Chapter 31

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 31

Ang Katapat

Kinaladkad ako ni Jayden papuntang suite namin.

"Jayden, we c-can't just leave the party." Sabi ko pero huli na ang lahad.

Padabog niyang sinarado ang pintuan ng suite niya at marahas na hinawakan ang batok ko. Nanghina agad ako sa ginawa niya.

"I hate it, Cha. I hate it when I get jealous." Bulong niya saka hinalikan ang ilalim ng tainga ko.

Kinagat ko ang labi ko. Kung hayaan ko na lang na nakaawang ang bibig ko ay baka mapa ungol na ako sa kiliting nararamdaman.

Tinulak ko siya at tinigil niya ang paghalik sa leeg ko pababa. Hinuli ko ang labi niya at hinalikan ito.

Wala akong pakealam kung nanliligaw pa siya sakin, gusto ko rin siyang halikan, eh.

Naramdaman ko ang pagbilis ng hininga niya. Hinawakan niya ang balakang ko at binuhat. Agad kong idinikit ang sarili ko sa baywang niya. Pinulupot ko ang mga binti ko sa baywang niya. Yung kamay niya ang nakasuporta sakin. Pinulupot ko na rin ang kamay ko sa leeg niya at patuloy siyang hinahalikan.

"Do you love me, Cha?"

Umiling ako at ngumisi. Nakita ko ang pagkairita sa mukha niya.

Naglakad siya papuntang sink at nilapag ako ng bahagya.

"Do you want me back?" Tanong niya.

Umiling ulit ako at hinuli ang labi niya.

The Push and Pull theory... Ipakita mong gusto mo siya pero ideny mo. I can't believe I can still apply the Art of Seduction this time.

"Then..." Narinig kong umungol siya sa halik kong mapupusok. "Jesus! What are we?"

Agad nag init ang kaloob-looban ko. Unti-unti ko na lang binuksan ang butones ng damit niya.

"Nothing, Jayden. We're nothing." Nanginginig kong sinabi.

Hinawakan niya ang kamay ko at nakita kong pumikit siya. Pinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng damit niya. Habang ginagawa ko iyon ay abala siya sa pagtatanggal ng bra ko sa loob ng dress ko.

Naramdaman ko ring hinaplos niya ang gitna ng hita ko. Natitigilan tuloy ako sa pagtatanggal ng butones.

Nakita kong kinakagat niya ang labi niya habang hinahaplos iyon. Napapikit ako sa init na naramdaman ko.

"Oh my gosh..." Sabi ko sabay hawak ng mahigpit sa braso niya.

Saka niya naman iyon tinigil. Dumilat ako para tignan siya. Hinaplos niya ang batok ko at umiling siya.

"That's enough for now, Cha. Pinagpawisan ka naman, diba? At hindi pa tayo-"

"WHAT? A-Ang sabi mo we'll make love pag nagseselos ka?" Nanghihinayang kong tanong.

"Sagutin mo muna ako." Aniya.

Napakamot ako sa ulo.

"You undressed me, tapos bibitinin mo ako?"

Kumunot ang kanyang noo, "You're kissing me like you want me inside you and you ignore my questions? No way, Charity."

Uminit ang pisngi ko.

"I know you too well... Ganyan ka talaga kung kumuha ng atensyon. Ipaparamdam mong ako pero hindi naman pala. What's that? Some kind of push or pull?"

Shucks! Natututo na yata siya sa mga ginagawa ko, ah?

"You'll get fat, Cha. Kung hindi mo ako sasagutin. Foreplay isn't enough to burn the calories." Umiling siya at tinalikuran ako.

Hindi ako umalis doon sa sink. Pinagmasdan ko na lang siyang umuupo sa kama at tinatanggal ang sapatos niya. Damn it! Binitin niya talaga ako ng sukdulan! Mukha ring wala na siyang planong balikan ako dito. Hindi man lang siya tumitingin sakin kaya lumapit ako sa kama.

"Okay, magbibihis lang ako." Sabi ko sabay dahan-dahang inalis iyong dress ko.

Nakita ko siyang bahagyang tumitig sakin. Hindi ko pala naayos iyong bra ko kaya inayos ko na lang.

"Maliligo lang ako tapos matutulog na." Sabi ko.

"Bilisan mo, maliligo din ako."

Napatingin ako sa suplado niyang mukha. Why don't you join me? Conserve water! Damn, Jayden! Hindi ko na lang pinatulan ang pagiging masungit niya. Naligo na lang ako ng mabilisan pero sinigurado kong mabangong-mabango ako paglabas.

Nang natapos na ako sa pag ligo ay siya naman ang sumunod. Napatingin ako sa tuwalya niyang konti lang ang natatabunan. OMG! Tinaas ko na lang ang kilay ko at nilagpasan siya.

Dumiretso din naman siya sa loob. Hindi ako nagbihis hanggang sa natapos siya. Halos nilamig na nga ako sa hindi ko pagbibihis, eh. Tinayming ko talagang paglabas niya ay nagpapahid ako ng lotion sa legs.

Nakita kong tumaas ang kilay niya sa tanawing nakikita sakin.

"15 minutes ka nang nag lolotion?" Panira niya.

"Hindi. Ngayon lang ako nagsisimula." Sagot ko namang totoo.

"Bakit?"

"Wala lang." Nagkibit balikat ako.

Pinagpatuloy ko ang pag lolotion ko sa harap niya.

Nakita kong nakabihis na siya ng boxers bago umalis ng banyo. Nagsoot agad siya ng mga damit saka humiga sa kama.

"Hindi ka ba magkakasakit niyan? Magbihis ka na."

Seriously? Hindi ko ba talaga siya na tetempt.

"Yeah, yeah." Matabang kong sagot.

Nagbihis ako pero hindi niya iyon nakita. Tumalikod kasi siya. Ayaw niya atang matukso.

"Jayden?"

"Hmmmm..." Hindi parin niya ako nililingon.

"Paki soot ng bra ko." Malambing kong sabi.

"Why? Babae ka naman at lagi kang nagsosoot ng bra? Bakit ngayon hindi ka na marunong?" Masungit niyang tanong ngayong nakatalikod parin.

"Okay... Maybe I should find someone who can do it for me, then?" Malamig kong sinabi.

"Damn it, Charity! Stop pushing my buttons!" Aniya sabay harap at bangon.

Inilapit ko ang sarili ko sa kanya at tumalikod. Dahan-dahan niyang inayos ang bra ko.

"There... Magbihis ka na." Aniya.

Hinarap ko siya kaya't nag iwas agad siya ng tingin sakin.

"Okay..." Sabay soot ko sa spagetti strap kong damit.

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga lalo na nung gumapang ako sa kama niya.

"Matulog ka na. We're leaving early tomorrow. Ayokong ma late tayo sa meeting namin ng dad mo."

Tinignan ko siya pero nakapikit na siya. Damnnnnnnnn! Mukha talaga yatang walang mangyayari samin ngayong gabi. Ang sungit ni Jayden! Super sungit! Nakakafrustrate! Buti nga sayo, hindi kita sasagutin! Akala mo ah? Umirap ako at tinalikuran siya sa kama.

"K." Malamig kong sagot.

Naramdaman kong bahagya siyang lumapit sakin.

"Damnnnnn... I just can't get enough of you." Aniya sabay pulupot ng braso niya sa baywang ko.

Halos mabaliw ako sa sinabi at ginawa niya. Sabi na, eh! Ituloy na, please?

Hinarap ko siya at nakita kong pumungay ang mga mata niya.

"But like you, I want assurance too, Cha. Are you really mine?"

Ngumisi ako at di siya sinagot.

"DAMN IT, CHARITY! YOU ARE!" Sagot niya sa sariling tanong niya.

Hinalikan niya ang batok ko. Tumindig ang balahibo ko. Naestatwa na lang ako sa takot kong maramdaman niya ang paghuhuramentado ko.

"See? You really are mine." Humalakhak siya.

Hindi niya ako pinilit kahit na hindi niya naman ako kailangang pilitin. Actually, ako pa yata yung gustong pilitin siya. Kaya lang, hindi ko pa kayang sagutin siya. Ramdam na ramdam ko na ang pagmamahal niya sakin, pero naghihintay ako ng magandang tyempo kung kailan ko siya dapat sagutin.

I'm being cautious now. I can't afford another heartbreak.

Kinaumagahan, naghanda na kami ni Jayden pabalik ng Cebu. Siya ang nagdala ng lahat ng bags ko. Nakabusangot ang mukha niya habang tinitignan akong nagpapaalam kay Christian at Wesley.

"Kelan ang balik niyo?" Tanong ni Christian.

"Hindi ko alam. Siguro mga tatlong araw mula ngayon." Sagot ko.

"Uuwi rin siguro ako ng Mandaue bukas." Aniya.

"Talaga? Sayang, sana sumabay ka na lang samin, libre ka pa sa barge at van-"

"CHARITY!" Tawag ni Jayden sakin.

Nilingon ko siya at nakita kong nag aapoy ang mga mata niya. Ooooppps!?

"Yes, Jayden." Malambing kong sinabi.

"Hehe." Napakamot si Christian sa ulo. "Okay lang. Sige, mauna na kayo."

Tumango ako at dumiretso na sa nag aapoy na si Jayden.

Binaba niya ang bag ko sa harapan ko.

"Carry your own bag! That's the price you are paying for today!" Aniya.

"What?" Tinignan ko ang malaking bag kong nakalapag sa harap ko.

Pumihit siya at naglakad ng kaonti. Napatingin ako kay Christian at Wesley na ngayon ay palapit na sakin.

"Ako na lang, Cha. Tutulungan na kita." Ani Wesley sabay dampot sa bag ko.

"Sama na ako." Sabi ni Christian.

"Thanks, ah?" Ngumisi ako at babawiin na sana ang bag kaso may humablot na sa bag ko.

"Stupid! Pinaparusahan ko, tapos i-spoil niyo? I'm the boyfriend, so you stay where you are and stop waiting for the opportunity." Umirap si Jayden kay Wesley at Christian.

Natahimik ang dalawa habang tinitignan si Jayden na mura nang mura palayo samin.

Nagkibit balikat na lang ako sa dalawa. Kasabay silang umiling at humalakhak.

"FASTER, WOMAN!" Sigaw niya sakin.

"Opo, eto na po!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Leche... magreresign na ako. Hindi ko kayang makita si Sir Jayden na nagpapaalipin sa isang babae. Akala ko firm at authoritative, iyon naman pala si Charity lang ang katapat." Humagalpak sa tawa si Wesley.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro