Chapter 35 - Kung 'Di Rin Lang

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 35

|HER|

'Gusto kita'

Jace sang the last part of the song while looking at me. And to be fucking honest, hindi ko alam ang mararamdaman ko because the mere fact na he is singing that kind of song while looking at me make me feel different thrill.

'Ayokong maramdaman 'to.'

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Because in all honesty, alam kong parang pinapalipad ko lang sandali ang sarili ko sa ere kahit alam ko na sa huli, babagsak ako, lalagapak at mapuputulan nang pakpak. At 'yung masakit? That's the fact na kapag nahulog ako, walang sasalo sa akin.

That's why when Jace was singing that song, I kept on watching at him while at the same time I'm also telling myself to not assume and not to jump into conclusions. Ayoko. Ayokong mag-assume. Ayokong masaktan.

Pero paano ko ba gagawin 'yon?! There's a possible fact that he's singing for me.

HE'S SINGING FOR ME.

Pero oo nga pala. There's possible fact. Ibig sabihin, walang kasiguraduhan. Walang assurance. P'wedeng posible pero p'wede ring imposible. So meaning, there's no certainty. Wala kaya dapat mas mabuti pang manahimik na lang ako.

Wala lang 'yun, Juls. Don't try to make things bigger. Don't try to give some meanings.

The band began to play the song. It was a powerful and heavy song that's currently hyping the crowd. I tried to give my focus and all of my attention on the band playing in front because I don't want to be distracted. Hanggat kaya ko, sa ganito na lang muna ako. Dito na lang muna ako titingin.

I can feel Jace's stares because he's standing from my left side. Ayokong tumingin sa kanya because I know the moment na magtama ang mga mata namin, baka malunod na naman ako. Baka umasa na naman ako.

Ilang beses na ba kasing nangyari na parang nagbibigay si Jace ng mga mixed signals? I couldn't even remember how many times it happened. Pero itong nangyayari ngayon, iba na 'e.

Naalala ko nung highschool when he was still full of determination to play, kitang kita ko sa mga mata ni Jace 'yung passion niya sa pagkanta. Sa tuwing tumutugtog siya, I'm not just happy because I'm currently seeing someone I admire but also because I could see from his eyes that he's too passionate sa ginagawa niya.

When he steps in the middle of the stage, when he puts on the guitar and when he starts to strum it mararamdaman mong ginagawa niya 'yung bagay na sobrang nakakapagpasaya sa kanya.

Simula pa lang nung teenage years namin, I knew how music means to him. Music is his life. Sa tuwing tumutugtog siya everyone could see that certain glow and demeanor in his eyes. Whenever he's singing while playing a guitar, he was smiling from ear to ear. Mararamdaman mo na lang habang nakangiti siya, nahahawa ka na pala. At habang nagiging masaya siya, nagiging masaya ka na rin pala.

It's as if whenever he was doing his passion, there's a definite feelings that will enter your soul dahil mararamdaman mong ginagawa niya ang bagay na bumubuhay sa kanya.

And Jace doing such things also makes me feel different and mixed emotions.

Noon, sa tuwing tutugtog siya sa harap ng maraming tao, walang kaba na makikita sa mga mata niya. Sobra siyang desidido at palaging excited na tumugtog at magpakita ng talento niya sa harap ng maraming tao. And the moment na tumapak na siya sa stage, he will automatically find my place and our eyes will meet. And just like that, mararamdaman ko na naman 'yung happiness niya habang kumakanta na para bang hinahawaan din ako.

Noon pa man, kumakanta na talaga si Jace sa harap ng maraming tao. Noon pa man, kumakanta na talaga siya habang nakatitig sa akin, nakangiti as he continues playing the guitar while singing every lyrics of the song.

Pero iba ito ngayon.

Iba 'yung kanina. Nagtatanong ako sa sarili ko, bakit ganoon na lang siya makatingin? Why is he giving me mixed signals? Why is he doing this? Pinapaasa ba ako ng best friend ko? Pero bakit?

Bakit, Jace?

Nandito na naman ba ako sa point ng buhay ko na magpapanggap ako na wala akong nakita? Nandito na naman ba ako sa punto ng buhay ko na aasa ako kahit wala naman dapat akong asahan?

Pero kasi... bakit parang meron? Bakit parang meron naman?

Ang sabi nila mararamdaman mo daw sa isang tao kung galit sila, masaya, malungkot, nasasaktan, insecure or even in love kapag nakikita mo 'yung kakaibang glow sa mga mata nila. You could judge by just looking at them directly into their eyes.

And that's exactly what I caught in Jace's eyes a while ago. Parang may iba. It seems like there's something.

Pero hindi. Hindi.

Nagkakamali lang ako dahil ngayon, kitang kita ng dalawang mata ko ang malaking sagot sa mga katanungan ko kanina lang. Dahil sa ngayon, kuhang kuha ko na ang sagot sa mga confusions ko kanina.

The loud and powerful song ended. Maingay pa rin ang paligid dahil nagsimulang mag-ingay ang mga tao sa paligid. The flickering lights continues to linger inside the living room. Pero sa kabila ng napakaraming bagay na p'wedeng umagaw ng atensyon ko, ito pa ang aabutan ko. Ito pa ang kukuha ng katiting na pag-asang nararamdaman ko kanina.

Pero tanga ko kasi 'e. Ba't pa ba ako umasa?

"Dude, para kay Eliz ba 'to? Nakita ko lang sa kwarto ko sa second floor kanina." sabi ni Atlas and then he lifted the necklace with the ‘E’ pendant.

The letter ‘E’ can symbolize the name Eliz.

And just like that, parang gumuho ang mundo ko. Parang gusto kong tumakas. Gusto kong tumakbo. Gusto kong magtago. Literal na naninikip ang dibdib ko at parang gusto ko na lang bigla mag-breakdown sa harapan nilang lahat.

Ang sakit. Sobrang sakit.

See, Julia? Tanga mo kasi. Just because Jace is looking in your direction, umasa ka naman. Nakalimutan mo bang magkatabi lang kayo ni Eliz? The song was not for you. Tanga mo. Gaga. Aasa asa tapos masasaktan.

Gusto kong matawa. Gusto kong tawanan ang sarili. Pucha. Ang sakit 'e.

I tried to divert my thoughts pero hindi ko kaya. Nakita kong lumingon sa akin si Jace. Nung una automatic na naglapat ang mga tingin namin pero mabilis akong umiwas ng tingin. I guess I'm scared that he might notice the pain through my eyes. Takot ko lang na mahalata niya ako.

I forced a smile at muling tumingin kay Jace. I gave him a smile. A smile that I know to myself, didn't reached my eyes. And right then and there, nakita kong parang may pag-aalala sa mata niya.

But why? Is he bothered? Is he worried?

Nakita kong umiwas si Jace ng tingin.

Okay. So parang bothered lang siya kasi hindi pa siya nakakapagkwento ng mga bagay tungkol sa kanila ni Eliz. Maybe, sekreto pa lang 'yung bagay na 'yun between him and Eliz and then suddenly, here's Atlas who almost revealed something.

Okay. Okay. At least malinaw na sa 'kin.

Lumapit si Jace kay Eliz and I could see with both of my eyes kung paano niya hawakan ang wrist nito. May sinasabi siya kay Eliz and there's an obvious surprised look on her face. Pagkatapos noon, tumalikod silang dalawa, naglakad palayo at tuluyang umalis.

At parang sinaksak ng ilang libong kutsilyo ang puso ko.

A necklace. A sudden walk out. An obvious surprise expression on both of their face na para bang may sekreto silang nabunyag na hindi pa nila handang sabihin.

Okay. Okay.

Sila na ba?

***

SOBRANG sakit pala makita 'yung taong gusto mo na may kasamang iba. Parang palaging may kamay na pumipilipit sa puso mo o kaya may paa na paulit-ulit tumatapak sa puso mo. Minsan pa, pakiramdam mo parang may isang milyong karayom at kulsilyo ang sumasaksak sa dibdib mo, 'yung tipong parang baon na baon.

At sa tuwing mararamdaman mo 'yon, wala kang ibang magagawa but to act normal. Kailangan mong magpanggap na okay lang. Kailangan mong umarte na parang hindi ka apektado kahit 'yung totoo, ang sarap gumuho ng buong mundo mo.

'Yung ang sakit sakit sakit sakit sakit makitang may kasama siyang iba pero wala kang ibang magawa kundi manahimik. Sometimes, you need to force a smile and tell the people around you that you're okay, that you're fine and you're doing well kaya 'wag silang mag-alala.

But deep down inside, you're dying and you want to seek for help. You want to scream. You want to cry your heart out and to just cry until the pain disappears.

That's how I used to feel right now. That's the exact situation I am in right at this point of my life.

At sa totoo lang, gustong gusto ko na lang tumakas. Para bang paulit-ulit na sinasampal sa akin ng mundo na ang tanga tanga tanga ko para asahan 'yung mga bagay na nakita ko sa mata ni Jace kanina kasi tangina... bakit ba ako umasa doon?

Parang sa mga ganoong gestures lang, napapatid ako. Sigurado ba akong sa akin siya nakatingin? Hindi 'e. Kaya ang tanga tanga ko. Ang tanga ko. Sobra.

At ang masakit pa, kahit parang durog na durog na ako at nahihirapan na akong huminga pinipilit ko pa ring magmukhang maayos lang sa harap ng lahat. At ngayon, isa na siguro sa pinaka malaking katangahan na ginawa ko ay ang sundan sila.

I just found myself walking up the stairs, following them na para bang sa ganitong paraan ko gustong patayin ang sarili ko.

There's an at least four rooms when I got up on the second floor. Hindi ko alam kung saan dito 'yung kwarto ni Atlas na pinahiram niya kila Jace at Eliz pero there's some hints that I could use. Sa dulong part ng second floor, I could hear two voices of two people talking.

In all honesty, hindi ko alam ang ginagawa ko. I don't literally know why I'm doing this. All I just know is that I'm doing it as my mind says there's no turning back.

Naglakad ako palapit.

Three steps away from that room, nararamdaman kong ito 'yung kwartong pinahiram ni Atlas kila Jace at Eliz. The door is slightly open, hindi ito tuluyang nakasarado kaya kitang kita ko 'yung side profile nilang dalawa. Si Jace ang nakatayo sa left side at nasa harap niya naman si Eliz.

I couldn't hear them loudly dahil sa ingay na nasa ground floor. Lumapit pa ako ng kaunti at sumilip doon at oo, alam kong mukha akong tanga.

Why the hell am I doing this?!

Like what the fuck, self?!

Pero isa lang ang alam ko, there's an obvious eagerness inside me that's wanting to do this and to know something.

For a moment, pagkalapit ko sa pinto, somehow ay naririnig ko na rin ang usapan nila.

"Jace, why are you being like this?"

"Eliz... I'm..." Jace trailed off while looking at her.

Sobrang lapit nila sa isa't-isa and this scene makes me more woundable. I could feel a tight knot in my throat. Huminga ako ng malalim but I'm doing it in a quiet manner sa takot na baka mapansin nilang nandito ako.

"Jace, kasi you're being—"

"Eliz, I don't want you to do this." Jace cut her off.

"But, Jace you're being selfish to me! Hindi na kita maintindihan! It sucks! It really sucks! You're telling me... you're telling me this—anong gusto mong maramdaman ko? Matuwa? Because—"

"I'm sorry... I-I'm sorry. Ayoko lang maging magulo ang lahat." Jace cutt her off as he looks at her.

Napatingin ako sa expression ng mukha ni Eliz. She's just staring blanky ahead at him. Nalipat naman ang tingin ko kay Jace at parang gusto ko na lang biglang maglaho. Nakatitig lang din siya sa mga mata ni Eliz. At may nakita ko...

There's a mixture of fondness and attraction.

Napaatras ako as soon as I felt na hindi dapat ako nagpunta dito. This is their moment. Hindi ako dapat makialam. Wala dapat ako dito. Hindi ko dapat sila ginugulo. I must support him because he's my best friend. I must be happy for him because I know very well that Eliz will make him happy.

Dapat masaya ako 'e—pero bakit? Bakit parang... bakit parang ang sakit? Bakit ang sikip ng dibdib ko?

I blows out a breath as I took a step backwards. Siguro dapat talaga hindi na ako nagpunta pa dito. Siguro dapat talaga hindi na ako umasa. Siguro... siguro dapat talaga bigyan ko sila ng space and time together.

Right then and there, naalala ko 'yung one week na hindi namin pag-uusap ni Jace. Kung these past few days, nagtataka ako kung bakit hindi kami nag-uusap, kung bakit parang iniiwasan niya ako o kung bakit parang malayo na kami sa isa't-isa—ngayon naman malinaw na sa akin ang lahat.

Sobrang linaw na.

Maybe he spend time with her. Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Wow. Just wow, ang manhid ko naman. Hindi ako marunong makiramdam. Oo. Tama. In that one week, they must have been well. In that one week, malamang, naging okay na ulit sila. O baka nga, sila na talaga ulit.

Naramdaman kong may luhang pumatak sa kanang pisngi ko. Napahawak ako doon. Shit. Hindi p'wede. Hindi p'wede. Please. Hindi ngayon. 'Wag ngayon. Damn 'wag naman ngayon.

I do inhale exhale as I conditioned myself. Hindi ko pa rin naririnig na nagsasalita sila Eliz at Jace sa loob kaya napatingin akong muli sa direksyon nilang dalawa.

"Eliz, I don't want you to—"

Jace was about to say something but in a split second, in a split second Eliz cut him off by stepping forward and started kissing him.

She's kissing him.

In a blink of an eye, in just a split second, as the music downstairs was just constantly playing, and as I stood here while looking at them, I could immediately feel it.

I could feel the mixture of bitterness, pain, and sadness.

Sila na. Sila na nga.



*******************

#LifetimeWP

https://www.youtube.com/watch?v=pRpwHYJSU9g

Play "Kung 'Di Rin Lang" by December Avenues ft. Moira dela Tore. Thanks for reading!

Follow me on Twitter—edilyn_radones and let's tweet our reactions using the hashtag #LifetimeWP. Sana support niyo po ito sa promoting. Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro