Chapter 13: Jay's Evil Plan

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Eunice'S POV

Mmm...

Ano kayang balak gawin sakin ni Jay? May masama ba siyang balak gawin sakin? Stalker ko ba siya?

Bakit kaya nasa likod ng notebook niya ang palayaw ko?

Mmm...

Parang may binabalak talaga siya!

"Ano ba 'yang nasa tuhod mo Hope?" tanong Khian at tiningnan ang sugat.

"Hinampas siya ng guard. Lagot 'yung guard na'yun!" pigil inis na sabi ni Nicho.

"Nasaan nga ba si Jay?" tanong ko.

"As usual dumeretso sa library." sagot ni Khian.

Lumapit si Kichim sa table namin. As usual ng jacket with hood at nagmask dahil durugin naman siya sa mga fangirls niya.

Ilang minuto nagbell na rin kaya sabay kaming papunta sa classroom.

Naglecture si Mr. Jun ngayon pero wala akong balak makinig ngayon.

Ewan ko.

Iniikot-ikot ko nalang ang aking paningin at hindi namalayang nakatulog na ako.

"Eunice, are you still with us?" rinig ko pero nakapikit parin ang mga mata ko.

"Eunice, are you still with us?" narinig ko ulit.

Si Sir Jun pala!

Kaya agad akong humiwalay sa tulog ko at nagpanggap na nagbabasa ng aklat.

"A-ahh...Y-yes p-po." nauutal kong sagot at napakamot ako sa ulo ko.

Ano kayang pinag-uusapan nila?

"Ok, so class. Remember your assignment. Pass it tomorrow. Goodbye."

Ano ba ang assignment na pinagsasabi ni Sir?

"Goodbye and thank you sir Jun." naaantok naming sagot.

Inihiga ko nalang ang ulo ko sa desk at may napansin akong classmate ko na babae at sobrang kapal ng makeup niya pero hindi ko nalang pinakialaman.

Wala sa sarili akong lumabas sa classroom. Wala pa namang teacher kaya naisipan kong magrefill ng tubig. Nauuhaw na kasi ako ngayon.

Ang haba ng pila. Bakit pa kasi sa lahat ng oras na-stuck pa talaga ako dito sa mahabang pila at sa wakas ako na.

Napakauhaw ko ngayon. Tatlong refill ko na at pumasok na ako sa classroom pero...

"Ms. Morghan! Bakit nagmamakeup ka? This is a school it's not a beauty pageant!"

Napahinto ako sa likod ng pintuan nang marealize ko science subject namin ngayon at nakapastrikto pa naman ng guro namin sa science.

(flashback)

"Good Afternoon Class! I'm Wenver your science teacher! Before I'll proceed, let me tell you some rules in my subject!

No.1 Silence!

No.2 Pass your assignment on time.

No.3 Proper Arrangement of your classroom. I would never start the class with a messy classroom.

No.4 No Late!

Make sure you're not late with my subject dahil ang pinaka ayoko ang malate kayo sa subject ko! " sabi ni Sir Wenver.

(End of the flashback)

Patay.

Sumilip ako sa likod at natanaw kong pinagalitan 'yung kaklase kong makapal ang makeup.

Lihim akong pumasok at dahan-dahan akong tumago patungo sa seat ko at nakita ako ni Jay na tumingin sakin ng masama.

Lagot ka talaga pagsinumbong moko!

"Sshh." mahina kong sabi sa kanya.

Patuloy kong ginalaw ang paa ko hanggang makapunta sa upuan ko.

"AAAAHHHHHHHHHHHH!!!" sigaw ko at agad napatakip ako sa bibig ko.

May natapakan akong butiki!

Ahhh!

Mabuti at buhay pa dahil ayokong maging mamamatayang-hayop!

"Who is that?"

Patay! Naku! Help me!

Dahan-dahan akong tumayo. Nanginginig yung mga tuhod ko.

"You're late! Ms. Morghan and Ms.?"

"Eunice p-po"

"Confident ka pang nagpakilala na late ka sa klase ko. Go to my office the two of you, right away!" sigaw niya samin.

(At the office)

Nanatili akong nakatayo habang nakatutok sa sahig. Pinalagpas ko lang ang mga pinagsasabi ni Sir Wenver sa ibang butas ng tengga ko.

"Kayong dalawa! Ikaw Eunice! Bakit late ka sa subject ko? Wala ka bang balak pumasok? Ayaw mo bang makinig?"

"S-sorry po." nanatili parin akong nakatutok sa sahig.

"Ikaw Macy! Bakit ka nagmemakeup? Hays! Kayo talagang Class F Section Icecream! 'walang-wala'."

Hindi sumagot si Macy.

"As punishment gumawa kayo ng essay sa subject ko na nai-discuss ko ngayon! Do it as a pair!" at pinaalis narin kami sa office.

Nang matapos na ang pagsesermon ni Sir Wenver masaya ako at lunch break na. Hindi siya nagleksyon sa amin ngunit puro sermon ang ginawa niya.

"M-macy?" usal ko.

"Ano?"

"Ano nga ba ang diniscuss ni Sir?" tanong ko kasi baka may nai-discuss na si Sir nung hindi pa ako nakarating.

"Wala." maikling sagot niya.

"Huh?"

Hindi niya ako sinagot. Napailing na lang ako nang papunta kami sa canteen may nagtatakbuhan na mga estudyante patungo sa direksyon ko.

"Yuni." usal ni Jay habang hinila niya ako palayo para hindi mabangga sa nagtatakbuhan na estudyante at nanlaki ang mata ko.

"Mag-ingat ka." sabi niya tsaka dumeretso sa canteen.

Yuni?

Alam ko na nga ba at may masamang balak kang maghigante sakin Jay. Hindi ko nalang ito pinansin at sabay kaming kumain ni Macy.

"M-macy?"

"Mace nalang itawag mo saken." sabi niya habang ninguya-nguya ang pagkain na nasa bibig niya.

"M-mace?" usal ko.

"Bakit?"

Tatanungin ko ba siya tungkol sa makeup niya. Nagdadalwang isip kasi ako baka makasakit ako kapag tinanong ko siya tungkol dito.

"U-uhm, wala." nauutal na sagot ko.

Nagbell narin at dumeretso na kami sa classroom. Hiniga ko parin ang ulo ko sa desk habang sinuspectahan si Jay at nang ibinaling niya ang tingin niya saken nagpanggap agad akong tulog.

Ramdam kong paalis siya kaya inimulat ko ang mata ko at pumunta sa upuan ni Jay. Kinuha ko ang lahat ng notebook niya at binuksan para basahin kong ano ang plano niya kung bakit niya ako paghihigantihan.

Name: Eunice Nam
Nickname: Yuni

skv ekcmxmkcvmfm skcnsncsvngkfknbgddkskvkd!!!!! Wala akong masulat!!!!! janzkzm kxkcgmdkkvvf

Panget ka Jay hahahaha.

Eh?

Napakamot ako sa ulo ko habang nakanganga. Ako nga pala ang sumulat nito dahil gusto kong sirain ang mga notes niya.

"Umalis ka sa upuan ko ngayon din." maawtoridad na tugon ni Jay sakin at nasampal ko ang sarili ko dahil nagulat ako sa kanya dahil bugla siyang sumulpot.

"Umalis ka dyan. Nagkakalat ka naman." aniya.

Napahiya akong bumalik sa upuan ko at nagpanggap na nagbabasa ng libro pero ginawa ko lang pantakip sa mukha ko.

Akala ko pa naman na may masamang balak siya sakin pero ako lang pala 'yon.

Hays.

~~~

Next Chapter:

Chapter 14: I'm Hungry

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro