EPIGRAPH

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Bata pa lamang ako,
Alam ko ng may kakaiba
Dinaig ko pa ang bulkan sa pagbuga ng lava
Sabi ng iba,
baka may lahi akong angry birds na pula
O baka, kamag-anak ko si Hera
Kaya simula noon, walang ibang tanging mahalaga
Kundi ang kalayaan ko't saya
Ngunit sa pagdating mo
Para bang bumaliktad ang takbo
Mundo ko'y biglang nagbago
Hindi ko na namalayan
Saiyo na pala nakasalalay ang kaligayahan
Wala ng pag-aalinlangan
Pati ang iniingatang kalayaan
Aking ibibigay, manatili ka lamang."

"Sabi nila, nakakalungkot ang pag-iisa
Mayroong lumbay raw sa bawat musika
Sabi pa nila, tatanda akong dalaga
At mananatiling blangko ang bawat pahina
Ngunit wala naman akong pakealam noon
Ano naman kung manatiling kahon ang kahon?
May home for the agent namang kakalinga pagdating ng panahon
Ngunit tama sila, huwag magsasalita ng tapos
Dahil ng dumating ka, para akong iginapos
Nanatili na't hindi matapos-tapos
Para bang may kulang na ang bawat kabanata
Kung ikaw ay wala
Kaya naman, maaari bang huwag ka ng mawala?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro