Page 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Tahimik lang ako habang nagda- drive siya. Sarado ang bibig at sa bintana lang nakatitig. Iniisip ko kasi kung.. ano kayang pabango niya dito sa kotse niya? Ang bango kasi.. amoy.. manly scent na lavander.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon sa kamay ko. Si Arielle ang nag text. Binasa ko iyon at nangiti dahil sa laman ng text.

From: Arielle BF1

: Kararating lang namin dito sa restau nila Lucky, sayang wala ka maganda yung place si Nichole lang yung hindi.

Mabilis akong nag reply doon.

To: Arielle Bf1

: Enjoy na lang kayo diyan. Pigilan mo iyang kaibigan mo, baka kung anong gawin diyan.

Hindi ko tuloy mapigilan mag imagine. Baka mamaya gumagawa na ang kalokohan si Nichole doon. Baka mamaya ay bigla na lang niyang ibulsa yung mga baso doon.

Ilang sandali pagka sent noon ay mabilis na dumating ang reply niya.

From: Arielle BF1

: Kaya nga e. Dapat kasi sumama ka, kaibigan mo 'to.

Napailing ako at hindi na lang nag reply. Ipinasok ko na ang cellphone sa bag. Sinilip ko muna yung oras. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng gutom. Tumunog na yung tiyan ko.

Pilit ko na ngang inaalala kung mag delata pa ba ako sa bahay o wala na. Naubos ko na yata. Ewan ko na lang talaga kung hanggang saan pa aabot ang 2,500 ko na ito. Pakiramadam ko tuloy dapat ko nang umpisahan ang pagkain lang ng dalawang beses kada araw? Kaya ko kaya iyon? Tapos isang dalawang linggo pa bago ako makasahod sa coffe shop e, kaya ko kaya? Tapos yung bill pa ng tubig at ilaw?  Shete! Nakakabaliw mag budget!

Sa dami ng iniisp ko ay hindi ko na namalayan na huminto na pala ang sasakyan. Nasa tapat kami ng isang fastfood.

Napatingin tuloy ako sa kanya. "Bakit tayo nandito?"

"Bigla kasi akong nagutom e. Besides, medyo malayo pa ang house mo, kain muna tayo." nakangiting sabi niya habang nagtatanong ang mukha. Inayos niya rin ang dog tag niya na lumabas sa kanyang suot na t-shirt na puti.

Tinignan ko ulit ang name ng fastfood. "Hmmm... okay lang kung hintayin na lang kita dito?"

"Pwede ba 'yon? Hindi naman ako makaka- kain ng maayos knowing na nandito ka lang sa loob ng car nag hihintay." aniya at tinanggal pa kanyang seatbelt. "Let's go.."

Lumunok muna ako. "Wala akong pera!" sabi ko at pinigil ang hininga. There! Eh totoo naman 'yon!

Mukha pa siyang shock sa sinabi ko pero normal kang naman 'yon. Biruin mo, nag aaral sa celestial university, isa sa pinakamahal na eskwelahan sa asiya ngunit walang pera? Ang absurd nun!

"Kaya sige na.. hihintayin na lang kita dito." umayos pa ako ng upo.

"Really?" tanong niya matapos ang ilang sandaling pagtitig sa akin.

Tumango ako habang nakatitig sa harapan. Nabigla pa nga ako ng bumaba na siya at umikot   at binuksan ang pintuan sa side ko.

"I't alright. My treat." nakangiti niyang bungad.

"Ha? Eh kaya nga hindi ako sumama sa invite ni Lucky dahil nahihiya ako, tapos naman ngayon ikaw-"

"I mean.. ituring mo na lang ito na bayad sa akin dahil pinag drive kita pauwi."

Habang nakatitig sa kanya ay hindi ko mapigilan mapangiti.. nakakaloko..

"Why?" nangingiti rin na sabi niya.

"Aware ka ba na dati akong taga public school?"

Tumango naman siya. "Yeah. Why?"

"So aware ka din na alam ko galawan ng mga lalaki?"

Napayuko siya sa sinabi ko habang ngumingisi. Di yata kinaya ang pagiging diretso ko.

Kinagat pa nga niya ang kanyang ibabang labi tsaka nag- iwas ng tingin bago at muling tumingin sa akin.

"You me got me there, hun." aniya bago kinompose muli ang sarili.

"Anyway.. i really just want to know you more, wala naman sigurong magagalit 'di ba?"

Inirapan ko siya. "Diskarte mo kasi pudpud na." inalis ko na ang seatbelt ko at bumaba na. Ano pa nga ba, e gutom na rin naman ako. "Basta babayaran kita pag sahod ko sa shop." sabi ko habang naglalakad na kami papasok sa fastfood.

"Ikaw bahala, pero hindi naman kita sisingilin." aniya at pinag buksan pa nga ako ng pinto.

Dahil doon ay nilingon ko siya at inirapan. "Corny."

"You called it corny, I called it chivalry." rinig kong sabi niya sa likod ko.

Talagang sumasagot ito ah..

"Good afternoon sir, what's your order po?" nangingiting bati nung cashier.

Natawa pa nga ako dahil ako itong nasa harapan niya ngunit hindi binagi tapos si Scott na nasa likuran ko ang napansin niya.

"What do you want to eat?" tanong ni Scott tsaka nag one step forward para makalapit pa lalo.

"Lasagna." mabilis kong sagot.

"And?" nagtatanong na tono niya.

Nakagat ko ang labi ko at hindi napigilang matakam sa fried chicken..

"Okay na yan," sabi ko at nginitian ulit siya.

"I'll order 2 lasagna, and a bucket of chicken and a whole pie af hawain pizza."

Hindi ko napigilang hilahin ang dulo ng kanyang  t-shirt nang marinig ang mga inorder niya kaya natigil siya at napatingin sa akin. Ang cashier ay ang umpisa nang i-punch yung mga sinabi niya.

"Why?" tanong niya.

"Ang dami mo namang inorder.." bulong ko.

"I told you, gutom nga ako," sagot naman niya nago iniabot yung number sa table namin.

"Thank you, Miss."

"Dito na lang tayo," ani ko at umupo na sa tabi ng salamin. Mas okay din kasi yung ganito yung pwesto habang kumakain para makakita rin ng ibang view bukod pagkain at kasama.

"Alright."

Mabilis pa nga akong napakapit sa upuan ng pumunta siya sa may likuran ko. Ang buong akala ko kasi ay hihilahin niya ang upuan ko tulad ng ginagawa ni Nichole.

"What?" nalilito niyang tanong ng makipag hilahan ako sa kanya ng upuan.

"Bakit?" tanong ko din.

"Gusto ko lang ng makaupo ka ng maayos,"

"Okay na ako na. Kaya ko naman.." ani ko at hinila na yung upuan upang makaupo na.

Tahimik ko naman siyang sinundan ng tingin hanggang maka-upo siya. Parang ang awkward nun?

Mabuti na bga lang at dumating na yung order namin.

"Number 9 po," ani nung staff.  Nginitian ko naman iyon at iyon nga ay maingat na niyang nilagay ang aming pagkain sa table.

"It seems like madalas kang nahahatakan ng upuan," sabi niya habang kumakain na kami. Siya ay may hawak na pizza at ako naman ay nilalantakan na ang lasagna.

Napapangiti akong tumango. "Oo e, si Nichole madalas gumagawa nun, tapos si Arielle."

"Ah. Kaya pala. Pero alam mo naman siguro na hindi ko gagawin iyon hindi ba?"

"Ewan ko." kibit balikat ko. "Hindi naman kita kilala para malaman iyon."

"Tama nga naman," pag sang- ayon niya. "Do you like lasagna?"

Mabilis akong tumango bilang sagot sa kanyang tanong.

"Me, i don't like fish." pag amin niya. Medyo nagulat pa nga ako don kaya napainom pa ako ng coke.

"Talaga? Bakit?"

"It's.. it's their eyes, it's disgust the hell out of me."  aniya habang nandidiri ang hitsura. Para bang iniimagine niya iyon habang sinasabi sa akin.

"Oh? Pero masarap iyon no, maraming bitamina."

"Yeah. But i eat salmon tho."

"Ah! Hindi mo ayaw sa isda, mapili ka lang."

"Maybe?" ani niya at humagat pa ng fried chicken. Pansin ko lang ang gwapo niya kumain..

Shete? Bigla akong natawa sa naimagine ko kaya hindi ko napigilan mapangisi.. At nakita niya iyon kaya kumunot ang noo niya.

"Why?" tanong niya.

"Wala. May naisip lang." iling ko at sinubukan pa na iwaglit sa isipan ang kalokohan ko.

"Why don't you share it?" sabi niya pa habang ang matulis na mga mata ay nagtatanong na.

Umiling pa ako pero sasabihin ko rin naman. Hindi rin naman niya alam kung ano yung nasa isip ko. "Wala nga. Naisip ko lang, ang gwapo mo kumain no?"

"What?" gulat niyang reaksiyon sa sinabi ko kaya hindi ko napigilan matawa na agad din natigil dahil sa nag salita sa may likuran ko.

"Oh. Did'nt know you're here."

Naptingin sa kanya si Scott at ako naman ay nilingon ko kung sino iyon at napairap ako agad sa nakita.

Jusko, sana pala hindi na ako lumingon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro