Lena0209's Story Promotion

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(Ang bahaging ito ay mula sa isang kabanata sa nobelang Superhero Problems na isinulat ni Elena Buncaras (Lena0209). Ang kuwento ay nakakuha ng titulong Grand Champion sa nakaraang Wattpad Writing Battle Year 2016, published under Lifebooks at available nasa bookstores and online shops, nationwide.)

ooOoo—

Malakas na hangin ang bumalot sa buong paligid. Nagliparan ang mga alikabok sa kalsada. Sa tirik na araw ng tanghali, sabay-sabay na pawis at gasoline ang tumulo sa malawak na daan.

Natahimik ang lahat at pansin ang nakaawang na bibig ng mga nakasaksi.

Malalalim na paghinga, gulat na mga mata, hindi mabitawang mga salita, kabadong mga dibdib at purong katahimikan.

"Ayos ka lang?" tanong ni Ep-ep sa lalaking tumawid na iniligtas niya.

Alanganin itong tumango habang nakatingin sa nadurog na hood ng sasakyang binaunan ng kamao ni Ep-ep. Umuusok pa ang harapan ng kotse at bahagyang nakaangat sa lupa ang bandang likuran.

"Diyos ko," tanging mga salitang narinig sa lugar.

Kunot na kunot ang noo ni Ep-ep nang tingnan ang lalaking na aksidente sana kung hindi lang niya na pigilan ang lahat. Inalis niya ang kamao sa sasakyan at bumagsak ang likuran nito sa lupa.

"Nakita mo 'yung signboard?" Itinuro ni Ep-ep ang harapan nila. 

"Malamang hindi. Babasahin ko sa iyo ang nakasulat. Ang sabi roon, TUMAWID SA TAMANG TAWIRAN. Nakita mo 'yung stoplight? Malamang na hindi rin! Naka-green habang tumatawid ka. Ang ibig sabihin no'n ay 'go' para sa sasakyan. Nakita mo 'yung makinang na bagay sa langit?" Itinuro ni Ep-ep ang itaas. 

"Iyan ang papatay sa lahat ng tao sa mundo." Sunod niyang dinuro ang mukha ng lalaki. "Ngayon, tanong: Saan sa mga senyales na iyon ang magdadala sa iyo sa siguradong kamatayan, hmm?"

"Mr. Maranzano!" Isang kamay ang agad kumabig sa balikat ni Ep-ep. "Ayos ka lang ba?"

"Hoy!" sigaw ng lalaki na lumabas mula sa sasakyan. "My car! Holy shit!" Hindi ito makapaniwala sa kinahinatnan ng sasakyan niyang BMW pa ang tatak at bagong-bago lang. "What the hell is wrong with you, people?" sigaw niya kina Ep-ep.

"You! What's wrong with you, people?" pagbabalik ni Ep-ep ng tanong sa lalaki. "Nakalagay sa signboard na 40 lang ang speed limit sa kalsadang 'to! Bakit naka-100 ka?"

"Mr. Maranzano, it was an accident!" sabi ni Kristin.

"Aksidente? Hindi aksidente ang nangyari, Miss Nuevo! Ano iyon? Kunsinti nang kunsinti dahil normal sa tao ang magkamali? Wow! Katangahan ng tao ang papatay sa mga tao, hindi ang bulalakaw na sinasabi mo! At wala akong balak magligtas ng mga tanga mula sa mga katangahan nila!" Dali-daling naglakad paalis doon si Ep-ep, sinundan naman siya ni Kristin.

"Mr. Maranzano, dalawang tao lang iyon!" malakas na sinabi nito sa kanya na halos nasisigawan na rin siya.

"At ano? Hindi mahalaga ang buhay ng dalawa kung itutumbas sa bilyon?" Huminto si Ep-ep at tiningnan nang masama si Kristin. "Ilang buhay ba ang katumbas ng sinasabi mo, ha? Kung araw-araw, libo ang namamatay sa mundo, gaano nga ba kalaking kawalan ang isa o dalawa sa bilyong bilang ng tao, ha?"

"Mundo ang ililigtas mo," pagpipilit ni Kristin Nuevo.

"Mundo nino? Mundo mo?"

"Hindi akin ang mundo, Mr. Maranzano."

"Pero may mundo ka. Lahat ng tao may mundo, at hindi ito ang mundong gusto ko!" Tumalikod na si Ep-ep at inangat ang sarili sa lupa upang humanda sa paglipad.

"'Yung pamilyang kasama mo. 'Yung mga tao sa Santa Katarina. Hindi ba sila sapat na dahilan?" tanong ni Kristin.

Hinarap siya ni Ep-ep mula sa pagkakalutang nito sa hangin na tila ba nasa ilalim lang ng tubig at lumalangoy lamang. "Kung sasalubungin ko ang bulalakaw na iyon at biglang dumating ang mga masasamang-loob sa bahay ng mga mahal ko sa buhay habang wala ako, may pagkakaiba ba? Sabihin na nating lumabas ang kaibigan ko sa bahay at nabiktima ng holdaper tapos pinatay, may saysay pa ba ang pagpigil ko sa bulalakaw na iyon?"

"Nagiging makasarili ka, Mr. Maranzano."

"Makasarili? At ako pa ang naging makasarili, ha? Gusto mo akong mamatay! Gusto ninyo akong mamatay! Ano ang tawag sa pakiusap mo? Kayo ang gumawasa akin kaya ako naging ganito! At wala akong planong iligtas kayo!"

"Pero iniligtas mo sila," ani Kristin at itinuro ang banggaan.

Nasaksihan ni Ep-ep ang mga gulat na mukha ng mga tao roon habang nakalutang siya sa ere.

"It's your calling, Mr. Maranzano. At kahit anong gawin mo, ililigtas at ililigtas mo pa rin ang lahat."

Napahugot ng malalim na hininga si Ep-ep at saka umiling.

"Pagod na akong maging sunud-sunuran sa inyo. Hindi sa lahat ng oras magiging mabait ako dahil hindi rin naman sa lahat ng oras naging mabait kayo sa akin. Tama na. Ayoko na."

Muli siyang lumipad sa ere at pinantay ang sarili sa mga ulap. Lilipad na sana siya pabalik sa Santa Katarina nang mahagip ng paningin ang dagat na unti-unti nang nilalamon ng tubig ang mga barko mula sa malayo.

ooOoo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro