Backstory

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Eunice's POV

( this is a flashback when they were 8 years old)

Study...

Study...

Study...

Nakakapagod na at nakakairita. Isang bagay na naging karibal ko.

Ayoko na!

"Eunice dapat kang mag-aral upang-"

Ang rami na niyang sinabi ngunit hindi ko na pinakinggan. Palaging nag-aaral na lang si Jay walang oras maglibang at higit pa dun walang oras para sakin.

"Jay laro naman tayo kahit Jack-en-poy lang." sabi ko sa kanya habang kinukurap-kurap ko aking mga mata upang magpakaawa

Ngumiti na siya! YES! Papayag na siya!

"Ayoko." 'yan 'yung naging sagot niya at bumalik narin siya sa pag-aaral.

(Next Day...)

Last na subject na namin ang Math at nananabik na akong madismiss na ang klase.Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi ng guro ko dahil palagi akong nakatutok sa orasan.

Tik.

Tok.

Tik.

Tok.

"Class Dismiss!" sabi ni teacher.

YES! Napangiti agad ako nang marinig ko ang mga salitang iyon. So good to ears.

Jay's POV

Laro...

Laro...

Laro...

Nakaka-irita na sa tenga ko. Nakakainis na! Gusto ko pa naman nag makapag-focus sa pag-aaral ko. Phew.

"Eunice dapat kang mag-aral upang maging maganda ang kinabukasan mo at upang makakuha ka ng mabubuting marka sa every quarter at pagkatapos sa paglaki mo magagamit mo ang iyong natutunan ngayon para sa trabaho na papasukan mo." parang hindi na niya yata ako pinakinggan.

Ibang klase naman 'to si Eunice palaging laro ang nasa-isip ni isang araw hindi ko siya nakikitang nag-aaral.

Paki-usap nga ng mga magulang niya na tulungan ko siya at tutuparin ko ang pangako ko.

"Jay laro naman tayo kahit Jack-en-poy lang." mamakaawa niya.

Ningitian ko siya..

"Ayoko." bumalik narin ako sa aking pag-aaral upang hindi ko masayang ang bawat segundo na lumilipas.

(Next Day...)

Paborito kong subject ang Math at ayoko ko pang matapos.
Interesadong-interesado pa naman ako sa leksyon namin ngayon.
Napatingin ako ni Eunice at kitang-kita ko ang pananabik niyang matapos ang Math time namin. Nakatutok na naman siya sa orasan as usual na ginagawa niya.

Ayoko pang matapos!

...

"Class dismiss." sabi ng teacher namin.

Kitang-kita ko ang laki ng ngiti ni Eunice habang ako ang laki ng dismaya sa mukha ko.

Phew.

~~~

Next Chapter:

Chapter 1: Terrible School Day

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro