Chapter 6 That Feeling

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Magsisimula na ang party. Pinatatawag na ni Rita ang mga bago niyang alaga. At nandoon na rin sa stage si Maggie.

May mga showbiz reporters na nakaabang na rin. At nandoon rin ang ibang kasamahan sa TV series Nina Derek.

"Please be settle everyone as we are about to start in a few minutes", tawag niya sa attention ng lahat.

Kanya- kanyang naghanap ng mauupuan ang mga guest.

Nag go signal si Rita sa gilid na pwede ng magsimula.

Kinakabahan talaga siya. Buti nalang at hindi niya nakita si Derek ng mga sandaling iyon.

"Good evening ladies and gentlemen, my name is Maggie and I'm your host for tonight's event", pagsisimula niya at pagpapakilala sa sarili.

They started with a prayer. Pagkatapos ay sinimulan na niya ang programa.

"Ngayon pong Gabi ay makikilala natin ang pinakabagong mga alaga ni Madam Rita. Compose of 5 handsome and young guys, together with their very beautiful manager, Madam Rita, let me call in for Mike, Ethan, Joel, Brent and Kim or whom we called as The 5G's!!! A loud of applause!!!", sabi niya.

Lumabas mula sa likod ng stage sina Rita at ang grupo. Kumaway -kaway pa ang mga ito sa audience. At isa-isa ring nagpapakilala sa lahat.

Pagkatapos ng ilang sandali ay binigyan ng chance ni Maggie ang mga showbiz reporters na makapag interview sa mga ito.

--------------------------

Nasa isang sulok si Derek. Pinapanood ang event. Nagsisimula na ring magserve ang mga waiter. Nang biglang sumulpot sa tabi niya si Shanti. Very seductive ito sa suot na gown. Halos lumuwa na ang dibdid nito.

May dala itong baso ng wine.

"I heard from Tita Rita, na ikaw ang kumuha ng babaeng iyan as host, tama ba?", tanong nito sa kanya.

"It's none of your business", ni hindi siya lumingon dito.

"Ano ba ang relasyon ninyo ng babaeng iyan? You just met her days ago"

He took a deep breath. "She's just an ordinary fan, at wala ka na doon".

Tumaas ang isang kilay ni Shanti. "Really? "

"Yeah.", maikli niyang sagot.

Sa katunayan, ay may nararamdaman siyang something from Maggie na ewan niya kung ano. Pero hindi na lang niya iyon pinansin.

------------------------

Pagkatapos ng interview ay nagpakitang gilas ang grupo sa pamamagitan ng pagsayaw at pagkanta. Medyo nawala na rin ang nararamdamang kaba ni Maggie.

Tumagal ng halos isang oras ang programa.

"Everyone, enjoy your dinner!" , pagtatapos ni Maggie.

Dali dali siyang umupo sa gilid at nilapitan ni Stella.

"Naks! ate Mag! Carry mo naman pala ang programa, eh.", sabi sa kanya ni Stella.

Nag-acting siya na parang nahihilo. "Wait lang, nahihilo yata ako", pabiro niyang sabi dito.

"Ang oa mo, ha! Hehehe"

"Pero, alam mo, hindi ko yata nakikita si Derek. Nagtatago ba iyon?", sabi niya saka iniikot ang paningin sa buong lugar.

"Ayeeeh! Hinahanap niya si idol. Akala ko ba, hindi mo na siya idol?", panunukso nito sa kanya.

Ngumiwi siya. "Hindi na noh. Nagtaka lang ako kung bakit nag suggest siya na ako ang kuning host. At saka, iba na ang idol ko nuh. Si Jason. Hehehe", kinikilig niyang sagot sa kaibigan.

"Really? Then why not join me at the table?", napatayo siya nang marinig ang boses sa likuran. Nanlaki rin ang mga mata ni Stella.

"Ay kalabaw!", tanging sambit ni Maggie.

Natawa ng mahina si Jason.

"You did a great job. I think hindi pa kayo kumakain ng kaibigan mo. Tara, join me", sabi nito saka hinawakan ang kamay niya nang bigla ding dumating sa harapan nila sa Derek.

Agad binawi ni Maggie ang kamay niya kay Jason. At napatingin sa kaibigan.

"Bro, pasensiya sa istorbo, pero i need to talk to her", seryosong sabi ni Derek kay Jason.

"Is it important?", tanong naman ni Jason.

May kinuha si Derek sa loob ng amerikanang suot at ipinakita sa kanila ang sobre.

"Yeah", sagot niya dito saka tumingin kay Maggie.

"This is your payment by the way sa pagho-host mo tonight and Tita Rita wants to invite you over our table", saka itinuro ang mesa kung saan nakaupo ang manager.

Sinundan ni Maggie ng tingin ang mesang itinuro ni Derek sa kanya at nakita niyang kumaway sa kanya si Rita.

"Oh, okay. No worries bro. Marami pa namang next time, right Maggie?", walang ibang nagawa si Jason.

Ramdam ni Maggie ang tensiyon ng mga Sandaling iyon. "Ha? Ah yeah", tanging sagot niya.

"Here's my calling card. I'll wait for your call or text", sabi nito saka kumindat pa bago binigay ang calling card.

Napahagikhik si Stella sa kilig ng mga Sandaling iyon.

"Sure. Thanks Jason-", pero hindi pa siya tapos sa sasabihin ay bigla na siyang hinila ni Derek.

"Let's go", sabi nito saka hinila siya.

Gusto niyang sapakin ito sa inasal ngunit hindi niya magawa. Napasunod na lamang si Stella sa kanila.

---------------------

Sa kabilang mesa naman ay inis na inis si Shanti sa nakikita. Nasa tabi niya ang co-star at kaibigan na si Darla.

Napansin nito na hindi maganda ang mood niya.

"Bad mood ka yata, besh. Why?", pansin nito sa kanya.

Inginuso niya ang kinaroroonan nina Derek. Tila aliw na aliw pa na nakipagchikahan si Rita dito.

"That girl na nasa mesa nila, nakakainis na. Akala mo kung sinong maganda", sabi niya dito.

Tumango si Darla. "Right. I heard she's an amateur DJ."

"Tama. Amateur lang siya. Nagtataka talaga ako kung bakit siya ang kinuhang host. Wala namang kalatoy-latoy", naiinis na talaga siya.

"Baka one of their friends lang", nagkibit balikat namang sagot ni Darla.

"Whatever. I'll keep an eye on her", sabi niya saka uminom ng wine.

------------------

"Job well done, Maggie. Naibigay na ba sa iyo ang fee mo?", nakangiting tanong sa kanya ni Rita.

Nahihiya siyang tumango dito. "Opo, madam Rita", saka tumingin kay Derek na nakaupo sa tabi ni Rita. Ang kaibigan naman niya ay nasa tabi niya nakaupo.

"Good. How about your friend? Nag enjoy ka ba iha?", tanong naman nito kay Stella.

Ngumiti si Stella bago sumagot. "Opo madam"

Natawa si Rita sa kanila. "Oo nga pala, bago ko makalimutan, just call me Tita Rita instead of madam. It makes me older kasi", at humagikhik ito.

"Opo, Tita Rita", .maikli nilang sagot ng kaibigan.

"Okay, mag-enjoy lang kayo sa pagkain. I need to entertain some of our guests", sabi nito saka tumayo.

Sinundan ni Maggie ng tingin si Tita Rita. At pagkatapos ay tumingin kay Derek.... Ng masama.

"What?!", takang tanong nito.

"Alam mo, panira ka ng moment. Alam mo ba 'yung feeling kapag kinakausap ka ng idol mo?", pagalit niyang tanong dito.

"Nope. Ano nga ba?", sagot nito saka uminom ng tubig.

"Feeling cloud 9! Hmp!"

"And crazy? Tulad noong Una tayong nagkita?", pang-iinis nito sa kanya.

Natawa si Stella. "May tama ka, Derek. Baliw talaga iyang si ate Mag. Baliw na baliw sa iyo hihihi", at nakisali na rin si Stella sa kanila.

Lumingon siya sa kaibigan
"Ssshhh! Hindi kaya!", saway niya dito.

"Aysus! Deny to death pa! Eh, nasa harapan mo na iyang idol mo nuh!, ngunit ayaw talagang papigil ni Stella.

Nagblush na siya ng bonggang-bongga dahil sa kadaldalan ng kaibigan. May nakita siyang wine sa mesa at ininom niya iyon ng diretso. At nagdagdag pa ng nagdagdag.

"Oi, ate Mag! Hinay-hinay lang", sabi ni Stella saka binawi ang bote ng wine.

Hindi niya pinansin ang kaibigan.

"Akala ko ba, ayaw mo akong makausap, ayaw mong nagpapapicture ako sa iyo, hello! Look oh! Kanina pa picture ng picture iyang mga showbiz reporters sa iyo", sabi niya dito.

Tumingin naman ito sa palibot.

"Hindi ba at iyan ang gusto mo? One month na magpapapicture sa akin? Meron ka na lang 3 weeks. Bakit hindi mo lubusin?", lalo pang pang-iinis nito sa kanya.

"Ah, ganoon? Wait ka lang. Susulitin ko iyang 3 weeks", at nakikipagtitigan siya dito. At uminom uli ng wine.

+++++++++++++++

Hi guys! Kinilig din ba kayo sa chapter na ito? Special thanks to my sister pala na palaging nagko-contribute ng ideas.

I love you, sis! 😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro