Chapter 8 - Burdensome

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 8

"Was it the wrong time what if we tried giving in a litte more...

To the warmth we had before..."

|HIM|

"So decided ka na pala. Wala ka man lang pasabi. Ginulat mo kaming lahat na babalik ka na pala sa pagtuturo ulit." dinig kong sabi ni Hugo.

"Wala 'e. Change of hearts kuno." sabi ko. Pareho kaming napatawa.

Time flies so fast. It's been a long time. Days turn into weeks. Weeks turn into months.

Over the past month I have spent my time sorting out the paperworks I would need before returning to teaching. Sa halos isang buwan hindi ko nagawang asikasuhin ang restaurant dahil busy ako sa pag-aayos ng mga kailangan ko.

At sa awa naman ng diyos nandito na ako. I am already part of the University professors. Nagkataon pa na kasama ko sa trabaho sila Atlas, Hugo at Akiro. Kaya nga lang hindi ako masasamahan nung dalawa dahil may mga klase pa sila. Medyo hindi pa nga lang din ako sanay suotin 'tong formal na long sleeves polo.

Hugo and I are heading towards the teachers faculty para ituro sa akin kung saang cubicle at table ako pupwesto. Binaba ko ang mga gamit na dala ko pagkapasok namin sa loob.

"Pagtapos ng klase natin inom tayo mamayang gabi. I-celebrate natin 'yang pagbabalik mo sa pagtuturo." sabi ni Hugo. Napatawa naman ako.

"Gago ka talaga. Paano tayo kinabukasan? Mag-iinom tayo tapos wasted tayo bukas. Ayoko nga." sabi ko. Inayos kong mabuti ang mga gamit ko at pinatong ng mabuti ang mga libro at folders na nasa desk.

"Tsk. Kahit dito ba naman ang kill joy mo?" he groaned. "Para ipaalala ko lang sa'yo, prof. Salcedo may pasok tayo bukas. Kung gusto mo mag-inom 'e 'di mag-inom ka mag-isa."

Yumuko siya at may ibinulong sa akin na ikinagulat ko.

"Bakit? May plano ba kayo ni Julia mamaya?" sabi niya. Napatayo ako ng maayos at napatawa. "Wala 'no. Gagu ka talaga. Ayoko lang sumama. Isa pa, magagalit din sa akin si Julia."

"Ba't naman siya magagalit 'e isa ding pasimuno 'yon. Gusto mo invite na rin natin siya." he suggested. I snorted. "'Wag na. May importante siyang inaasikaso."

"Sama ka na kasi, dude!" he insisted.

"Ayoko nga!" sabi ko naman. Maya-maya pa may lumapit sa amin na isang lalaking may kaliitan. Mukha na siyang matanda. Maliit ito at nakasalamin habang medyo kulot ang buhok.

I quickly bowed and paid my respects, "Good morning po, sir." I greeted.

Naramdaman kong pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. "Ikaw ba si prof. Garcia?" tanong niya. Napatango naman ako.

"Kung gano'n masaya akong makilala ka. It's nice to see you. Good luck sa first day mo, iho." sabi nito at ngumiti saka umalis.

Napatingin ako kay Hugo. "Terror na prof. 'yon. Pinaka-ayaw ng mga college students 'yan dito." sabi niya. Napatawa na lang ako.

Maya-maya pa dumating na ang lunch time. May importanteng inaasikaso sina Atlas kaya hindi na namin sila nayaya pa na sumabay sa amin. Papunta kami ni Hugo sa labas ng University para kumain ng lunch. 'Yung ibang teachers sa loob na lang kumain pero parang feel ko na kumain sa labas. Just wanted to breathe some fresh air.

Nagpunta kami sa pinaka malapit na restaurant na katabi lang ng University. Hugo and I both ordered and sat at a round table with two seats.

After a while I overheard Hugo spoke.

"Sino pala nagha-handle ng restaurant ngayon? Sayang naman 'yon kung basta-basta mo na lang bibitawan. Malakas pa naman ang kita no'n."

"Si mama muna. Tutal nung mga bata pa naman kami ni Giro si mama at papa na talaga ang nagha-handle noon kaya marunong na si mama. Tutulong din ako 'pag free ko." sagot ko.

"'E, si Julia? Kumusta naman siya? Malamang busy na naman 'yon." sabi niya. Napangiti naman ako. Ewan ko ba kung bakit every single time na si Julia ang nasa usapan, I feel lighter.

"Ayon. Ayos naman siya. Busy siya kasi may bago siyang draft na kwento. Ewan ko ba sa kaibigan natin na 'yon. Hoping na lang ako na hindi about sa atin 'yung kwento niya." biro ko. I overheard his laugh.

"Astig talaga ni Juls." he commented.

Si Hugo, tropa na namin 'to ni Juls simula nung college. Naging kaibigan namin sila ni Atlas, Akiro, at Hugo dahil pareho kami ng department na pinapasukan nung college. E, puro kagaguhan din 'yung tatlo kaya madali naming nakasundo.

Puro kami kalokohan kapag magkakasama kaming anim. Si Nikki naman, kapag kasama namin puro away at bangayan lalo na kapag nagkakaabutan silang tatlo nila Akiro at Atlas.

Ngayon na lang talaga kami medyo nagkahiwa-hiwalay na anim dahil may sari-sarili na kaming buhay. Pero nung college kami? Puro kami gimik. Pupunta kung saan-saan. Magbabakasyon at dahil mayaman itong si Atlas, palagi namin siyang binuburautan.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang in-order namin. Nagsimula na kaming kumain ni Hugo nang bigla siyang magtanong.

"Ikaw ba 'tol may nagugustuhan?"

Nagulat ako sa biglaan niyang pagtatanong, pero kailangan kong itago 'yon kaya tumango na lang ako. "Sinabi ko na sa inyo 'di ba?" sagot ko, napatango-tango naman siya.

"May chismis pala ako. Ang alam ko si Akiro at 'yung girlfriend niya nag-break na. Pakiramdam ko nga may lihim na pagtingin si gago kay Nikki 'e." sabi niya. Napatawa naman ako atsaka nginuya muna ang pagkain ko bago magsalita.

"Oo nga, nabalitaan ko rin. Kung ganoon, hayaan mo na sila. Malay mo si Nikki din pala may gusto sa kanya."

"Oh 'e paano ba 'yan? Kayong dalawa na lang pala ang single sa ating anim. Itong si Julia naman, tagal na rin no'n single 'no? No boyfriend since birth pa 'tong dalaga mo. Wala ba siyang nakukwento sa'yo na nagugustuhan niya?" pang-iintriga niya.

Natigilan ako at napaisip. Napatitig din ako sa mga pagkaing nasa harapan ko. Doon ko lang napagtanto na never pa pala siyang nagkakaroon ng boyfriend.

"She never had a boyfriend—"

"Wala naman siyang naku-kwento." pagputol ko sa sinasabi niya.

I saw him nodding his head. "Pero maganda si Julia. Imposibleng walang nagkakagusto sa kanya." he said. Then suddenly, he said something that made me stop.

"Ikaw ba... never kang na-attract kay Julia?"

Literal akong natigilan. 'Yung supposed food na isusubo ko na-ibaba ko bigla. Tapos napatingin ako bigla kay Hugo dahil sa gulat.

"H-ha?" I trailed off. "Pinagsasabi mo?"

He snorted. "Hindi. I mean kasi hindi naman siya mahirap magustuhan. Maganda si Julia. Mabait. Humble siya at versatile. It's not even hard to like her. Kung ako nga tatanungin—"

"Kung ikaw tatanungin ano?" pagputol ko sa gusto niyang sasabihin. Pakiramdam ko biglang bumagal ang pagtibok ng puso ko.

"Magugustuhan ko siya. Bakit? Masama?" sagot niya na ikinagulat at ikinalaki ng mata ko.

"Gago ka! Siraulo ka na ba? May girlfriend ka na tanga!" inis na sabi ko. Napainom ako bigla ng drinks na nasa kanang bahagi ko at dinire-diretso ko 'yon to stop myself from shaking and from feeling this way.

"Oh easy easy. Kalma ka lang, dude. Kung ako nga tatanungin. Hindi ko naman sinabi na jojowain ko si Juls o liligawan. Kung maka-react ka naman d'yan 'e."

"Gago mo kasi!" I laugh awkwardly to drive away the unnecessary atmosphere.

Badtrip. Bakit pa kasi kailangan niya akong tanungin ng gan'yan?

"Kung ikaw ba? Hindi mo ba siya magugustuhan? Alam ko since highschool bestfriend mo na si Juls. Never ka ba talagang na-attract? Dude, ito kasi ha. Lalaki lang tayo. Kahit pa kaibigan natin 'yan magagandahan at magagandahan tayo sa kanila at undeniable 'yon." pangangaral niya na para bang sinasabi na normal lang na magandahan at ma-attract ako kay Julia.

This time, muntikan ko nang mabitawan 'yung hawak kong kutsara.

Attracted ako syempre.

"Maganda si Juls—natural na 'yon. She looks good everytime. She's kind. She's attractive..." tanging nasabi ko. Napako ang tingin ko sa pagkain sa harapan ko.

"So attractive ka sa kanya?"

Sobra.

"Siguro? Pero syempre I avoid to get more attracted to her kasi best friend ko nga 'di ba? Siguro nga at once na-attract ako sa kanya pero... hindi naman siya 'yung gusto ko 'e."

Nakita kong napatango-tango si Hugo na para bang hindi siya naniniwala sa mga pinagsasabi ko. So I continued what I was saying.

"Parang kapatid ko na si Julia. Kaibigan ko lang siya. Best friend. Gano'n. 'Yun lang 'yon. Hanggang doon lang 'yon. Dapat walang lalagpas sa boundaries. Dapat hanggang dito lang kami." sabi ko at nagkunwari na wala lang sa akin ang mga sinasabi ko.

Kahit parang... mabigat sa pakiramdam.

"Paano kung si Julia pala ang attractive sa'yo or even worse what if may gusto pala siya sa'yo? We both know here na never pa siyang may kinukwento na guy na nagugustuhan niya. What if ikaw pala 'yon?" he asked that made me stunned.

Napako ang tingin ko sa hindi kalayuan.

Possible bang... may gusto sa akin si Julia? Ha! As if! Ako? Magugustuhan no'n? Mukhang malabo.

Napatawa ako nang bahagya. "Imposible 'yon, Hugo."

"Bakit mo nasabi? Maraming possibilities na magustuhan ka niya. Babae lang din siya."

I smiled bitterly, "I know she'll never like someone like me."

Naalala ko nung isang beses na pauwi kami galing eskwelahan nung highschool. May kinu-kwento sa akin si Julia na classmate niya na nagkaka-crush daw sa kanya. That guy confessed his feelings but Julia rejected him.

Nung puntong 'yon akala ko matutuwa ako kasi ibig-sabihin hindi niya gusto 'yung lalaking 'yon. Pero nabigla ako nung sabihin niyang... "Friend ko siya, Jace 'e. Parang hindi ko rin makita 'yung sarili ko na nagkakagusto sa mga kaibigan ko. Isa pa, hindi ako magkakagusto sa mga kaibigan ko. Awkward naman nun."

Napatawa ako noon at nag-agree kahit parang deep down there in my chest, I'm dying. Sino ba namang hindi masasaktan kung makakarinig ka ng ganoong salita sa nagugustuhan mo? Ang gaan sa pakiramdam nun. Pero masakit.

I remembered back then, gusto ko na talaga si Julia. Doon ako sure. Pero tinatakpan ko 'yon palagi knowing na wala rin naman patutunguhan 'yung nararamdaman ko at sagabal lang sa pagkakaibigan namin.

Fort the past years, pinaniwala ko ang sarili ko na iba ang nagugustuhan ko hanggang sa I met Eliz. 'Yung kay Eliz totoo na 'yon. Gusto ko talaga siya. Mahal ko talaga siya.

Dahil kay Eliz natakpan lahat ng mga tinatago ko at nawala lahat ng takot ko.

Kay Eliz... malaya akong magmahal.

***

Natapos na ang work hour ko at oras na para umuwi. Nasa parking lot ako at naglalakad na papunta sa kotse ko nang bigla kong marinig na may tumawag sa pangalan ko.

"Uy Jace! Pare!"

I turned to look who it was and that's when I saw Atlas, Akiro and Hugo. Papalapit sila sa akin. At mukhang alam ko na ang balak ng mga 'to.

"Let's go to recreation club. Inom naman tayo! I-celebrate natin 'yang pagbabalik mo." sabi ni Atlas nang makalapit siya sa akin. Umakbay pa si gago.

Napatawa naman ako.

"Hindi niyo talaga ako titigilan 'no?" I spat it out sarcastically. Tinawanan lang nila ako. "Malamang!" si Akiro.

Iiling-iling na lang ako habang natatawa knowing na hindi ko sila matatakasan. Badtrip. Mga BI amputa.

"Sige na nga. Wala naman akong magagawa." I agreed.

"Yun oh!" si Hugo.

"Yes!" sabi naman ni Akiro at sumuntok sa hangin na parang baliw bago nauna nang pumasok sa kotse ko.

Napangiti ako habang nakatingin kina Atlas. Kahit kailan hindi talaga sila makakatulog nang hindi nag-iinom kasama ako. Papasok na sana ako sa kotse, akmang bubuksan ko na ang pinto nito nang bigla akong mapalingon sa kaliwang bahagi ko. Para bang may nadaanan ang peripheral view ko dahilan para mapalingon akong muli sa kaliwa ko.

Napakurap ako. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko pero hindi ako p'wedeng magkamali. It's oddly familiar. Para bang nakita ko na ang babaeng may maikling buhok mula sa hindi kalayuan dati.

Unti-unti akong naglakad papalapit doon. Nakakailang hakbang pa lang ako sa kanya nang bigla kong marinig ang boses ni Atlas na may tinawag.

And that's when I knew... that she's here.

"Eliz!"




************

#LifetimeWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro