Chapter 9: Evil Stare

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Class, the race game resumes!" anunsyo ni Mr. Jun kaya nakita kong nagsitakbuhan na ang mga kaklase ko.

Tsk!

Blank face na naman si Jay at si Khian din ang napakatahimik. Ano ba ang problema nilang dalawa?

Mmm...

"Bakit ba ang tahimik niyo?"

Hindi parin kumibo ang dalawa. Patuloy kaming humanap ng mga color tag.

Mmm...

"May joke ako!" sabi ko para naman mabasag ang katahimikang ito at lumingon sila sakin at naisipan kong gamitin ang joke ni Nicho.

"Paano tatawa ang baka?" tanong ko ngunit hindi sila kumibo.

Hmp!

"Hindi namam tumatawa ang mga baka." sagot ni Khian.

"Edi MOMOHAHA."  natatawang sagot ko at napatawa kami dalawa ni Khian.

Jay's POV


Sige tawa ng tawa lang kayo diyan!

Nainis ako sa dalawa dahil ang lalakas ng tawa nila.

Si Eunice parang bruha tumawa, nakakatakot! Ang high pitch! Tsk!
Si Khian parang matanda kung tumawa dahil ang lalim ng boses.

Hindi ko alam kung pano patugilin ang dalawang ito kaya tumakbo ako palayo sa kanila dahil daldalan at tawanan lang naman ang maririning ko sa kanila.

Tsk.

Sa wakas may nakita narin akong color tag kaya binuksan ko agad ito.

Find Mr. Jun while your feet are tied with these handkerchief.

Agad kong kinuha ang mga panyo na nakalagay rin dito.

"Khian! Eunice!" tawag ko.

"Huh?" usal ni Eunice.

"May nakita akong color tag." sabi ko

"Wow! Ang galing mo Jay." sabi ni Khian.

Tumalon sila pareho. Hindi naman kayo tumulong puro tawa lang naman ang ginawa niyong dalawa.

Tsk!

"Ano ang nakalagay?" tanong ni Eunice.

"Basahin mo." walang ganang sagot ko.

"Ayoko ko, sabihin mo!"

"Sabi ko, basahin mo."

"Sabi ko, sabihin mo!"

Eunice's POV

Grr!

Bakit hindi na lang kaya niya sabihin?!

Jay's POV

Tsk!

Bakit hindi na lang kaya niya basahin?!

Khian's POV

Ano kaya ang problema ng dalawang 'to 

"Ako na nga." suway ko sa kanila.

"Ang nakasulat ay..."

Hindi ko napatuloy yung pagbasa ko dahil nagtinginan sila sa isa't isa ng masama.

Ba't na'ipit pa ako sa away nila? Pero ang cute nila pareho kaya umubo ako para magparinig sa kanila

"Ang.."

Nagtinginan na naman sila at nagsitinginan ng masama kaya naisipan kong taliin ang mga paa nila ng hindi nila alam.

"Jay at Eunice! Sumunod kayo sa lakad ko." sabi ko.

Eunice's POV

"Jay at Eunice! Sumunod kayo sa lakad ko."

Kaya nilingon namin si Khian at nakita namin siyang nasa malayo kaya sumunod agad kami sa kanya.

"Aray!" sigaw namin pareho nqng sabay kaming nadapa.

"Hehehe, sorry pala. Kayo kasi eh ang sweet niyo kanina kaya naisipan kong gawin to sa inyo."

"Ano?"

Hindi ko namalayang napatawa ako ng malakas.

"K-kami? S-swe—" hindi ako makapagsalita dahil sa kakatawa.

Jay's POV

Ahh!

Nainis ako sa tawa ni Eunice at sinimulan ko na lamang itali ang paa namin tatlo.

"Tumigil kana sa katatawa mo, Eunice." suway ko at naglakad na kaming tatlo para hanapin si Mr. Jun.

"May naisipan akong joke!" biglang sabi ni Eunice.

Tinakpan ko agad ang bibig niya na ikinagulat niya.

"Huwag mo na yan ipatuloy!"

Kaya inalis ko narin ang tingin ko at pagkahawak sa bibig niya.

"Ang cute niyo talaga." nakakainis na asar ni Khian.

"Alam  niyo ang swe—

"Hindi!" Sigaw namin pareho ni Eunice.

Tsk.

~~~

Next Chapter:

Chapter 10: Sportsmanship

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro