Chapter 6 - Naghihintay

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 6

"Buried feelings grow..

Oh you were a good dream..."

|HER|

“Ang sakit ng ulo ko. Shit.” napabulalas ako pagkatayong pagkatayo ko pa lang. Pakiramdam ko binibiyak ang ulo ko sa sakit.

Paano ba namang hindi? Eh ang dami kong ininom kagabi. Kung kaya ko lang talagang tanggihan sila Hugo, ginawa ko na. E 'di sana hindi ako parang tangang ngangawa ngawa dito.

I was about to get off of my bed pero para akong nahilo. Parang umikot bigla 'yung paligid ko. Badtrip talaga.

Napasapo ako sa noo ko.

Hindi naman ako lasenggang klase ng babae. Matino ako at never ko naging so-called 'forte' ang pag-inom. Hanggat kaya ko umiwas sa mga tropa namin ni Jace nung college na nagyayayang mag-clubbing kami, ginagawa ko. I don't really want to be wasted and drunk. Ayokong maramdaman na parang binibiyak ang ulo sa sakit.

Pero anong nangyari? Sana pala sumunod na lang ako kay Jace kagabi na 'wag na uminom. Pero kasi ang hirap din naman tanggihan nila Hugo. Tama naman sila na minsan lang kami magkayayaan na magpunta ng club.

As soon as I feel like recovering mula sa pagkahilo ay tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nasa living room pa lang ako at hindi pa nakakaabot sa kitchen, I  heard someone ring the door bell. Lumapit ako sa pinto at sumilip sa peep hole, and to my surprise, I saw Jace's face.

Kaagad kong binuksan ang pinto. “Ba't nandito ka?” bungad ko kaagad na tanong sa kanya habang nakasimangot. Sinimangutan niya rin ako in exchange. “Ano? Sabog ka 'no? Lasing pa more!” sabi niya.

“Ha? Pinagsasabi mo? 'Wag ngayon, Jace. Masakit ulo ko baka mamaya hindi kita matantya.” I told him at napahawak muli sa noo ko.

“Badtrip ang sakit talaga ng ulo ko,” I say once I felt like my head was being split again.

“Punta ka sa bahay. Nagluto ako ng soup pang-pawala ng hangover.” sabi niya at kaagad na tumalikod sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Ba't ang init ng ulo no'n?

***

“Anong nangyari d'yan sa mata mo? Bakit namamaga? Umiyak ka ba buong magdamag?” nagulat ako sa tanong ni Jace.

Napahawak ako sa mata ko. Sa sobrang aga niyang kumatok kanina ni hindi ko na nagawa pang tumingin sa salamin para i-check kung mukha pa ba akong tao. As soon as I felt that my eyes are puffy ay natigilan ako.

Napahinga ako ng malalim at napapikit.

Malas na araw talaga. Ang sakit na nga ng ulo dahil sa inuman kagabi, ngayon malalaman ko pa na namamaga ang mga mata ko.

“Umiyak ka ba kagabi?” muling tanong ni Jace. Nilunok ko muna 'yung noodles na kinakain ko bago magsalita, “Ba't naman ako iiyak? Wala lang siguro 'yan. Baka side effects lang din ng kalasingan ko kagabi.” pangangatwiran ko.

Pinanliitan niya ako ng mata as if ina-access kung nagsasabi ba ako ng totoo. Muli ko siyang sinimangutan, “Oo nga! Wala lang 'yan! Kung makatingin 'to.”

I resumed my meal and drank the soup straight away so as for myself not to choke. I am not used to lying, pero dahil sa kailangan ko palaging itago ang nararamdaman ko, nasanay na rin ako. Wala 'e. Kailangan kong magsinungaling.

I remembered last night sobra akong lasing. I'm so wasted to the point na parang bumabaliktad ang sikmura ko. Pero in a snap, nung marinig ko 'yung sinabi ni Jace about sa babaeng nagugustuhan niya bigla akong nahimasmasan.

Ang tinding awakening call, dude. Ibang klase 'e. Para akong sinampal. Pakiramdam ko ang sarap umiyak na ang sarap sumigaw na parang ang sarap ilantad 'yung nararamdaman ko para kay Jace.

But I remained silent. Hanggang sa ayun naramdaman ko na lang na parang unti-unti nang nawawala ang tama ko sa alak. Ngayon ko na lang siya naramdaman. Ngayong umaga.

Kaso lang nakakaloka din kasi hindi ko alam na namamaga pala ang mga mata ko. Kung alam ko lang e 'di sana hindi na ako umiyak ng sobra kagabi.

Napatingin ako kay Jace. He stood up from his sit at nakita kong nagtitimpla siya ng kape. He never took a glance at me, and still, nakasimangot pa rin siya. Pagkatapos niyang haluin 'yung kape gamit ang kutsara ay inilapag niya sa harap ko 'yon.

“Ano 'to?” I asked, dumbfounded.

“Kape,” sagot niya naman. Napasimangot ako. Pilosopo masyado.

“Alam ko! Pero bakit ako may kape?”

“You don’t miss the morning without coffee, remember?”

Doon ako natigilan. Napatingin ako sa kape na medyo mausok usok pa dahil sa init ng tubig.

Grabe. Bestfriend ko nga siya. Hindi niya nakakalimutan na never kong pinapalampas ang umaga nang hindi nagkakape.

“Thank you,” I whispered habang nakayuko. Ewan ko kung narinig niya.

While staring at the cup of coffee in front of me, after a minute or two, I feel like tearing up kaya 'agad kong kinagat ang lower lip ko to avoid from crying.

Kapag ganito si Jace, I was fluttered. Nakaka-touch lang kasi he never forget every little things about the things I like. Kilalang kilala niya na talaga ako.

Naalala ko nung junior highschool kami. My teacher chose me to compete for the district competition because I was one of the honor students. Sa sobrang kaba ko hindi ko nabitbit 'yung panyo ko.

Eh, sakto kapag kinakabahan ako palaging nasa tabi ko ang panyong 'yon. Regalo kasi sa akin 'yon ni mama nung seventh birthday ko kaya hindi ko 'yon hinihiwalay sa akin lalo na nung mawala sila.

Jace knows how much that handkerchief means to me at kung paano no'n nababawasan ang kaba ko. Bago magsimula ang competition, umuwi siya at kinuha sa bahay namin 'yung panyo ko and gave it to me right before the competition started.

Nung college naman na naatasan ako para mag-report sa klase namin for groupings, bago ako pumasok sa room hinabol niya pa ako para bigyan ako ng chocolate drink. Sabi niya sa akin para daw tumaas energy ko at maging madaldal ako sa harapan ng marami.

Kapag umuulan at may bagyo, bago kami pumasok ng school ipapaalala niya sa akin 'yung payong ko dahil alam niya kung gaano ako ka-makakalimutan. Kaya ang ending, tatakbo ulit ako pabalik sa bahay para kunin 'yung payong ko.

Nung prom night he asked me if may partner na daw ba ako sa sayaw kasi kung wala pa, siya na lang daw ang partner ko kahit alam ko na may Eliz na sa eksena.

Jace did a lot for me. At hindi ko makakalimutan 'yon. Jace cares for me. He takes care of me at hanggat sa kaya niyang ipakita ang concern niya sa akin, he will.

Maya-maya pa muli siyang nagsalita kaya naputol ang chain of thoughts ko.

“Pagkatapos mong kumain d'yan maghilamos ka na. Ang dami mong muta sa mata.” dinig kong sabi niya.

Yamot ko siyang tinignan. May nadampot akong tissue sa tabi ko kaya ibinato ko 'yon sa kanya.

“Aray! Ba't ka nambabato?”

“Bakit ang init ng ulo mo? Kanina mo pa ako sinusungitan.” tanong ko.

“Hindi naman ako masungit ah!”

“Oo kaya! Badtrip ka kaya sa akin kanina pa.” sabi ko.

“Hindi ako badtrip. Sinabi ko lang sa'yo kasi mamaya sisisihin mo din naman ako kung bakit hindi ko sa'yo sinabi na may muta ka sa mata.” he explained. Kaya para matapos na ang diskusyon, I just rolled my eyes and started sipping my coffee.

After a while, bigla akong na-conscious. Madami daw akong muta sa mata?! Kasalanan niya naman! Hindi pa ako nakakaabot sa restroom kanina 'e nangatok na kaagad siya, paano ako makakapag-hilamos?!

Jace and I are best friends for years. At sa loob ng maraming taon, nasanay na akong kasama siya. Never akong na-conscious of how I look in front of him kasi ano ko nga ba siya? Bestfriend.

So my look doesn't matter if I look great or I look dirty in front of him. Tumagal 'yon hanggang sa ma-develop 'tong secret feelings ko for Jace. So ang nangyari, I dressed up myself. Natuto akong magpaganda at mag-ayos sa mukha ko para naman kahit papaano ma-impress siya sa akin o magandahan.

Pero ano bang aasahan ko sa kumag kong kaibigan?

Nung magsimula akong ayusan ang sarili ko nakatanggap lang naman ako ng mga pang-aasar. Sabi ko sa sarili ko wala din namang sense kung magmumukha akong presentable at babae sa mukha niya kasi—bestfriend pa rin ang tingin niya sa akin.

Bestfriend na tinuturing niya na palagi niyang ka-vibe. Bestfriend na sanay siyang hindi nagpapa-girly ng mga suot at palagi lang simple. Bestfriend na inaasar asar niya ng 'matso' kapag nagsusuot ng mga dress at nagme-make up.

So ayun. Naisip ko na sayang effort ko. Gano'n pa rin naman tingin niya sa akin. Walang nagbago at walang magbabago. Kaya eto wala na ulit akong pakielam sa magiging itsura ko sa harapan niya.

Ngayon na lang ulit.

Ngayon na lang ulit kasi pinansin niya na marami akong muta sa mata.

Pagkatapos kong inumin 'yung kape ko ay dumiretso ako sa restroom and wash my face. Nagtali din ako ng bun at binagsak lang ang iilang hibla ng buhok ko. And then after that ay lumabas na ako.

“Anong agenda mo ngayon?” dinig kong tanong ni Jace. Nakaharap siya sa may stool ng kitchen niya at naghihiwa ng mga vegetables.

“Wala. Day off ko ngayon.” sagot ko. Napakunot-noo ako at lumapit sa kanya. “Anong lulutuin mo?” I asked.

“Menudo. Bibisita sila mama ngayon.”

***

“Wow. Ayos 'to chef Jace. Sarap ng luto mo, anak.” sabi ni tita Jade—mama ni Jace.

“Oo nga, kuya. Ang sarap nito. Dagdag mo kaya 'to sa menu mo sa restaurant? Sigurado patok 'to.” si Giro—kapatid ni Jace.

I overheard Jace laugh. “Hindi p'wede, Giro. Masyado nang common ang menudo.”

“Nako 'nak promise magugustuhan 'to ng mga costumers mo kapag dinagdag mo 'to sa menu.” tita Jade said once again.

“Tama! 'Di ba ate Juls?” gulat akong napatingin sa kanila dahil kay Giro.

Napangiti naman ako at tumango-tango. I feel like I'm lost for words. Ang saya nilang tignan. Kapag ganito sila hindi ko maiwasang mainggit. Kasi sana lahat 'di ba?

Though, I'm happy for them. Ang saya nilang tignan together.

Jace's family seems like my family too. Si tita Jade na mama ni Jace, parang anak na rin ang turing sa akin. Si Giro naman na nakababatang kapatid ni Jace, parang kapatid ko na rin. In other words, pamilya na rin ang turing nila sa akin.

Nung naging magkaibigan kami ni Jace tita knew me as his son's good friend kaya simula nun naging mabait siya sa akin. Tita also knew that I've lost my parents. Naging mabuti sila sa akin pati si Giro.

Naalala ko nung mga bata pa lang kami ni Jace, hindi maiwasan na nagkakainitan kami at nag-aaway. Imbis na ako ang patigilin niya, si Jace pa ang papagalitan niya at sasabihing 'wag akong patulan dahil babae ako.

Kapag sinusungitan ako ni Jace, papagalitan siya ni tita. Kapag hindi kami okay ni Jace, sa akin lumalapit si Giro.

Naalala ko pa nung one time, lola and I have spent our christmas with them. Nagdala kami ng mga pagkain at regalo para sa kanila. They accepted us warmly.

When lola passed away, nakiramay sila. And since then, palagi na nila akong sinasama sa mga bonding nila. The four of us became closer than before.

“Sayang, kuya. Hindi matitikman ni papa ang luto mo. Ang sarap pa naman sana.” Giro stated.

Jace's father died two years ago. His father is a chef at 'yun din ang unang naghawak ng restaurant nila kaya nang mamatay ito ay siya na ang nag-handle ng business. 'Yun na nga lang din ang iniisip kong reason kung bakit nag-aral ng culinary si Jace. It's just because of his father.

“Anak, masaya na ang papa mo sa langit 'wag mo na siyang guluhin.” pagbibiro ni tita. Nagtawanan kaming apat.

We just kept talking and laughing. Hanggang sa kinailangan nang umalis nila tita Jade at Giro. They bid goodbye to us at kaming dalawa na naman ni Jace ang naiwan.

“Paano ba 'yan. Tayong dalawa na naman ang magkasama.” sabi niya and then he smirk.

“Bakit parang nakakatakot 'yung ngiti mo?” tanong ko pero deep inside, he smirks so pretty.

“Wow. So nag-iisip ka na may gagawin ako sa'yong masama?”

Hindi ako sumagot.

“Gwapo lang ako, Juls pero hindi ako masamang tao.” tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

“Ah talaga ba?”

“Oo naman! Gwapo talaga ako!”

Sobra. Badtrip nga 'e.

***

Since wala naman akong importanteng gagawin nag-stay na lang ako sa bahay ni Jace. Tutal magkatapat lang naman kami ng tinitirahan. At ang ending? Nag-Netflix marathon na lang kami.

“Ang gwapo ni JM,” I commented while watching.

We're watching the movie called "That Thing Called Tadhana” na ang bida ay sina Angelica Panganiban at JM de Guzman.

Napatingin ako kay Jace. Nakatingin siya sa akin as if may sinabi akong nakakadiri.

“Puro ka gwapo wala ka namang boyfriend.” he spat out sarcastically. Pinanliitan ko naman siya ng mata.

“Bakit ikaw may girlfriend?”

Napangiti siya.

“Wala akong girlfriend pero may nagugustuhan ako.” confident niyang sabi.

Natigilan ako. 'Yan na naman siya.

“E, 'di congrats?”

“E, ikaw ba? Malamang may nagugustuhan ka. So, sino siya?” pang-iintriga niya.

Tinignan ko lang siya ng masama.

Ba't ba ang manhid nitong gagong 'to?

Lumapit pa siya sa akin. Nagtama na ang mga braso naming dalawa. And suddenly, I feel butterflies in my stomach. Ito na naman 'yung feeling na parang may kumukuryente sa akin kapag nagdidikit ang mga balat naming dalawa.

Often times, nagkakadikit naman talaga kaming dalawa ni Jace. Kumbaga normal na lang 'yon kasi nga magkaibigan kami at wala naman talagang dapat na malisya ang lahat.

But when I started to have feelings for him, every time our skin touches, I feel butterflies in my stomach. I feel a different trill.

Natigilan ako.

“Uyy! Namumula! Kinikilig ka 'no? Sino nga 'yan? Sabihin mo na para namang hindi kaibigan.” tapos tumaas taas pa 'yung kilay niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Shit. Namumula ako? True ba? Gano'n na ba kalakas epekto niya sa akin?

“Sino nga 'yan, Juls? Sabihin mo na para sabay natin makilatis. Baka mamaya lalampa lampa 'yan o kaya naman babaero, saktan ka pa.” he blurted out.

Saktan? Nasasaktan mo na ako tanga!

Medyo napalayo siya sa akin at sumandal sa sofa na inuupuan naming dalawa. Nakahinga ako ng maluwag. Feeling ko anytime right now maso-sofucate ako dahil sobrang lapit niya sa akin.

“Sino ba siya? Anong pangalan niya? Gwapo ba? Mistiso? Moreno? Matangkad? Kilala ko ba?”

“Wala!”

“Anong wala? E, namumula ka na nga kanina.” and then he laughed. Once again, parang may kung ano sa puso ko. Sobrang lakas ng tibok.

“Wala akong sasabihin sa'yo.”

“Yuck! Ba't ang daya!” ngumuso siya na parang bata.

Napatitig ako sa lips niya. And then napapikit. Napahinga ako ng malalim and pursed my lips. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?!

“E-eh bakit? Hindi mo naman din sinabi kung sino 'yung girl na nagugustuhan mo ha!” I trailed off.

Napangiti ulit siya kaya iniwas ko na ang tingin ko. Hanggang ilang beses ba siyang ngingiti ng ganyan?!

“Fine. Basta next time around sasabihin mo sa akin 'yan ah!”

“Kapag sinabi mo na rin kung sino 'yung nagugustuhan mo.” sabi ko.

“Basta kilala mo siya,”

And then I say something that I immediately regretted.

“Si Eliz ba?”

***************

#LifetimeWP

https://www.youtube.com/watch?v=3V2vkRV6svM

You can listen to “Naghihintay” by Iktus. Thanks for reading!

Let's tweet our reactions using the hashtag #LifetimeWP and tag me at edilyn_radones. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro