Chapter 26*ring of air

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Paulene's POV

Yes! Last na ring nalang. Malapit na rin nating makumpleto lahat ng rings.

"base sa mapa, nasa Vampires' Palace ang last ring" sabi ni PY

"palace of vampires? Vampires' Palace? Palace? Vampires? Kyahhhh owemgiii" sabi ni Pochi na may tili pa sa dulo

"Eh diba sa taas yun?" pagtatanong ni ko

"yup, kailangan nating lumipad" sagot ko naman sakanila

"how?" tanong naman ni Vanilla

Kumuha naman ako ng isang dahon at ibinigay ito kay Pochi.

"gawin mong malaki yan basta kasya tayong apat" sabi ko sakanya

"sureeee" pagkatapos kong sabihin sakanya ay may sinabi nanama siyang kung ano ano habang nakatapat ang kamay niya sa dahon

"oh guys sakay na"

"hahaha parang sa Aladin?" tanong ni Py

"yep hahaha dahon nga lang yung atin hahaha" sagot ko

"cool" sabi naman ni Vanilla

Pagkatapos nun ay sumakay na sila at ginamit ko naman ang magic ko para lumilad yung malaking dahon.

Lipad lang ng lipad hanggang sa may nakita kaming parang gubat na lumulutang.

Bumaba na kami dito at nagsimulang maglakad. Sana tama ang dinaraanan namin.

Ang dilim dito at wala kang makikitang sinag ng araw dahil sa mga punong nagsisitaasan at napakarami.

"uy tignan niyo may tao dun oh or vampire hahaha" saad ni Pochi

"sige tatanungin ko, diyan muna kayo" sabi naman ni Vanilla
Lumakad naman si Vanilla sakanya ng papalit at papalit.

"shit! Vanilla!!!" sigaw ni Py habang tumatakbo papalapit kay Vanilla

"anong nangyayari?" tanong ko at nagtinginan kami ni Pochi, napansin ko naman na naging kulay red ang hikaw na suot niya

Danger.

Napatingin naman ako kay Py at Vanilla, nakahiga na ngayon yung lalaki kanina habang may nakatusok sa dibdib niya na silver dagger.

Lumapit kami sakanila at nakitang may isa pa silang kasama na lalaki. Tinignan ko ulit ang hikaw ni Pochi at kulay green na ulit ito.

"thank you po sa pag ligtas saakin" sabi ni Vanilla sa lalaki at ngumiti naman ito ng pabalik sakanya kaya nakita ang kanyang mga pangil. Vampire wow. Kulay pula ang kanyang mata na ang ganda.

"You're welcome. Bakit nga pala kayo nandito?" tanong niya saamin

"pinadala po kami ng wattpad academy para sa 4 magical rings at base sa mapa nandito daw po ang ring of air" pageexplain ko

"ah oo nabanggit nga saamin ng reyna na may darating kaya pinabantayan niya saakin ang boundary baka makagat kayo ng mga Stragenoa, mga bad vampires" sagot naman niya

"tara punta na tayo sakanya"

Sinundan nama namin siya hanggang sa makarating kami sa malaking gate.

"dito muna kayo" sabi niya saamin at pumunta siya sa gilid ng gate.

May pindot siya sa kung saan at may lumitaw na umiilaw na square na kulay pula. Kinagat niya ang kanyang wrist at pinatakan ng dugo yung square, pagkatapos ay bumukas naman ang gate. Sinenyasan naman niya kami para pumsok na na siya namang ginawa namin.

Sa loob para din lang siyang wattpad academy. Mangilan ilan lang ang nakikita kong bampira sa paligid, siguro tulog pa yung iba.

May pinasukan naman kaming kwarto at bumungad saamin ang isang babaeng parang kaedad lang namin.

"nasaan si tita Queen?" bulong ng lalaki sakanya pero rinig namin

"wala may inasikaso, emergency daw kaya ako muna inassign niya dito. May nakalaban nanaman kayong stragenoa? Nakaktan ka ba" tanong ng babae habang nakatingin sa damit nung lalaki, may bakas kasi itong dugo.

"oo isa lang namam kayang kaya ko yun syempre"

"ehem!" pagpepekeng ubo ni Py kaya lumingon yung dalawa

"ah ito nga pala yung inaasahang bisita ni tita Queen"

"ring of element air?" tanong niya na tinanguan naman nung lalaki

"ako nga pala si John Caleb Salvatore just call me Caleb. I'm a dhamphir vampire and also the guardian of the Princess"

(guardian na as in nagbabantay sakanya, hindi yung guardian na parang parent parent hahaha skl)

"And I am Nadine Venice Crowley, the Princess in Vampires' Palace. Isa akong pure blooded vampire at sa ngayon, napakakonti nalang namin. At dito sa Vampires' Palace, kaming dalawa nalang ni mommy (Queen) ang pure blooded dito"

(Queen yung name nung reyna hahaha)

"ako naman si Paulene, element air ang power ko"

"ako naman si Pochi, element earth naman yung saakin"

"Vanilla nga pala, water is my power"

"Pomuel, Fire naman ang power ko"

"yung ring of element air yung sadya niyo diba?" tanong ni Nadine

"yes"

"sabi kasi ni mommy, bago ko daw ibigay yun ay may kailangan muna kayong gawin"

"anong kailangan naming gawin?" tanong ni Vanilla

"kailangan niyo akong itrain pati na rin ang mga noble vampire. Ang mga noble vampire ay may kanya kanya ring magic kagaya niyo pero yung kanila ay specific unlike saakin na kahit ano kaya kong ikontrol" sabi niya saamin

"sure yun lang pala eh hahaha"

"huwag kayong mag alala, 1 week lang naman kayo dito eh tsaka nagpaprepare narin ako ng mga pagkaing pang tao"

"sige salamat" sabi namin

"sa ngayon, magpahinga muna kayo at mamayang gabi nalang ulit tayo magkita. Caleb ihatid mo na sila sa matutulugan nila"

"sige bye" sabi naman ni Caleb sabay kindat kay Nadine at lumabas na

Sinundan naman namin siya.

"Ito yung kwarto ng mga babae dito naman sa kanilang kwarto ay para sa mga lalaki. Ni request na ni tita Queen na magkatabi lang ang kwarto niyo kung sakali na may lalaki at may babae" sabi niya at ibinigay saamin ang susi

"salamat" saad ko

"walang anuman" sagot niya

Haay excited nanaman ako para mamayang gabi. Sana maging maayos ang pagtuturo namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro