Chapter 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 12

Ang Calling Card

Nang nakarating na kami sa Bantayan, panay ang selfie ko gamit ang cellphone. Mag fo-flood ako mamaya sa Instagram ng mga pictures ko. Maiinggit ng husto yung mga pinsan ko dito. Mamaya sa sobrang inggit nila, baka pumunta pa ang mga iyon dito.

"What are you doing?" Tanong ni Jayden.

Nag dirty finger pa ako malapit sa karatulang 'Bantayan'. Ang ganda ng buhangin, puting-puti. Buti nagdala ako ng sunblock, maliligo ako mamaya ng sunblock para in case na maisipan kong maligo at magbilad sa araw, hindi ako magkakacancer.

"Hey, pati pa naman sa pictures mo kitang-kita parin yung attitude mo?"

Ewan ko talaga sa Jayden na ito. Okay lang sana kung pinapansin niya ako dahil gusto niya ako. Kaya lang, tuwing pinapansin niya ako, pinapagalitan o sinasaway naman.

"Jayden, wala lang naman ito. It's just a picture." Nakangiting sinabi ko.

Umiling siya at nag inarte.

"Okay, if you don't like it, I'll delete it. Sabi ko naman sayo, willing akong mag bago para magustuhan mo ako." Ngumisi ako kaya lang tinalikuran niya lang ako.

"Sungit talaga ng hunk na ito!" Sabi ko.

Hindi niya ako pinansin. Sus!

"Asan na yung kiss mo? Diba sabi mu pag mag iingay ako hahalikan mo ako? Asan na?" Talak ako nang talaka habang siya naman ay mabilis ang lakad.

Mukhang nahuli na yata kami. Nauna na yata ang tatlong supervisors sa loob ng resort. Paano ba naman kasi, panay ang picture ko kanina. Nag flood na yata ako ng selfie pics ko sa Instagram. Pinicture ko si Jayden nang nakatalikod at dala-dala ang bagahe ko.

Napangiti ako at agad inupload na may caption, 'I want you so I'm ready to go'. Linya iyan sa paborito kong kanta.

"Faster!" Untag ni Jayden nang tumigil ako sa paglalakad.

Pwede naman niya akong iwan pero hindi niya ginagawa. I really need to observe him. Masungit siya pero may mga pagkakataong sweet ang pagiging masungit niya.

"Okay... Okay..." Sabay lakad ko ulit.

Nang napunta na kami sa hotel proper, wala akong ibang ginawa kundi ang picturan ang halos lahat ng furniture. Ibang klase talaga itong mga Castillo. Kung makapuhunan ng mga negosyo, wagas!

Nakita kong nagkakamayan si Jayden at yung dalawa pang pormal na lalaki. Nandoon din ang tatlong supervisor, nakikipagkamayan din sila. I think I need to go there.

"Hi! I'm Charity." Sabay lahad ko ng kamay sa isang chinitong kakamayan kanina ni Tina.

"Charity?" Bumusangot yung mukha ng kinakamayan ko. "Charity Rama?"

"Yep!" Tumango ako.

"Ah! Ikaw yung nakasayaw ko last year sa Life Dance?"

Kumunot ang noo ko at inisip kung sino ba itong lalaking ito. Wala akong maalala noong Life Dance kasi papunta pa lang kami doon, lasing na lasing na ako.

"Really? Anong pangalan mo?" Tanong ko.

Ngayon lang nag register sa utak ko yung features sa mukha niya. Inisip kong mabuti at inaalala kung talaga bang naisayaw ko siya, pero di kaya ng powers ko. Talagang wala akong maalala.

"I'm Christian."

Tumango ako at ngumiti.

Umubo si Jayden bigla. Pareho kaming bumaling ni Christian kay Jayden na ngayon ay nakatingin lang ng diretso sa mga kamay naming kanina pa hindi naghihiwalay.

Tinaas ko ang kilay ko at hinintay na tignan niya ako ng diretso. Ilang sandali ay tinignan niya ako nang nakataas din yung isang kamay.

"Ah... Hehe." Sabay hiwalay ko sa kamay naming dalawa ni Christian.

Mejo malagkit pa yung pagkakahawak niya. Hindi niya agad ito binitiwan. Pero dahil curious ako sa violent reaction ni Jayden, bumaling na lang ulit ako sa kanya.

"Christian, asan yung kwarto namin? Magpapahinga muna ako. Pakidala na rin yung mga papeles na kailangan kong ireview." Pormal na sinabi ni Jayden.

"Okay po, Mr. Corpuz." Kinindatan ako ng nakangiting si Christian.

Ngumisi ako at nilagay ang konting buhok sa likod ng tainga ko. Nakita kong kahit na kausap nina Tina, Nicole at Shiela yung isang lalaki, panay parin ang tingin ni Tina samin ni Jayden.

"Dorm type po yung sa tatlong supervisor. Nirequest ni Sir Chase na yung sa inyo ni Ms. Rama, suite type."

Pumalakpak si Shiela at nagyakapan sila ni Nicole dahil sa narinig. Si Tina lang yata yung mukhang nasunugan.

"Talaga? Iisang kwarto ba kami ni Jayden?" Tanong ko.

Parang na harras ang mukha ni Christian ng tinanongko iyon.

Umiling si Christian, "Hindi. Yung sa may dulo sa first floor yung kwarto niyop. Magkatapat lang sila. Hindi sila iisa." Aniya.

Tumango ako. I need to contact Chase. Bakit hindi niya ginawang isa lang yung kwarto namin? Sana kahit dorm type, ang importante ay iisa. LOL! Mahalay na talaga ako.

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga nanunusok na titig ni Jayden. Galit na naman siguro dahil sa mga sinabi ko.

"Uh... Ipapadala ko na lang sa secretary niyo yung papeles." Sabi ni Christian kay Jayden. "Kaya lang, hindi pa kami nakapag hire kasi hinintay pa namin yung HR." Sumulyap siya sakin. "Marami kasing nag aapply, pinaghintay ko na lang sa main office ng hotel-"

"Di ko na kailangan ng secretary. Hindi naman kasi marami yung trabaho ng HR kaya siya na lang ang gagawin kong secretary."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jayden. "Me? Secretary? Bakit? Hindi naman secretarial yung course ko. Tsaka HR na ako kaya pwedeng HR na lang?"

"Bakit? Ayaw mong maging secretary ko? Gusto mo kumuha ako ng ibang babae?"

Mas lalo akong nalaglagan ng panga sa sinabi ni Jayden.

"Tsss. Ihatid mo na lang yung papeles sa kwarto, Christian. At ikaw..." Sabi niya sakin. "Maghatid ka ng kape at ipauwi mo yung nag aapply as secretary." Pumihit siya para talikuran kami.

"Sungit!" Sabi ko nang nakangiti.

Kahit masungit yan, gusto ko parin. Ewan ko. Iyan yata yung unang reason sa pagkakahulog ko sa kanya. Of course, gusto kong mapalapit sa kanya, kahit na ayaw ko ng dagdag sa trabaho, okay na rin para magkalapit kami.

Nilagay niya sa harap ng pintuan ko ang bagahe ko. Pinasok ko iyon at nicheck ang magandang suite. Not bad. Hmmm. Nag picture ako ng ilang beses bago ako nag timpla ng kape. May biglang kumatok sa pintuan ko.

"Pasok!" Sigaw ko.

Nakalimutan ko na naman kasing i-lock iyon. Sinilip ko at naaninaw ko si Christian na may dala-dalang mga papel. Napakamot siya sa ulo at napatingin sa maiksi kong shorts. Nag bihis na kasi ako ng damit pang 'isla'.

"Uhm..." Pumikit siya at para bang nahirapan siya sa ginagawa niya.

Ipinilig ko ang ulo ko para panoorin siya.

"Eto na nga pala yung mga papeles na pinapakuha ni Mr. Corpuz. Ikaw na lang maghatid kasi nababadtrip ako sa aura niya. Masyadong masungit." Humalakhak siya sabay lapag sa mga papeles sa table ko.

Ngumisi ako, "Ganyan talaga si Jayden. Masungit talaga iyon. Pero siguro masungit lang siya dahil nandun ako. Kung wala ako, okay naman siya."

"Bakit naman tuwing nandyan ka lang?"

Nagkibit-balikat ako.

"May something ba sa inyong dalawa?" Naghintay siya ng sagot.

"Wala. Wish ko lang." Tumawa ako sabay kuha ng mug para sa kape ni Jayden. "Pero thanks, ah! Ako na magdadala nito."

Tumango siya at may nilagay na papel sa tabi ng mga papeles, "By the way, Cha. Here's my calling card. In case gusto mong magparty. Marami yan dito sa isla." Tumawa siya.

Natigilan ako, "Meron dito? Weh? Pero iba yun sa syudad diba? Konti lang ang tao?"

"Pag peak season, marami. kaya sige... Call me, aryt?"

"Sure!" Umaliwalas ang pakiramdam ko nang nalamang may party dito.

Nakangiti ako nang dinadala yung papeles at yung mug ng kape sa loob ng kwarto ni Jayden. Nilapag ko iyon sa table niya.

"Jayden?" Sigaw ko nang wala akong naabutang anino niya.

Asan kaya siya? Lumabas? Sinuyod ko ang kwarto niya at ang bag niyang nasa tabi ng higaan niya. Nakita ko ang cellphone niyang nandoon sa kama. Gusto kong iexplore. Tignan kung anong meron. Ano naman kaya ang meron sa cellphone ng isang hunk na tulad ni Jayden Corpuz?

Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko, yung inbox o yung gallery? Kung inbox ang uunahin ko, baka ma violate ko ang privacy ni Jayden. Kaya inuna ko yung gallery.

Umupo ako sa kama niya at dinampot ang cellphone niya.

Nakita ko ang mga pictures niya sa Singapore... May picture din doon na kumakain sila kasama yata ang pamilya niya. Mommy at Daddy niya tsaka yung dalawa niya yatang kapatid na babae at lalaki. Malaki ang ngiti niya sa picture. Ang gwapo niya sobra lalo na pag nakangiti. Pero he's damn attractive when he's mad. Umagik-ik ako sa tawa habang niscan yung mga pictures.

May isang picture ako doong hindi naintindihan. Para bang aksidente niya lang itong nakuha. Aksidente o stolen shot. May isang babaeng nakatalikod sa isang front desk. Naka skirt yung babae. Pipindutin ko na sana ang next pero narinig ko ang paglabas niya sa bathroom. Agad kong ni cancel iyon at binalik yung cellphone niya sa kama. Tumayo ako at lumayo doon.

"Jayden." Pambungad ko.

Nakatuwalya lang siya at kakagaling lang maligo. Basa yung buhok at katawan niya. Napatingin ako sa katawan niya. May init akong naramdaman sa tiyan ko. Napalunok ako at pinanood bawat tulo ng tubig galing sa ulo niya at nahuhulog sa katawan.  Ilang abs na yung nakita ko, ilang triceps at biceps na yung nakita ko at ang masasabi ko lang eh kay CJ yung pinaka defined. Pero ngayon, nag iiba na ang paningin ko. Jayden's body is a wonderland.

Naglalakad siya papunta doon sa mga papeles. May kinuha siyang card, binasa, at pagkatapos ay nilukot. Ni shoot niya iyon sa basurahan at tinignan niya ako. Wala akong ginawa kundi ang tumitig sa katawan niya. Sorry po... Hindi ko mapigilan talaga. Parang nanghihina ako. Gusto ko na lang humiga sa kama dahil sa panghihina ko.

"What are you staring at?" Nilapitan niya ako.

Napaatras ako. Pakiramdam ko hindi ako makakapagpigil pag lumapit pa siya lalo sakin. Pero bago pa ako makapag isip ng diretso, naalala ko yung calling card na ibinigay ni Christian. Yun ba yung nillukot  ni Jayden at hinagis sa basurahan.

"Wait a sec. Bakit mo nilukot?" Tanong ko at tumakbo na sa basurahan para kunin ang nakalukot na calling card.

Mabuti na lang wala pa masyadong basura kaya madali ko itong nahanap at hindi nakakadiri. Lumapit siya sakin.

"Kainis ka naman. Kukunin ko pa number niya-"

"For what?"

"Para communication?" Nagkibit-balikat ako at agad na namang dumapo yung paningin ko sa katawan niya.

"Give me that calling card." Aniya at naglahad siya ng kamay.

Kumunot ang noo ko at the same time ay ngumisi.

Are you jealous, Jayden?

Inilayo ko ang calling card sa kanya. Lumapit siya sakin at sinubukang kunin sa kamay ko ang calling card. My gosh! Pinagpapawisan na ako sa pagkakalapit ng katawan namin. Masyado nga lang akong preoccupied sa paglalayo ng calling card sa kanya.

"Give me that, Charity."

"Bakit?" Nilayo ko pa lalo yung calling card.

Naramdaman ko na yung biceps niya sa pisngi ko dahil inaabot niya ang calling card. Tinulak ko bahagya ang basa niyang katawan. Nanghihina na ako.

"You can't have flings."

 "Hindi naman talaga. But I can have a friend, too, Jayden." Sabi ko nang nakangisi.

He really is jealous. Ano naman kung magkaroon ako ng flings? Sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko pero unresponsive siya at pinaparamdam niya sakin na wala siyang pakealam, ngayon bakit ayaw niyang may iba ako? You're jealous, Jayden.

Seryoso niya akong tinitigan. Tumigil siya sa pag abot sa calling card. Ang bilis naman nitong sumuko. Galit na galit ang kanyang mukha habang pinagmamasdan akong nakangiti.

"You're jealous. Admit it." Ngumisi pa ako lalo.

Pero imbis na tumunganga siya sa harapan ko at magsungit dahil sa pagiging assuming ko, hinila niya ang ulo ko at hinalikan niya ng mariin ang labi ko. Nakapikit siya pero nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya. This time, he isn't drunk or tipsy...

"I said, you shut up or I'll kiss you." Sabi niya sa gitna ng paghahalik sakin.

Unti-unti kong naipikit ang mga mata ko. Nanghihina ako. Hindi ko na maramdaman ang binti ko. Naramdaman ko yung isang kamay niya sa baywang ko. Unti-unti ko ring binaba ang kamay kong nakahawak ng calling card.

"Gotcha." Tumigil siya sa paghalik at kinuha yung calling card.

Pinunit niya iyon sa harapan ko. Yung tipong dinaig pa ang shredder sa pagkakapunit kasi hindi mo na talaga maitsura yung calling card.

"You don't do that to me." Aniya sabay tapon sa gutay-gutay na calling card sa basurahan.

Ngumisi ako.

"Kung hahalikan mo pala ako twing nag iingay ako at nagseselos ako, pwes, patuloy akong manghihingi ng calling card sa bawat lalaking nakakasalubong ko." Tumawa ako at tumakbo.

Kasi naman ang mukha ni Jayden ay nakabusangot na. Para siyang bulkan na sasabog na naman sa inis.

"Bye, Jayden. Boy hunting muna ako para mahalikan mo ulit!" Kumindat ako at umalis sa kwarto niya.

Halos mapatalon ako sa corridor sa sobrang saya. GOD DAMN IT! I'M ADDICTED WITH HIS TENDER KISSES!

I wanted freedom. Pero kung ang kapalit ng freedom ko ay ang atensyon ni Jayden, I'll take the risk and tempt fate. I'm choosing love over my freedom.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro