Tsubame's New Story Sneak Peek

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ALTERRA


Si Yesha. Isang ordinaryong highschool student na may kapansanan.

Nang mapunta sa kaniyang mga kamay ang isang mahiwagang libro, nagsimulang magbago ang kaniyang mundo. Literally. Paano kung paggising niya ay matagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili sa loob ng isang libro?

Fae. Teras. Sapien.

Ang mga nilalang sa mundo ng Alterra ay nahahati sa tatlong pangkat na ito. May iba't-ibang anyo. Kani-kaniyang kaharian. Mga natatanging kapangyarihan. Nagsasalpukang mga hangarin.

Sa mahabang panahon, namayani ang kapayapaan sa Alterra. Ngunit maitatago pa ba ang namumuong tensyon sa pagitan ng mga kaharian lalo na sa pagdating ni Yesha na itinakda na sa isang propesiya bilang ang babaeng babago sa Alterra.

Kasama ang kaniyang mga bagong kaibigan, isang kwentong puno ng mahika at hiwaga ang kailangang suungin ni Yesha upang mabuhay sa mundong hindi niya kilala. Makakabalik pa kaya si Yesha sa tunay na mundo gayong malaki na ang parteng ginagampanan niya sa Alterra? Lalo na kung dito na siya natutong tumakbo, lumipad at umibig?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro