Twelve

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Hihinto muna ako sa pag-aaral," humihikbing sambit ni Raul sa akin.


Narito kami sa hospital kung saan in-admit ang mama niya. Sinamahan ko siya rito sa may hagdanan dahil lumabas siyang umiiyak. Naiwan sila Dwarren, Tonyo, at Benchong sa room kung saan ang mama niya para magbantay. Pareho kaming nakaupo at rinig na rinig ang hikbi niya na para bang bata.



Umusog ako papalapit sa kanya at niyakap siya. Hindi ko alam mang-comfort ng tao pero handa akong makinig. "Raul... Meron talagang bagay minsan na dumarating sa atin nang hindi inaasahan. Kung ano pa 'yung ayaw nating mangyari, nangyayari sa atin." Hinawakan ko ang kamay niya habang humihikbi pa rin siya. "Maging matatag-"



Pinutol niya ako, "Paano kung pagod na akong maging matatag?" nilingon niya ako, pulang-pula na ang kanyang mga mata at napaawang naman ang mga labi ko. Napailing siya, "Kung hindi lang kami iniwan ng papa ko ng maaga," humikbi na naman siya at niyakap ang sarili, siniksik ang ulo sa tuhod.



"I-surrender mo lahat ng problema mo sa kanya. Sa itaas," nilingon niya ako, "Hindi ako marunong mang-comfort ng tao. Sorry." Niyakap ko siya patagilid, "Andito lang kami, Raul." Sabi ko habang tinatapik tapik ang kanyang likod.



Kumalma na rin siya sa paghikbi, "Salamat, M, ha. Sa inyong lahat," niyakap din niya ako. "Kayo ang nagpapalakas sa akin. Hindi ako susuko at lalaban lang."



"Uh, tubig.." May biglang nagsalita na lalaki at sabay naming binalingan iyon ni Raul. Si Dwarren, nakatayo sa harapan namin at may inaalok na tubig. Isang bote ng tubig para kay Raul.



"Salamat," nahihiyang tinanggap iyon ni Raul sa kanya.



"Wala sa akin?" Sumimangot ako at humalukipkip.



"Gusto mo ba? Bilhan kita ng isang galong tubig," sabay naman akong tinawanan ng dalawa at napangiwi nalang ako.



Andito rin si Dwarren sa hospital dahil mag-tataxi lang sana ako pero sabi niya ay sasamahan nalang daw niya ako.




"Lalabas muna ako. Uh, anong dinner gusto niyo?" tanong ni Dwarren habang nakapamulsa.



"Kahit 'wag na pre.." sagot naman ni Raul.



Tinapik ko ang balikat niya, "Sige na. Magsabi ka lang," pangungumbinsi ko. Napakamot ng batok si Raul at napilitan din.



Nag-order si Dwarren ng pagkain naming lahat na andito sa kwarto ng mama no Raul. Sasamahan ko sana si Benchong na bumili ng mga prutas pero sabi ni Dwarren ay siya na lang daw.



"Salamat dito, pre." Ani ni Raul.



Nagsalita ang mama ni Raul, "Naku. Nag-abala pa kayo. Pasensya na at mukhang nakaistorbo pa ako. Baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo." Nanghihinang sabi niya sa amin.



"Hindi po kayo nakakaistorbo, tita." Sabi namin at nginitian siya. Bumaling ako sa mga kapatid ni Raul na tahimik lang kumakain.



"Rea, Rona, Renz," pagtawag ko sa kanila. Nilingon naman nila ako. Nilahad ko ang fries na hindi ko nakainan, "Sa inyo nalang 'to. Busog na si ate," saad ko at ngumiti. Lumapit si Rence sa akin at nagpasalamat.



"Baka masanay 'yang mga 'yan," paalala ni Raul. Ayaw niya kasing nasasanay ang mga kapatid niya sa ganoong klaseng pagkain dahil 'di naman healthy.



"Bili tayo ng prutas, Misty." Sabi ni Benchong sa akin habang ngumunguya.



"Ngayon na?" Tanong ko.



"Sama ako!" Singit ni Tonyo na katabi ang mga kapatid ni Raul. Wala raw kasing kasama sa bahay ang mga kapatif niya kaya kapilitan na rito nalang. "Sa bahay namin meron!"



"Ako nalang," napatingin naman ako kay Dwarren na biglang nagsalita. Hindi pa siya kumakain at nakasandal lang sa pader. "Gabi na at baka wala ng bukas. Meron sa unit kong mga prutas."



"Kahit 'wag na, pre. Nakakahiya na," napakamot si Raul ng ulo.



"Hijo, napakabait mo naman masiyado." Komento ng mama ni Raul. Ngumiti naman si Dwarren sa kanya.



"Hoy, 'di ka pa kumakain." Asik ko. "Kami nalang ni Benchong. " saad ko at kumuha ng tubig para uminom.



"Hindi pa ako gutom," aniya at binuksan ang pinto para lumabas. Ngumiwi naman ako. Anong nangyari roon?



Tumikhim si Tonyo, "Mukhang nakakamoy ako ng selos!" Natatawang sabi niya at umirap naman ako.



Alam naman ni Dwarren na kaibigan ko si Bench at bakit naman siya magseselos ulit?



Oo nga pala, seloso 'yun.



Nung naging official na kami ay palagi siyang nagtatanong about sa mga kaibigan ko. Kapag nababanggit o nakukuwento ko naman si Bench ay bigla bigla niya akong papatigilin nang may halong inis.



Lakas din ng tama. Papakwento tapos biglang maiinis.



"Si Raul laging nang-aasar tapos makiki-join pa si Tonyo," umiling ako habang nagkukuwento. "Si Bench naman mabait-"



"Kain na nga tayo," ang tono ng boses niya ay may halong inis.



Madaling araw na kami nakauwi sa unit ni Dwarren at nakatulog naman ako agad. Kinabukasan ay dumaan ako saglit sa bahay at kumuha ng ibang gamit.



"Hoy, kulangot!" pang-aasar ko nang makita siyang nag-aayos ng buhok sa salamin sa kwarto niya. Naka-open kasi ng malaki ang pinto. Nilingon lang niya ako at inirapan.



Nakaupo sa dulo ng kama si ate Anais at nakabihis. Mukhang may date sila ngayon. Blooming din siya tignan. "Hi, Misty!" Masiglang bati niya sa akin.



"Hi, ate!" Bati ko pabalik. Umupos ako sa tabi niya, "May date kayo?" Inangkla ko ang kamay ko sa braso niya.


Tumango siya, "Anniversary namin," ngumiti siya.



Napa 'O' naman ang bibig ko. "Happy Anniversary sa inyo!" napapalakpak ako. Bumaling ako kay kulangot na nagpapabango. "Grabe, pakasalan mo na!" bulyaw ko.



"'Wag ka ngang maingay, M!" Sinungitan niya ako.



Inirapan ko nalang siya at muling bumaling kay ate Anais. Tahimik lang talaga siya kapag hindi kinakausap.



"Ate, ang blooming mo," ngumisi ako.



Namula naman siya. Lumingon siya kay kulangot bago sa akin. Lumapit siya at bumulong, "Lagi akong pinapa-blooming ng kuya mo." Napa-wow naman ako at humalakhak.



"Pinag-uusapan niyo ba ako, ha?" Tapos na siyang mag-ayos. Lumapit ako at ginulo iyon. Inis niya akong tinignan, "M!" tumakbo ako palabas.



"Enjoy kayo sa anniversary niyo!" sigaw ko habang pababa ng hagdan.



Nang maghapon na ay mag-grocery dapat kami pero busy si Dwarren. "Pinapatawag ako ni dad," saad niya. Napanguso naman ako, "Gusto ka na raw niyang makita in person." Ngumiti siya.



Kinabahan ako agad, "H-Ha? Ngayon n-na?" Gulat kong sambit.



"Ikaw, if you want." Ngumisi siya.



Pinagpawisan ako bigla, "N-Nahihiya pa a-ako." Yumuko ako, "S-Sorry," nanlulumong saad ko sa kanya.



Bigla naman niya akong niyakap, "It's okay. Just tell me when you're ready to meet my dad. Don't worry, 'di naman siya nangangain." Natatawang sabi niya.



Nag-grocery ako mag-isa. Hindi gaanong marami ang tao. May nakita akong dalawang pamilyar na mukha. Ang babae ay nakaangkla sa braso ng lalake.



"Tonyo! Berna!" Masiglang sigaw ko. Bahagya akong tumakbo papunta sa kanila. Basket lang ang bitbit ko samantalang sila ay naka-push cart.



Ngumisi ako nang makita uliy na naka-scarf si Berna. "Grabe talaga 'yung lamok, Berna. Ang wild," kinindatan ko siya at napatawa naman siya.



"Kaya nga!" Nag-apir kaming dalawa.



Napakamot naman si Tonyo sa ulo, "Ikaw, Tonyo, behave, ha." Pagsesermon ko.



Ngumiwi siya, "Ano ako aso?" Pilosopong tanong niya. Bahagyang hinampas ni Berna ang kanyang braso. "Joke lang!" Nag-peace sign pa siya sa akin.



Humilig naman si Berna sa kanya, "Mauna na kami, M." Pagpapaalam niya. "Bibili pa ako ng bagong scarf," aniya at kinindatan ako.



"Sige, ingat kayo." Tinapik ko ang balikat ni Tonyo bago sila naunang umalis.



Habang nasa pila ay may nakita akong babae na nag-gogrocery rin. Napalingon siya sa akin at nakita niyang nakatingin ako. Awkward akong ngumiti.



Kahit sa pila ay nasa harapan ko siya. Matapos ang ilang minutong pila ay siya na sana ang susunod sa cashier nang bigla siyang nahimatay. Buti ay bago pa man siya bumagsak ay nasalo ko siya.



"Hala!" Nagpanic ako bigla.



"Uy, anong nangyari!" usisa ng iba.



"Sa hospital dalhin niyo!" Pagsisisigaw ng ibang mga tao.



"Paypayan niyo!" Sabi pa ng ibang mga tao.



Ako ang nag-alalay sa kanya. Nang unti na siyang nagkamalay ay kinausap ko siya. "May nararamdaman ka ba, miss?" Tanong ko.


Umiling siya, "Dadalhin kita sa hospital." Sabi ko. Pinauna ko na iyong iba sa pila at mamaya ko nalang babalikan ang akin.



Nagtaxi ako at sinamahan siyang madala sa hospital. Habang naglalakad papasok sa loob ay hawak niya ang kanyang tiyan. "A-Ayos ka lang?"



Nilingon niya ako bago tumango, "Oo. Salamat." Sasamahan ko pa sana siya sa loob pero tumanggi siya, "Hindi mo na ako kailangan samahan. Salamat nalang," sambit niya bago ako nginitian.



Wala akong gunawa kundi tumango. Aalis na sana ako nang bigla akong may naalala.



Nilingon ko siya ulit at nilapitan, "Anong name mo?" tanong ko.



"Kaitlyn..."



Hinanap ko ang mister ko pagkauwi sa unit niya. Nilapag ko muna ang mga pinamili ko. "Dad, I love her for real. I will marry her," proud na sabi ni Dwarren sa kausap.


"Hindi na kailangan magpanggap dahil totoong-" Binuksan ko ang pinto ng bedroom at napalingon siya sa gawi ko. Ngumiti siya sa akin bago nagpaalam sa kausap.



Umupo ako sa gilid ng kama at tinabihan naman niya ako. "Sino 'yun?" Curious na tanong ko.



Hinagod niya ang buhok ko bago ako ako dinampian ng halik. Namula naman ako agad, "Cute." Natatawang sabi niya at inirapan ko siya. "Si dad," sagot niya sa tanong ko. "Hindi rin kami nakapag-usap ng matagal dahil may meeting pala siya."



"Oh, I forgot." Aniya at nilapit ang mukha sa akin.



Kumunot ang noo ko, "Ang alin?" Taka kong tanong sa kanya.



Ngumisi siya, "Iyong lesson natin." Sambit niya bago inilapat ang labi sa akin.



Matagal iyon natapos. "'Di ba araw araw 'tong lesson na 'to? Nakalimutan natin kahapon," Ngumisi siyang muli. Bago pa man ako makapagsalita ay hinalikan niya na naman ako.


<3


05/03/21

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro