Special Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Phiona's POV

Seven years ago

Inayos ko ang make up ko. Slight lang naman ang inilagay ko para hindi masyadong halata. Inayos ko narin ang uniporme ko.

Nang lumabas ako sa cr chineck ko ang bag ko baka may naiwan ba akong gamit.

"As a student of discipline, please wear your proper uniform. Don't put on to your unnecessary clothings." isang naka glasses na lalake biglang kinausap ako pero hindi ako sigurado kong ako ba ang kinakausap niya kaya lumingon muna ako sa likod.

"I'm talking to you." maawtoridad na sabi niya sakin.  Tch. Magkatapat lang naman ang cr ng male at female pero syempre may pader na nakaharang.

"I don't talk to strangers." sagot ko at mamadaling umalis. Nakarating na lang ako sa soccer field pero sinusundan niya parin ako at napakasama pang tumingin sakin.

"Please, huwag mong dumihan ang uniform ng school natin." maawtoridad na sabi niya parin sakin. Tiningnan ko ang sinuot ko. Nagsuot ako ng denim na jacket at mataas na fashion boots. Anong mali dito?

"Malapit na namang uwian kaya just don't talk to me!" high pitch na sigaw ko sa kanya. Naiirita na kasi ako sa kanya.

"If naiirita ka na sakin mas naiirita ako sayo." sagot niya at inayos ang eye glass niya.

"Huh?" naging reaksyon ko pero siya nanatiling masamang nakatingin sakin.

Kaya lumapit ako sa kanya.

"If looks could just kill, kanina ka ng patay sakin. If looks could just kill , I'll be in prison for eight years." sabi ko. Comeback ko na yon para mas mairita siya sakin. Inaasar niya ako kaya gagantihan ko rin siya. Sining may sabi na magpapatalo nalang ako sa four-eyes boy na yan.

"Poor thing." sagot niya sa dahilang napataas ang kilay ko.

"You're in prison for eight years for the crime you didn't even commit." patuloy niya kaya mas nairita ako sa kanya.

Kaya mas lumapit ako sa kanya para litikan ang noo niya. Sino ba siya para ganyanin ako?

Parang nag slow motion ang paligid ko nang mas napalapit ang mukha niya sa dahilang nagtagpo ang mga labi namin.

"What the—" naging usal ko nang itulak ko siya palayo. My first kiss is stolen by this stupid four-eyes boy.

"Sorry talaga natamaan kita ng bola." nanlaki ang mata ko ng makita si Nicho hawak ang bola. Ibig sabihin nun kasalanan ni Nicho bakit kami nagkiss? Argh!

"Nicho!" galit na usal ko.

"Oh, Phiona nandiyan ka pala." sagot niya na parang walang alam sa kasalanan niyang ginawa.

"Tinatawag na ako ng coach namin. Maya na tayo usap Phiona." sabi niya at tumakbo palayo.

Nicho! Mapapatay talaga kita!

"I can't believe my first kiss was stolen by you." nairitang sabi niya sakin at pinunasan ang labi niya.

"I hate you!" sigaw ko.

"Oh, Zero. May meeting ang student council. Let's go." napansin ko si Jay.

"You know him Jay?" tanong ko

"Ah,oo classmate ko siya at saan nga pala si Eunice?" sagot ni Jay and I glared to that guy named Zero.

"Nasa office ni Sir si Eunice, may pinaasign kasi si Sir." sagot ko at ngumiti si Jay at umalis na silang dalawa.

Waah! I really hate you Nicho and you Zero!

---

(Phiona's POV in Last Chapter: A Promise)

Natapos na ang program at lumabas na kami.

"Dali kukuhanan ko kayo ng picture." sabi ng mommy ni Eunice kaya inayos ko ang sarili ko. Katabi ko si Nicho at si Kichim.

Kukuhanan na sana kami ng litrato ngunit biglang dumating si Jay kasama si Keira at si Zero.

"Hindi niyo man lang ako hinintay." sabi ni Jay.

I glared at Zero. Ewan ko ba basta makita ko siya ay parang gusto ko siyang sapakin!

"Tche. Bakit ko pa nakita ang pagmumukha ng lalake 'to?" paririnig ko kay Zero at tiningnan ko rin si Nicho ng masama dahil hindi pa siya nagaorry sa nagawa niya. Ewan ko rin kung naalala ba niya na may kasalanan siya sakin.

"Don't be stupid, I don't want to see your face, too." sagot niya sakin pero tumawa lang sila Eunice.

May tono talaga siya sa pagsasalita na nakakairita. 

Grrr!

"Sige pumwesto na kayo. Sa bilang ng tatlo, ngumiti kayo." sabi ng mommy ni Eunice at sumali sila Jay, Keira at Zero.

Hays. Remembrance ko na sana ang picture na to may mukha pa ni Zero at  nasa likuran ko pa siya. Hays.

"Isa."

"Dalawa."

"Tatlo. Smile!" nagulat ako nang bumulong ng sorry sakin si Zero kaya napalingon ako sa kanya ensaktong pagkuha lang ng picture.

Humingi ako ng copy ng picture sa mommy ni Eunice at nairita ako sa sarili ko bakit hindi ako nakatingin sa camera kundi tumingin ako kay Zero.

Hays. Never mind. I'll still keep this photo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro