CHAPTER II

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍷🍷🍷

Nagising si Xander kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw, agad siyang tumayo at tiniklop ang kumot na ginamit saka dumiretso sa kusina ngunit napahinto siya ng makitang masayang nag-aagahan ang buong pamilya ni Lorenzo, sa isang iglap para bang pakiramdam niya hindi siya nararapat doon kaya naman umatras siya at handa na sanang umalis ng tahimik ng mapatingin sa gawi niya si Lorenzo.

"Oh! Bro! Halina mag-agahan!" Aya nito na agad niyang inilingan.

"Nako hindi na, kailangan ko ng bumalik sa opisina." Tanggi niya. "Sa susunod na lang, una na ko. Salamat." Paalam niya kaya tumayo si Lorenzo.

"Ihatid na kita sa labas," prisinta ng kapatid niya na tatanggihan niya sana ulit pero nakalapit na ito at inakbayan siya saka hinila na palabas ng bahay.

Tahimik lang silang dalawa habang naglalakad ng tumikhim si Lorenzo. "Alam kong naririndi ka na sa amin, kay Mommy pa lang nakukulili na panigurado ang tainga mo," bahagya siyang tumawa. "Pero kung hindi ka namin kukulitin, kailan ka kikilos?" May kahulugang sambit niya.

Huminto silang dalawa sa tapat ng pinto ng driver seat ng kotse ni Xander, hinarap niya si Lorenzo. "Alam ko namang nag-aalala lang kayo sa akin, naiintindihan ko naman pero kuntento na ako sa meron ako ngayon katulad ng kung gaano ka kuntento sa kung anong mayroon ka ngayon. Maaaring wala nga akong anak o asawang uuwian ngunit sapat na sa akin na mayroon akong kayo at kung sakaling wala man kayo, mayroon akong sarili na alam kong hindi ako iiwan." Napabuntonghininga si Xander. "Huwag ka ng mag-alala, ayos lang ako baka nga siguro hindi talaga para sa akin ang ganyan at ayos lang yun." Paninigurado niya sa kapatid na katulad niya ay napabuntonghininga na lamang din at agad na napaiwas ng tingin ng makita niya ang mga mata nito.

Napakunot ang noo niya ng mapansing para bang may lungkot at pagsisising kislap ang mga mata ni Lorenzo ngunit hindi na niya iyon binigyang pansin dahil naalala niyang naghihintay ang mag-anak nito sa loob kaya naman binuksan na niya ang pinto ng kotse saka inakbayan ang kapatid para magpaalam. "Sige na, bumalik ka na sa loob iniintay ka nila. Aalis na ko," paalam niya saka bumitaw at pumasok na sa loob pero hindi pa rin gumalaw ang kapatid niya at inintay pa talaga siyang makaalis kaya naman binilisan na lamang niya ng makaalis na siya at ng makabalik na ito sa loob.

Muli siyang napabuntonghininga habang nagmamaneho pauwi sa bahay niya, bumabalik sa isipan niya ang tagpong inabutan niya sa kusina, para bang umuukit iyon sa puso niya.

Lumipas ang halos isang buwan na paulit-ulit ang routine niya, halos araw-araw na siyang nasa opisina at madalang ng makauwi sa bahay niya dahil sa dami ng trabahong kailangan niyang tapusin, sa dami nun ay ni wala na siyang panahon para pumunta sa kung saan-saan at ang tanging nagagawa niya lamang ay ang umuwi saglit sa bahay niya para maligo at pagkatapos ay babalik sa trabaho kaya naman ng magkaroon siya ng pagkakataong makapagliwaliw matapos ang nakakapagod na isang buwang subsob siya sa trabaho ay agad siyang lumipad patungong ibang bansa para doon magpahinga, sa mga sumunod na linggo ay ginugol niya ang mga araw niya sa pag-travel at pagpapakasaya.

Pakiramdam niya isa siyang ibon na nagkaroon muli ng kalayaang lumipad mula sa lungga ng makawala, muli niyang nararamdaman ang sayang hatid ng pagiging malaya.

"Inom pa!" Masayang sigaw niya ng gabing iyon habang hawak ang isang bote ng beer at nakikipagtawanan sa mga nakilala niyang kababayan sa ibang bansa.

Pang-ilang gabi na niyang umiinom at ramdam niyang sumisigla ang puso niya dahil sa sayang dulot ng malaya niyang buhay. Kumbaga sa madalas sabihin ng matatanda, literal na buhay binata siya. Trabaho dito, inom doon, pag-travel dito at pagpapakasaya doon. Iyon ang mundo na ginagalawan niya simula ng makapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Business Management Major in Accounting. Deserve naman niya iyon, nagtapos lang naman siya ng may pinakamataas na GPA. Bukod doon ay nakamit din niya ang pinakamataas na Laude sa pamantasang pinasukan niya ngunit sa muling pagsikat ng araw walang ibang natitira sa kanya kundi pagod at hangover.

Umuwi siyang sumusuray ng gabing iyon, pagkatapos alisin ang sapatos at makahiga sa malambot na kama sa loob ng hotel room na inukupa niya para sa pag-travel niyang iyon ay ipinikit niya ang mga mata ngunit hindi nagtagal ay pakiramdam niya umikot ang paningin niya at para bang hinalukay ang sikmura niya, agad siyang napabalikwas ng bangon at tumakbo sa banyo para sumuka. Pagbalik niya sa kama matapos maisuka ang lahat ay nanghihinang naupo siya, pakiramdam niya para siyang nauupos na kandila at nabuhayan lamang ng maisip ang kape, napakurap-kurap siya saka napatingin sa buong silid ng mapagtantong nag-iisa nga lang pala siya, na hindi katulad ni Lorenzo ay walang mag-aasikaso sa kanya kaya kahit pa nawala na siya sa mood ay tumayo siya saka lumapit sa mesa para magtimpla ng kape niya.

Matapos makapagtimpla ay naupo siya sa silya at inabot ang cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa, binuksan niya iyon saka tinitigan na para bang nasa wallpaper niya ang sagot sa hangover niya hanggang sa napadpad siya sa messages niya. Hindi nagtagal ay binuksan niya rin ang data dahil biglang pumasok sa isip niya na baka mayroong mensaheng pinadala ang mag-asawang Chastain ngunit imbis na iyon ang mabungaran ay bigla na lamang may nagpop-up na ads sa screen ng cellphone niya.

Nag-iisa ka ba?
Nalulumbay dahil walang kasama?
O baka naman naghahanap
Ang puso mo ng makakausap?
Kailangan mo ba ng makikinig?
Para ang bawat gabi ay hindi na malamig
Kung ganoon, ano pang hinihintay mo?
Download lovestruckapp on www.lovestruckapp.com
Simulan mo na ang pagbuo ng panibagong mundo
Malay mo, sa pag-swipe mo
Mahanap mo na ang forever mo.

Napakunot ang noo ni Xander, negosyante siya at alam niyang isang pain lamang iyon para kagatin ng mga customer, iyon naman talaga ang silbi ng advertisement. Ang makahakot ng customer na tatangkilik sa negosyo. Akmang ie-ekis na niya ang ads ng may kumatok, nagulat siya at dumulas sa kamay niya ang hawak na cellphone. Naiinis na dinampot niya iyon saka inilapag sa mesa bago tinungo ang pintuan, pagbukas niya ay room boy lamang iyon.

"Magandang gabi sir!" Bungad na bati ng lalake na nakasuot ng pulang uniporme.

"Magandang gabi, anong mayroon?" Kunot ang noo na tanong niya.

"Inihahatid ko lang ho yung order ninyong dinner." Sagot nito, kukunot pa sana ang noo niya ng maalala niyang kasama pala iyon sa ni-request niya ng mag-check in. Ang padalhan siya ng pagkain upang hindi niya malimutang kumain, aminado naman siyang palagi niyang nalilimutan ang bagay na iyon.

Gumilid siya saka binuksan ng malaki ang pinto saka hinayaang makapasok ang lalake, matapos mag-asikaso ay inabutan niya ito ng tip at ng makapagpasalamat ay umalis na agad. Isinara niya ang pinto saka nag-asikasong kumain dahil kung mamaya pa ay paniguradong malilimutan pa niya.

Pagkatapos kumain ay inayos niya ang pinagkainan saka tinapos ang kape na lumamig na lamang, muli niyang dinampot ang cellphone mula sa mesa at nagsalubong ang mga kilay niya ng makitang naka-log-in na ang email account niya. Hindi niya maalalang nag-log-in siya dahil sa pagkakaalam niya ay ie-ekis na sana niya iyon kanina. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon dahil baka aksidenteng napindot ng malaglag at damputin niya. Lumapit siya sa kama saka nahiga at natulog na.

Kinabukasan ay nag-empake na siya para bumalik ng Pilipinas, maaga ang flight niya kaya naman sobrang aga niya sa airport. As usual, hindi siya kumuha ng business class na flight at mas piniling sumakay sa economic plane. Ilang oras din ang inabot ng byahe niya at paglapag sa airport ng Pilipinas ay agad niyang tinungo ang kotse niyang nakaparada sa parking lot at nagmaneho paalis doon, patungo sa bahay niya para saglit na magpahinga.

"May nahanap na kami," iyon ang bungad ng mayordoma sa kanya ng makita siyang nagpapahinga sa sala.

"Good," hindi interesadong sagot niya, sigurado naman kasi siyang sinala ng husto ang katulong dahil magkatuwang na naghanap ang mayordoma at ang kanyang ina.

"Aalis na ako bukas, kaya't magsisimula na siya bukas." Pagbibigay-alam pa ng matanda na tinanguan niya.

"Salamat," nag-angat siya ng tingin. "Mag-iingat ka." Bilin niya na ikinangiti ng matanda bago tumango at nagpaalam na itutuloy na ang naudlot na gawain.

Sumandal siya at ipinikit ang mga mata para magpahinga, nakita na niya ang schedule niya para sa paparating na buwan at hectic na naman iyon, mukhang sa opisina na talaga siya titira sa susunod na buwan kaya naman hindi siya interesadong makita man lang ang bagong katulong dahil paniguradong hindi naman niya ito makakasalamuha.

Pagsapit ng unang lunes ng sumunod na buwan, madilim pa ang kalangitan at hindi pa sumisikat ang araw ng bumiyahe na siya patungo sa opisina niya. Pagdating niya doon ay inayos niya lang ang laman ng mesa saka nagsimulang magtrabaho, gabi na ng mapahinto siya ng mapansing umilaw ang screen ng cellphone niya. Kinuha niya iyon saka tiningnan at nagsalubong ang mga kilay niya.

You are now matched with someone!
Tap to chat

Nagsalubong ang mga kilay niya, paanong gumagana iyon ng hindi niya ginagamit? Nagtataka siya ngunit sa huli ay napabuntonghininga na lamang, hindi niya alam kung matatawa siya sa sarili o matatanga dahil batid naman niyang ganoon naman talaga kahit sa negosyo, magsi-send ng random advertisement para makapukaw sa pansin ng possible customer.

Saglit niyang pinagmasdan ang screen ng cellphone bago muling bumuntonghininga at pinindot ang notification na iyon. Kung pagpapabudol ang tawag sa pagkagat niya sa advertisement na iyon, hindi naman siguro magiging masama basta't hindi siya gagastos ng milyon para lang sa isang app.

Yay! You are now connected!
You can now chat :)

Hindi siya umimik at pinagmasdan lang ang inbox na lumabas sa screen niya, mayroong tatlong tuldok doon na animo'y indikasyon na mayroong nagtitipa ng mensahe mula sa kabilang linya ng komunikasyon. Inilapag niya ang cellphone habang naghihintay at bumalik sa ginagawa, ilang minuto ang lumipas bago niya nakitang may mensaheng lumabas sa inbox.

7:22pm

ID: 5862
Hi! Magandang gabi!

ID: 926337
Hi, good evening.

ID: 5862
Kamusta ang araw mo?

Saglit na napatulala si Xander ng mabasa iyon, exaggerated man kung sasabihin ngunit sa buong buhay niya ay ngayon niya lamang nabasa ang mga salitang iyon, ni minsan hindi niya iyon nakita o narinig sa kahit na sino. Muli niyang inilapag ang cellphone habang nagtatalo ang isipan niya, hindi siya makapagdesisyon kung sasabihin niya ba ang totoo o magsisinungaling na lamang siya dahil hindi naman siguro malalaman ng kausap niya kung nagsasabi siya ng totoo o hindi, chat lamang iyon.

Napabuntonghininga siya, iyon ang unang beses kaya't siguro tama lang na huwag siyang magsinungaling. Wala rin namang masama kung magsasabi siya ng totoo, isa pa hindi naman siya nito kilala. Muli niyang hinawakan ang cellphone at nagtipa ng mensahe.

7:30pm

ID: 926337
Pagod

ID: 5862
Trabaho?

ID: 926337
Yup

ID: 5862
Gabi na, huwag mong kalimutang magpahinga

ID: 926337
Salamat

Napasaltak siya ng may mapagtanto habang nakatingin sa screen ng cellphone, pagdating sa ganitong bagay napaka-walang kwenta niyang kausap. Isang tanong isang sagot, bagay na minsan hindi na rin niya alam kung bakit nga ba ganoon kaya’t muli siyang nagtipa upang ibalik ang tanong.

7:33pm

ID: 926337
Ikaw ba?
Kamusta ang araw mo?

Ilang minuto ang lumipas at walang sumagot, napakunot na ang noo niya ng pati ang tatlong tuldok ay hindi niya nakita sa screen. Nagsisimula na siyang mag-isip ng posibleng dahilan kung bakit hindi na iyon nag-reply pa, marahil ay na-boring ito sa pakikipag-usap sa kanya. Kumbaga sa gulay ay wala man lang kasing kasusta-sustansya ang mga reply niya hindi katulad sa kausap na halata sa mga reply nito na bubbly siyang tao.

Napaangat sa pagkakasandal si Xander ng makitang sumulpot na ang tatlong tuldok matapos ang halos kalahating oras.

8:03pm

ID: 5862
Hi! I'm sorry, may inasikaso lang
Ayos lang ang araw ko.

Nakahinga siya ng maluwag, hindi niya alam ngunit para bang nabawasan ang bitbit niya sa balikat ng mabasa ang reply ng kausap.

8:04pm

ID: 926337
Good to know,

ID: 5862
Nag-dinner ka na?

ID: 926337
No

ID: 5862
Then you should take your dinner, it's 8pm

ID: 926337
I'm not hungry
How about you?

ID: 5862
Yes, kanina.

ID: 926337
Good to know,

ID: 5862
Anyway, baka madami ka pang tatapusin, I'll go na.
Nice chatting with you :)

Natulala si Xander ng mabasa iyon, ganoon lang at tapos na iyon? Akmang magtitipa siya ng reply ng mawala na ang kulay berdeng bilog sa ID number ng kausap, indikasyon na hindi na ito active kaya naman napasaltak na lang siya saka pinatay na ang cellphone. Saglit niyang tinitigan ang nasa mesa niya bago nagpasyang tumayo.

Paglabas niya ng opisina ay wala ng katao-tao sa palapag, siya lang naman kasi ang mukhang nag-overtime sa trabaho ng gabing iyon kaya naman walang ibang ilaw kundi ang nasa opisina niya sa palapag na iyon.

Bumaba siya sa ground floor at lumabas ng building, lumakad siya patungo sa malapit na fast food chain na 24/7 na nakabukas para bumili ng makakain niya.

Habang naglalakad ay hindi niya mapigilang isipin ang naging pag-uusap niya sa kung sino mang hindi niya kilala, ni hindi niya nga nakuha man lang ang pangalan nito, ni hindi niya alam kung babae ba iyon o lalake kaya naman ipinagkibit-balikat na lamang niya at kinalimutan.

Kinabukasan, pauwi siya sa bahay niya para mag-asikaso ng sarili ng tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa coat niya at tiningnan.

6:23am

ID: 5862
Magandang umaga!

Napatapak siya sa preno ng makita kung bakit tumunog ang cellphone niya, napakurap-kurap siya upang kumpirmahing totoo ang nakikita niya. Napuno ng pagtataka ang isip niya, hindi naman kaintere-interesado ang naging usapan nila kagabi para mag-send ito ng ganoong mensahe pero nag-send ito, iyon ang punto at hindi alam ni Xander kung papaano magre-reply sa mensahe.

Ilang sandali ang lumipas bago niya nagawang magtipa, akmang isi-send na niya iyon ng may bumusina sa likuran niya. Napamura siya ng mahina at agad na inilapag ang cellphone para bumalik sa pagmamaneho. Pagdating niya sa bahay niya ay nag-asikaso siya at nalimutan ng magreply, saka lamang niya iyon naalala ng sumapit na ang hapon.

5:25pm

ID: 926337
Magandang hapon.

Subok niyang reply, hindi siya sigurado kung magre-reply pa ito lalo na't late naman ang reply niya. Ibinulsa na lamang niya ang cellphone at nagligpit na, maaga siyang aalis ng kumpanya dahil tumawag na naman si Lorenzo kaninang tanghali at inaaya siyang mag-inom, mukhang na-miss siya ng kapatid.

Bumiyahe siya ng dalawang oras para lamang puntahan ito, minsan binibiro na lang niya ang kapatid na napaka-swerte nito dahil siya pa mismo ang pumupunta sa kung nasaan si Lorenzo kahit pa kadalasan ay kailangan niya pang bumiyahe ng dalawang oras para lang makita ang kapatid.

Pagdating sa bahay ni Lorenzo ay hindi niya nalimutang ibigay sa mga bata ang pasalubong niya, tuwang-tuwa naman ang mga ito at halos hindi mapunit ang ngiti sa mga labi. Naghapunan lamang sila at pagkatapos ay pumuwesto na sa labas ng bahay kung saan sila parating pumupwestong dalawa sa tuwing aayain siya ni Lorenzo.

"Naisip ko lang," panimula ni Lorenzo dahilan para mapatingin siya sa kaharap.

"Ano?"

"Hindi ka ba napapagod?"

Napakunot ang noo niya ng marinig iyon. "What do you mean?" Tanong niya.

"Sabi ni Mommy, isang buwan kang subsob sa trabaho tapos ng magbakasyon ka, isang buwan ka ring nagliwaliw at bumiyahe. Ngayong bumalik ka ganoon pa din, subsob ka na naman sa trabaho."

"Napapagod," Hindi umimik si Lorenzo at nanatili lang na nakatingin sa kanya. "Minsan naiisip ko nakakapagod din ang paulit-ulit na routine kaya ito, isinama ko na sa routine ko pagpunta sayo kahit dalawang oras ang byahe para naman makakita ako ng unggoy kahit papaano," seryosong dagdag niya.

"Gago, seryoso ako. Magpahinga ka, hindi naman na basta malulugi at babagsak ang kumpanya mo kung magpapahinga ka."

Nagsalin siya ng tagay sa shot glass niya saka uminom bago nagsalita. "Ikaw ba? Hindi ka ba napapagod?" Balik na tanong niya.

"Napapagod," napabuntonghininga si Lorenzo. "Nakakapagod maging padre de pamilya, noon ang role ko lang maging anak at kaibigan pero ngayon anak, kaibigan, asawa at ama na. Dumoble agad ng magpakasal ako." Naiiling na sabi ng kapatid niya.

"Pero masaya," dugtong niya na agad tinanguan ni Lorenzo.

"Masaya na sa tuwing gigising ako sa umaga mukha agad ni Misis ang nakikita ko, masaya na sa tuwing napapagod ako andyan ang mga anak ko para pasayahin ako. Masaya na pagtapos ng isang buong nakakapagod na araw ay alam kong may nag-iintay sa akin at may uuwian ako."

Hindi umimik si Xander ng marinig iyon, simula ng mag-asawa ang kapatid niya saksi siya sa kung paano ito nagbago. Nakita niya kung paanong mas naging seryoso ito sa buhay, mas naging responsable at masayahin ito kahit pa minsan ay sandamakmak ang problemang binibitbit ni Lorenzo ay madalas niya pa ring makita na nakangiti ito at tumatawa, bagay na alam niyang genuine dahil kahit pa stress ang inaabot ng kapatid niya sa sandamakmak na responsibilidad ay kuntento ito sa pamilyang mayroon ito.

Sa katunayan, si Lorenzo pa nga ang palaging nagpapaalala sa kanya noon na huwag na huwag siyang maglalaro ng apoy o mambababae dahil palagi siya nitong tinatakot noon na kapag ginawa niya iyon ay babalik ang karma sa magiging anak niyang babae. Noon ay natatakot pa siya ngunit ngayon ay hindi na niya alam kung dapat bang maniwala siya dahil hindi naman na siya sigurado kung talaga bang mag-aasawa pa siya.

Nalihis ang kwentuhan nila at nauwi sa magandang tawanan habang inaalala ang mga ginagawa nila noong medyo bata-bata pa sila, noong binata pa si Lorenzo at wala pang sariling pamilya.

"Sa susunod na lumabas ang barkada, utang na loob sumama ka na." Paalala ni Lorenzo.

"We'll see-" napahinto siya ng umilaw ang cellphone niya, napaangat siya sa pagkakaupo at kinuha iyon para tingnan.

7:30pm

ID: 5862
Magandang gabi!

Wala sa loob na inilapag ni Xander ang hawak na shot glass saka nagtipa ng mensahe upang mag-reply.

7:31pm

ID: 926337
Magandang gabi din.

"Bro, huwag mo namang dalhin dito ang trabaho. Oras ng bonding oh!" Natatawang biro na reklamo ni Lorenzo kaya napaangat siya ng tingin sa kapatid at agad na tinigilan ang ginagawa.

Napabuntonghininga siya saka inilapag ang cellphone at itinuon ang pansin sa kapatid, kung ano-ano pang napagkwentuhan nila hanggang sa maubos nila ang tatlong bote ng beer.

"Wala bang pasok ang mga bata bukas?" Tanong niya dahilan para mapahinto si Lorenzo sa akmang pagdampot sa pambukas ng bote.

"Meron nga pala," napapasaltak na sagot ni Lorenzo saka tumayo. "Muntikan ko ng malimutan,"

"Yari ka kay Chelsea," pananakot niya na ikinasimangot ng kapatid.

Napabuntonghininga ito saka nagligpit kaya tumayo na rin siya at tumulong.

"Siguro kung sasabihin mo sa akin noon na darating ako sa ganitong punto kung saan may makakapigil sa akin sa tuwing may inuman session tayo, paniguradong tatawanan kita." Naiiling na sabi ni Lorenzo.

"Hindi mo ba naisip yan noong girlfriend mo pa lang si Chelsea?" Kunot ang noo na tanong niya.

Umiling si Lorenzo. "Ang nasa isip ko noon, kahit magkaroon ako ng sariling pamilya hindi pa rin ako mapipigilan pero sadyang kapag narito na pala, kusa ka na lang hihinto dahil nagbago na ang prayoridad mo."

"Halata nga, mas nagiging mahiwaga ka na." Naiiling na sang-ayon niya.

"Huwag kang mag-alala, pipiliin ka rin." Natatawang biro nito saka itinuloy iyon sa pagkanta.

Hindi na niya inintindi iyon, sumunod na lamang siya ng umakyat sa second floor si Lorenzo ngunit sa guest room ang diretso niya samantalang ang kapatid niya ay dumiretso naman sa silid kung saan naroon ang asawa nito.

Pagpasok niya sa guest room ay nagtanggal siya ng sapatos saka binuksan ang botones ng suot na polo bago humiga. Ipinikit niya ang mga mata, madilim ang buong silid kaya ng umilaw ang cellphone niya ay napamulat siya. Kinuha niya iyon at tiningnan.

11:08pm

ID: 5862
Kamusta ang araw mo?

Natulala ng ilang sandali si Xander, hindi niya alam kung bakit parang bigla na lamang may humaplos sa puso niya ng mabasa iyon. Tumihaya siya at nagsimulang magtipa ng mensahe.

11:10pm

ID: 926337
Pagod po

ID: 5862
Trabaho ulit?

ID: 926337
Opo
Masfa mi punasol kanona

ID: 5862
Maaga ka pumasok kanina?

ID: 926337
Yes opo

ID: 5862
Tapos?

ID: 926337
Nag-out me ng maaga
Pinuntahan ko kapatid ko
Nandito me sa bahay niya

ID: 5862
Niceee!
Anong ginawa niyo?

ID: 926337
Nag-inom hehe

ID: 5862
Marami?

ID: 926337
Marami na ba ang tatlong bote?

ID: 5862
More than one, yes

ID: 926337
Ikaw ba, nag-iinom ka?
Nakakailang bote ka?

ID: 5862
Hindi ako umiinom HAHAHA

ID: 926337
Why?

ID: 5862
Hindi naman ako lasengga

ID: 926337
Lasengga?
Akala ko lalake ka?

ID: 5862
Lasing ka nga
Babae ako

ID: 926337
Kaya pala nagcha-chat ka ng goodmorning

ID: 5862
Ipinapaalala ko lang kung gaano kaganda ang bawat araw

ID: 926337
Kasing ganda mo?

ID: 5862
Secret
Matulog ka na

ID: 926337
Ayaaaaaaaaw
Bakit kinakausap mo ko?

ID: 5862
Hindi ba't kaya nga nandito para mag-usap?

ID: 926337
Kahit boring ako?

ID: 5862
Boring ka?

ID: 926337
Opo

ID: 5862
Ang galang mo naman paglasing
Pag-hindi ka lasing, isang tanong isang sagot
HAHAHA

ID: 926337
Sorry po
Boring ako kausap po

ID: 5862
Hindi naman, baka hindi ka lang sanay makipag-usap?

ID: 926337
Sanay ka?

ID: 5862
Dati akong call center agent
Ikaw ba, anong trabaho mo?

ID: 926337
Chief Officer

ID: 5862
Oww, nice
Hindi ka pa ba inaantok?

ID: 926337
Inaantok ka na?

ID: 5862
Ayos lang ako

ID: 926337
Kamusta ang araw mo?

ID: 5862
Pagod

ID: 926337
Bakit naman?

ID: 5862
Katatapos ko lang sa trabaho

ID: 926337
Pahinga ka na

ID: 5862
Ikaw din

ID: 926337
Goodnight

ID: 5862
Goodnight din!

ID: 926337
Nag-dinner ka?

ID: 5862
Kanina
Kumain ka bago nag-inom?

ID: 926337
Opo

ID: 5862
Okay, pahinga ka na

ID: 926337
Okay,
Huwag ka ng magreply :)

Kinabukasan ng magising si Xander ay hawak pa ng kamay niya ang cellphone niya, napakunot ang noo niya at inilapag iyon bago bumangon at inayos ang higaan. Ibinulsa niya ang cellphone saka nagsapatos at bumaba sa baba, sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nakatanggi ng ayain siyang mag-almusal kaya naman sumabay na lamang siya kaysa tanggihan ang mag-asawa.

Pagkatapos ng agahan ay tumulong lang siya sa paghuhugas ni Lorenzo at nagpaalam ng uuwi muna ng bahay bago dumiretso sa trabaho. Naligo lang siya pagkauwi sa bahay niya at umalis din agad, ni wala siyang nadatnan ng makauwi at wala ring naghatid ng makaalis ng bahay. Para bang walang kalaman-laman ang bahay kundi gamit, pansin naman niya ang pagkakaiba ng bahay niya at ng bahay ni Lorenzo. Batid niyang ang bahay ng kapatid niya ang siyang matatawag na tahanan dahil may kulay iyon at kapanatagan samantalang ang sa kanya ay tahimik, walang laman at para bang malungkot iyon. Bagay na ipinagkibit-balikat na lamang niya, wala naman kasi siyang magagawa tungkol sa bagay na iyon.

Natapos na niyang pirmahan ang ilang papeles ng mapatingin sa cellphone niya, binuksan niya iyon at napakunot ang noo niya ng walang makita sa notification kaya naman tinungo niya ang app. Doon ay nakita niya ang naging pag-uusap nila kagabi na siyang ikinahawak niya sa sintido niya, magtataka pa siya kung bakit hindi na nag-iiwan ng mensahe ang kausap, iyon pala ay kasalanan niya. Nakaramdam siya ng hiya matapos mabasa ang naging pag-uusap nila, marahil ay nakulitan iyon sa kanya kaya hindi na nag-message pa. Pakiramdam niya tuloy kailangan niyang humingi ng pasensya sa ginawa niya kaya naman nagsimula na siyang magtipa ng mensahe.

10:50am

ID: 926337
Magandang umaga, binibini
Pasensya na kung naabala kita kagabi
Hindi ko sinasadya, hindi na mauulit

Napabuntonghininga si Xander matapos maipadala ang mensahe, bumaling siya sa ginagawa at muling ipinagpatuloy iyon. Pagsapit ng tanghali ay huminto siya para lumabas at kumain, dumiretso siya sa elevator at sumakay doon. Habang naghihintay na makababa sa ground floor ay naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon sa bulsa para tingnan.

12:56pm

ID: 5862
Magandang tanghali!
Wala iyon, ayos lang naman
Hindi naman iyon istorbo :)

ID: 926337
Pasensya na kung ikaw pa ang kinulit ko kagabi

ID: 5862
Okay lang
Tanghali na, nakapag-lunch ka na?

ID: 926337
Palabas pa lang sa trabaho para mag-lunch
Ikaw ba?

ID: 5862
Nako, mukhang mamaya pa ako

ID: 926337
Why?

ID: 5862
Marami pa akong trabahong kailangan tapusin

ID: 926337
Okay, hindi na kita guguluhin
Huwag mong kalimutang mag-lunch pagkatapos

ID: 5862
Noted po

ID: 926337
Okay,
Huwag ka ng magreply :)

Ibinalik niya sa bulsa ang cellphone at tumuloy na sa gagawin ng bumukas ang pinto ng elevator. Katulad ng parati ay lumipas ang araw niya sa trabaho.

10:58pm

ID: 5862
Magandang gabi!

ID: 926337
Good Evening :)

ID: 5862
Kamusta ang araw mo?

ID: 926337
Ganoon pa rin

ID: 5862
Pwede bang magtanong?

ID: 926337
Sure

ID: 5862
Ilang taon ka na?

ID: 926337
31

ID: 5862
Mas matanda ka pala sa akin

ID: 926337
How old are you?

ID: 5862
30

ID: 926337
I'm 1 year older

ID: 5862
Yes, kuya pala kita e

ID: 926337
Hindi tayo magkapatid

ID: 5862
Hindi naman lahat ng tinatawag na kuya e kailangan kapatid

ID: 926337
Fine

ID: 5862
Bakit parang mas okay kapag lasing ka?

ID: 926337
Why?

ID: 5862
Mas madaldal ka e

ID: 926337
Mas gusto mong madaldal ako?

ID: 5862
Kahit ano ay ayos lang naman sa akin
Kaso nauubusan na ko ng idadaldal dito😭

ID: 926337
Sorry

ID: 5862
Ayos lang

ID: 926337
You can go kung hindi mo na trip

ID: 5862
Ayaw

ID: 926337
Why?

ID: 5862
Sa lahat kasi ng nakausap ko,
Ikaw lang yung parang seryoso at matino e

ID: 926337
So matagal ka ng gumagamit ng app na ito?

ID: 5862
Hindi pa
Unang beses ko gumamit nung araw na nakausap kita kaso pang-ilang match na bago kita naka-match

ID: 926337
Okay

ID: 5862
May tanong ulit ako

ID: 926337
Fire

ID: 5862
Okay lang ba talaga sayong kinakausap kita?

ID: 926337
Yes

ID: 5862
You sure?
Kasi kung hindi, okay lang naman kahit hindi mo na ko replyan

ID: 926337
Yes, ayos lang

ID: 5862
Okay
Nag-dinner ka na?

ID: 926337
Yes

ID: 5862
Good

ID: 926337
Ikaw?

ID: 5862
Yes yes
Kanina

ID: 926337
Good to know

ID: 5862
Nasa trabaho ka pa?

ID: 926337
No

ID: 5862
Bahay na?

ID: 926337
Yes
Ikaw?

ID: 5862
Nasa trabaho pa din

ID: 926337
Overtime?

ID: 5862
Ah yes

ID: 926337
Okay

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro