Chapter 15 Mysterious Woman

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Napapikit na lamang si Maggie. Hindi niya inaasahan ang ginawang paghalik sa kanya ni Derek. Pakiramdam niya ay nasa ulap siya ng mga oras na iyon.

Maya-maya pa ay narinig na lamang niya itong magsalita.

"Will that answer your doubt?", sabi nito.

Iminulat niya ang mga Mata. At bigla ay nakaramdam siya ng pamumula sa mukha. Nanigas siya sa hiya.

Ang mga reporters na pala ang kausap ni Derek. Dumating ang mga security guards at pinaalis ang mga reporters.

Lalakad na Sana si Derek pero pagtingin nito sa kanya ay kumunot ang noo nito. Para siyang estatwa na nanigas pa rin dahil sa paghalik nito sa kanya.

"NakuIto ba ang sinasabi niyang another headline?!", shock niyang tanong sa sarili.

"What are you doing? Tara at puntahan natin si Tita Rita. Gusto niya tayong makausap", sabi nito sa kanya.

Bigla siyang natauhan. "Ha? Ah, umalis na ba ang mga reporters?", tanong niya at tumingin pa sa paligid.

"Kanina pa. Halika na", sabi nito.

Sumunod na lamang siya dito.

-------------------------

"Did you just see that?! I can't believe na nagawa iyon ni Derek sa babaeng iyon! Hindi ako naniniwala na may relasyon sila!", pagalit na sabi ni Shanti sa make-up artist niya.

Nasa tent siya ng mga Sandaling iyon at naghahanda para sa taping ng kanyang eksena nang makita ang ginawang paghalik ni Derek kay Maggie.

"Relax, Shanti. Impossible na girlfriend niya ang babaeng iyon. Tingnan mo naman ang hitsura", sagot ng make-up artist niya.

"No! Kailangan kong malaman ang katotohonan! Bwisetttt!", sabi niya saka tumayo at lumabas sa tent.

"Oh, saan ka pupunta?", takang tanong ng make-up artist.

" Diyan sa labas! Kumukulo ang dugo ko! Grrrrr!", sagot niya. At nagdadabog na lumabas ng tent.

Naiinis na talaga siya. Gusto niyang puntahan ang mga ito pero pinipigilan ang sarili dahil ayaw niyang mag-eskandalo.

-----------------------

Pinuntahan nila si Rita sa opisina nito. May binabasa ito sa computer nang dumating sila.

"We're here", sabi ni Derek nang dumating sila sa opisina.

Nagtaas ng paningin si Rita at umayos sa pagkakaupo.

Ngumiti si Maggie at binati ang manager ni Derek. "Good morning po Tita Rita", sabi niya.

"Good morning. Umupo kayo. I just heard the news today. Nababaliw ka na ba sa ginawa mo kay Maggie, Derek?", seryosong tanong ni Rita.

"Ginawa ko lang ang dapat. Ayaw nilang maniwala", walang pakialam na sagot nito.

"Ewan ko sa 'yo. How about you, Maggie? Bakit basta-basta ka na lang nagpapagamit kay Derek? Sa nangyari kanina, talagang kakalat iyon. Hindi mo mapipigilan ang mga reporters. Maggie, magulo ang mundo ng showbiz. Pati privacy mo, madidistorbo", sabi naman nito sa kanya.

Napakamot sa batok si Maggie.

"Eh, Tita, kawawa naman kasi si Derek kung masisira 'yung image niya dahil nagsinungaling siya. Hindi ba, at lumapit ka rin po sa akin dati at nakiusap na bawiin 'yung sinabi ko sa radyo dahil nga masisira ang image niya?", sagot naman niya.

"Paano naman ang sarili mo?"

Pilit siyang ngumiti. "Huwag na po ninyo akong alalahanin Tita"

Napabuntong hininga si Rita at tiningnan silang dalawa.

"Gaano katagal ninyo gagawin ang pagpapanggap?"

"One month-"

"One month lang po-"

Sabay nilang sagot. Napatango na lamang si Rita.

"Okay, papayagan ko kayo sa kalokohan ninyong ito. Basta wala lang masasaktan in the end. Maggie, wala ka namang feelings kay Derek, 'di ba?", tanong ni Rita sa kanya na ikinabigla niya.

Napatingin naman si Derek sa kanya.

"Po? Ah, eh, wa-wala po. Pero idol ko po siya. At impossible naman pong magkakagusto iyan sa akin , Tita. Parang ganito kami, o", at ipinakita niya ang pinakamataas na daliri at ang pinakamaliit na daliri.

"Good. Basta, ihanda mo lang ang sarili mo sa mga reporters. At ikaw, Derek, ayusin mo 'yang sarili mo. Baka bukas, eh iba na naman ang maririnig kong balita tungkol sa iyo", sabi ni Rita.

"Yeah. I know what to do. I think aalis na muna kami. Tapos na iyong eksena ko i-shoot. Kakain na muna kami. Gusto mong sumama?", tanong niya kay Rita.

"Thanks. But marami pa akong gagawin. Iyong 5G's, magsasign na ng contract for their debut album", tanggi nito.

"Okay. Let's go, Maggie", at tumayo na si Derek.

"Bye, Tita", paalam ni Maggie sa manager ni Derek.

Tumango lamang si Rita sa kanila at ibinalik na ang tuon sa computer.

----------------------------

Tahimik sa loob ng kotse ni Derek. Papunta sila sa isang restaurant upang kumain ng dinner. Wala silang imikan.

'Yung puso ni Maggie, kanina pa tumitibok ng malakas. Sinalat ng kanyang daliri ang kanyang labi na kanina lang ay nahalikan ni Derek  habang nakatingin siya sa labas.

Nakita iyon ni Derek at tumikhim.

"Tungkol kanina, sorry. Na-pressure lang ako dahil sa mga reporters", sabi nito habang nagmamaneho. Seryoso ang mukha nito.

Inalis niya ang daliri at lumingon kay Derek.

"Huh? Naku, okay lang iyon. Alam mo bang first time Kong mahalikan ng isang artista?", at binigyan niya ito ng ngiting-aso.

Oo at kinakabahan siya pero kailangan niyang magbiro para mawala iyon.

"Oh?

Tumango siya.

"Oo! Ang swerte ko nuh? Pinapantasya lang kita dati. Ngayon, instant boyfriend na. Ay, fake lang pala. He he", sabi niya.

"Well, i-enjoy mo lang 'yung one month. Dahil balik tayo sa dati pagkatapos nito", seryosong sabi nito sa kanya.

Nawala ang ngiti niya. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot pagkatapos marinig ang mga katagang iyon. Dapat yata niyang ihanda ang sarili pagdating ng araw na iyon. Baka kasi iiyak siya dahil magiging ordinaryong fan na naman siya nito.

"Bakit?"

Umiling siya. "Ah, wala. Ginutom lang", pagsisinungaling niya.

At hindi na siya nakipag-usap dito hanggang sa dumating sila sa isang mamahaling restaurant.

Pinagtitinginan sila ng mga tao. Pero dahil sosyal at mayayaman ang mga kumakain doon, eh hindi na sila inistorbo.

"Buti naman at nang ma-relax ang beauty ko", sabi niya sa sarili.

Wala pa rin silang imikan. Tinanong lang siya ni Derek kung ano gusto niyang kakainin at sinagot naman niya ito.

Pagkatapos nilang kumain ay uminom sila ng wine, kaunti lang naman.

Nang biglang may lumapit na may-edad na babae sa kanila.

"Derek, is that you?", nakangiti nitong tanong.

Napatitig si Derek sa babae.

"Tita Dianne?", tanong nito. At bigla itong tumayo.

Napatingin siya sa dalawa at napakurap. Pakiramdam niya kasi ay matagal na itong magkakilala.

Napatanong siya sa sarili kung sino ang babaeng ito at bakit ganoon ang reaksyon ni Derek pagkakakita nito.

++++++++++++++++

Hayeeeeersss! Feel kong mag-update kaagad ngayon. Hihihi! Sana po ay naenjoy ninyo ang chapter 15.

Alam kong mabibitin na naman kayo, hehehe. Pero promise , mag-a-update kaagad ako kapag hindi na medyo busy ang beauty ko.

And guys, may bago po akong ginawang kwento , "Coz I'm Yours". Sana ay suportahan n'yo rin po. Hehehehe.

Maraming thank you!!!! :-)

------Megan-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro