53
Tanya
Today 22:15
Tanya
Aalis ba bukas?
Para alam ko kung maaga
akong gigising
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Engr. Alfonso
Today 22:16
Aga
Hindi na ako makauwi
Nandito ako kina Manang
Alfonso
Bakit mo ba ko inuupdate?
Wag ka ngang text nang text
Sabihin ng asawa ko lagi ko
hawak cellphone ko eh
Aga
Si Tanya kasi
Uuwi ba ko?
Alfonso
Umuwi ka kung gusto mo
Aga
Pano kung magtanong siya?
Alfonso
Diba yan naman yung hinintay mo?
E ano naman?
Edi sumagot ka
Aga
Kung di ako makasagot?
Alfonso
Edi wag mong sagutin
Ano ba yan Aga
Pilipit ka lagi kay Tanya eh
Aga
Di ko na alam
Pinili niya lang naman si Agatha dati
Aga
Kasalanan ko rin naman kasi
di ko mabigay sa kanya yung
pamilyang dapat meron siya
Alfonso
Bakit ba kasi kailangan niyang mamili?
Alfonso
Kung mahal talaga nina Tita Tere si
Agatha, o si Tanya, di dapat nila
ginawa yon
Alfonso
Bakit nila inipit si Tanya?
Bakit kailangan kang iwan ni Tanya
bago sila pumayag na buhayin apo nila?
Alfonso
Sorry ah
Buti na lang pumanaw na yon
Aga
Gago ka
Alfonso
Hahahahaha e totoo naman?
Si Tito Ga nga kahit walang-wala
na nagreregalo pa kay Agatha
Tapos sila?
Aga
Ayaw naman talaga nila sakin
Di ko naman masisi si Tanya
Six years na tapos walang
nagbabago sa buhay namin
Ok na rin yung umalis siya
Aga
Pano pag tapos na kasal ni Agatha?
Kung itutuloy niya talaga yun
Aalis na ulit si Tanya?
Alfonso
Ano naman ngayon?
E ano naman sayo?
Bakit mo naman poproblemahin
yan e hindi naman ikaw gagastos
ng ticket pabalik sa Oslo?
Mahal mo pa?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro