Chapter 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 17

Ang Tanong

"WOHOOOO!" Sigaw ko nang pinaandar na ni Jayden ang jetski.

Ang sarap ng hangin! Ang sarap talaga ng simoy ng hangit at sikat ng araw pag nasa dagat ka. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at kumaway-kaway kina Erica na tumatawa na sa galak ngayon.

"Cha, hold on tight!" Sigaw ni Jayden.

"Pero ang saya pag tinataas mo ang kamay mo, Jayden!" Sabi ko.

"Just hold on tight... I don't want you to fall."

Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko naman pero nang narinig ko iyon galing sa bibig niya ay nanghina ako. Napawi yung sayang naramdaman ko. Hindi naman iba yung ibig sabihin niya, pero iba yung pagkakaintindi ng utak ko.

Unti-unti kong binaba ang kamay ko at marahang pinulupot iyon sa kanyang baywang.

Lumunok ako at sinubukang mag isip ng happy thoughts. Tumatawa at winawagayway ni Erica ang kanyang kamay. Tumawa din ako sa kanya pero hindi na ako nangahas na itaas ang kamay ko. Masyado ng matabang yung pakiramdam ko.

Iniwan ni Jayden ang jetski sa seashore.

"Uy, sige na, Cha!" Sabi ni Erica pagkababa niya sa jetski ni Jeremy.

"Alis na kami..." Sabi ni CJ.

Tumango ako at nginitian sila.

"Kelan kayo babalik sa Cebu?" Tanong ni Lyka.

Nagkibit-balikat ako sabay tingin kay Jayden na nasa gilid ko.

Ngumuso siya at tinignan ako.

"Siguro next week." Sagot niya.

"Ayun, next week." Sabi ko.

"Tagal naman! Lapit na kayong mag isang buwan dito. Di mo ba na mimiss ang syudad?" Tanong ni Shaira.

"Miss, syempre. Pero gusto ko rin naman dito." Sabay tingin ko kay Jayden.

"Sir Jayden?" May isang boses ng babae akong narinig sa likod namin.

Lilingunin ko na sana pero...

"Cha, sige na, alis na kami... Kita na lang tayo sa Cebu..." Paalam ni Lyka.

"Okay, okay!"

Isa-isa silang umalis gamit ang jetski. Si Erica at Shaira ay sabay na kumaway sakin. Kinawayan ko na rin sila bago ako bumaling sa kausap ni Jayden ngayon, na nasa likod namin.

"Eliz?"

Seryoso ang mukha ni Jayden nang hinarap ang isang babaeng mataas at straight ang buhok. Mejo mas matanda siya sakin ng konti pero hindi rin yata ka age ni Jayden.

"Kumusta ka na?" Malaki yung ngisi nung babae at excited na nilapitan si Jayden.

"I'm fine..."

Napawi ang excitement at ngiti sa babae, "Uhm..."

Nagkatinginan sila. Nakita kong nag iwas ng tingin ang babae kay Jayden.

"H-Hindi ka pa ba babalik ng Manila?" Tanong noong babae.

Naningkit ang mga mata ko sa reaksyon niya. Para siyang nahihiyang tanungin si Jayden tungkol sa Manila. At isa pa, nakakainis din itong si Jayden, hindi pa ako pinapakilala, ah?

"Hindi na muna..." Matabang na sinabi ni Jayden.

Tumango ang babae at napalingon sakin.

Humalukipkip ako at pinagmasdan si Jayden. Come on, introduce me to this girl. What? Is she your ex? Eliz, huh?

"Ah! This is Charity, by the way, Eliz." Sabi ni Jayden sa kausap niya.

Ngumiti ako doon sa kausap niya. Thank God! Akala ko matatapos ang pag uusap nila nang di ako pinapakilala.

"Ba't ka nga pala napadpad dito?" Tanong ni Jayden.

Ngumisi si Eliz.

WAIT A MINUTE! Bakit kulang yung introduction?

Umubo ako para mapansin ni Jayden... Napalingon siya sakin. Parang di niya na kukuha ang gusto kong iparating sa kanya kaya naglahad na ako ng kamay.

"I'm Charity Rama, Jayden's girl." Dagdag ko.

Nagdugtong ang kilay nung babae ng saglit bago tumango at tinanggap ang kamay ko.

"Eliz... uhm, katrabaho ni Jayden noon sa Manila."

Tumango ako at kinalas ang kamay ko sa kanya.

Bumaling si Eliz kay Jayden.

"Uh, treat for myself? Kasama ko friends ko. Aalis kasi ako papuntang Macau. Binigyan ako ng opportunity ni Mr. Salazar na mag trabaho sa Le Marcelle doon." Aniya.

Tumango si Jayden, "Good for you."

"Ikaw? Saan ka na nagtatrabaho?" Mejo naaasiwang tanong ni Eliz.

"Dito." Sabi ni Jayden.

Lumipad na yung utak ko sa kalagitnaan ng pag uusap nilang dalawa. Buong akala ko ex niya itong babaeng ito. Hmmm. Ayaw niya kasi akong ipakilala as girlfriend.

Kaya naman, nung natapos na sila sa kanilang kumustahan at pinakawalan na ni Eliz si Jayden, nagmartsa na si Jayden pabalik sa hotel. Sinundan ko siya at pinaulanan ng tanong.

"Jayden... Uhmmm... May tanong lang ako."

Pumihit siya at hinintay ako sa paglalakad para magkasabay kaming dalawa. Napangiti ako at dinahan-dahan ang paglalakad. Pakiramdam ko talaga lumilipad ako tuwing magkatabi kaming naglalakad.

"Hmmm?"

"Ilan na ba ang naging ex mo? Ex girlfriend?"

Kumunot ang kanyang noo at matamang tinitigan ako, "Ikaw? Ilan ang naging ex mo?"

Uminit ang pisngi ko, "Ako yung unang nagtanong kaya ako ang sagutin mo."

"Three." Simple niyang sinabi. "You?"

Kinagat ko ang labi ko at pinikit ang mata bago ko siya nasagot.

"Seven?" Patanong pa nang sinagot ko siya.

"Except the flings?" Nakataas ang kanyang kilay.

Ngumuso ako, "Nope... I don't do flings..."

"So you mean to say, yung rapist mong ex mo, may seryosong relasyon kayo nun? You have serious relationship with a man like him? With a jerk?" Tumaas ang tono ng boses niya at natigilan.

Napatingin ako sa mga taong dumadaan sa tabi namin. Nasa hotel na kasi kaming dalawa at timing na nandyan ang tatlong babaeng supervisors sa reception at pinapanood kami.

"Hindi siya jerk nung una ko siyang nakilala. The thing about men, Jayden, is at first you seem to be generous and mature adults... Kalaunan, nabibigla ka na lang kasi nagkamali ka pala."

"You mean to say I'm one of those guys, huh?" Tanong niya.

"Nope!" Hinawakan ko ang braso niya at nginitian siya.

Umiling siya at tumingin sa paligid.

"You're a jerk at first, then a gentleman later on... Pabaliktad yung evolution mo." Sabi ko.

Tumawa siya, "You're crazy..."

"So... about your exes... Tell me about them..."

Kinalas ni Jayden ang kamay ko sa braso niya at sinimagutan ako.

"Bakit gusto mo silang makilala?"

"Of course, gusto kong malaman anong nangyari at bakit nag end ang mga relationships mo with them. Yung una, anong nangyari?" Tanong ko.

"We're too young?" Aniya. "Nag mature kami so we fell apart."

Nagsimula ulit siyang maglakad papuntang office niya. Naramdaman ko ang titig ng mga supervisors saming dalawa. Yes, people, he's mine now.

"How about the next one?"

"She's too immature... selosa... Always accusing me about silly things... Na may iba ako."

Napalunok ako. So, kailangan ko palang mag ingat. Dapat hindi ako magselos... UGH! I don't usually get jealous, pero bakit kanina nung nakita kong nandoon si Tina sa opisina ni Jayden ay parang naiinis ako agad.

"Okay... How about the third?" Tanong ko.

Tumigil siya sa tapat ng kanyang office.

"We're off to Cebu City tomorrow... I need a break." Iyon ang sagot niya.

"Huh? REALLY?" Masaya kong sinabi.

"Yes, Cha. Don't pack too much things, siguro mga tatlong araw lang." Aniya at binuksan ang pintuan.

Pumalakpak ako sa saya. Iniisip ko pa lang na babalik akong Cebu City kasama si Jayden ko ay bumibilis na ang tibok ng puso ko...

But wait a minute... hindi yata nasagot ang tanong ko...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro