niyang i-take kaya hindi ko rin siya maiwan-iwan dahil palagi niya akong hinahanap.

Minsan, gusto ko nang umuwi at magpahinga dahil sobrang exhausted sa trabaho pero tumatawag pa si Tita Mae sa akin minsan dahil hinahanap daw ako ni Eliz.

I don't mind it though. Gusto kong makatulong. Also, I want Eliz to get better and better. There's always times where I'm trying to approach Julia dahil pakiramdam ko, nagiging invisible na kami sa isa't-isa kaso palaging sumasablay.

Sa loob ng halos ilang linggo at buwan, I spent my time at work and taking care of Eliz. I know very well na hindi ko naman obligasyon na tulungan at puntahan si Eliz dito sa hospital. I just want to help, as her friend.

Sa mga nagdaang linggo din, nag-usap na kami ni Eliz. I want to end the endless things between the two of us. Ayoko siyang umasa dahil ayoko ring makasakit. Klinaro ko na 'yung magulong bagay sa pagitan naming dalawa and I directly told her na hanggang dito lang kami. I'm just here with her as her friend. No more. No less.

Ayoko namang mag-expect siya sa bagay na hindi dapat. Ayokong makasakit dahil alam ko 'yung pakiramdam ng umaasa sa isang bagay na malabong mangyari.

Oo, acceptable 'yung reason niya na kaya siya umalis at nakipaghiwalay sa akin ay dahil may sakit siya. But for the past years of my life, 'yung pagmamahal ko, napatungan na ng galit, tampo at mga tanong kaya nung malaman ko ang totoo—wala na. Wala na akong nararamdaman para sa kanya.

And to be honest, hindi ko alam kung okay ba talaga sa kanya 'yon o okay ba talaga kami dahil nung sinabi ko sa kanya 'yon, Eliz just smiled at me and she immediately changed the topic. She changed the topic like as if she never heard anything about it. At alam ko, masakit para sa kanya 'yon.

Alam ko naman na kahit anong gawin ko, masalo ko man siya o hindi, masasaktan at masasaktan pa rin siya. Pero mas maganda na kasi na sa umpisa pa lang, matapos na 'to. Kumbaga, clear na lahat. Wala na akong ibang iisipin dahil itong ginagawa kong pagtulong at pag-aalaga, wala lang. Ginagawa ko lang 'to bilang kaibigan at dahil nandoon 'yung fact na may pinagsamahan kaming dalawa.

Eliz is too kind and subtle. Hindi niya deserve masaktan. At mas lalong hindi niya deserve na masaktan nang dahil lang sa akin because from the very first place, hindi ko alam kung paano ko siya masasalo kung sa ibang tao ako nakaabang.

Alam ko naman na there will come a time that she will also meet a man who will truly love her whole and genuine. The man she doesn't have to ask for time because it will be given to her fully. Eliz deserves so much better and I know, she doesn't deserve me. Ayokong hintayin niya ako dahil naghihintay rin ako sa iba.

Sa nagdaang dalawang linggo, bumubuti naman na ang pakiramdam niya. She was able to cope with the dosage of medications and somehow she was able to cope up with her situation.

At ngayon, dapat talaga dadalaw sina Hugo, Akiro at Atlas dito kaso hindi ko alam na niyaya pala nila si Julia at Nikki. Wala naman sa 'king problema 'yon dahil sabi ko nga, this might serve as our bonding as a troop. Dumating sila dito earlier and everything would've been fine if and only if, walang dumating na asungot.

Nagulat na lang kaming lahat kanina na biglang pumunta dito si Zane. May dala siyang mga bulaklak at prutas na binigay niya kay Eliz. But what's more surprising? 'Yun 'yung katotohanan na pumunta siya dito hindi dahil kay Eliz kundi dahil alam niyang nandito si Julia. I have no mite idea how he knew about it and I don't even give a damn. Nababanas lang ako.

At ngayon, lahat kaming walo ay nakaupo sa ground floor ng hospital room ni Eliz, naka-indian seat at pabilog na nakaupo habang may mini table na nasa gitna. At kung mamalas malasin ka nga naman, nasa harapan ko pa si Zane at magkatabi pa sila ni Julia.

Napahinga na lang ulit ako nang malalim sabay tango kay Eliz dahil hanggang ngayon, naghihintay pa rin siya sa sagot ko. Inalis na rin sa akin nila Nikki ang tingin nila, including Julia and then she started talking to that man, again.

Napaiwas na lang ako ng tingin. I even bit my inner cheek.

I once again breathe out deeply. This was the first time na na-meet nila Nikki, Akiro, Atlas at Hugo 'yang si Zane. Kung makipag-kamay naman 'tong tatlo, masyadong obvious na tuwang-tuwa sila.

Aminado ako, matino 'yang si Zane pero mas gwapo pa rin ako. Ewan ko nga ba't nagustuhan 'yan ni Julia dati 'e hindi naman masyadong kagwapuhan. Parang natural at nothing new naman.

They started talking again. Paminsan ring nakikisali si Eliz habang patawa-tawa. Si Nikki kanina pa ngiting-ngiti na parang akala mo hindi nagiging amazona kapag kami ang nakikita 'e. Sina Atlas naman, dude na kaagad ang tawag kay Zane. Like seriously, ano bang problema ng mga 'to?

Napakunot ang noo ko nung marinig kong excited na excited na nagtatanong kay Zane sina Juls at Nikki about sa mga bagay tungkol sa Switzerland.

Eh, jusmiyo marimar na 'yan, oo p'wede naman silang mag-search. Gatong pa nang gatong 'tong si Atlas.

"Oh, wait—really?! You're from Switzerland? I love that country kaya! Dream destination ko 'yang Switzerland 'e! I love their milky chocolates and the places lalo na 'yung Lucerne place. I've been there once and grabe! I love the place so much. Tapos 'yung popular na drink d'yan na white wine? The best!" sabi ni Nikki.

Napatingin naman ako kay Atlas.

"So yayamanin ka pala, dude? May pa-Switzerland ka pa. Siguro rich kid ka 'no?" umakbay pa si gago kay Zane.

"I've been to Switzerland before. It's indeed a storybook place to visit. Mostly sa mga tao German language 'yung gamit. Marunong ka ng language nila doon?" tanong ni Hugo.

Zane nodded until Akiro butted in.

"Mukhang ako na lang pala hindi nakakapunta d'yan sa Switzerland ah? Marami bang chix d'yan? Mapuntahan nga."

They laughed all together.

"Saan ka pala sa Switzerland?" Juls asked habang nakatingin kay Zane. Zane faced her while smiling kahit mukha namang butiki.

Bad trip! Bakit kailangan ganyan sila ka-close ni Julia? Ha?!

"Sa Bern. It's the city, capital of Switzerland. Pero galing din kami dito sa Pilipinas bago kami mag-migrate sa ibang bansa." sabi nito sabay lingon sa akin.

May balak ba 'tong gagong 'to magkwento about sa past niya? Tanginang 'yan 'wag niya akong idadamay.

They started talking again.

Mayamaya pa, I saw how Julia would talk to Zane and she's even smiling from ear to ear.

"Gusto mo ng chips?" tanong ni Julia doon sa asungot na katabi niya.

Napakunot naman ang noo ko. Wow lang ah? Pero kapag ako ang kausap niya, ibabato niya lang sa akin 'yung chips tapos sasabihan pa akong patay-gutom.

Napangiti naman si Zane. "Sure."

I saw how Julia reach for the chips in front of me na malapit lang din sa akin. Nahirapan siyang kunin 'yon. Tinitignan ko lang siya hanggang sa mapatingin siya sa akin na para bang sini-signal niya na iabot ko sa kanya 'yung tsitsirya.

Napabuntong hininga ako. Kinuha ko 'yung chips pero hindi ko binigay sa kanya, instead, binuksan ko lang 'yon at ako ang kumain.

Julia looked at me with shocked and I could feel her disbelief because of what I did pero hindi ko na lang sila tinignan ni Zane. Umiwas ako ng tingin sabay subo ng chips na parang wala lang. I heard how she quietly groaned na para bang pinaparating niya na lagot ako sa kanya mamaya. Ah basta, bahala siya d'yan.

Nagpatuloy lang silang lahat sa pag-uusap habang pasimple kong inoobserbahan kung anong ginagawa ni Juls. Nakita kong kumuha siya ng isang slice ng pizza na nakapatong sa mini table sa gitna at nilagay 'yon sa plate ni Zane. I looked at her in disbelief and my mouth even hanged opened. She doesn’t even look in my direction as if I never existed in her world.

I looked at her intently. I want to make her feel that I'm staring to her pero no matter what I do, hindi talaga siya lumilingon. Problema ba nito? Parang sa isang iglap lang, handa na siyang pagsilbihan 'tong si Zane na tuwang-tuwa din naman.

I sarcastically laughed in my head. Ganoon pala. Siguro her feelings for that guy came back? At ngayon na nararamdaman niya na parang gusto rin siya ng lalaking gusto niya, sobrang saya niya rin. Kaya siguro ni hindi lumilingon sa direksyon ko. Ni hindi nga rin ako tinitignan.

Oh e 'di ayos pala. Fine. Ganun pala e 'di pakasaya sila. Good for them.

"Jace, p'wede bang paabot ako nung cucumber?"

I turned to Eliz as she spoke. Nasa right side ko si Eliz habang nasa left side ko naman si Akiro. Sa tabi ni Akiro nakaupo si Hugo na katabi naman sina Julia at Zane while Nikki and Atlas are sitting next to them.

Napatingin ako sa cucumber na tinutukoy niya. Medyo malayo pala 'yon. Halos nasa harapan nila Zane. Umangat ako nang kaunti to reach for the cucumber and because of it, natigil sa pag-uusap sina Zane at Julia at napatingin sa kamay ko na nasa harapan nila. Hindi ko sila pinansin, instead, kinuha ko lang 'yung plate ng pipino at inabot kay Eliz. Hindi siya p'wede sa mga junk foods na kinakain namin kaya puro gulay at prutas lang ang halos snacks niya.

"Thanks, Jace." I overheard her being grateful.

After noon, Eliz spoke to me and asked me about school and work. Imbis na ibaling ko ang atensyon ko kila Julia, humarap na lang ako kay Eliz at siya ang kinausap ko tutal mukhang wala namang balak mamansin itong best friend ko kuno.

***

|HER|

I wonder what's going on inside his head?

Simula pa kanina, Jace never really talked casually. Kung magsasalita siya ang titipid lang ng mga words niya. Usually, nakikita ko kay Eliz lang siya nag-e-enjoy na makipag-usap and I must admit, I felt a lump in my throat every time I saw how mischievous he was when he's talking to her.

Nakakaselos.

Hindi ko na rin alam kung ilang buntong hininga na ba ang na-re-release ko this day. Kulang na lang maubusan ako ng hangin sa katawan dahil sa tuwing sumisikip ang dibdib ko, umiiwas lang ako ng tingin sa kanya and once again, bubuntong hininga ulit because I am hoping na mawala 'yung sikip sa dibdib ko.

Starting the moment we sat here, he never really spoke to anyone but none other than Eliz. Para bang kay Eliz lang siya natutuwa. It was as if pati sa presensya ko, naiinis siya.

Kanina pa siya ganito. Tahimik. Walang kibo. Palaging padabog uminom ng mga drinks tapos kapag accidentally kaming mapapatingin sa mata ng isa't-isa, siya ang unang iiwas ng tingin. I was asking, ano bang problema ng taong 'to? May galit ba siya sa akin or what? Bakit siya ganito?

Wala naman siguro akong ginawang masama? Why is he giving me cold treatment? Why is he doing this? Why is he ignoring me? There's actually a lot of questions that keeps on running through my head the whole time that we're sitting here.

Kunwari makikipagkwentuhan ako kay Zane. Kunwari makikipagtawanan to divert the painful fact na hindi ako pinapansin ni Jace at para bang kay Eliz lang siya panatag. I am entertaining Zane and keeps on asking him some random questions na paminsang dadagdagan nila Nikki kaya magtatawanan kami at magtutuloy-tuloy lang sa kwentuhan.

Tapos kanina nung niyaya ko si Zane ng chips, tinignan ko si Jace to signal him na abutin sa akin 'yung chips because to be honest, hindi ko talaga maabot and that's also a way of mine to assure kung galit ba sa akin si Jace or what. Pero na-confirm ko lang na parang inis nga siya nung kinuha niya 'yung chips pero hindi niya naman inabot sa akin. Instead, siya lang ang kumain. Hayop din talaga. Nakakahiya tuloy kay Zane.

Pero what's bothering me?

That's the fact na parang hindi kami okay. My heart sinks. I was not expecting this kind of treatment from him. Does he even care na ganito kami sa isa't-isa? Na cold kami sa isa't-isa? Why the hell on earth would he treat me like this?

Nakakainis.

"Jace, p'wede bang paabot ako nung cucumber?"

Habang nagkukwento si Zane, napalingon ako nang pasimple when I overheard Eliz. She was facing Jace as if waiting response from him. 'Yung cucumber na tinutukoy ni Eliz ay nasa harapan lang namin ni Zane. Zane was busy explaining me some random answers na tungkol sa tanong ko sa kanya kanina.

I can feel that Jace was reaching for that cucumber Eliz was asking. Napatigil kami ni Zane sa pag-uusap at napatingin sa kamay ni Jace. Sa puntong 'yon, pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Nakakainis siya. Nung ako 'yung nagpapaabot ng chips kanina, hindi niya ginawa. Tapos ngayon...

I just sighed deeply to divert the unnecessary thoughts.

"Thanks, Jace." I heard Eliz payed her gratitude.

And then after noon, silang dalawa na ang nag-usap. At this point of my life, naiinis talaga ako na nagseselos while asking, why is he giving me this kind of treatment? Hindi niya ba alam na nasasaktan ako? Masakit kaya. Sobra.

"Guys, next week will be Atlas' birthday celebration. I hope makapunta tayong lahat."

Lahat kami napalingon kay Nikki when she spoke. She started explaining na magkakaroon nga daw ng pool party celebration for Atlas birthday and his other college and high school friends will be there too.

Nagsimula namang magbangayan sina Atlas at Nikki dahil ang lakas daw ng loob ni Nikki na mag-announce kahit hindi naman siya invited.

Habang nakatingin ako kina Nikki at Atlas na nagbabangayan, nakita kong magkausap na sina Zane at Eliz. They are casually talking about work. Si Zane, sobrang gaan kausap at halatang comfortable naman sa kanya kahit papaano si Eliz.

With that thought, napatingin ako kay Jace. At doon ko nakitang hindi maipinta ang mukha niya. His expression was too obvious. Jace was looking at Zane and Eliz who were having a talk to each other while his forehead creased and it's too evident that he's jealous.

Habang nakamasid ako sa expression ng mukha ni Jace, nakita kong bigla siyang napaismid at tumingin dito nang masama. He also caught me looking at him so I averted my eyes and stood up. Lumabas ako ng hospital room, hindi rin naman nila ako napansin.

Paglabas ko ng pinto, I only had two steps away from that room when I felt someone was holding my wrist to constrain me. Pagkalingon ko, nakasalubong ko kaagad ang nakakunot na kilay ni Jace. Tinaasan ko rin siya ng kilay.

Parang kanina lang hindi niya ako pinapansin. Ni hindi niya ako tinitignan tapos nakaiwas pa palagi ang tingin. It's also obvious that he's pissed off and I don't even know why. Tapos ngayon lalapit lapit siya. Ang lakas pa ng loob na hawakan ang wrist ko.

"Problema mo?" inis na tanong ko sa kanya.

Mas lalo lang kumunot ang noo niya. I was trying to hold back my hand pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak doon. I tried all my might for him to let go of my wrist but he's too strong to hold it tight.

I looked at him flatly. "Ano ba, Jace bitawan mo nga ako. Kanina ka pa bad mood. Kung bad trip ka dahil nagseselos ka, 'wag mo 'kong idamay."

I was lowkey observing his expression and I saw Jace was taken aback because of what I've said.

Nagseselos nga siya.

Pero masakit ha?

Bakit ba nanggugulo pa siya? Bakit hindi niya na lang pagtuunan ng pansin 'yung babaeng gusto niya na nasa loob? Nakakabanas.

Kita ko ang gulat sa mga mata ni Jace and for a moment, I rendered him speechless. So he still have feelings for her? I saw how he tried to open his mouth and was about to explain his side but in the end, he chose not to speak at all. It seems like in just a split second, he's lost for words.

Obvious na obvious si gago.

Nakita ko siyang napatawa ng sarcastic. Napaiwas pa siya ng tingin sabay balik ulit sa akin ng tingin niya. I'm quietly observing his actions and based from how he act, hindi siya magaling magtago ngayon.

"N-nagseselos? Huh! Hindi ah! B-bakit naman ako magseselos?" he trailed off.

I almost rolled my eyes. Tignan mo 'tong lalaking 'to, obvious na obvious na nga magsisinungaling pa. Mangangatwiran na lang, nauutal pa! Sinong niloko niya.

"Don't try to deny. You're too obvious, Jace. Sa 'kin ka pa nagsinungaling, hindi ako pinanganak kahapon 'no." I replied, sarcastically. He opened his mouth again and looked at me in disbelief like as if hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko

Huminga siya nang malalim and finally, binitawan niya na ang kamay ko.

"Bakit ako magseselos sa inyo? Makipag-usap ka kay Zane kung kailan mo gusto, wala akong pakialam."

Wait... ano daw?

I blinked once. I blinked twice. Pinagsasabi nito? Ako naman ang huminga nang malalim sabay tingin sa kanya ng diretso sa mga mata.

"You know, Jace we both know here na kaya nakabusangot 'yang mukha mo dahil Zane was trying to get Eliz's attention. Just say you're jealous para tapos na ang usapan." I told him and was about to leave.

Nakita kong parang nag-loading siya. He even creased his forehead na para bang sinasabi niya na hindi niya ako gets. Magde-deny pa, halata naman. Kahit kailan talaga 'e.

After a few moments, parang doon niya lang na-digest 'yung sinabi ko. His mouth hanged opened again before he took a deep breathe. He even looked at me in disbelief tapos huminga siya ng malalim at tumingala na parang naiinis siya.

Ano naiinis siya dahil nahalata ko siya?

I just rolled my eyes and turned around, leaving him there, dumbfounded. Pero nakakailang hakbang pa lang ako naramdaman ko na naman ang kamay niya sa pulso ko.

Aba't talaga—! Inuubos niya pasensya ko! Nakakainis talaga!

"Ano ba! Kanina ka pa hawak nang hawak sa kamay ko! Ang sakit kaya!"

This time nakita kong napahinga ulit siya nang malalim. He pursed the bottom of his lips before asking. "Ano bang sinasabi mo?"

Napaismid ako at napapikit. Ano ba 'to? Parang tanga naman. Hindi niya ba ako gets? O maang-maangan lang?

Inerapan ko siya sabay hila ng kamay ko sa kamay niya. "Hanggang ngayon gusto mo pa rin siya 'di ba? You still like Eliz until now that's why you're pissed off na inaagaw ni Zane 'yung atensyon niya. Kung galit ka, aba e 'di sana nasa loob ka. Hindi 'yung nanggugulo ka sa 'kin. Tsaka 'wag ka masyadong mag-alala at seloso d'yan, it's too obvious na gusto ka pa rin ni Eliz. At si Zane, I know he knew na may something between sa inyong dalawa ni Eliz kaya hindi 'yun gagawa ng move. Chill ka lang. 'Wag kang masyadong nababanas d'yan dahil hindi bagay sa'yo." I told him, deadpan.

Tinitigan ako ni Jace nang diretso sa mga mata ko. I looked at him back, pero habang ginagawa ko 'yon pakiramdam ko nalulunod ako na hindi ko maintindihan. He was just giving this serious look on his face.

Sa huli ako na lang ang napaiwas ng tingin. I was about to speak again pero naunahan niya ako.

"Bakit hindi ako mag-aalala? Dahil walang gusto si Zane kay Eliz? Sa tingin mo, sino kayang gusto niya?"

Napatigil ako.

Sa puntong 'yon ako naman ang natigilan at parang... hindi ko alam ang sasabihin ko. I mean, 'yun din naman ang gusto kong iparating sa kanya na he must not worry that much dahil I'm sure that Zane don't like Eliz. But why does it seems like I'm lost of words?

"Sinong gusto niya? Ikaw?"




******************

#LifetimeWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro