Chapter 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 23: Amira

Runaway. That's what I have been doing all my life. When I know that I can't do anything to make up for something, I leave it as it is. When I know I can't beat the opponent, I just turn my back and walk away. It is always included in every decision I make. It's the easiest way to live and to move on.

"Leave, Amira," Archeon whispered again. "You can't win this fight anymore. This is the only way I can help you."

Natulala ako sa kanyang mga mata. That's what I should also do now, run away and leave no trace. This is just like one of the fights I've had before and the only remedy is to leave it as it is and forget that it happened.

Lumunok ako. "I will..." I whispered.

Ngumiti siya. "I am grateful to be with the same lifetime as you, Amira. Pinahanga mo ako. You showed me how to fight. Damn. Idol na nga kita eh. You were all whatI could never be."

Naramdaman kong tumulo sa mga mata ko ang luha. Mabilis na tumihaya ako at binalingan na lang ng tingin ang mga bituin sa kalangitan. Ramdam kong nakasunod sa akin ang tingin ni Archeon.

"You are a fighter, Amira," he said. "But you can't win the battle all the time and that's fine. Just keep on fighting."

With my trembling lips, I said, "I am not a fighter. Never been one. Don't look up to me that high. I don't want to disappoint you."

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "That's not the Amira I know."

I closed my eyes. "She never existed at all."

That Amira was just a manipulation of who I wanted to be. I was never true to myself. It was all for a show. Lahat ng katangian ng babaeng 'yon ay kabaliktaran ng kung sino talaga ako. It saved me anyway. There's no regret in that.

"Uwi na tayo." Tumayo na si Archeon. Pinagpagan niya ang sarili bago naglahad ng kamay sa akin. In my view, he seems one of the stars above. A star that is reaching out to me. A star that's offering me a lift.

Tatanggapin ko na sana ang kamay niya nang bigla niya itong iniiwas. "Smile first," he ordered.

"I don't need your help anyway," pagsusungit ko.

Tatayo na sana ako nang naglahad uli siya ng kamay. "Hirap mong kausap. Tara?" natatawa niyang saad.

Sa pagkakataong 'yon ay nahawakan ko na ang kanyang kamay. Inalalayan niya akong makatayo. Pareho kaming nagpagpag dahil may kaunting damo na dumikit sa damit namin. Hindi ko maiwasang titigan si Arch habang nagpapagpag siya, kitang-kita ang saranggola na tattoo sa braso niya.

"Bakit saranggola din ang ginusto mong tattoo?" tanong ko.

Tumigil siya sa pagpagpag at bumaling ng tingin sa braso niya. "Para partner tayo."

"Maliban doon?" Nagtaas ako ng kilay.

"Hmmm..." Humawak pa siya sa baba niya habang nag-iisip. "Mahilig kaming magpalipad ni Rich ng saranggola dati. I hope that makes sense now."

Napatango naman ako. "I see..."

Nag-umpisa na kaming maglakad, dahan-dahan lang. May malaking pagitan sa gitna namin.

"How about you?" he asked.

Nanatiling sa harap ang tingin ko. "Maganda," tipid kong sagot.

"Deeper, babe."

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Walang reaksyon ang mukha niya. Okay. Mukhang ako lang ang nagbigay ng ibang meaning sa sinabi niya.

Bumaling ako uli ng tingin sa daan.

"Just like a kite, I also want to fly. To fly without getting lost," I said.

"Sino ang nagpapalipad sa 'yo?" bigla niyang tanong.

Natigilan ako sa pagsagot. "A-ako?" hindi siguradong sagot ko.

Mahina siyang tumawa. "You can't be the kite and the string at the same time."

I shrugged my shoulders. "I think I can."

"Ganito." Bigla niyang hinawakan ang balikat ko at hinarap sa kanya. "Ganito ah?" pag-uulit pa niya. Huminga siya nang malalim. "I will hold your string and you will hold mine. You have the control of me and I have yours."

"Don't you think that is too risky?"

"I do, of course, babe." He nodded his head. "Pansamantala lang naman eh. I can't hold you for a long time, I don't have that much energy. Pwede mo ring bawiin ang tali sa akin kapag nakahanap ka na ng mas matatag na tao."

I gulped. "What will happen then? How about your string?"

Bahagya siyang natigilan, mukhang hindi napagtanto ang bagay na 'yon. Ngumiwi ang kanyang labi bago binitawan ang pagkakahawak sa aking braso.

"What?" I asked him again.

"Just let me go then," he chuckled. "Gano'n din naman ang mangyayari."

Nagpatuloy na ito sa paglalakad.

Lumunok ako. "Dadalhin ko ang tali mo sa tuktok ng bundok."

Narinig kong tumawa ito. "That would be a dream come true."

"I also want you to do the same."

He just shrugged his shoulders as a response. Wala na kaming kibuan hanggang sa makarating sa bahay. Naabutan namin si Tita Minerva na pababa ng hagdan, may dala itong tray na pagkain na hindi man lang nagalaw. Natigilan ito nang makita kami.

"Pumasok ka na sa kwarto mo," bulong sa akin ni Archeon.

Nilagpasan ko ang mga nanlilisik na mata ni Tita Minerva. Tutuloy na sana ako sa kwarto kung hindi ko lang narinig ang sinabi ni Tita. "Anong oras na Archeon? Ito ba ang sinasabi mong gusto mo? Ang ipahamak ang sarili mo?"

"I'm so happy right now, Mom," Archeon responded. I could feel the sarcasm on it.

Nakita ko ang paglambot ng expression ni Tita. Parang naiiyak na naman ito pero pigil na pigil. After all, he cares for him. This happened because of how much she cares and feel scared for him at the same time.

"P-pwede mo ba itong ibigay kay Rich? Hindi pa kasi siya kumakain," pakiusap ni Tita na ang tinutukoy ay ang tray na hawak. "Hindi rin niya ako pinapapasok sa kwarto niya. I don't want to use the duplicate key. You know he hates it so much."

Mula sa matapang ay lumambot din ang expression ng mukha ni Archeon. Tumango ito at kinuha ang tray sa kamay ng Mommy niya. Mahinang nagpasalamat si Tita Minerva. Inakyat na rin ni Arch ang tray.

Papasok na rin sana ako nang marinig si Tita. "Kumain ka na, Amira?" bigla niyang tanong.

Wala sa sariling napailing ako.

Tumango siya. "Samahan mo akong kumain," aniya bago naunang pumunta sa kusina.

Naiwan akong gulat. Wala rin akong nagawa kung hindi ang sumunod. Nakaupo na si Tita at kumakain. May isa pang plato na nakahanda, malamang na para sa akin 'yon. Tahimik akong umupo at ginamit ang plato.

Kumuha ako ng pagkain at naglagay sa plato.

"Walang lason 'yan kung 'yon ang pinag-aalala mo," aniya nang mapansin na nakatingin lang ako sa plato ko.

Hinawakan ko na ang kutsara't tinidor. Kumain na rin ako. Tahimik lang kami. Tanging ang tunog lang ng kutsara at tinidor sa plato ang ingay na naririnig. It felt awkward but I managed to ate my food.

Hahawakan ko na sana ang baso para magsalin ng tubig pero naunahan na ako ni Tita. Pinagsalin niya ako ng tubig at inilapag 'yon sa harapan ko.

I managed to mutter a, "Thank you."

"I will stay here for a few days," bigla niyang sabi. "Masyadong maraming nangyari ngayon kaysa sa madalas naming nararanasan. My boys are suffering. I can't leave them like this."

I forced a smile.

She let out a heavy sigh. "But don't forget that I asked you to leave, Amira. Hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko."

Mabilis din na naglaho ang pekeng ngiti sa aking labi. Nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin.

Kumunot ang noo niya nang mapadako sa bandang leeg ko ang tingin. "Wait. You've got a tattoo? Wala naman 'yan dati ah?"

Damn it!

Bubuka pa lang ang bibig ko para sumagot nang maunahan niya ako, "Don't tell me." Madiin siyang napapikit. "Nagpa-tattoo din si Archeon."

Natutop ako sa kinauupuan ko. Napansin kong kumuyom ang mga kamao niya sa ibabaw ng lamesa.

"He has been wanting to have a tattoo," sagot ko nang mahanap ang tinig. I don't care if talking back can add fuel to the fire. "I didn't stop him, not even reminded him that it might affect his condition. Kung galit ka, sa akin mo ibuhos."

Huminga nang malalim si Tita, timping-timpi sa nararamdaman. "Malimit siyang mag-drawing ng mga bagay sa kanyang braso nung bata pa siya. I know he has been coveting to have art embedded on his skin. But... I don't know, Amira." I could feel her frustration now.

"He was happy," I whispered.

Mapait na ngumiti si Tita. "God knows how much I want him to be happy. I would even give up everything for that. Pero ang kasiyahan niya ay makakasama naman sa kanya. It has been the biggest frustration of my life. Seeing him wanting things so bad but can't do anything to make it happen."

I gulped. "May I ask?"

Hindi nagsalita si Tita, parang hinihintay lang niya akong magtanong.

Humugot ako ng lakas ng loob. "Gagaling ba si Archeon kapag dinala mo siya sa ospital? Is there an assurance that he will get totally healed? Not just to get better? Is there, Tita?" My voice has never been this hopeful.

Natulala sa akin si Tita. I didn't get any response from her... until she cried.

I think that's the answer. All my hopes suddenly collapsed. I felt a lump got in my throat suddenly. Kinailangan kong tumayo at umalis nang hindi nagpapaalam. Pumasok na ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Kinuha ko si Chon at niyakap ito.

Suminghap ako nang magbadya na naman ang mga luha.

Death. My own definition of death is freedom. When you die, nothing matters anymore. It's when everything stops. It's when you are finally free from the curse of life. You won't get hurt anymore. Hindi dumaan ang araw na hindi ko naisip na sana ay mawala na ako.

I don't know if I will still be thankful I found this family or what. Because for the first time in my life, I'm so scared of death. It gives me chills. Finally, I felt the pain just by hearing it. I'm scared of what it might bring or what kind of pain it has for someone.

"Leave, Amira..." I suddenly remembered what Archeon said to me.

How can I leave like this?

Sa sobrang pag-iisip ay nakatulog ako agad.

Paggising ko kinabukasan at pagkalabas ng kwarto ay naabutan ko ang Doctor ni Archeon na pababa ng hagdan. Ngumiti ito sa akin nang makita ako. Sumunod na bumaba ay si Tita Minerva.

Gusto kong magtanong kung ano ang nangyari pero hindi ko nagawa.

"Maraming salamat sa lahat ng tulong niyo, Doc," dinig kong sabi ni Tita. "Thank you for helping my son."

Natigilan ako sa sinabi ni Tita. What the hell is happening?

"No worries, Mrs. Harden," nakangiting sabi ni Doc. "Nakakalungkot din dahil malapit na ang loob ko sa anak mo pero kung ito ang desisyon niyo, wala akong magagawa. Do take care of him. I will now leave the rest to you."

"I will, Doc. Maraming salamat sa lahat." Hinatid ni Tita sa labas si Doc.

Naiwan akong punong-puno ng katanunga.

Sumunod na nangyari ay nagtatakbuhang bumaba ang kambal. Huminto sila sa harapan ko. Malaki ang ngiti sa kanilang labi at halatang may masayang balita.

"Let's go to the abandoned theme park?!" excited na paanyaya ni Rich.

Naguluhan ang mukha ko. That's not the answer I was expecting to hear.

"Sige na. Hindi na kasama si Mommy," natatawang sabi ni Archeon. "Tayo lang tatlo nila Rich."

Napatingin ako kay Tita Minerva na kapapasok lang uli. "Kumain muna kayo," bigla niyang sabi. Napansin ko agad ang kakaibang ngiti sa kanya. "Ipagluluto ko pa kayo ng babaunin ninyo."

I think I'm lost. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakisakay na lang din ako. Kumain kaming gahan nang sama-sama. Hindi ko maiwasang punain si Rich. Maaliwalas ang mukha niya hindi kagaya nung huli ko siyang makita kagabi. Nakabalot pa ng bendahe ang kanyang kamao.

Matapos naming kumain ay nagpahinga kami sandali at naligo. Makalipas pa ang ilang minuto ay nagpaalam na kami kay Tita Minerva. Si Rich ang may hawak sa baon namin.

"Tara na?" Napatingin ako sa kamay ni Arch nang hawakan niya ako.

Tumango lang ako.

Nakakailang hakbang pa lang kami nang mapansin kong humigpit ang pagkakahawak ni Arch sa aking kamay. Napansin ko ring may nag-iba sa kilos niya. Parang nahihirapan siya. Wala sana akong balak na pansinin 'yon hanggang sa bigla itong napaluhod at nagsuka ng dugo.

I froze in shock for a moment. Ang sumunod na nangyari ay binitawan ni Rich ang hawak na baunan at agad na nilapitan si Archeon.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya nanatili akong nakatayo.

"Kaya ko naman," dinig kong sabi ni Arch.

I bit my bottom lip. Damn it. Why am I hurting like this? I thought I've already felt the peak of pain but this one is... I don't know. I am down and mad at the same time. It's too much to contain.

Archeon is hurting. Hindi ko 'yon matanggap.

Pinunasan ni Archeon ang dugo sa bibig. He forced a laugh... and that hurts me more.

Napatingin ako kay Tita na nakatingin lang sa kambal. She wanted to help but she refused to. I think... finally... she knew it. Hindi kailangan ni Archeon ang awa, kailangan niya ng suporta. Kailangan niya ng mga taong naniniwala na malakas siya... na kaya niya.

"Mamaya na lang tayo tumuloy," ani Rich.

Madiin na umiling si Arch. I could feel how frustrated he was.

No. He would still insist to go and things could get worse if ever. I need to do something.

Bahagya akong tumalikod at pinasok ang isang daliri ko sa aking bibig. Kinalikot ko ang bandang papasok sa lalamunan hanggang sa naramdaman kong may tumataas sa lalamunan ko. Hanggang sa nagsuka na ako.

"Shit!" I heard someone cursed.

Lumapit sa akin si Rich. "Are you okay?"

Suminghap ako. "Yeah," I nodded.

"Sigurado ka?" alalang tanong pa niya.

Bahagya akong tumingin kay Arch na nakatingin lang sa amin.

"Kung kaya ni Arch, kaya ko," nakangiti kong sabi.

"No," madiin na sabi ni Arch. "Hindi tayo tutuloy ngayon. Go back inside, Amira. Magmumog ka muna at uminom ng tubig. Igagawa kita ng tsaa." Saka na ito naglakad papasok.

Sumunod si Rich sa kanya. Nilagpasan lang nila si Tita na nakatayo sa gilid ng pinto. Sa hitsura pa lang nito ay alam kong naiiyak na naman siya pero pigil na pigil.

Lumapit ako sa kanya.

"You did it, right?" I asked. "You fired the doctor and stopped asking medical assistance."

Sa halip na sumagot ito ay tumalikod siya at pumasok na rin sa loob.

Madiin akong pumikit at kinalma ang sarili. Binalingan ko uli ang lupa kung saan nagsuka ng dugo si Archeon. Muling bumalik ang paninikip ng dibdib ko.

I did the right thing.

Wala sa sariling napangiti ako. Hindi na kami matutuloy. Ang kailangan ko na lang gawin ay magpanggap na masama ang pakiramdam ko. Hindi makakabuti kay Archeon na tumuloy kami at mas lalong hindi makakabuti sa kanya pag inisip niyang siya ang dahilan kung bakit hindi ito natuloy.

All for the Cheon Brothers... All for Archeon.

I have no idea how far I can go for the sake of my vow or how far I can risk for them. But if there's one thing I'm sure of right now, that is... I will disappoint Archeon by staying with them. I'm risking everything on the line.

Amira, you are my final destination.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#life