When We Disco

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sampung taon na ang lumipas simula nang mangyari ang pandemya, siguro naman safe nang sabihin. “WE'RE FREE! FINALLY!!!”

“YEAH!!!” sagot ng crowd.

Nandito ako ngayon sa Oktoberfest—isang malawakang event kung saan kasabay ng concert ay pwede ka ring uminom ng liquors.

Matagal ko nang gustong um-attend sa ganitong event. Iniisip ko pa noon na kapag nag-18 na ako, ay libre ko nang maexperience 'yung mga pagpunta sa bar or evening parties, katulad ng isang bida sa teleserye. Pero dahil ako ang panganay na babae, ay isinawalang bahala ko na lang 'yung naisip kong iyon.

Okay rin naman sa akin dahil nagfocus ako sa career ko. Kaya ngayon, ay puro reward na lang sa sarili ko ang ginagawa ko. Hindi naman masama sa isang 30 year old single woman ang ma-experience ang mga ganito for the first time, 'di ba?

Habang tumatagal ay dumarami na ang mga tao, mas nagiging wild dahil sa kalasingan, umiingay dahil malapit nang mag-alas dose, mas kumakapal na rin ang usok dahil sa vape. Kaya napagpasiyahan kong um-exit muna para makalanghap ng sariwang hangin.

Nang maka-exit ako ay napatingin ako sa paligid ko, at napansing marami-rami pa palang naghihintay rito sa labas. Kaya okay lang din na hindi na ako bumalik, para sila naman ang mag-enjoy sa event. Tutal okay naman na ako dahil nakapagperform na 'yung mga idol kong banda.

Hindi naman ako mahilig uminom kaya malakas pa ang energy ko. Naglakad-lakad ako along seaside dahil papresko nang papresko sa pakiramdam. Mabuti nga at hindi na masangsang ang amoy ng dagat, hindi gaya ng dati na halos pigilan ang paghinga.

Okay na sana ang pagse-senti at main character feeling ko eh, kaso what in the cliché world am I experiencing right now?

Kahit pala gaano ka-cliché ang plot na—'Out of billions of people in the world, you were the one who caught my attention or I saw'—ay iba pa rin kapag ikaw ang naka-experience.

Well, ano nga ba ang mayro'n?

I just saw my ex boyfriend. 'Yung ex kong nakipagbreak sa gitna ng pandemya. 'Yung taong iniwan ako noong mga panahong kailangan ko siya kasi siya 'yung lagi kong takbuhan at human diary ko.

Pero bakit ba ako affected? Nakamove on saka happy and contented in life na ako.

Napailing ako at dumiretso sa paglalakad. Tutal, hindi naman niya ako mapapansin kasi nakatalikod siya at busy sa pagstrum ng gitara.
Palapit nang palapit ay mas kinakabahan ko. Hindi naman ako nakapagkape kanina pero nagpa-palpitate ako. Hingang malalim, Ilang hakbang na lang bago ko siya madaanan.

“Eliza?” Napatingin ako sa left side ko dahil sa pagtawag ng isang pamilyar na boses. 'Yung best friend pala ni ex.

“Hi Fred. Ikaw pala 'yan.” Bati ko sa kaniya. Napatingin ako sa right side ko at eksaktong nagkatinginan kami ni Albert.

“It's a small world after all.” Rinig kong sabi niya.

Akala ko ba boys scout sinalihan mo no'n? Sa girls scout 'yan, 'di ba?” Pang-aasar ni Fred sa kaniya. “Anyways, ayokong maging third wheel sa inyo. Oh ito, para sa mahaba-habang usapan.” Inilapag niya ang isang bucket na may laman na apat na sanmig light. “Mauna na ako ha? Enjoy!” At saka siya nagtatatakbong umalis.

Para kaming naestatwang dalawa ni Albert dahil sobrang awkward ng sitwasyon namin.
Pero dahil mukhang ito ang plano sa akin ng life, ay kumilos na ako. Naglakad ako palapit sa kaniya at saka umupo sa tabi, isang metrong layo. Social distancing pa rin. Naka-indian sit kaming dalawa at nakaharap sa dagat.

Masyado ka namang malayo, paano mo maaabot 'yung beer niyan?” Mayamayang sabi niya.

“Gusto mo lang ako makatabi eh,” pabiro kong sagot.

Maloko siyang ngumiti at umiling. “Well, I guess, yes. Pwede rin?”

“Ewan ko sa 'yo. Oh ito na nga, lalapit na.” Umusog pa ako ng kaunti hanggang sa ka-size na lang nung bucket 'yung distansya namin.

Ipinagbukas at inabutan niya ako ng isang bote.

“So, kamusta ka na?” Paunang tanong niya.
Ang tanong na madalas iwasan dahil kahit madali ay napakahirap sagutin.

“Hmm, ayos naman. Paunti-unti, sinasanay ulit 'yung sarili sa pagiging malaya. Grabe kasi 'yung dinulot sa 'tin ng pandemic eh. Ikaw ba?”

Ayos lang din, ito busy sa business at projects sa work. Stressed, pero ayos lang kasi malapit nang matupad ang isa sa mga pangarap ko.”

“Oh nice...” Napatango na lang ako dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.

Nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa. Uminom lang kami at inubos ang unang bote ng sanmig habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Binuksan niya ang pangalawang bote at muling nagtanong.

“Alam kong napaka-kapal ng mukha ko kung tanungin kita lalo na't ako ang nakipagbreak. But... How's life when we disco...?” Bigla siyang yumuko at pinaglaruan ang bote ng beer.

Uminom muna ako bago sumagot. “Hmm, parang bagyo. Nagsimula sa makulimlim, umambon, umulan na may kasamang kulog at kidlat. Pero after no'n, nagkaroon ng liwanag, parang 'yung rainbow after the rain. I learned to love myself first. Nagfocus ako sa studies, tapos no'n nagkaroon kaagad ako ng work. Nakapag-ipon na ako at nakatulong sa family ko.” Nakangiti lang ako habang nagkekwento sa kaniya. “Ikaw ba? How's life when we disco?”

“I'm so happy for you. Nakakaproud kasi na-achieve mo rin ang mga goal mo in life. Well, for me, double o triple ang trabaho ko no'n, kasi nawalan ng work sila Ma at Pa. Kahit sobrang hirap dahil limitado pa ang lahat ay kinaya ko. Kaya ngayon, nag-eenjoy ako kahit kinabukasan, Lunes na naman at kailangang magtrabaho.”

“That's nice. And congratulations din sa 'yo, for not giving up.” Pagcheer ko sa kaniya. At muli na naman kaming natahimik.

Mayamaya pa ay sabay kaming nagsalita. “Tayo kaya?/May chance pa ba tayo?” Natawa kaming dalawa dahil parehas pala kami ng iniisip at umaasa pa.

“Subukan natin?” tanong niya.

Tumango ako bago sumagot. “Subukan natin.”

The End

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro