Chapter 30: Memories

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kagaya ng sinabi sakin ni Khian kahapon, inimbitahan niya akong manood sa sinehan kaya inayos ko ang sarili ko.

Nagsuot lang naman ako ng isang gray na hoodie at itim na palda habang naka rubber shoes. Dinala ko na rin ang dapat ko dalhin.

"Bye Mama." paalam ko ni Mama Hana bago ako umalis sa bahay. Nagmadali akong pumara ng masasakyan.

Nang makarating na ako agad kong hinanap si Khian. Akala ko pa naman na hininhintay niya ako dahil late ako ng ilang minuto.

Hinanap ko si Khian kahit saan pero hindi ko parin siya mahanap.

Nasaan ka na ba kasi Khian?

"Sorry po." usal ko nang may nabangga ako sa likuran at paglingon ko nalaman kong si Jay at ikinagulat ko 'yon.

Anong ginagawa niya dito?

Biglang nagvibrate ang phone at tiningnan ko ito at may text ako galing kay Khian.

Enjoy the movie with him :)

Nalaman ko ring tinextan rin si Jay ni Khian at nagkatitigan kami sa isa't isa pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

"Tara na." sabi niya sakin at hinila ako. Nang nakapasok na kami hinanap agad namin ang ma-uupuan namin.

"Let's enjoy the movie." sabi niya sakin at may inabot na popcorn pero hindi ko magawang tingnan siya dahil nahihiya ako sa kanya.

Ilang araw na ang lumipas at hindi ko siya kinakausap. Nagsimula narin ang pelikula at hindi ako makapagfocus sa movie dahil isang taong ang kumuha ng aking atensyon.

Jay...

...

Natapos narin ang pelikula at pumabas na kami at sinalubong kami ni Jay nina Khian, Mace, Kichim, Nicho at Phiona.

Eh?

"Gala tayo!" masayang handog ni Nicho.

"At saan naman tayo gagala, Nicho?" may pagka arteng sabi ni Phiona at in-erapan ito.

"Gusto ko pumunta ng zo—"

"Zoo." putol ni Jay sakin. Ilang taon narin kaming nagsama kaya alam niya siguro ang mga gusto at hindi ko gusto. Pfft.

"Count me in." sabi ni Mace sakin at inakbayan ako.

Pumunta kami sa zoo at nang makarating kami doon ay nakaramdam ako ng pananabik.

Nilibot ko ang zoo upang tingnan ang mga hayop dito.

"Bagay na bagay ka dito sa zoo, Khian." sabi ni Nicho.

"Kasi mukha kang hayop." pang-aasar nito at napangiti ako sa pagkadismaya.

"Nicho! Argh!" sigaw ni Khian kay Nicho at umangkas ito sa likod.

"Ang bigat mo! Umalis ka! Grr!" napatawa na lang ako sa dalawa na parang mga bata dito.

"Tumigil nga kayo mga batang pasaway!" sabi ni Phiona at pinatigil ang dalawa.

"Hays." rinig kong usal ni Mace at si Kichim naman ay busy sa paglalaro ng game sa cellphone niya.

Lumingom ako sa gilid sa dahilang nagkatagpo ang mga mata namin ni Jay pero umiwas agad ako.

Paano ko ba siya haharapin?

Kaya gumala nalang ako mag-isa sa zoo dahil nagpapahinga na ang iba, siguro naghahanap sila ng makakain. Phew.

Tiningnan ko ang isang tiger. Humiga lamang ito habang nakakulong sa isang cage. Napansin kong naoakatamlay nito na parang walang sigla itong gumalaw.

"Bakit gusto niyo makitang makita ang mga hayop nakakulong? Why not let them live in their real homes?" narinig kong sabi ni Jay.

"Hindi sila kinulong Jay. Mas naaalagaan sila dito at pinapakain sila dito." sagot ko.

"Pero mas may freedom sila sa totoong tahanan nila."

"May freedom nga sila pero hindi na-eensure ang safety nila." ganti ko.

"Kinuha lang sila at ginawang entertainment para magka-pera." aniya.

"Inaalagaan sila dito Jay at pinapakain at pinoprotektahan. Iba-iba ang opinion natin kaya huwag mo na lang kokontrahin ang opinion ko!" napasigaw ako sa inis pero niyakap lamang niya ako.

Ehhhh?

"J-jay?"

Agad siyang bumitaw sa pagkayakap sakin at nakita kong naluluha ang kanyang mga mata.

"Eunice." sabi niya at dinala ako sa isang lugar na kami lang dalawa at umupo kami sa bench one feet apart.

"Eunice huwag mong isipin na iiwan kita." aniya at nagulat ako doon.

"Lumipat man ako at magkalayo na tayo pero hindi ibig sabihin non iniiwan na kita." patuloy niya at hindi naman ako makapagsalita.

"Patawarin mok—"

"Hywag kang mag-sorry." putol ko sa kanya at hinimas ang buhok niya.

"Naintindihan ko na." patuloy ko. "Pasensya na sa mga nagawa ko sa 'yo." sabi ko.

Nagkabati na kami ni Jay sa wakas. Napag-usapan namin ang mga hindi namin pinagkaka-intindihan.

"Black."

"White."

Sabay naming sinagot ang mga tanong at palaging opposite  ang mga sagot namin sa isa't isa.

"Chocolate."

"Vanilla."

"Little about everything."

"Master about one thing."

Hanggang natapos na ang pagtatanong namin at lahat ng sagot namin ay opposite.

Napangiti naman ako at natapos na ang misunderstanding naming dalawa.

"Tara na baka hinahanap na nila tayo." sabi ko at napatawa ng palihim.

Nang makarating kami nina Khian pinagtawanan nila lahat si Jay.

Haha!

"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Jay.

Napatawa ako sa isip ko at napansin ni Jay na may mga dahon ang buhok niya at agad niya akong tiningnan ng masama.

"Eunice!" rinig kong sigaw niya habang tumakbo ako palayo.

Hinimas ko lang naman ang buhok niya para paglaruan at lagyan ng dahon.

Hehehe.

...

Sinabayan ako pauwi ni Jay at hanggang gate lamang siya huminto dahil tinatawag na siya ng tito niya para pauwiin narin sa condominium.

"Ingat ka." sabi ko at hinintay ko siyang makaalis at nilock ko narin ang gate.

Pagpasok ko sa bahay nakita ko sila Mama at Papa. Nagulat ako at hindi ko napansin napaluha na pala ako. Kahit hindi ko sila nakakasama kilalang kilala ko ang mga mukha nila.

"Eunice ikaw ba 'yan?" naiiyak na sabi ni Mama. "Napakalaki mo na anak. Miss na miss ka na namin."

Mama...

Papa...


~~~

Next Chapter:

Chapter 31: Seperate Ways

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro