Chapter 22: Sir Wenver's Discussion

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sa wakas may guro na talaga pumasok sa klase namin at si Sir Wenver pa naman. Kagaya ng sabi niya na gumawa kami ni Mace ng essay about sa diniscuss niya sa nakalipas na araw.

"Ito na po, sir." sabi ko at umupo narin kami ni Mace.

Tinitingnan namin ni Mace anong magiging reaksyon niya at habang nakita ko ang mata niya. Bakas ang galit nito habang nagbabasa.

Bakit naman kaya nagagalit si Sir Wenver sa sinulat namin? Honest naman kami sa pagsulat doon.

"Eunice! Macy!" sigaw niya samin.

"Mace po, sir." sagot ni Mace kay sir Wenver.

"Hindi ito ang ibig kong sabihin! Ang diniscuss ko about science! Ano ba itong sinulat niyo?! Basahin niyo nga! Nonsense!" galit na galit na sigaw ni Sir Wenver parang umaapoy na yata siya sa galit.

"Ikaw na bumasa." sabi ni Mace sakin at agad nagearphones habang ngumunguya pa ng bubblegum.

Ikaw talaga, Mace! Grr!

"Babasahin ko na po, sir." sabi ko at tumayo narin patungong harapan at narinig ko ang bulong ni Jay na Ano na naman kalokohan ito, Eunice at Mace?

"Akin na po, sir." sabi ko at galit itong pinasa sakin.

Ang diniscuss mo po sir Wenver ay wala ka naman pong diniscuss about sa subject samin sa araw na 'yun. Pinagalitan niyo lang po kami sa buong oras tsaka sabi mo hindi beauty pageant ang paaralan kaya dapat hindi masyadong magmake up dapat ang students sa school.

Second, pinagalitan mo ako (si Eunice) nalate lang ako dahil natagalan ng pagrefill ng tubig. Tsaka sir Wenver may natapakan akong butiki kaya napasigaw ako. Kung ganon po ba sir Wenver, mamamatayng hayop na po ba ako? Kasalanan po ba iyun?

Third, sorry po sir Wenver kung hindi mukhang essay ang ginawa namin.

Pagkatapos kong bumasa normal akong bumalik sa upuan ko at nakita ko ang pagkadismaya ni Jay sa akin.

"Boss Eunice nakakaawa naman ang butiki na natapakan niyo tara ilibing natin ng pormal." sabi ng kaklase ko.

"Oo nga Boss Eunice!" sabi ng lahat ng kaklase ko.

"Tsaka hindi naman talaga beauty pageant ang school diba. Obvious naman." Sabi ng isa ko pang kaklase.

"Nagmake up lang naman si Mace dahil may pasa siya sa mukha."

"Hindi naman namin nakitang rumarampa si Mace na parang may sinasalihan na beauty pageant." rinig kong mga salita ng mga kaklase ko.

"Shut up, class F!" sigaw ni Sir Wenver. "Hindi ko na alam anong gagawin ko sa inyo!"

"Sir, I apologize in their behalf. Allow me to talk to the president of this class about this matter." sabi ni Jay.

"Argh! Okay, dapat bukas na bukas hindi na mga nonsense Ang kaklasehan ko!" sigaw ni Sir Wenver habang isinara ang pinto ng malakas.

Hinila ako ni Jay sa pinakalikuran at ramdam ko ang dingding sa likuran ko.

"Eunice, makinig ka sakin." sabi niya habang inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko. "Seryoso ang sasabihin ko kaya sana intindihin mo."

"Ano 'yun?" sagot ko.

"Gusto k—"

"Jay!" tawag ni Keira habang binuksan ang pinto dito sa likurankaya naputol ang usapan namin ni Jay.

~~~

Next Chapter:

Chapter 23: Epic Treat

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro