Sixteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Gusto kong sumali rito," nakangusong sambit ko kay Dwarren dito sa balcony habang nakatanaw sa paligid sa ibaba. Nagkakape kaming pareho at nagpapahangin at the same time. Nakita ko kasi sa isang Facebook post na may pa-singing contest sa loob ng tatlong araw, malapit lang dito at gusto ko iyong masubukan.



Nilingon ako ni Dwarren nang nakangiti, "Sali ka. Sususportahan kita," aniya bago sumimsim ng kape.



Humawak ako sa railings at pumikit kasabay ng pag-alon ng buhok ko sa hangin. "Ang ganda ng ganito," nagmulat ako ng mata at nag-angat ng tingin sa kanya.



Bumaling din siya sa akin, "Ang ganda nga," ngumisi siya bagi lumapit at hinalikan ang noo ko.



Umirap ako at muling pinagmasdan ang paligid. "Alam kong maganda ako. Ang ibig kong sabihin ang ganda ng sunrise lalo na kapag kasama mo 'yung mahal mo." Nakangiting saad ko. Nagising kami ng maaga at inantay nalang ang paglabas ng haring araw kanina.



Nung hapon ay pumunta ako ng bahay para makuha ang gitara na gagamitin ko. Marunong akong maggitara dahil tinuruan ako noon ni Bench. Iyong 'Maybe the Night' ay alam ko na ang mga chords. Inikot ko ang peg ng guitar para maayos ang tono. Nag-practice lang ako buong gabi dahil matagal na rin simula noong hindi ako nakapagtugtog. Andito ako sa kama naka-indian seat at nakapatong sa hita ang gitara. Bumukas ang pinto at pumasok si Dwarren, tinabihan ako. Habang kumakanta ay sinabayan niya ako. "Moon has never glowed this color... Hearts have never been this close." Nagkatitigan kami, "I have never been more certain... I will love you 'til we're old..."



Napatigil ako sa pagkanta nang hinawakan niya ang isang kamay ko, "Bakit?" Natatawang tanong ko.



"I will love you 'til we're old, misis ko." Lumapit siya para bigyan ako ng halik.



Kinabukasan ay umalis kaming pareho at sinamahan niya ako sa audition. Sa may auditorium lang ng city ang venue at marami-rami ring tao. Pang-number fifty-seven pa ako kaya nagpabili muna ako ng makakain para maibsan ang kaba. "Anong gusto mo, misis ko?" Tanong sa'kin ng Dwarren habang nakaupo sa monobloc chair.



"Hmm..." Lumingon ako sa paligid, "Gusto ko sana ng mais."



Bahagya niyang ginulo ang aking buhok bago tumayo, "Ilan?"



Ngumiwi ako, "Isa lang. Grabe 'to!" Asik ko.



Pagkabalik ni Dwarren ay may dala siyang dalawang mais. "Ayan para sa misis ko," kinuha ko iyon. Hinalikan niya ang noo ko, "Goodluck. I love you," bigla-biglang saad niya. Uminit naman ang pisngi ko at lumingon sa paligid. May mga kabataang nakatingin at kinilig pa.



Tinawag na ang numero ko at kinuha ko na mula sa case ang gitara ko. Umakyat ako sa maliit na stage at tumayo sa tapat ng mic na may stand. Isinabit ko ang guitar strap sa balikat. Kita sa baba na nanonood si Dwarren, nakatayo, nakangiti, at nakapamulsa. Huminga ako ng malalim at pumikit bago nagstrum, "I want to lay down by the fire with you... Where souls are glowing, ever warmer too." Sakto pagmulat ko ng mata at nag-flying kiss pa ang mister ko. Mas ginanahan tuloy ako! Napangiti ako habang kumakanta, "Your love surrounds me like a lullaby... Singing softly, you are mine, oh mine." Nakatingin ako sa mga mata niya sa bawat pagbigkas ko ng lyrics.



Pinagpatuloy ko lang iyon hanggang sa matapos. Nagpalakpakan naman ang mga judge pati na rin ang ibang naroon. Pagkababa ko ay dali kong niyakap si Dwarren. "Nakakakaba," nag-angat ako ng tingin sa kanya.



Ngumiti siya at kiniss ang ilong ko. Napapikit naman ako, "You did great, baby, misis ko."



"Salamat sa pagsama at pagsuporta sa'kin dito. Love you," nag-tiptoe ako para mahalikan siya sa pisngi. Nilibot ko ang paningin ko. Ang PDA pala namin masiyado!



Nakuha ako sa audition kaya may dalawang araw nalang ako para mag-practice. Napakamot ako sa ulo, "Hindi ko makuha..." Dismayadong saad ko. Rito ako sa sala, nakaupo sa sahig, nagpa-practice. Lumabas si Dwarren sa kwarto na bagong ligo at umupo sa tabi ko. "Hindi ko makuha 'yung F sharp." Ngumuso ako at nilingon siya.



"Halika..." Napangiti ako habang tinuturuan niya ako kung saan ipupuwesto ang daliri. Nang makuha ko na ay bigla siyang nagtanong. "Paano ka natutong magpatugtog ng gitara?"



Tumigil ako sa pag-strum at ibinaba ang gitara. Umusog ako at hinarap siya, "Si Bench ang nagturo sa akin. Nung foundation day namin no'ng highschool kinuha siyang guitarist ng isang school band kasi 'di dumating 'yung original na guitarist nila. Kaya pagkatapos, nagpaturo ako kasi gusto ko talagang matutunan iyon." Pagkuwento ko.



Nagulat ako nang sumandal siya sa balikat ko, "Ano pang mga naturo niya sayo?"



Hinagod ko ang kanyang buhok, "Tinuruan din niya akong mag-bike tapos mag-drive ng motor. Sila Raul at Tonyo kasi tinatawanan lang ako," napailing ako. "Tapos itutulak-tulak pa ako!" Humalakhak ako.



"Nilulutuan ka rin niya?"



"Oo naman! Kapag pumumunta kami sa bahay nila Bench sinasamahan ko siyang magluto para 'di na mag-abala si tita. Iyong dalawa taga-gulo tapos nilalaro kapatid ni Bench." Masayang paliwanag ko.



Bukas na ang contest at kakauwi ko lang galing trabaho, ngayong hapon ay kakanta sana ako sa harap ni Dwarren para marinig ang opinyon niya sa akin kaya lang umalis siya para puntahan si Emily. Sabi ko naman sa kanya ay pwede namang dito sila papuntahin at sunduin nalang sa kanila. Kaya lang, ayaw nilang binibiyahe muna ang bata. Mag-isa na naman akong nag-aantay sa kanya rito. Napasandal naman ako sa sofa at napatingala sa ceiling. "Masiyado ba akong selfish kung gusto ko akin ka lang?" Bulong ko sa hangin.



Araw na ng contest at ang venue ay same sa audition, pinaganda at nilagyan lang ng maraming mga designs at ilaw. Medyo alanganin na ang oras kaya nagmadali na akong bumaba ng sasakyan ni Dwarren. Nakapasok na ako sa loob pero nagulat nalang ako nang maalala na naiwan ko ang gitara ko. Tumakbo ulit ako palabas at sinalubong si Dwarren na papasok pa lang, bitbit ang mga pagkain. "Iyong gitara?" Hindi na ako mapakali.




Kita ko ang gulat sa mata niya, "Shit!" Napasapo siya sa noo.



Napaawang naman ang labi ko, "Hindi nadala?!" Tumaas na ang tono ko. Napapadyak ako, "Hindi ba naiwan sa sasakyan?" Napaupo ako. Hinanda ko na iyon sa sofa at akala ko ay nauna nang inilagay ni Dwarren sa compartment ng sasakyan pero nalimutan din pala!



Biglang may naglahad ng case ng gitara sa harap ko, "Makakalimutin kang bata ka." Natatawang saad niya.



Tumingala ako at nakita ko si Bench! Napatayo at napayakap ako sa kanya sa tuwa. Nang bumitaw ako ay tanaw ko rin sila Tonyo at Raul na palapit. "Andito kayo!" Masayang sambit ko.



Lalapit sana sa akin ang dalawa at biglang humarang si Dwarren, "No hugs.." Aniya.



Tinawanan naman siya, "Uy, pre, hindi. Walang gano'n!" Nagtaas pa ng dalawang kamay si Raul at siniko naman siya ni Tonyo.



"Pasok na tayo!" Sambit ko at isinabit sa balikat ang gitara.



Magkatabi kaming naglakad papasok ni Dwarren at nakahawak pa siya sa baywang ko. "I'm sorry, I forgot," bulong niya sa akin.



Kinurot ko ang braso niya, "Ayos lang. Buti nalang andiyan sila Bench."



Nagsimula na ang contest at pang twelve pa ako out of fifteen contestants. Nasa backstage lang ako at nag-aayos at the same time ay naghahanda. Ang suot ko ay simple lang. Iyong usual na suot ko, polo sleeves, pants, at rubber shoes.



Nagulat ako nang bumukas ang kurtina, pumasok si Dwarren sa backstage, "Oh?" Napangiti ako. Napapikit ako nang lumapit siya at hinila ang braso para mapalapit sa kanya at mahalikan ako. Nang buwitaw siya ay saka pa labg ako nagmulat. "Hindi pa ako nanalo, may prize na." Natatawang saad ko.



Hinawakan niya ang mukha ko, "Goodluck, baby, misis ko. I trust you. Andito lang ako, lagi kitang susuportahan," pinagkuskos niya ang ilong namin.



Bumulong ako, "Ang clingy mo," pang-aasar ko.



Nagsimula na ang contest at masasabi kong magagaling ang mga kalaban ko. Halos sa kanila ay matataas na kanta. Konti lang kaming nakuha na mag-gigitara. Nang tinawag na ang number ko ay isinabit ko na ang gitara sa balikat ko at umakyat sa stage. Ang mga hurado ay nasa gilid at ang mga manonood ay nag-aabang. Maraming ilaw ang nakatama sa akin. Masiyado nang magliliwanag ang ganda ko nito! Luminga muna ako sa paligid, nakita ko ang mga kaibigan kong nagta-thumbs up sa akin. Bumaling ako sa lalakeng mahal ko na may taas na papel, maliit na banner, may nakasulat na 'Goodluck, my wife!' Ang cute niya tignan!



Huminga ako nang malalim bago tumikhim. Tahimik lang ang paligid. Nilapit ko ang bibig sa mic at nagsimula, "Umaga na sa ating duyan... 'Wag nang mawawala... Umaga na sa ating duyan... Magmamahal, oh, mahiwaga..." Sinimulan ko na ang pag-pluck ng strings at ini-strum. "Matang magkakilala... Sa unang pagtagpo...Paano dahan-dahang...Sinuyo ang puso?" Habang kumakanta ako ay naalala ko lahat. Kung paano kami unang nagkita at kung gaano ako naiirita sa kanya. Naiinis ako kapag may kausap siya na ibang babae.



Nang mag-chorus ay nagtaas ang ibang mga manonood ng kamay at dahan-dahang kinakaway para makasabay sa kanta. "Mahiwaga, pipiliin ka sa araw-araw... Mahiwaga...Ang nadarama sa 'yo'y malinaw." Kinanta ko iyon nang may feelings parang feelings ko lang kay Dwarren.



"Hoo!" Rinig kong sigaw ni Bench. Nilingon ko sila at ang mga kaibigan ko ay may hawak ng cellphone at naka-on pa ang flashlight. Ginawag concert! Si Dwarren ay nakangiti lang habang pinapanood ako.



Natapos na ang kanta at nag-bow ako. Bumalik ako sa backstage para uminom ng tubig. Medyo malamig ang kamay ko. May humawi ng kurtina, "Uy!" Narito ang mga supporters ko.




Sabay na naglahad ng bottled water si Bench at Dwarren. "Ako nauna," bahagyang ngumiti si Bench.



"Sino nagsabi? Ako kaya," pikon na saad ni Dwarren.




Tinaas ko ang kamay para awatin sila. "Mayroon na akong tubig," tinaas ko ang bottled water na ininuman ko. "Bigay 'to ng organizer. Sa inyo nalang 'yan baka nauhaw kayo sa pagnood." Natatawang saad ko bago umupo sa monobloc chair



Umupo silang tatlo sa gilid at si Dwarren naman sa tabi ko. Tahimik lang na nakikinig sa mga kwento at asaran nila, "Ang ganda nung Helen," saad ni Raul. Napaawang ang labi ko sa gulat. "Crush ko na yata!" Iyon ang contestant na nauna bago sa akin!



Inakbayan siya ni Tonyo, "Congrats, pre! Big boy ka na!" Ginulo pa niya ang buhok ni Raul.



"Big boy amp!"



Nakangiti akong bumaling kay Tonyo, "Saan pala si Berna. Bakit 'di kayo magkasama ngayon?" usisa ko.



Napakamot siya sa batok, "Ayun, nagtampo kasi hindi ko nasundo kagabi," dismayadong aniya.



Lumabas na sila noong announcement na ng winner. Nakatayo kaming mga contestants sa gilid, naka-arrange by number. Ang unang tinawag ay ang fourth place. "Gilyan Mendez! Congratulations!" Maligayang bati ng announcer. Third place naman ay si Helen, iyong crush daw ni Raul. Hanggang sa first place at winner nalang ang natitira. "Ang babanggitin nating pangalan ay ang first place siya ay si..." May pa-drum roll pa. "Mira Christy Tamayo, number twelve! Congrats sayo!" Napaawang ang labi ko. Hindi na rin masama, ha! Nilibot ko ang paningin ko bago tanggapin ang cash prize na five thousand at may pa-certificate pa! Nawala ang ngiti ko ng hindi ko mahagilap si Dwarren tanging mga kaibigan ko lang ang andoon. Saan 'yun nagpunta? Magkasama lang kami kanina. Pinicturan pa kami at nang natapos ang awarding ay wala ako sa mood.



"Congrats, M!" Sabay yakap ni Tonyo.



"Naks naman! Congrats, Misty. Akin iyong kalahati, ha!" Pambuburaot ni Raul. "Iko-congrats ko si Helen." Aniya at nagtatakbo papuntang ibang direksiyon



Lumapit si Bench at pinisil ang pisngi ko, "'Wag ka na malungkot, ayos na ang first place. Ang galing mo nga," nakangiting saad niya.



Ngumuso ako at bumaling pareho kay Tonyo at Bench, "Eh, kasi.. okay naman sa'kin ang first place," luminga ako sa paligid at napabuntong hininga, "W-Wala si Dwarren.."



"May tumawag sa kanya. May importante lang daw na pupuntahan. Hindi sinabi kung ano baka sa kompanya nila?" patanong na saad ni Tonyo.



Inakbayan ako ni Bench, "Tawagin na natin si Raul at kakain na tayo!" Muli akong nilingon ni Bench ng may pag-aalala pero nginitian ko lang siya.




Nakasakay kami sa kotse ni Bench after ng contest at kumain saglit sa panciteria. Saglit lang kami dahil hindi ako masiyadong umiimik. Binalik ko na rin ang gitara ni Bench at nag-order ako for take out para kay Dwarren kung sakaling 'di pa siya kumain. Muli nila akong cinongrats, "Salamat sa support niyo!" Maligayang saad ko bago bumaba. Nawala rin ang ngiti ko nang makaalis na sila. Habang papasok sa condo ay parang ang bigat ng dibdib ko.



Mabagal lang akong naglalakad sa hallway. Parang ang bigat ng mga paa ko sa bagal ng paglakad. May nadaanan pa akong magjowang naghahalikan bago pumasok ng kwarto kaya napabuntong hininga ako.



Narito na ako sa tapat ng room at marahan kong binuksan ang pinto. Nabitawan ko ang plastic ng pagkain na binili ko sa nakita. Napatakip ako sa bibig.



Nakatingkayad si Kaitlyn at hinahalikan si Dwarren. Samantalang itong lalake na 'to ay nakatayo lang, walang ginawa! Gulat silang lumingon sa akin. Ang kakapal ng mukha! Nagawa pang maghalikan dito sa unit ni Dwarren! Tinulak ni Dwarren si Kaitlyn at lumayo, akmang lalapit sa akin "M-Misty-" Sinampal ko siya.



Nilagpasan ko silang dalawa at dumiretso sa bedroom. Hinila ko sa ilalim ng kama ang maleta na dala ko noon. Sumunod sa akin si Dwarren at sinusubukang hawakan ang braso ko. "Ano ba! Putangina!" Galit na sigaw ko at napaupo sa sahig habang umiiyak.



"Misty.." Tawag sa akin ni Dwarren.



Kinuyom ko ang kamao ko bago tumayo sa harap niya. "May balak ba kayong sundan si Emily, ha? Rito pa talaga?!" Dinuro ko siya.



Niyakap niya ako bigla, "M, hindi. Bigla lang niya akong hinalikan. Please 'wag ka namang umalis," pagsusumamo niya. Sinuntok-sunok ko ang dibdib niya hanggang sa nanghina ako. Bumitaw siya, tinignan niya ako sa mata. Hindi pa rin ako tumigil sa paghagulhol, "W-Wala k-ka namang balak na iwan ako 'di ba?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Iniwas ko mukha ko at hinawi siya. Dumiretso ako sa cabinet at binuksan iyon para kunin at ligpitin ang mga gamit ko. "Misty, naman..." Sunod lang siya ng sunod sa akin.



Pinagkasya ko ang mga gamit ko sa maleta. Tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Mahal ko siya pero nasasaktan na ako...



Nang tumayo ako at hihilain na sana palabas papuntang sala ang maleta ay bigla niya akong niyakap sa likuran. "D-Dwarren, b-bitaw nga." Nanghihinang saad ko. Andito ako tumigil sa tapat ng pinto at hinanap ng paningin ko si Kaitlyn na mukhang umalis na at iniwang bukas ang pinto.



Umikot siya para harapin ako. "'Wag namang ganito, M. Malapit na tayong ikasal, ilang buwan nalang. 'Di ba nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan?" kinagat ko ang ibabang labi ko, "I will love you 'til we're old, misis ko. Please stay. I'll explain. I love you. I love you, Misty, mahal kita. Please... Hindi ko kaya," Desperadong aniya habang umiiyak. Yumuko siya at pinagdikit ang aming noo at hinawkaan ang pisngi ko.



Mas lalo akong humikbi. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko, "Mahal din kita, Dwarren. Mahal na mahal... Pero hindi na ako masaya," bigla siyang bumitaw at tinitigan ako, "Nasasaktan ako!" Tinuro ko ang sarili ko. "Hindi ko rin kaya ng ganito! Oo, selfish ako! Kasi mahal kita..." Umiling ako, "Pero napapagod na ako..." Nanghihinang sabi ko.



Hinaplos niya ang labi ko at tinitigan iyon habang namumungay ang mata, "Pagod ka na?" tumango ako. "Ganito ba talaga ang gusto mo?" Dismayadong sambit niya at tumigil sa paghaplos ng aking labi.



Lakas loob akong tumango, "Alam kong magiging mabuting ama ka kay Emily. Emily is so precious to you... Alam kong hindi mo siya pababayaan." Inalis ko amg singsing at binigay sa kanya, tinanggap naman niya iyon.



Mahal kita, Dwarren. Alam ko ring mahal ka pa ni Kaitlyn. Magiging masaya na kayong pamilya. Hindi mo na ako kailangang isipin pa.



Muli niya akong niyakap nang mahigpit, "Kung 'yan ang gusto mo, rerespetuhin ko. Pangako, aalagaan ko si Emily at magiging mabuting tatay ako sa kanya."



Kasalukuyan kaming nag-iinuman. Kami lang ang nag-iinuman ni Tonyo dahil hindi siya pinapansin ni Berna kaya sadboy. Andito rin si Bench at Raul. Sinabi ko ang lahat para naman mabawasan ang bigat na nararamdaman ko at nakinig lang sila. Hindi pa ako umuuwi sa bahay. Bigla namang tumayo ang dalawang single, "Group hug tayo." Bigla naman nila kaming niyakap ni Tonyo.



Napamura ako, "Putangina ang init!" Reklamo ko.



Bumitaw naman sila at muling umupo, "Misty, Tonyo, ang mapapayo ko lang... Order pa tayo ng maiinom-" Hinampas siya ni Bench.



"Misty, ihatid na kita pauwi. Gabing-gabi na," presinta ni Bench.





Nagising ako sa kama ko. Na-miss ko ring matulog sa kwarto ko. Andito na ulit ako. May kumatok sa pinto ko at binuksan ko iyon. Bigla nalang akong niyakap ng dalawa kong kuya. Nalaman daw nila ang nangyari dahil kagabi nung hinatid ako ni Bench pauwi ay lasing akong humahagulgol at banggit daw nang banggit kay Dwarren. Kaya walang nagawa si Bench kundi i-kwento. Kapatid ko pa rin sila, dapat nilang malaman.




Inakbayan ako ni kulangot, "Kasalanan namin 'to, M. Kung hindi namin ginawa 'yung arrangement na 'yon hindi mo siya makikilala. Hindi ka masasaktan." Dismayadong sambit ni kulangot habang nakaupo sa dulo ng kama ko. Pinagitnaan nila akong dalawa.



Pilit akong ngumiti, "Hindi niyo naman kasalanan. Nagpapasalamat nga ako kahit papaano na nakilala ko siya. Nasubukan kong magmahal at mahalin."



"Misty," hinawakan ni kuya ang kamay ko. Natatawa ko siyang nilingon, "If you want to cry. Just cry. Andito lang kami ni Choule." Napanguso naman ako at nagsimulang humikbi na naman.




Bumisita ako sa mini chapel kung saan nakalagay ang mga urn. Iyong mga pumanaw na pero crinemate. Andito sila mom at dad... Pati na rin si ate Mari Chaira, ang ate ko. Six months palang siya sa tiyan ni Mom ay naipanganak na. Kulang sa buwan at mahina rin ang heartbeat hanggang sa hindi na kinaya. Hinawakan ko ang name nilang naka-engrave.



Binibigyan din ako nila Matilda at Ate Anais ng mga comfort letters at sweets. Hindi ko alam na may ganitong side rin pala sila.



Present...



Mabilis kong pinaharurot ang motor para hindi niya ako maabutan. Nasa may crossing na ako nang biglang may tumama sa aking malakas na ilaw sa kanan, papunta sa direksiyon ko. Mabilis kong iniliko ang motor at natumba ako.



"Misty!" Iyon ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.



<3



05/15/21

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro