Chapter 3 The Deal

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"At iyon nga ang nangyari guys, I didn't expect na ganoon siya", pagkukwento ni Maggie sa mga kaibigan.

"So hindi mo na siya idol, ganern?", tanong ni Stella.

"Ewan ko. Basta ang sama niya. Ikaw kaya ang itulak, anong mararamdaman mo? Huhuhu"

"So totoo pala ang tsismis. Sabi ng kapatid ko, nakita niya ang taong iyan sa isang restaurant. He is very cold daw and hindi namamansin", sabi naman ni Tyler.

"Masakit pa nga yung puwet ko dahil sa pagkabagsak",

"Hay, ano ba naman iyan? Okay lang iyan, ate Mag. Gusto mo chill out tayo tonight?", tanong nito.

Tumaas isang kilay niya. At nag-isip.

Lumapit si Tyler kay Stella at inakbayan ito. "Gusto ko iyang iniisip mo. Hahaha!"

Sasagot na sana si Maggie nang biglang pumasok ang manager at baklitang si Louie. At base sa hitsura nito ay alam niyang galit ito.

"What's with the mess, Maggie?! I heard your program kanina and it's not good. Ngayon naman ay pinuntahan tayo ng kampo Nina Derek!", pagalit nitong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Pati sina Stella at Tyler ay napanganga.

"What?!", at bigla siyang napatayo.

At siya namang pagsulpot Nina Derek at ng kasama nito sa likod ni Louie.

Nakalagay ang mga kamay ni Derek sa likuran at saka tinanggal ang shades. At nakakatakot naman tumingin sa kanya ang kasama nito.

Mas tinaas niya ang ulo na tila pinapakita sa mga ito na Hindi siya natatakot.

"Eh... Eh., ano naman ngayon? Totoo naman yung sinasabi ko. Masakit pa nga ang puwet ko. Hmp!"

Lumapit sa kanya si Louie at pinalo ang puwet niya ng dala nitong newspaper.

"Tumahimik ka! You have to apologize to Derek", sabi ni Louie.

"Ano?!"

Lumapit sa kanya ang kasama si Derek. At tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"So, you"re that lady in the newspaper", sabi nito.

"Ano po?!", kinakabahan siya the way tumingin ito sa kanya.

Lumapit na rin si Derek. At mas lalo siyang kinabahan.

Nagsikuhan naman ang mga kaibigan niya.

"Alam mo ba nang dahil sa iyo ay nasundan ako kung sino mang gago na kumuha ng larawan natin sa newspaper? At narinig ko rin ang mga pinagsasabi mo sa radyo kanina"

Humalukipkip siya. "So?" , painosente niyang tanong.

"Bawiin mo ang mga sinabi mo kanina , ngayondin sa mga nakikinig at aalis kami ng tahimik dito"

"So, nananakot ka? Pagkatapos mo akong itulak nang dahil lang sa ayaw mong magpapicture sa akin, mananakot ka na?", matigas niyang sagot dito.

Mas lalo pa itong lumapit sa kanya. Napaatras naman siya. Pero pagtingin niya sa likuran ay wala na palang space para makaatras siya.

"I'm warning you. Dahil kung hindi-"

"Kung hindi ay ano?!", kahit mataas ito sa kanya ay naging palaban din siya.

'Ba't ko naman babawiin iyon? Eh, ikaw ang nagsimula nito" , sabi ng kanyang isip.

Pumagitna sa kanila si Louie.

"Hep, hep. Teka muna. Stella, ilalabas ko muna itong kaibigan n'yo sa booth. Ikaw na ang bahala diyan sa computer", sabi ni Louie at saka hinila si Maggi.

"No problem, Sir"

"Sa office tayo mag-usap. Madam Rita, Derek, please follow me" sabi ulit ni Louie at lumabas na sila sa booth.

----------------------

Tahimik silang lahat sa opisina ni Louie. Si Maggie, kanina pa niya nilalaro ang mga daliri.

Si Derek naman nakaupo sa kanyang harap at kanina pa siya tinitingnan.

Unang nagsalita si Rita na siyang kasama ni Derek.

"Mr. Reyes, kailangan mawala sa mga isipan ng mga tao ang ginawa ni Derek sa empleyado mo. Although, hindi naman malinaw na si Derek nga iyon, but still iyong reactions ng mga fans ay nakakaloka na. We need to do something about this", sabi ni Rita.

"Oo nga naman Mag, bakit kasi nangyari iyon?", tanong nama ni Louie.

Nag- angat siya ng paningin.

"Eh, gusto ko lang naman magpa picture sa kanya. Tapos dineny niya pa nga siya nga si Derek. As if naman ang gwapo niya. Haler! Tapos, tinulak niya pa ako", pagtataray niya. Pero ang totoo niyan , kanina pa gustong lumabas ng puso niya sa kaba.

Tiningnan ni Rita ang alaga.

"Sa iyo naman pala nagsimula, Derek. "

"Sorry, okay. Now, bawiin mo ang mga sinabi mo kanina. ", sabi nito sa kanya.

Tiningnan niya ito ng masama.

"Ayoko nga! Masakit pa ang puwit ko, nuh. Malakas iyong pagkakabagsak ko. At saka, nasusuka ako na naging fan mo ako. Hmp!"

"Tumigil ka nga, Maggie. Mahiya ka naman. Nagsorry na nga ang tao", saway sa kanya ni Louie.

"Oo nga naman , iha. Alam mo kasi, malapit ng magsimula ang drama niya sa TV, baka aayaw ang mga viewers pati na mga commercials ay hihina. Gusto mo ng picture from him, di ba? What if ipapasama kita sa mga lakad niya for the whole month para libre kang makapagselfie sa kanya" , mahinahong sabi sa kanya ni Rita saka ngumiti.

"What?! Are you crazy? Bibigyan mo pa ako ng sakit ng ulo?!" Reklamo ni Derek.

Ngumisi si Maggie. Tapos sumimangot din. "Ayoko pa din"

"My God, Mag, do you think pagkatapos mong sabihin iyon sa radyo, ay matatahimik ang buhay mo? Any moment from now ay magkakandarapa ang mga reporters dito sa station. Please, ayoko ng ganoon" , sabi ni Louie.

"Oo nga naman, iha. Promise, welcome na welcome kang makapagselfie sa kanya for the whole month", pagmamakaawa ni Rita.

"Ayoko!", sabay sabi nina Derek at Maggie.

Pero biglang napaisip si Maggie.

'Pero, wait, 1 month. Hindi na masama iyon ha. At libre pa akong makipagchikahan sa mga papable at mga hunks na hina handle nitong manager niya.", sabi ng isip niya.

Ngumisi ulit siya.

"Hmmm, 1 month. Hindi na rin iyon masama ah. "

Sabay tumango sina Rita at Louie.

Napatingin naman sa kanya si Derek.

"Okay, deal!", sabi niya.

Ngumiti ng malaki si Rita.

Si Derek naman ay hindi maipinta iyong mukha. Mukhang nanalo siya sa laban. Although kailangan niyang bawiin iyong mga sinabi niya kanina sa radyo.

"Naku, salamat iha! Your 1 month starts now. And I'll give you a list of his schedules", at hinawakan into ang mga kamay niya.

Ngumiti na lamang siya. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa booth. Kailangan pa niyang bawiin ang mga sinabi niya. Ang daming tanong sa kanya Nina Stella at Tyler.

---------------

"Talaga bang bibigyan mo siya ng schedules ko?", galit na tanong Derek nang makabalik na sila sa sasakyan.

"It's the only way para mabura yang bad image mo. Dahil alam mo na hindi ka titigilan ng mga reporters"

"Pinagkatiwalaan mo agad ang babaeng iyon. Paano kung kasamahan lang pala niya ang kumuha ng larawan?"

"Wala sa hitsura ng babaeng iyon ang manloko. So whether you like it or not, pagtigaan mo siya ng isang buwan"

"This is bul---it!"

------------------------

Hi guys! Masakit pala sa kamay magtype ng sobrang haba. Hahahaha! Anyway, Sana naenjoy niyo ang chapter na ito. Keep reading! 😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro