Chapter 49

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 49

Ang Kasal

Naunang humakbang si CJ palabas ng bahay namin. Hindi kasi pinapasok ang naghahanap sa labas. Syempre, mahigpit ang seguridad sa bahay namin. May dalawang armadong security guards ang nagbukas ng gate namin.

Sinubukan kong tumiyad para makita kung sino ang nasa likod ng gate namin. Pareho kasing matangkad si CJ at Jayden kaya hindi ko makita. Nang sa wakas ay nakita ko kung sino, bumuntong hininga na lang ako. Nalaglag ang panga ni Justice habang hinaharap si CJ na ngayon ay nakahalukipkip. Sa likod ni Justice ay ang dalawang kapatid ni Jayden, si Jude at Jen.

"Anong ginagawa niyo dito?" Malamig na tanong ni CJ.

"CJ!" Saway ko sa pinsan ko.

Lumingon siya sakin at nakita kong nakakunot na ang mga noo niya.

"Pinahirapan ka nila sa pamamahay nila, edi papahirapan ko rin sila dito satin."

"CJ! Mga kapatid iyan ni Jayden!" Sabi ko.

Nabigla din kasi ang tatlo sa tanong ni Jayden.

"Hindi tayo ganyan."

Bumuntong-hininga si CJ at umiling.

"Sorry, Justice, Jude at Jen..." Sabi ko sa kanilang tatlo.

Humakbang si Jayden palapit sa mga kapatid niya.

"Kayong tatlo lang ba?" Tanong niya.

Tumango si Jen dahil mukha atang nawalan na ng kaluluwa si Justice.

Napatingin tuloy ako kay CJ. May naaalala ako. Crush nga pala ni Justice si CJ.

"Mom's hysterical, kuya." Utas ni Jen.

Tumikhim si Jayden, "It's her fault."

"Baka magkasakit siya."

Nagulat ako sa sinabi ni Jen. Bakit hindi ko iyon naisip? Pwedeng magkasakit ang mama ni Jayden dahil sa ginawa naming dalawa. Nanginig ang tuhod ko nang naisip ko iyon. Paano kung dapuan siya ng mga sakit dahil sa inis sa ginawa naming dalawa?

Hindi na nagsalita si Jayden. Naramdaman ko ang guilt na gumagapang sa kanya. Kinagat ko ang labi ko at sinulyapan si CJ na ngayon ay nakahalukipkip parin habang tinititigan si Jen.

"Siya yung magdudulot sa sarili niyang sakit. Kung sana hindi siya nag inarte at tinanggap na lang si Cha, ay sana okay ang lahat."

Hinampas ko ang braso ni CJ.

"CJ, stop that!" Saway ko.

"Anong gusto niyong gawin ko ngayon? Bumalik doon para maging masaya ulit kayo? Jen, this is ridiculous. I'm already married, alright? Mom knows that. Gusto niya lang kayong manipulahin." Ani Jayden.

"Yes, kuya. We know that. Kaya nga nandito kami ngayon." Nabigla ako sa biglaang pagsasalita ni Justice.

"Hindi muna kami uuwi hanggang di pupunta dito ang buong angkan. Kuya, kumbinsido na ang mga tito at tita natin. Si mama na lang talaga ang nagmamatigas. Ready na silang kumuha ng ticket para mamanhikan dito sa Cebu. I mean, silang lahat. Si mama na lang ang kulang." Sabi ni Jen.

Humupa ang kaba ko sa sinabi ni Jen. Konting push na lang siguro ay papayag na iyon. Hindi na ako mag eexpect na magiging okay kami na parang walang nangyari, pero sana naman kahit pagpapakita na lang sa kasal namin ay gawin niya. Di bale na kung habang buhay niya akong pagagalitan tungkol sa mga walang katuturang bagay. Basta ang importante sakin ay niresperto niya ang desisyon ni Jayden. Ayaw ko rin namang magkasiraan sila sa pamilya niya dahil syempre, pamilya niya iyon.

"Sino yan?" Tanong ni Erica sa likod ko.

Sumunod din pala siya dito.

"Mga kapatid ni Jayden, Erica." Sabi ko. "Pasok kayo."

Nakalimutan ko palang anyayahan sila papasok sa bahay namin.

"Uhmm..." Umatras si Jen at tinignan ang kabuuan ng bahay namin.

"Seriously, Cha? Inanyayahan mo pa talaga?" Masungit na sinabi ni CJ saka bumuntong hininga.

Binigyan ko na lang siya ng matatalim na tingin.

"Pasok kayo." Sabi ko ulit.

Tumango si Justice at pumasok na sa loob. Sumunod na rin si Jude at Jen. Nang nasa loob na kami ng bahay, nadatnan namin sa dining room ang mga tito at tita kong nagtatawanan parin habang kumakain. Natigil sila nang nakita ang mga bagong dating na bisita.

"Ah, eto po yung mga kapatid ni Jayden. Tsaka yung pinsan niya po."

Tumaas ang kilay ni mommy saka pinagsalikop ang mga daliri sa harap ng hapagkainan habang masusing pinagmasdan ang tatlo.

"Ito po si Jen at Jude, yung kapatid niya. Ito naman si Justice Corpuz ang pinsan niya." Sabi ko sa gitna ng katahimikan. 

Bumaling ako sa kanilang tatlo na ngayon ay halos mahimatay na sa pamumutla.

"Yan ang daddy at mommy ko, mga tito at tita ko naman ang nandito. Tapos mga pinsan ko." Hindi ko kayang ipakilala sila isa-isa dahil sa dami.

Alam ko ring hindi nila maaalala ang mga pangalan ng mga ito.

"Oh, ba't kayo namumutla?" Patawang sinabi ni mommy. "Don't worry, we're not monsters. Welcome kayo dito samin."

Natawa rin ang tita at tito ko sa sinabi ni mommy.

"Pakidagdagan ng tatlong pinggan." Utos ni daddy sa isang katulong.

Kinabahan tuloy ako. Ang awkward kasi.

"Dito kayo umupo." Sabi ko nang nakitang may bakanteng upuan sa tabi ni Cole at CJ. Buti na lang at mahaba itong dining table namin, kayang i-accomodate kaming lahat.

"Oh, ba't nga pala kayo nandito? Buong akala ko galit ang mga magulang ninyo sa Charity ko? Hindi ba kayo papagalitan?" Tanong ni daddy sa tatlo.

"Hindi naman po. Si mama lang yung mejo nagtatampo." Sabi ni Jen.

"Alam ba nilang nandito kayo? Gusto niyo bang iuwi na lang ulit si Jayden?"

"Tito, my mom knows na hindi na po magbabago ang desisyon ko."

Tumango si dad sa singit ni Jayden, "Kung ganun... baka akala ng mga magulang ninyo na kinidnap kayo namin dito, ah?" Tumawa si daddy.

Umiling si Justice, "Mamaya po tatawag kami at kukumbinsihin namin si tita na pumunta na lang po ng Cebu para mamanhikan."

"Wa'g na kasing pilitin." Singit ni CJ sa background. "Kung ayaw niyo sa mga Rama, hindi kami mamimilit. Tss..."

Bumaling na talaga ako sa nakahalukipkip na masungit. Anong problema ng lalaking ito? Nagkatitigan kami. Ngumisi siya sakin. Kumunot naman ang noo ko. What the hell is wrong with you, CJ?

"Tama si Chance, Ba't natin pipilitin? Baka isipin nilang mamamatay na talaga si Charity pag hindi maging okay ang pamilya sa kanya ni Jayden. We won't beg for that." Tumango si tito.

Nagtanguan din ang iba kong tito.

"Well, it's their problem. Basta ang importante, kung pumayag man sila sa pangungumbinsi nitong mga anak nila, edi maganda, at kung hindi naman, well, it will also be okay with us. Walang namimilit dito. Jayden, hindi ka naman namin pinipilit. You can cancel the church wedding if you want." Sabi ni mommy.

"No, tita, talagang buo ang desisyon ko. Kahit bumagyo pa, magpapakasal po kami ni Cha. Kahit silang tatlo lang ang witness sa kasal ko, kahit wala, magpapakasal po kami."

"We already booked Mr. Magbanua as their photographer tsaka para na rin sa Pre-nup vids nila. Hindi na pwedeng ma cancel." Tumawa si Lyka. "Ang hirap kayang i-book nun."

Tumango si Jayden at ngumisi, "Mamaya rin po kami mag fafinalize ng date ng kasal tsaka nakapili na rin po ako ng organizer."

WHAT? I can't believe it! Ang alam ko lang ay mag fa-finalize kami ng date sa kasal. Hindi ko inasahang malayo na ang naabot ni Jayden sa pagpaplano sa kasal namin.

Tumawa si Jayden nang nakita ang gulat kong mukha.

"And you're meeting your designer tonight, Cha. There is no turning back." Bulong niya sakin.

"Mukha atang nakapag asawa ka ng isa sa mga most eligible bachelor ng Pilipinas, Charity. Now I understand why his mother's over protective." Tumawa si mommy sakin.

Ngumisi na rin ako. Perks of having Jayden as my husband, huh?

Nagpatuloy kami sa pagkain. Mejo yung mga matatanda kasi ay panay na ang talakan tungkol sa mga nangyayari sa buhay-buhay nila. Kaming mga magpipinsan na lang dito ang nag uusap. Ang tatlong Corpuz naman ay tahimik ding kumakain.

"Kailan uuwi yung ate mo, Cha? Tsaka kasama ba yung husband at anak nila?" Tanong ni Erica.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko pa naitatanong. Siguro pag malapit na ang kasal. Busy iyon."

"Mag ba-bride's maid ako, ah?" Tumawa si Lyka.

Tumango ako.

"Sinong best man? Sinong Maid of honor?" Tanong ni Erica. "Mag babride's maid lang din ako.

Namimili pa ang mga ito.

"Best man would be CJ. Period." Tumawa ako.

"What?" Tumikhim si CJ at inirapan ako. Nginitian ko na lang siya.

"Kung ganoon, galing sa mga Corpuz ang maid of honor?" Napatingin ang mga pinsan ko sa mga Corpuz na nasa mesa. "Sino?"

"Well, saka ko na yan poproblemahin kung papayag na sila." Tumawa si Jayden at umiling.

Tumango ako.

Siguro naman hindi pa kami makakapagdesisyon niyan ngayon, hindi ba?

"Sasali ako." Utas ni Jen sabay sulyap sakin.

"Pero baka magalit ang mama niyo?"

"Kaya naman sigurong kumbinsihin ni Justice si mama mamaya. Let's just wait, ate." Aniya sakin.

Sana nga. Nang sa ganun ay masaya na ako. Gaya ng sabi ko, kahit pumunta na lang siya at bigyan ng basbas ang kasal namin ni Jayden. Kahit hindi na lang kami tuluyang magkasundo.

"So, anong pangalan mo?" Nagkasalubong ang kilay ni Lyka habang tinitignan si Jen. "You're Jayden's only sister, siguro ikaw yung babagay sa Maid or Honor."

"Then we'll have Jen." Sabi ko. "Siya na ang maid of honor."

Sumulyap ako kay Jayden na ngayon ay nakangisi at inakbayan ako.

Padarag na nabitawan ni Justice ang mga kubyertos. Bakit ko ba nakakalimutang crush niya si CJ? Dapat siya ang ginawa kong maid of honor! Kinagat ko na lang ang labi ko. Now, I can't take back my word.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Tumunog naman ang cellphone niya kaya agad niya itong kinuha.

Sumulyap siya samin bago niya tinignan ang cellphone niyang maingay na tumutunog.

"Excuse me, sasagutin ko lang ito. Tumatawag si tita." Aniya kay Jayden at tumayo na para sagutin iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro