Chapter 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 19

Ang Tagapagmana

Trisha? Trisha who?

"Tsk tsk." Matamang umiling iling pa si Eliz habang pinagmamasdan ang kawalan. "Pero syempre, hindi ko naman siya masisisi. Si Sir Troy na yun, eh. Pero ewan ko, ah? Para sakin, kung ako si Trisha, si Sir Jayden talaga pipiliin ko. Alam mo yun, mature, tsaka gentleman. Troy's a playboy. Well, kaya nga tinawag na playboy kasi marunong siyang magpaikot ng babae. Though, I'm not saying na pinaikot niya si Trisha. Papakasalan niya ba yun sa Barcelona kung hindi, diba?"

Napatunganga ako sa sinabi niya. Kung totoo lang yung pag nonosebleed twing hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ay siguro naubusan na ako ng dugo ngayon.

Nakita niya ang reaksyon ko kaya't nilagay niya agad ang kamay niya sa bibig niya.

"Oh my gosh!? Oh my? Hindi mo alam?"

Nakita kong nagpanice siya. Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Trisha yung pangalan ng ex ni Jayden? Third ex?" Tanong ko.

Kahit hindi ko naman talaga naintindihan ang mga dinaldal niya ay kahit paano, may maliwanag sa isip ko.

Umiling-iling siya at mapilit na tinikom ang bibig. Hindi na siya nagpaalam at patakbo ng umalis.

"TEKA!" Sigaw ko sabay hawak sa braso niya.

Kaya lang, madulas ang balat niya at nakawala agad. I'm cool with exes, pero bakit ganun siya maka asta? Like there's some sort of secret behind it? Syempre, siguro dahil nakita niya sa reaksyon ko na hindi ko pa alam ang tungkol sa Trisha'ng iyon, kaya lang, I'm sport with past loves, she shouldn't act like there's something wrong about it. Past is past.

Habang nagdadrive ako pabalik ng condo, iyon lang ang laman ng isip ko.

There's Troy, there's kasal sa Barcelona... There's Trisha... Pinili. Pinili ni Trisha si Troy... over Jayden? There's some sort of love triangle here... Nagpakasal na si Troy at Trisha sa Barcelona.

Bigla kong tinigil ang sasakyan. Halos tumilapon ang mga pinamili kong nilagay ko lang sa front seat.

TRISHA!

Trisha iyong pinakilala kong pangalan sa bar noon. Narinig niya iyon kaya nilapitan niya ako. He tried to stop me from smoking. Doon palang, dineklara niya na agad ang hate niya sakin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Wa'g niyang sabihing na offend ko siya sa paninigarilyo? It should be none of his business... but... he thinks I'm... I'm Trisha.

Nalaglag ang panga ko at nilagay ang palad ko sa bibig ko. Hindi ako makahinga.

"Trisha..." That was the name he moaned after our first kiss. He called me by her name!

He think I'm Trisha!?

Nanginig ang kamay kong nidial ang numero ng isa kong pinsan na nasa Manila.

"What, Charity?" Masungit na tanong ni A sakin.

"A-A," Nauutal ako at nanginig ang boses ko, "C-Can you please uhmm..." Nakalimutan ko ang sasabihin ko sa kanya.

"Cha? You okay?" Nag aalalang tono niya.

"Yes..." Humikbi ako.

Hindi ko namalayang panay na pala ang tulo ng luha ko.

"Uhm. Alam mo ba kung san yung Le Marcelle?"

"Of course..." Nag aalala parin ang tono niya. "Why? What's the matter?"

"P-Pwede bang alamin mo kung sino si Troy... Or si Trisha? Nagtatrabaho ba sila doon? What-"

Natigilan ako. Hindi ko alam. Gusto kong ako yung pumunta. Gusto kong sakin agad papuntang ang information.

"Bakit?" Tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko at bumunot ng malalim na hininga, "I'll go there... Sa Manila."

"Whoa? Why? Dito ka sakin mag stay." Aniya.

"No, I'll stay at Le Marcelle."

Hindi ko na siya pinasagot. Agad ko nang binaba ang cellphone ko. Nagpatuloy ako sa pagdadrive. Kahit na gulong-gulo na ang utak ko, nakaya ko paring umabot sa Riala nang di nababangga.

Kinuha ko yung supot na may lamang groceries para sana kay Jayden at nilagay ang cellphone sa tainga ko pagkatapos nidial ang numero ni daddy.

"Hello, Charity." Sagot ni Daddy. "Nakauwi ka na ba? Bisitahin mo ang mommy mo sa bahay."

Tumango ako. Kinurot ang puso ko ngayong narinig ko ang boses ng dad ko. Hindi naman ako ganito ka emotional noon. Pakiramdam ko, boses niya pa lang tumatahan na sa sakit na nararamdaman ko.

"Opo, dad." Sagot ko.

Natahimik si daddy. Para bang sinusuri niya ang sagot ko.

"Dad..." Putol ko sa katahimikan niya. "Pupunta ako ng Manila."

"Wha- Bakit?"

"I-I want to visit Ate Natalia." I lied.

"Alright. Kailan?"

"Kung pwede sana last flight mamaya."

"Pero hindi ka pa bumibisita ng bahay, ah?"

"Papunta na ako sa bahay, Dad." I lied again.

Dahil sa ngayon, nilalapag ko pa ang groceries para kay Jayden. Sinilip ko siya sa kwarto niya at nakita ko siyang tulog na tulog parin. May batong bumagabag sa lalamunan ko nang tinignan ko ang mukha niya.

I love him so much. Sa maiksing panahon na nakasama ko siya, hindi ko inakalang dadating ako sa puntong iiyakan ko siya. Na manghihinayang ako.

He noticed me because of her name. He kissed me because of her... Tinawag niya akong Trisha. Hindi kaya, may nangyari din samin dahil inisip niyang ako si Trisha? At tuwing nakikita niya na hindi ako yung ex niyang mahal na mahal niya parin hanggang ngayon ay naiinis siya kaya ayaw niyang hawakan ang kamay ko... Kaya... kaya ayaw niyang mahalin ako ng buo?

No! Jayden loves me! Sinabi niya sakin iyon! Narinig ko. He told me he loves me. At naramdaman ko iyon.

Come on, Charity! Don't fool yourself! Mature lang talaga siya na pakiramdam niya ay responsibilidad niya ang 'panagutan' ka. Ayaw niyang may naikakama siyang hindi girlfriend. That wouldn't be called a relationship, it would just be a fling. Respetado siyang tao at ayaw niyang mabahiran ang pangalan niya ng fling. Ayaw niyang maging playboy. Ayaw niyang maging tulad ni Troy... na pinili ni Trisha.

Nilagyan ko ng pagkain yung mesa ni Jayden bago ako umalis. Hindi ko nilagyan ng note o kahit ano.

Siguro naman ay makakabalik ako ditong naliliwanagan. I want to ask him directly, pero ayaw kong makita niyang may ganito akong mga iniisip tungkol sa kanya. Balak kong bumalik dito nang wala siyang alam na alam ko na ang katotohanan tungkol sa past niya. Tsaka ako maghihintay sa tamang panahon na kaya niya ng sabihin sakin.

Come on, Charity! Kaya hindi niya sinasabi sayo kasi hindi parin siya nakaka move on. You're just a rebound.

Nasa airport pa lang ako ay nakita ko nang tinatawagan ako ni Jayden.

"Hello?" Sagot ko.

"Where are you?" Tanong niya.

"Uhmm... Nasa airport."

"What? Why?" Malakas ang boses niya nang tinanong niya ako nito.

"Pupunta akong Manila." Humalakhak ako kahit wala namang nakakatawa doon.

"Bakit?"

"May aasikasuhin lang saglit. Sa... ano... clothing line ng Ate ko. Babalik din ako, Jayden." Matabang kong sinabi.

"Bakit hindi ka nagpaalam ng mabuti sakin? Bakit di mo ako ginising? Bakit di mo ako sinama?"

Kinagat ko ang labi ko dahil sa panginginig nito.

"S-Saglit lang ako. I'll be back there... Maybe tomorrow."

"Charity-"

"Hey, Jayden, I need to go... tinatawag na ako. Bye..." Sabi ko at pinutol ang linya.

He's just using you to move on. You're just a rebound. You're just his past time. You're nothing, Charity. He's still in love with Trisha.

Diretso ang taxi ko sa Le Marcelle nang nakarating ako sa Manila. Napilitan akong gamitin ang allowance ko galing kay Dad para makapag check in doon. Nilagay ko sa ulo ko ang malaking sunglasses ko. Alas singko na nang hapon at soot soot ko parin ito. Namumugto kasi ang mga mata ko kaya eto at ginawa kong panangga.

"One room, please." Sabi ko sa receptionist sabay suyod sa lugar.

Anong meron sa Le Marcelle?

"Okay po, ma'am. Ikaw ba si Miss Charity Rama? Yung nagpareserve?" Tinignan niyang mabuti ang I.D ko.

Tumango ako at pinagmasdan ang engrandeng hotel na ito.

Jayden used to work here. Malaking hotel. Syempre, chain of hotels kaya ito. Ilang Le Marcelle na kaya sa buong mundo? Siguro aabot ng hundred plus.

"Miss, sino yung manager ninyo dito?" Tanong ko.

"Si Mr. Sia po. Do you want to talk to the manager, ma'am?" Tanong niya pabalik.

Umiling ako, "Troy Sia?"

Umiling din siya. "Nope, Joaquin Sia po."

"Ay, ganun?" Tumangu-tango ako. "Akala ko si Troy yung manager." Tinignan ko ang receptionist sa gilid ng mga mata ko.

"Si Sir Troy po yung tagapagmana ng Le Marcelle. Only son ni Mr. Salazar." Bumungisngis ang babae.

Ngumuso ako. Okay. May lead na ako. Troy... is... wait... a what? TAGAPAGMANA?

"Oo nga pala. I just thought he was the manager here. Siguro nandun parin yung lalaking iyon sa Barcelona." Tinignan ko ulit yung receptionist sa gilid ng mga mata ko.

Umiling siya at ngumisi, "Magkakilala po kayo? Are you his ex po? Hindi po. Nandito na sila ni Ma'am Trisha. Ikakasal na nga sila dito sa Pinas, eh."

Nandito na sila sa Pilipinas? Gotcha!

"By the way, ma'am, ready na po yung room niyo. Kunin niyo lang po sa desk yung card." Aniya.

Tumango ako at nilingon yung front desk. Walang makakalagpas saking impormasyon dito.

Tinanggap ko yung card sa babaeng nasa likod ko nakatingin.

"Thank you..." Sabi ko sabay hubad ng isang butones sa jacket ko.

Feeling nasa states kasi nag ja-jacket talaga ako ng itim na may malalaking butones sa magkabilang gilid. Thank God malakas ang aircon dito sa Le Marcelle. Maybe I should change.

"Good evening Mr. And Mrs. Salazar." Sabay sabay na bati ng mga nagtatrabaho doon.

"Good evening." Malamig na sinabi ng isang lalaki.

Nilingon ko agad ang kanina pa nila tinitignan sa likod ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro