Four: Experience

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Four: Experience


Patuloy na sinasaway ni Chester si January habang nagmamaneho ito.

Nakapatong kasi ang mga paa niya sa dashboard habang nagpapatugtog ng musika gamit ang kaniyang cellphone.

Nakapikit ito habang sinasabayan ang kanta.

"I don't have to miss no T.V. shows, I can't stop my whole life over..."

"Get your feet off my dashboard."patuloy na saway ni Chester pero parang hindi ito nakikinig, patuloy ito sa pagkanta nang nakapikit, gumagalaw pa ang ulo nito kasabay ng beat ng music.

"Hoy!" Hindi pa rin ito nakinig. Pasalit-salit ang tingin niya sa daan at kay January. Halos wala nang kahihiyan ang babaeng ito dahil parang proud pa yata siyang ipaglantaran ang mapuputing legs niya kay Chester.

"January! Your shoes are dusty!" Tumingin si Chester sa sapatos nitong kulay light yellow na converse, medyo luma na ito pero maganda pa ring tingnan.

Hindi pa rin nakikinig si January.

Napapikit ng mariin si Chester at nagbuga ng malalim na hininga.

Ang tigas talaga ng ulo!

"Okay! I'll just turn this car and go straight to Bacolod!" Mabilis pa sa kidlat ang pagbaba ni January ng kaniyang mga paa kasabay ng pag-off niya sa kaniyang cellphone.

"Hoy! Huwag namang ganiyan! Last wish ko na 'to sa'yo eh!" Ngumuso ito at nagmaka-awa kay Chester.

"Please na...hindi pa ako nakakapunta sa Mambukal eh!"

Nakasimangot lamang si Chester habang nakatingin sa daan, kahit anong gawin ni January na pagyugyog sa kaniya ay wala siyang pakialam.

Hindi niya alam kung nagtatanga-tangahan at nagpapabebe-bebehan lang ito o tanga talaga pero hindi naman lingid sa kaalaman siguro ni January na hindi na sila makakabalik pa sa daan papuntang Bacolod kasi malapit na sila sa Mambukal.

Sa gilid ay mga puno na, at may ibang turista nang naglalakad sa gilid ng daan papunta sa resort.

Kanina kasi, imbes na dumeretso na sila ng Bacolod ay humingi pa si January ng isa pang pabor, aniya'y huli na daw ito dahil maghihiwalay na sila ng landas sa Bacolod.


Gustong-gusto ni Chester na tumanggi pero hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang tingnan ang malungkot na mukha ni January sa tuwing hindi siya pumapayag. Baka siguro nasanay lang siya na palagi itong nakangiti.

Kaya ngayon ay nandito na siya sa Mambukal Mountain Resort, sinasamahan ang babaeng hindi niya lubos kilala, pero ewan...magaan ang loob niya dito. At kinakabahan na siya sa nararamdaman niya.

"Hindi na nga ako makakabalik sa daan kasi nandito na tayo!" Mariing sabi nito sa busangot na mukha.

Parang timang na ngumiti ng napakalapad naman si January at nagtatalon-talon.

Dali-dali itong bumaba ng sasakyan nang nakaparada na sila, dumeretso naman si Chester sa booth para magbayad ng entrance at parking fee pati na rin sa first waterfall na gustong puntahan ni January.

He paid for all of it, dapat ay galit na siya pero ngayon...parang mas nasisiyahan pa yata siya na napapasaya niya si January.

Si January naman ay nalibang na sa pagtitingin sa paligid, maraming bata ang nandito kasama ang pamilya nila.

Tumikhim si Chester nang lagpasan niya si January, agad naman itong sumunod sa paglalakad.

All the tourists are gathered already at the entrance of the pathway leading to the falls. Sumali doon sina Chester at January.

Tiningnan ni Chester si January at napansin nitong malapad na ang ngiti sa mga labi at patuloy na iniindak ang kaniyang mga paa habang ang kaniyang mga kamay ay pinapalo-palo naman ang kaniyang mga binti na para bang isa itong drum.

Halatang excited na ito.

Napatingin  si Chester sa paligid at namangha sa natural na tanawin. Maraming puno sa paligid. Hindi niya pinagsisihang sumama siya kay January, hindi maipagkakailang masaya siya at parang nakakapagpahinga pa ang isip niya.

Maya-maya lang ay nagsimula na ang tour, patuloy  ang pag-ngiti ni January at kung minsan ay nakikipag-usap pa sa ibang mga turista.

Ang iba ay sumasabay at nakikipag-usap sa kaniya, ang iba naman ay halatang napipilitan lang, pero wala lang iyon kay January, mas natutuwa siya sa tuwing may nakaka-usap siya.

May isang turista na inignora at inirapan lang si January at agad siyang pinalayo kaya agad hinila ni Chester si January at sinamaan ng tingin ang babae.

Masyadong mabait si January para ganunin lang ng mga tao.

Nagulat ang babaeng walang respeto at napa-iwas na lamang ng tingin.

Narinig ni Chester ang tikhim ni January kung kaya't napatingin siya dito, nakatitig si January sa kamay niyang hawak-hawak ang braso nito kaya dali-dali siyang bumitaw.

"Huwag ka kasing feeling close." Nauna nang maglakad si Chester kay January, hindi niya alam pero parang siya pa yata ang nahiya.

Agad namang sumunod si January at sumabay na sa paglalakad sa kaniya, hindi sila nakikinig sa tour guide, nasa hulihan din naman sila.

Saglit na tiningnan ni Chester si January sa gilid niya at nakangiti lang ito ng napakalapad habang tumitingin sa paligid.

"Alam mo..."napaigtad siya at agad na napa-iwas ng tingin nang magsalita si January at lumingon sa kaniya.

"Ang ganda talaga dito sa Mambukal...kahit na dito ako sa Murcia nagta-trabaho ay hindi ako nagkaroon ng chance na bumisita sa mga ganito kasi focus na focus ako sa trabaho para may maibigay kay auntie."

Hindi sumagot si Chester at nanatili lamang na naglalakad habang nakahalukip ang mga braso.

"Actually marami pang pwedeng puntahan dito sa Negros eh...pwedeng dun sa Mt.Canlaon...tapos sa...Ruins!" Pumalakpak si January at tumingin kay Chester.

"Maganda dun sa Ruins...hindi pa ako nakapunta dun...for sure magugustuhan mo yun...bakit hindi tayo pumunta doon-"

"No...this will be the last."

Agad na pinutol ni Chester si January dahil pakiramdam niya ay magpapasama na naman ito sa mga lugar na gusto niyang puntahan.

Chester only did her a favor, sinamahan lang niya ito dito sa Mambukal at pagkatapos nito ay tapos na.

He can't afford to waste another time just to accompany a girl he barely knows. Kung tutuosin ay nasa bahay na sana siya ni Beatrice ngayon pero natagalan lang dahil kay January.

Malungkot na ngumuso si January at tumango na lang.

Chester felt something heavy in his heart when he noticed January's sudden silence after his rejection to her offer.

Napa-iling siya sa isip at huminga na lamang ng malalim

He shouldn't feel something for this stranger.

Nang dumaan sila sa mabatong daan para makarating sa First Falls ay hindi naiwasang muntik na siyang madulas, mabuti na lamang at nandiyan si January.

January though, is very calm na parang sanay na siya dito. Inalalayan niya si Chester na minsan ay umiiling pa dahil nahihiya siya sa mga babaeng tumitingin sa kaniya.

Sino bang hindi mahihiya eh siya ang lalake tapos ang babae pa ang nag-aalalay sa kaniya?

January didn't mind though, si Chester lang talaga ang nahihiya.


Nang dumating sila sa First Fall ay malapad na malapad ang ngiti ni January at mangiyak-ngiyak na humarap kay Chester bago tumalon.

"Waaahhh! Nakarating din ako dito sa wakas! Thank you!"

Napatingala si Chester sa falls, hindi iyon masyadong mataas pero nakakamangha itong panoorin.

Nahuhulog ang tubig mula sa tuktok at nagtitipon ang mga ito sa gitna na para nang swimming pool tapos nahuhulog na naman ulit ito at ang sabi ng tour guide ay ito ang tubig ng Ilog dito sa Mambukal.

Chester was totally amazed. Aaminin niya sa sarili niyang hindi pa siya nakakita ng falls, as in never pa sa buong buhay niya.

Masyadong kill joy para sa kaniya ang pamilya niya dahil hindi nito hinahayaang lumabas-labas si Chester kahit na Third Year College na siya.

Natulala siya sa ganda ng talon na halos gusto na niya itong puntahan para lang madama ang tubig na nahuhulog doon.

There are rocks on the top of it at halos parang bata si Chester na iniisip niyang baka pwede siyang pumunta sa tuktok at tingnan kung saan nanggaling ang tubig.

Maybe he could step and sit on those rocks.

Nabalik lamang siya sa ulirat nang siniko siya ni January, napatingin siya dito.

Prenteng tumango si January sa kaniya at ngumiti.

"Maganda 'no?" Tumitig lamang siya sa babae.

"Hindi ka makasagot kasi totoo? Ay sus!" Sinagi nito ang braso niya at tumawa. "Sabihin mo na kasing the best akong kasama...kasi aside sa napapasaya kita...maganda pa ang mga lugar na napupuntahan mo." Napapangiti na lamang siya ng palihim sa kadaldalan at kahanginan ni January.

Kung pwede lang niyang sabihin ang totoo na nasisiyahan nga siya...sasabihin niya, pero may bagay sa loob niya na nagpapatigil sa kaniya dahil hindi siya sanay at pakiramdam niya, sa oras na sabihin niya ito, close na sila. Ayaw niyang maging close sila.

"Alam kong kailangan nating umalis dito...so hindi mo na ito matititigan kaya halika..." Napatingin si Chester kay January at bahagyang kumunot ang kaniyang noo nang may kunin si January mula sa likod nito.

Nang makuha na ito ni January ay ngumiti ito ng napakalapad bago ito itinaas sa ere at nag-peace sign.

Nanlaki ang mga mata ni Chester.

"Paano mo nakuha ang camera ko?" Gulat na may halong galit ang tanong niya.

It was his Cannon that January's holding, bili iyon ng ate niya at pinapahalagahan niya iyon.

Kukunin niya sana ito pero nag flash na ito. Bahagya siyang napapikit habang si January naman ay napahalakhak.

"Akin na yan!"

Iniwas ni January ang camera at tiningnan ang kuha niya.

Pilit iyong kinukuha ni Chester pero madaling nakaka-ilag si January.

Namula si Chester lalo na nang tumawa ng napakalakas si January. Ipinakita niya kay Chester ang kuha niya.

Nakangiti ng napakalapad si January habang si Chester naman ay nakangiwi, malapit na malapit ang mukha niya sa camera.

Itinuro ni January ang mukha ni Chester at tumawa ulit.

"Sabi ko sa'yo picture muna eh-" inagaw ni Chester ang camera mula kay January at isinabit na iyon sa kaniyang leeg.

"Hape?" Pinakitaan siya nito ng thumbs up at sarkastikong tingin pagkatapos ay umirap.

"Pikon...hmp...creating memories lang naman eh..."

"You should have known that meddling with other person's property is a sign of disrespect."

Seryosong sambit nito na ikinangiwi lang ni January.

"Ngek ngek mo...dito na nga lang tayo malapit sa tubig...ang KJ mo eh..."

Naunang maglakad si January palapit sa tubig at sa mga turistang busy sa pagpipicture doon. Nakasimangot na sumunod siya dito.

Dapat ay umalis na talaga siya eh, hindi niya alam kung bakit nagtatagal pa siya kasama ang babaeng ito.

Ah! Tama! Ito lang ang makakasama niya papuntang Bacolod. Kaya sige...magtitiis siya. After all mawawala na 'tong babaeng ito pagdating sa Bacolod.

Nang nakalapit na siya sa tubig katabi si January ay napahinga siya ng malalim.

Tiningnan niya ang camera niya kung may gasgas ba ito. Bigay ito ng ate niya kaya iniingatan niya ito, mahalaga ito sa kaniya at ayaw niya itong masira o mawala.

"Arte nito...para namang hinulog ko 'yan...for your information...I handle things with care...hindi ako pabayang tao...hindi ako careless okay?" Ngumiwi si January.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Chester at inignora.

Kung naiintindihan lang siya ng mga tao, siguro matiwasay ang buhay niya.

Masyado siyang misteryoso, masyado siyang magulo, gusto niyang maintindihan siya pero wala pang naglakas loob na subukan iyon.

Gusto niyang maramdaman na tanggap siya, na kahit may mga pagkakamali at pangit sa pagkatao at buhay niya ay mararamdaman niyang tanggap siya. Kahit yun lang. Hindi niya iyon kailanman naranasan sa pamilya niya.

Napapikit si Chester nang naramdaman ang tubig na tumama sa mukha niya. Dali-dali niyang tinakpan ang camera niya at itinago iyon sa kaniyang likod.

Hindi humihinto ang pagtama ng tubig sa kaniyang mukha, napangiwi siya at ginamit ang kamay para isagang sa mukha niya.

"Peste..."

Napa-atras siya dahil hindi ito tumitigil, sinubukan niyang ibuka ang kaniyang mga mata pero natatakot siyang baka makapasok ang tubig doon.

"Oh...ayan...tubig para lumamig ang ulo mo...ang sungit mo!" Humalakhak si January habang patuloy na sinasabuyan ng tubig si Chester.

Ramdam niyang nababasa na ang kaniyang suot kaya todo ang sagang niya.

Tila yata hindi alintana ni January na may mga kasama silang turista sa first falls.

"January! Stop it!-"

"Ayaw...hmp!" Inikot niya ang sling ng camera niya para matago ang camera sa kaniyang likod. Sinigurado niyang hindi ito mababasa.

Nang masigurado na niya iyon ay unti-unti siyang humakbang palapit kay January.

Mas lalong tumawa si January at binilisan ang pagsaboy ng hindi naman maraming tubig, para niya lang winiwisikan ng tubig ang kasama.

"Ang sungit mo kasi-"

Natigil si January nang hawakan ni Chester ang mga braso niya.

Napatingala siya kay Chester kasi matangkad talaga ito, parang hanggang balikat lang siya nito.

Ngumiti siya nang napakalapad nang mapansin na nakapikit nang mariin si Chester.

Unti-unting nagmulat ito ng mga mata habang gumagalaw ang panga.

"I said Stop.It-" napapikit ulit siya kasabay ng pagtama ng tubig sa kaniyang mukha at ang pagtawa ni January.

May naipon palang tubig si January sa mga kamay nito.

"I said stop it January!" Mas lalo lang napatawa si January.

Nagmulat ito ng mga mata at hinigpitan pa lalo ang kaniyang pagkakahawak sa mga braso ng babae.

Ang una niyang nakita ay ang naniningkit nitong mga mata habang tumawa at ang nakakatawang bangs nito.

Kailan ba siya nakakita ng babaeng ganito ka natural kung ngumiti at tumawa?

"Oo na...istop na Ser...sungit nito."

Umirap si January at tumawa ulit.

"Takot ka sa tubig 'no?"

Tumalim ang kaniyang tingin at napa-igting ang kaniyang panga.

"I said stop it or I'll get wet...I don't have enough clothes-"

"Edi lalabhan ko." Singit ni January at umirap ulit na para bang ang OA ni Chester sa parteng iyon.

Napatigil si Chester at napatitig kay January.

Hindi niya naisip na may taong kayang gawin iyon para sa kaniya. Oo, may katulong sila sa bahay, at sila ang naglalaba ng mga damit niya pero alam niyang trabaho nila iyon kaya nila ginagawa.

Pero si January, di hamak na isang estranghero lang ito sa kaniya, hindi niya pinapaswelduhan, kaya bakit niya lalabhan ang damit nito?

Tama! Para makabawi sa mga libre niya at para makasabay sa kotse niya. Oo, tama.

Umirap ulit si January at humalukip.

"Akala mo siguro sa hitsura ko hindi ko kayang maglaba?" Itinaas nito ang kamay at tinitigan ang mga kuko.

"Sosyal lang ako pero hindi ako mayaman at maarte. May bangs at manicure ako...katulad ng mga mayayaman, nananamit sosyal ako pero hindi ako mayaman...kaya, kaya kong maglaba."

Kumunot ang noo ni Chester.

"Bakit mo naman ginagawa iyon?"

Nagkibi't-balikat si January.

"Wala lang...gusto ko lang maranasang mamuhay na parang mayaman...alam mo iyon...basta ang hirap e-explain...basta ang gusto ko maranasan iyon kahit na alam ko ang totoong hindi naman talaga ako mayaman."

Chester scoffed.

"Mapagpanggap ka."

Ngumiwi si January. She looked offended pero hindi naman talaga.

"Wow...hindi naman...slight lang hehe...pero hindi talaga..." Ngumuso ito. "Parang ganun na nga haha." Tumawa ito.

"Alam mo kasi eh...mayaman ka kaya hindi mo ako feel...ako gusto ko lang iyon kasi alam kong bagay iyon na kailanma'y hindi ko mararanasan...hanggang sa pagkamatay ko...kaya hayaan mo na...huwag kang KJ."

Sinagi nito ang siko niya.

Humalukip si Chester at tumitig kay January na nakayuko.

"You should stop it. Masasaktan ka lang sa huli."

Nag-angat ng tingin si January.

"You shouldn't pretend to be someone you are not, because in the end you'll still turn out to be the original you and the one you pretended to be will just fade...in the end you'll get hurt. Kasi hindi naman talaga ikaw iyong gusto mong maging ikaw."

Hindi alam ni Chester kung saan niya kinuha ang mga salitang iyon when in fact ay nakikita niya mismo ang sarili niya kay January. Mapagpanggap din.

Gustong maranasan ang mga bagay na kailanma'y hindi niya mararanasan.

"Bahala na ang sakit sa huli...ang importante ay ngayon." Ngumiti ulit ito.

Chester shrugged, dismayado siya na hindi nakuha ni January ang gusto niyang gawin nito, ang tumigil sa pagpapanggap.

"Mas importante iyong isipin mo ang bukas, kung palagi mong iisipin ang ngayon, hindi mo mapaghahandaan ang bukas."

Halos hindi na kilala ni Chester ang sarili lalo na dahil nakakatawa na sa mga advice niya kay January ay parang tinatamaan din siya.

"Kung palagi mong iisipin ang bukas, paano ang ngayon?" Nag-taas ng kilay si January. "Let's just say, iisipin mo palagi ang bukas, pagdating ng bukas iisipin mo ulit ang kasunod na bukas...hindi ka mag-eenjoy."

Kumunot ang noo ni Chester.

"You see?" Ngumiti si January at pumalakpak. "Life is all about enjoying life while it lasts."

Napakurap si Chester at napatulala. Maya-maya ay sumimangot ito, isa sa mga ayaw niya ay ang matalo. Ayaw na ayaw niya ito, hindi man niya sinasabi pero sa mga pagkakataong natatalo siya, masamang-masama ang loob niya.

Ngumiti si January at napayuko.

"Oh sige...para hindi ka na magsungit ulit...ganito na lang." Humalukip siya at ngumiti nang napakalapad sa nakasimangot na Chester.

"E-enjoy mo ang ngayon habang iniisip mo din ang bukas. Gets mo?...yung pwede akong magsayaw-sayaw, maglakwatsa at magsaya nang magsaya ngayon at the same time ay iniisip mo rin na pagkatapos nito ay may bukas na haharapin mo na naman kaya paghahandaan mo din iyon." umirap siya. "Okay na ba?"

Napa-awang ang bibig ni Chestsr at napatitig siya sa nakangiting si January.

Kailan ba sumimangot ng totoo itong babaeng 'to? Yung mga simangot niya sa kaniya ay parang pabebe lang eh.

Napahalakhak si January sa titig ni Chester kaya napaiwas siya ng tingin.

Tumikhim ito at halos gusto nang batukan ang sarili sa pagkatulala.

Inayos niya ang kaniyang camera at nilagay iyon sa harap, naramdaman niya ulit na bahagyang basa na ang damit niya.

"Basta, masasaktan ka pa rin."

Tumango si January at yumuko. Nagkibi't-balikat ito at ngumiti.

"At least naranasan ko."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro