Chapter 31

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 31: Agreed

What's going to happen?

If my sister's secret affair with Mr. Delgado was revealed, it would put her in unfathomable humiliation. I am also afraid that it might affect her job and reputation as a teacher. I could stand the names they call me, but I don't think I could do the same if it happened to Ate Sarah.

To hurt myself, even more, I opened my social media account. As expected, my notifications was bombarded with negative comments. I've also found out why Ulrich was suspended as the SSG President— he took the blame for me.

I placed my phone on the bed. Sumandal ako sa ulunan ng kama habang nakayakap sa unan. Natuyo na ang mga luha sa mata ko. Tumahan na rin ako kahit papaano.

Ulrich has already dropped our plan. That justified why Amanda was raging fire with her false accusations just to pin me down even more— she couldn't hold him on his neck anymore so she would do it to me instead.

I stand by my oath to protect my sister whatever it costs, even if it means I have to sacrifice something.

That night, a decision was made.

I texted someone.

This is my last shot.

Late na ring nakauwi si Ate Sarah. Nilabas ko agad siya para batiin. Nung makita ko ang hitsura ni Ate Sarah ay bigla akong naawa. Magulo ang buhok nito at halatang pagod sa maghapon na trabaho.

"Nag-dinner ka na?" tanong niya.

I shook my head. "I waited for you..."

"Sure. Magpapalit lang ako sandali."

She gave me a peck on my cheek before getting into her room. Dumiretso naman ako sa kusina para maghain na. Dumating din agad si Ate Sarah para tulungan ako. Sabay kaming kumain.

"Let's do that, Ate Sarah..." I said.

"Sure. We will."

Pumayag na ako sa gusto niyang paraan ng pag-celebrate ng graduation ko. We will camp in the backyard and spend the whole night together. Just... the two of us.

"My birthday is next week," I mentioned it, finally.

"Right..." Tila nahirapan pa sa pagsagot si Ate Sarah. "Do you have plans?"

"Barbeque party," nakangiti kong sagot.

"Gano'n? Sige."

Her lack of excitement for my birthday celebration confused me. I don't understand. Siya pa nga lagi ang mas excited sa aming dalawa tuwing birthday ko. Siya lagi ang nagsa-suggest kung ano ang gagawin namin.

Bakit parang nagbago bigla?

Nawalan akong gana na ubusin ang pagkain ko. Binitiwan ko na ang kubyertos saka uminom ng tubig. Tumayo na ako para maghugas ng kamay sa sink.

"Ayaw mo na?" tanong ni ate.

"Busog na ako eh," I said without looking at her.

"Ayos ka lang ba, Riza?"

"I am not," I said the truth.

Narinig kong gumalaw ang upuan ni Ate Sarah. Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko saka ako hinarap sa kanya. She tucked some strands of my hair behind my ear.

"B-bakit, ate?" tanong ko.

She smiled. "Ang ganda mo, Riza."

"A-ano ang nangyayari sa atin, Ate Sarah?"

I'm lost. Bakit humantong sag anito ang lahat?

I was hoping for an answer, but she did nothing but stare at me while smiling. She's doing nothing yet my heart kept sinking. Why do I feel like we are running out of time?

"I love you, Riza. I'm sorry..."

My lips quivered.

With all the guts left in me, I finally asked her.

"What's your relationship with Mr. Delgado?"

For countless time, she had me thunderstruck with her composed expression. Hindi man lang siya nagulat o kahit man lang bahagyang pag-alma sa tanong ko.

She pulled me into a tight hug. I tried to push her away, but her grip didn't let me move even an inch. Hanggang sa nawalan na ako ng lakas para itulak siya.

"I love you, Riza. I am always proud of you..."

No'ng niluwagan niya ang pagkakayakap ay nagawa ko na siyang itulak. Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang cell phone ko. Saka ako lumabas ng bahay.

I called Cams. She immediately answered it.

I sat down on the bench just beside a lamp post. Sumandal ako saka tiningala ang madilim na kalangitan. Napasinghap ako nang umihip ang malamig na hangin.

"Rizziee!"

Napatingin ako kay Camila. Mabilis na yumakap ito sa akin.

"Oh, my God. Buti tinawagan mo ako!" she tightened her hug.

Napatingin ako sa lalaking nasa likod niya. Tipid na nginitian ako ni PJ. Wala ako sa mood para punain kung bakit magkasama pa rin sila kahit na gabi na.

"Shot tayo," aya ko.

"What?" Hinarap ako ni Cams. "Shot? As in alak?"

I nodded. "Wala akong dalang pera."

Napatingin si Cams kay PJ na nagkibit-balikat lang. Sa huli ay wala rin silang nagawa kung hindi ang samahan ako sa pag-inom ng alak.

"I know a place," said PJ.

PJ invited us to his condo unit. I was hesitant at first, but then again I had no choice. It was a treat after all. Saka gusto ko ring malaman kung saan dinadala ni PJ si Cams.

PJ told us to wait for a moment outside his unit. Nauna siyang pumasok sa loob. Hindi ko lang alam kung bakit. Baka maglilinis muna siya.

Suminghap ako bago humarap kay Camila. Saktong kabababa niya lang ng tawag sa cell phone. Lumapit siya sa akin saka hinaplos ang buhok ko na parang nanay na pinapatahan ang anak.

"You okay now?" she asked.

"I am not sure. Nakakawala ba ng problema ang alak?" tanong ko.

"Gaga!" Binatukan niya ako.

Napangiwi ako. "Ano nga?"

"Magiging mas emotional ka lang. But that's a good thing, right? At least you will have the urge to let it out." Huminga siya nang malalim bago tinigilan ang paghaplos sa buhok ko.

"Bakit?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala. Feeling ko lang ang dami mong tinatago sa akin."

Napaiwas ako ng tingin.

Naramdaman kong inakbayan niya ako.

"Know that I am always here for you, Riza."

Pinapasok na kami ni PJ sa condo unit niya. Nakahanda na sa lamesa ang mga alak at pulutan. Hindi ako maalam sa mga klase ng alak pero mukhang mamahalin ang mga 'yon base sa design ng bote.

"I will just change, babe." Humalik sa pisngi ni Cams si PJ saka tumingin sa akin. Ngumiti lang siya bago pumasok sa kanyang kwarto.

Umupo na ako. Tumabi sa akin si Cams.

"I invited Jessie and Art," ani Cams.

Oh. Sila pala ang tinawagan niya kanina.

"Kinakabahan kasi ako sa 'yo kapag lasing." Mahinang tumawa si Cams. "Last time na nalasing ka, ang daming nangyari. Ayoko na maulit 'yon!"

Last time na nalasing? Bakit parang sobrang tagal na no'n? Parang ang dami ng nangyari.

Kumuha ako ng bote ng alak. Tinawanan ako ni Camila nung sinubukan kong alisin ang cork nito gamit lang ang kamay ko. She did me a favor and poured me a drink.

"Masarap!" puri ko pagkatapos lasahan.

Cams tasted hers. "Uhmm. Oo nga!"

"It doesn't taste like alcohol at all. Tagay pa ako, please?"

Cams chuckled as she poured me another drink.

"How you girls doing? Do you want me to play some music?" tanong ni PJ pagkalabas niya ng kwarto. He was wearing a white tank top and grey shorts.

"Ubusin natin 'to," Cams giggled. "Marami pa ro'n."

We ingored PJ. Napakamot siya sa batok bago umupo sa tapat naming upuan. Siya ang naging tagatagay namin. Hindi katulad namin ni Cams ay naka dalawang shot lang siya.

"Ah!" Bumuga ako ng hangin. "Nag-iinit na ako."

Sininok si Cams. "Ako rin. Sandali. Lakasan ko lang AC."

"Ako na, babe," pag ako ni PJ.

Tumunog ang doorbell kaya pagkatapos lakasan ni PJ ang aircon ay dumiretso siya sa front door. Sumandal naman sa akin si Cams.

Suminghap ako bago hinawi ang buhok ko sa likod ng aking batok. Bigla akong pinagpawisan. Nagsalin ako uli ng alak sa baso.

"Nag-sex na ba kayo rito ni PJ?" tanong ko bago ininom ang alak.

Umalis sa pagkakasandal sa balikat ko si Cams. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Mas pumula ang pisngi niya nung tumango siya saka tinuro ang sofa.

"Lipat tayo sa sofa?" tanong ko.

She shook her head. "No!"

"Eh, ano?"

"Doon kami..." Tila nahiya siya.

Nung mapagtanto ang ibig niyang sabihin ay napahalakhak ako. Sakto namang nakapasok na sina Jessie at Art. Napansin ko agad na basa ang damit ni Art na nakasimangot.

"Putanginang bata. Tinapunan ako ng ihi sa damit!" reklamo ni Art. Inamoy niya ang damit at akto pa itong nasusuka. "Gago. Ang panghi!"

"Baliw ka kasi. Inalok mo ng pagkain tapos bigla mong kakainin din." Umupo sa harapan naming upuan si Jessie. Nag-alis siya ng jacket. "Ano? Lasing na yata kayo?"

"May extra damit ako sa kwarto, Art," ani PJ.

"Maliligo lang ako!" ani Art.

Nagsalin ng alak si Jess. Ngumisi ako sa kanya.

"Alam mo bang nag-sex sila Cams at PJ sa sofa na 'yon?" turo ko sa sofa.

Nabuga ni Jessie ang iniinom na alak saka napaubo.

"S-sandali, Art! Baka magnakaw ka riyan!" saka sinundan ni PJ sa kwarto si Art at iniwan kaming tatlo rito.

"Shit." Binitiwan ni Jess ang wine glass saka pinunasan ang tumagas na alak sa kanyang bibig. "Nambibigla ka naman, Rizzie."

"Totoo nga!" pagpipilit ko. Humarap ako kay Cams na nakangiti. She even looked proud. "Hindi ba, Cams?"

Tumango ang kaibigan ko. "We started on the sofa. Tapos binuhat ako ni PJ sa kwarto niya. Tapos nag-shower kami together—"

"Whoa. Okay. Stop now." Pulang-pula ang mukha ni Jess. "You had sex, fine."

"Penge pang alak, Jess," sabi ko.

"Kaya mo pa?" tanong niya.

I nodded. Hindi pa nga ako lasing, eh!

Hilong-hilo na ako no'ng lumabas na ng kwarto sina PJ at Art. Topless si Art na nakapatong lang sa balikat ang damit. May mga butil pa ng tubig ang tumutulo sa buhok niya.

"Hala. Naubos niyo na?" reklamo ni Art.

"I have more," banggit ni PJ. "But I don't you think you can still drink more. Babe, you okay?"

Biglang tumayo si Cams. Muntik pa nga siyang matumba, eh. Buti nahawakan niya ang balikat ko kaya natukod niya ang mga braso.

"Let's have a walk, Rizzie," ay ani Cams.


"Whoa. Babe. You can barely walk."

I stood up. Kumawit ako sa braso ni Cams.

"Tara," aya ko rin,

"Akala ko ba iinom tayo?" tanong ni Art. "Eh, mukhang mag-aalaga lang pala tayo ng mga lasing na babae."

"Shit. Gabi na, Jessie. Bawalan mo naman ang mga kaibigan mo," nakangiwing sabi ni PJ. "Baka kung mapaano pa ang mga 'yan."

"CR lang ako," sabi ko.

"Sama ako!" si Cams.

Sabay kaming pumasok ng CR. Naghubad ako ng pang-ibaba saka umupo sa bowl. Napasandal sa wall si Cams dahil sa hilo. Napindot niya ang shower kaya napasigaw siya nung mabasa.

I laughed hysterically.

"Holy shit. I am wet!" she cussed.

"Wet?" Mas lalong lumakas ang halakhak ko.

"Tanga. Wet, as in basa!" Inirapan niya ako. "Saka bilisan mo nga ang pag-ihi."

Nung matapos kong umihi ay umakbay sa 'kin si Cams. Sabay kaming lumabas ng CR. Agad naman nag-atrasan ang mga lalaki na mukhang nakaabang lang sa labas.

Tumikhim si Jess. "Uhmm. Stay na lang tayo rito."

Tinulak ni Cams si Jessie saka na kami dumiretso. Paglabas namin ng condo unit ay agad kong inalis ang pagkakaakbay sa akin ni Cams. Tinakbo ko ang elevator pero hindi ko na napigilan ang pagsara nito.

Napaupo ako sa harapan ng elevator. Tiningala ko ang lalaking lumabas doon.

Ulrich stared at me.

Kinusot ko ang mga mata ko.

"Finally, Rik!" There was a relief in PJ's voice. "Help us. Lalabas pa sila gabi na tapos nakainom pa. Ayaw magpapigil!

"Shut up, babe!" sigaw ni Cams.

"Fuck. Bahala na kayo riyan!" Saka bumalik sa loob ng unit si Art.

"Rizzieee!" Hinawakan ni Cams ang braso ko at sapilitan akong tinayo. Muntik pa akong ma-out of balance ngunit may brasong agad na umalalay sa akin.

I slapped his hand. Nabitiwan ni Ulrich ang pagkakahawak sa bewang ko. Tumunog na ang elevator kaya pumasok na kami ni Cams.

"Where are you going?" Ulrich asked.

"Sundan na lang natin!" ani Jessie.

Sumarado na ang elevator kaya hindi na namin nasagot ang tanong niya. Buti na lang hindi sila pumasok kasama kami. Pero pagbaba namin ay saktong kabubukas lang din ng elevator sa tapat namin. Nagkatinginan kami ni Ulrich.

I looked away. Lumabas na kami ng building. Magkaakbay kami ni Cams habang naglalakad sa pavement. Bigat na bigat ako sa kanya.

Parang may lalabas sa bibig ko kaya agad kong tinulak si Cams. Nagsuka ako sa gilid. Narinig kong nagreklamo si Cams na mabaho kaya nagsuka rin ito.

"Kuha lang akong tubig!" dinig kong sabi ni Jess.

"Babe... please, let's go back."

"Riza..." Narinig ko ang boses ni Ulrich sa likod ko.

Suminghap ako. Pinunasan ko ang labi ko bago hinarap si Ulrich. His eyes looked tired. Humakbang siya paabante kaya umatras ako.

Sa isang banda ay nakita kong nakaupo na sa lapag si Cams na kinakausap ni PJ. Hinubad ni PJ ang kanyang tank top para punasan ang bibig ni Cams.

I turned to Ulrich and gave him a smile.

"Hey, Mr. President. Narinig kong suspended ka raw?" tanong ko.

"She's lying, babe. My best friend is not like that. Hindi mang-aagaw si Rizzie."

"Shit. I know, babe."

"Fuck Amanda! Fuck Ulrich!" sigaw ni Cams.

That's when I turned my back and walked away until Ulrich had enough. He grabbed me by my arms and turned me to him.

"I know you are mad—"

"I am not, Rik," I cut him off. "I don't care about your feelings. Gano'n ka rin naman, hindi ba? Wala ka ring pakialam sa nararamdaman ko!"

Tumagilid ang ulo ni Ulrich. He bit his bottom lip, then sighed. He looked frustrated like me. Saka siya mahinang tumango.

"You promised me, Rik..." Nanginig ang boses ko. "Nangako ka sa akin na poprotektahan mo si Ate Sarah. Nangako ka sa akin na gagawin mo ang lahat para lang hindi siya mabunyag!"

"It won't last, Riza!" Naging marahas din ang kanyang sagot. "Sa tingin mo ba kapag pinili ko si Amanda ay ligtas na ang Ate Sarah mo? It's just a temporary solution. Mas lalo lang tayong mahihirapan sa huli. It's like we are running around the circle, paulit-ulit, walang patutunguhan."

I shook my head. "No. No. Sinasabi mo lang 'yan kasi makasarili ka—"

"Sa pagpapanggap na lang ba iikot ang kwento natin?" mahinahon ngunit may pait na tanong nito.

"Kwento natin?" Humalakhak ako. "Our story has ended the moment you greedily chose your feelings over what really matters!"

"Does that mean my feelings don't matter to you?"

Nanghina ako nung makitang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Buong gabi ay siya ang lumalapit sa akin. Pero sa pagkakataong ito ay ako na naman ang lumapit sa kanya.

"Rik..." I cupped his cheeks using my shaking hands. "Sa tingin mo ba madali lang sa akin 'to? Please, understand me. Si Ate Sarah na lang ang natitirang pamilya ko. I will do anything just to protect her."

"Let me protect you, too, baby..." Marahan na inalis niya ang kamay ko sa kanyang pisngi saka pinisil. "Let me stand with you."

"You said choosing Amanda will be a temporary option only..." Hinaplos ko pabalik ang kanyang kamay. "We need more time, Rik."

Lumunok siya. Sa tingin ko ay naintindihan niya ang gusto kong iparating.

"I need an assurance, Riza."

I smiled at him. Masyado nang malabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Hinila ko ang batok niya saka siya hinalikan sa kanyang labi.

He wrapped his arms around me. That gave me comfort. Gumapang ang isa niyang kamay sa batok ko para mas idiin ang halikan namin.

"I will fix it, baby. Trust me, okay?" he asked.

I nodded.

"Tangina. Masasakal na naman ako kay Amanda," reklamo niya. Sumimangot pa siya na ikinatawa ko. "Pero okay lang. Alam ko naman na sa 'yo pa rin ang bagsak ko eh."

Bumalik kami sa condo unit ni PJ. Nakatulog na si Cams sa kwarto ni PJ. May dalawang kwarto rito. Tatabi na lang ako mamaya kay Cams tapos ang mga boys naman ay sa isa pang kwarto. Sina Ulrich, PJ at Art lang naman ang matutulog doon. Nauna nang umuwi si Jessie.

Nakaupo ako sa sofa at kanina pa nakatingin sa cell phone ko. Paulit-ulit kong binabasa ang mga text message sa akin ni Ate Sarah. Tinatanong niya ako kung nasaan ako at kung ano'ng oras ako uuwi. Hindi ko magawang mag-reply.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Tumabi sa akin si Ulrich. "Nakailang bote raw kayo ah?"

I rested my head on his shoulder. Inakbayan naman niya ako saka hinaplos ang balikat ko. Napapikit ako nung halikan niya ako sa buhok.

"Si Cams lang naman ang halos umubos. Nahilo lang ako."

Ulrich sighed. "Papasok ka bukas?"

Tumango ako.

Tumunog uli ang cell phone ko pero hindi ko na ito tiningnan.

"Kung pwede lang humingi ako ng tulong kay Daddy..." bulong ni Ulrich. "Tinamaan nga yata talaga siya sa Ate Sarah mo. Your sister broke up with him. He's desperately trying to get in touch with her ."

Ulrich chuckled.

Napakagat ako sa labi.

Hinarap ako ni Ulrich. Tiningnan niya ako sa mga mata.

"Kapag naging maayos na ang lahat... babalikan na kita, okay?" nakangiting sabi niya.

Tumango ako.

He kissed my forehead. Napapikit ako.

Nung makaramdam ng antok ay pumasok na rin ako sa kwarto namin ni Cams. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Tinaas ko hanggang leeg niya ang kumot.

Sumandal ako sa kama saka binuksan ang cell phone ko.

Sumikip ang dibdib ko nang makita ang text message.

From Roland:

"Mr. Delgado agreed to meet you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro