Epilogue (Timeskip)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nagpahinga agad ako nang matapos na ang trabaho ko. Hinubad ko ang uniform ko at nagpalit. Napangiti ako nang naging nurse na ako officially. Masyadong maraming pasyente ngayon pero masaya naman akong makatulong sa kanila.

"Ikaw muna bahala Ja." sabi ko nang schedule na ng ka trabaho ko.

Lumabas ako at humanap ng makakainan at sinundo naman ako ni Khian. Naalala ko ang mga nakaraang taon na ang bata bata pa tingnan ni Khian at ngayong napakasuccesful na doktor na ngayon.

Naalala ko rin na this year babalik si Jay. Ano na kaya siya ngayon? Nananabik na ako makita siya muli at ilang taon narin ang lumipas since umalis siya.

"Ano ang i-oorder mo Eunice?" tanong sakin ni Khian.

"Kahit ano or ano 'yung i-oorder mo 'yan nalang rin akin." sagot ko at inayos ang suot kong saya.

Napatingin ako sa labas at nagsimulang pumapatak ang ulan. Tumingin ako kay Khian saglit at bakas sa kanyang mukha ang pagod. Hindi ko rin masisisi dahil napakabusy niya rin.

"Khian huwag mo na ako alalahanin. Okay lang na mag-isa ako dito." sabi ko dahil alam kong may operasyon siya mamaya at ayokong mapalpak 'yon.

"Kakain lang naman ako. Mabilis lang 'to." sagot niya at inaayos ang buhok niya. Napakacool niya tingnan tuwing inaayos niya 'yong buhok niya.

Mabilis naming tinapos ang pagkain at bumalik narin si Khian sa ospital at pumunta narin ako sa boarding house at nagpahinga, sa bagay hindi naman ako night-shift.

Naisip ko na ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Iba-iba kami ng career na pinursue kaya hindi na masyado kami nagkikita at minsan nalang rin kami nag-uusap dahil may kanyang-kanya na kaming responsibilidad at trabaho.

Biglang nagvibrate ang phone at pagtingin ko ay may tinext si Mace sakin kaya agad ko itong binasa.

Euince! Nanalo team namin!!! Hindi ako makapaniwala na makakapunta ako sa nationals!

Napangiti ako ng maluwag ng mabasa iyon.

Kaya niyo yan! Go! Go!God bless sa susunod niyong match!

Pagkatapos kong sinend ay humiga ako sa kama ko at napatingin sa kisame habang lumipas ang oras nakatulog ako.

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko at nagmadali akong pumunta sa ospital agad, pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin. Nang binuksan ko ang pinto palabas, nauntog ang ulo ko sa dibdib ni Khian ng hindi ko mapansin nasa harapan ko pala siya.

"Aray." usal ko at hinimas ang noo ko sa dahilang napatawa ng bahagya si Khian.

"Saan ka pupunta? Day-off natin ngayon ah. May mga nakaassigned na—"

"Ayh.. Oo nga pala." putol ko kanya at napakumot sa ulo. Nakafocus ako masyado sa trabaho at hindi namalayang ngayong araw ko na pa susunduin si Jay sa airport. Pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Khian kaya napataas ang kilay ko. Hindi naman niya kailangan gawin 'yon.

"Pamusic ka naman Khian oh." sabi ko. In-on niya agad at nagpatuloy nagdrive. Tumingin nalang ako sa bintana ng sasakyan. Hindi pa ako handang makita si Jay muli. Ano kaya ang una ko sasabihin? Ano ang gagawin ko? Napabuntong hininga na lamang ako.

"Eunice." tawag niya at nilingon ko siya at bakas sa kanyang mukha na seryoso ang sasabihin niya.

"Khian?" naalalang tugon ko.

"K-kasi..." Huminto ang sasakyan insaktong nakared ang traffic light.

"Bakit?" sabi ko at pilit kong pinagaan ang loob niyang tinapik ko ang balikat niya.

"I like you."

Nagulat ako nang marinig 'yon. Hindi ko akalain na sasabihin niya sakin 'yon kaya nanlaki ang mata pero kalaunan tinawanan niya lang ako sa naging reaksyon ko.

"Don't mind me." sabi niya at birong tumawa. "I came prepared to be rejected naman. I know you like Jay noon pa."

"Huh?" Naging usal ko dahil hindi ko alam anong isasagot ko. Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa labas.

"Don't be shy. Noon pa kita gusto pero ngayon lang ako naglakas loob na sabihin 'to. Let's  just be friends Eunice." sabi niya at tumawa nadala naman ako sa tawa niya. Napatango na lang ako ng nakangiti. Masaya ako dahil walang nagbago ang pagtrato namin sa isat isa ni Khian.

"Sampung patay at ang iba ay sugatan sa mga pasahero sa Airlines 175." rinig namin sa radio.

Tumingin ako ni Khian nang tumingin siya sakin at nanlaki ang aming mga mata. Isa si Jay sa mga pasahero doon at isang malaking pangangamba ang bumabalot sakin at hindi ako mapakali. Automatikong tumulo ang mga luha ko at binigyan ako ng tissue ni Khian.

"He'll be okay."

---

"Eunice." gising sakin ni Khian at napansin kong nasa ospital na pala ako.

"Si Jay?" tanong ko at hindi ako sinagot si Khian at tinapik niya ako sa likod pilit na pagaanin ang loob ko.

"Let's pray for his fast recovery." sabi niya at naiiyak akong tumango sa kanya.

Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi parin gumising si Jay. Nandito parin ako sa tabi niya habang hinahawakan ang malalambot niyang kamay.

"Bakit... ka pa naaksidente J-jay.." Inilagay ko ang pisngi ko sa kamay niya at napatulo ang mga luha ko.

"Ngayon na sana kita makikita pero makita pa kitang ganito." Tumingin ako sa mukha niya at napansin gumagalaw ang mga mata niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"J-jay..."

Mas bumilis ang tibok ng puso ko na inimulat na niya ang mga mata niya at lumingon ito sakin. Pinagmasdan niya ang paligid ilang beses at ilang segundo niya rin akong tinititigan.

"W-where am I?" tanong niya at lumingon ulit sakin.

"And who are you?"

Halos hindi ako makagalaw nang narinig ko 'yon. Hindi ako makapaniwalang ganito ang mangyayare. Automatikong tumulo ang luha ko pero pinilit ko paring ngumiti sa kanya at sumagot,

"Your girlfriend."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro