Chapter 21

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 21

Ang Paghaharap

Nalaglag ang panga ko nang nakitang nag apoy ang mga mata niyang nakatitig sakin. Nanlumo ako at napalunok ng ilang beses.

Kumunot ang kanyang noo at unti-unting humigpit ang pagkakatikom ng kanyang labi. Ang kasama niya namang si Trisha ay nakatitig lang kay Troy.

"What are you doing, Troy?" Malamig na tanong ni Trisha sa kanyang asawa.

Pumiglas si Troy sa pagkakahawak ko at humakbang papunta kay Trisha.

"Charity..." Malamig na utas ni Jayden sa pangalan ko.

Napatingin si Trisha sakin. Hindi niya na ulit binawi ang pagbaling niya sakin.

"WHAT ARE YOU TRYING TO DO, CHARITY?" Pasigaw na tanong ni Jayden sakin.

Kahit na maingay sa loob ng Tribe Lounge, dinig na dinig ko parin ang nakakapanindig-balahibong sigaw niya. He really is angry.

Hindi ako umimik. Tinitigan ko lang siya. Bakit siya andito? Para saan? Ganun na ba talaga siya katakot na malaman ko yung totoo kaya siya nandito ngayon?

Nag alab ang galit na namuo sa puso ko.

"ARE YOU TRYING TO SEDUCE HIM?" Dagdag na tanong ni Jayden sakin.

"What? You think I'll be seduced, Jayden?" Sarcastic na tumawa si Troy sa sinabi ni Jayden.

"Stop it, Troy!" Sigaw naman pabalik ni Trisha kay Troy.

Binalewala ni Jayden si Troy. Sakin lang nakabaling ang buong atensyon niya.

"Charity! Sagutin mo ako!" Frustrated niyang sinabi.

Habang tinititigan ko siya, si Trisha at si Troy... unti-unti kong napagtanto kung anong meron. Troy is insecure... Nag react siya nang sinabi kong tungkol sa pagtataksil. Ano ba talaga ang tunay na nangyari? Trisha is Jayden's ex... At bakit sila nagkahiwalay? Hindi kaya dahil nagcheat si Trisha sa kanya? At si Troy yung pinalit niya kay Jayden.

"You cheated on him?" Malamig kong sinabi kay Trisha.

Kumunot ang noo ng babae. She was pretty. Simple yet really pretty. Walang arte sa katawan. Naka shorts at printed t-shirt lang siya. Sneakers ang soot niyang sapatos. Sneakers... Those... Keds... Iyon ang mga damit na gustong isuot sakin ni Jayden. He wants me to be like her. He wants me to be just like Trisha.

Akala niya noon ay Trisha ang pangalan ko, kaya niya ako napansin. Ibang-iba naman kami ng Trisha'ng ito, kaya  sinubukan niyang gawin akong tulad niya. From changing my fashion sense to changing my way of life... Hindi ako yung minahal niya, hindi ako, kundi yung Trisha'ng nakita niya sa pagkatao ko.

"CHARITY!" Bumilis ang paghinga ni Jayden sa kakapigil sakin.

Humakbang siya papunta sakin at hinawakan ang braso ko.

"Pinagpalit mo si Jayden kay Troy?" Nakatoon parin ang pansin ko kay Trisha.

Bumaling ako kay Jayden na ngayon ay galit na galit na nakatitig sakin.

"Hindi ako yung minahal mo, Jayden... Hindi ako... si Trisha parin, diba?" Nanliit ang mga mata ko.

Kahit baradong barado na ang lalamunan ko, nakaya ko paring sabihin iyon.

"What are you talking about, Charity-"

"Bakit hindi na lang kayo magkabalikang dalawa! Tutal naman andito si Troy sa bar na ito, mag isa, at naglalasing dahil sa frustration! Mukha namang di siya inaalagaan ng asawa niya, kayo na lang kayang dalawa ang magkatuluyan? Nang sa ganun ay hindi kami mafrustrate dalawa?"

Narinig kong suminghap si Troy.

"Hindi kami magkakabalikan! Ano ba?" Sigaw ni Jayden.

"Hindi kasi andyan si Troy, diba? What do you want me to do? Seduce him so you and Trisha can be together again? Come on, Jayden..." Nanginig ang boses ko.

No. I won't fvcking do that. Halos matawa na ako sa sinasabi ko.

"That's what you want, right? Kasi alam mong kaya kong lumandi ng tao. And you want your happy ending..."

"Hindi ko yun kailanman binalak-"

"Oh come on! Be true to yourself, Jayden. Yun ang gusto mo-"

Natigil ang pagsasalita ko dahil sa sampal na naramdaman. Masakit. Sa sobrang sakit, naging makati na yung pisngi ko. It stings... Tulad ng sakit na naramdaman ko sa puso ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang nilingon ko ang sumampal sakin. Nakita ko si Trisha na mangiyak-ngiyak na pinigilan ni Troy.

"Nagpatulong si Jayden sakin na hanapin ka dahil tingin niya ay hahanapin mo ako. Pumunta siya dito para hanapin ka at nagpatulong siya sakin. He's an old friend kaya ko siya sinamahan."

Kinurot ang puso ko. Bakit naglalasing ang asawa niya?

"I'm sorry, Trisha." Narinig kong sinabi ni Troy sa likod niya.

Pinulupot ni Troy ang braso niya sa baywang ni Trisha. Kahit patalikod niya niyakap si Trisha, nakapikit parin siya at parang feel na feel niya ang pagkakayakap sa kanya.

Naagaw ni Jayden ang atensyon ko nang hinila niya ulit ang braso ko.

"Let's go home..." Mapupungay ang mga mata niya nang sinabi sakin 'to.

Hinila ko ang braso ko at lumayo ako sa kanya. Nabigla siya sa ginawa ko.

"You... You didn't really love me, Jayden." Untag ko.

"Charity, stop being so immature."

"I'm a rebound." Umiling ako.

"Charity, mahal ka ni Jay-"

"Shut up!" Sigaw ko sa sumingit na si Trisha.

I don't need your comforting words.

Humakbang si Jayden palapit sakin.

Dumadami na ang tao at nakakaagaw na kami ng atensyon.

Nakita ko ang pinsan ko sa malayo na nakatingin sakin. Gusto niyang pigilan ako pero may nakita akong kamay na nasa braso niyang nagpipigil sa kanya.

"Wa'g kang bastos, Charity." Sabi ni Jayden.

Mas lalong kinurot ang puso ko, "You still love her. You are still in love with her! Kaya nung narinig mong Trisha ang pangalan ko, naagaw ko ang atensyon mo. Kaya nung una nating halik, Trisha ang tinawag mo sakin."

Namutla si Jayden sa sinabi ko. Confirmed. His actions resonated in my mind. Tama ang hinala ko.

"You want me to wear sneakers, you want me to stay home, ayaw mong lumalabas ako tuwing gabi. You are turning me into her... And lastly..." Nanginig ang boses ko, "You didn't make love with me. Siya yung inisip mo habang ginagawa natin iyon."

Natulala si Jayden sa sinabi ko. Nakita kong unti-unting kumunot ang noo niya. Kumuyom ang panga niya nang nakita ang luha kong tumulo sa mata.

Kumuha ako ng isang shot sa isang table.

"Tell me, Jayden, why do you hate me?"

"Charity. Stop this nonsense, please-"

Sinabuyan ko siya ng shot na nasa kamay ko. Napapikit siya sa ginawa ko. Sa mukha ko kasi binuhos yung liquor.

"You hated me because you thought my name's Trisha. Pero nakita mong magkasalungat ang ugali namin, right?" Sarcastic akong tumawa.

Nilagpasan ko siya para pumunta na sa pinsan ko pero hinila niya ang braso ko.

"Will you stop acting like a brat, Charity?"

"Yes. I will, Jayden." Binawi ko ang braso ko sa kamay niya at madaling tumakbo sa pinsan kong naghihintay sakin.

Hindi ako natigil sa paghagulhol. This is my first broken heart. He's my first love and I'm his rebound. Just a fling. Yung dinidate niya para makalimot. Yung ginamit niya para lang ma boost ulit ang nasira niyang ego. I am that girl. He didn't love me a bit, he hated me. At ako? Mahal na mahal ko siya. The pain is excruciating.

It's all your fault, Charity. You have the freedom. Pero pinili mong ikulong ang sarili mo para sa lalaking mahal mo, pero hindi ka naman siguradong mahal ka niya pabalik. You built your own jail. I lost myself because I found him. The only way to find myself again is to go back to that life.

I'm not Trisha. I will never be.

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Ang hapdi ng mga mata ko kaya hindi ko agad ito dinilat. Hinayaan ko na lang ang pagtawag ni Jayden sakin. Hindi ako bumalik sa hotel. Kinuha ni A ang mga gamit ko doon at hinatid kina Ate Natalia.

Unti-unti akong bumangon at dinungaw ang cellphone kong may 78 missed calls from Jayden.

Pinatay ko ang cellphone ko pagkatapos nung tawag niya. Hinawi ko ang buhok ko at kinusot ang mata.

Today, I woke up and I realized that I'm tired of chasing people. People who want me in their life will prove themselves to me. This isn't narcissism or brattiness, this is self worth. I will scrap the shitty ones and I'll invest more on loving myself. Mukhang simula nung nakilala ko si Jayden, hindi na ako nakapag isip sa sarili ko. Now, I should take myself back. Wala akong pakealam kung mas lalo niya akong kamuhian. I'd rather be hated for being true than be loved for who I'm not.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro