Page 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Alright see you on our next class, bye."

Hindi pa tapos mag salita ang aming instructor sa harapan ay agad na akong dinaldal ni Nicole.  Sumabay pa.nga siya sa mga tao sa likod namin na madaldal din. Sa totoo lang nangingibabaw ng bosea ni Luis at nung Uno. Napailing na lang ako.

"Ang sakit ng braso ko shuta!" aniya at inilagay pa sa desk ko ang kanyang braso. "Hilutin mo nga,"

"Ano?" di makapaniwalang sabi ko. Grabe talaga itong-

"Ano nangyari Nicole?" tanong ni Arielle na hindi ko namalayan na nakaupo na pala sa harapan ko. "Anong kaartehan na naman yan Nicole?"

Nalalaki ang mata na bianlingan niya si Arielle. "Masakit nga braso ko totoo! May katinko ka ba diyan?"

Umirap naman si Arielle at maarteng ipinasa-ere ang mga kamay. "What's katinko?"

Nung una ay nagulat ako sa kaartehan na pinakaita ni Arielle pero nung nilingon ko si Nicole at nakitang kunot na kunot ang no habang asar na asar na nakatingin kay Arielle ay natawa na  lang ako. Di ata siya makapaniwala na nasabi ni Arielle iyon.

"Wow... eh kung ingudngud kaya kita ngayon ng maalala mo ang katinko, you want?" ani Nicole.

Umirap muli si Arielle at hindi pinansin ang asar na si Nicole. Ako pa nga ang binalingan nito. "What's ngungud mean? You know ba?"

Natatawa akong umiling.

"Oh, tamo, di makasagot. Hindi niya alam english ng 'hindi'."

"Manahimik ka!" singahal ko kay Nicole.

"Bilis na kasi Arielle, peram na! Sisikmuraan na kita isa pa!"

Si Arielle naman ay tumigil na din. Natatawang  tinungo ang bag. Pag balik nito ay may dala na itong katinko.

"Bakit ba kasi sumakit iyan?" tanong ko, habang pinapanood siya na nagpapahid sa braso niya, umusog pa nga ako dahil umupo sa tabi ko si Arielle.

"Ewan ko," sagot ni Nicole.

"Ay alam ko!" si Arielle. "Madalas n naman kasi na ang kakape yan kaya ganyan sumasakit na naman."

"Nagkakape? Di ka naman nag kakape?" litong sabi ko dahil bawal kay Nicole ang masobrahan sa kape dahil madalas ay sumasakit ang balikat niya, basta ang mga joints niya kapag nasososbrahan sa kape.

"Tumikim ako kanina," maikling sagot ni Nicole. Mabilis naman hinila ni Arielle ang dulong buhok ng kaibigan namin tsaka inirapan.

"Aray ha!" si Nicole.

"Dapat lang sayo, gagi ka! Alam mong kahit tikim bawal sayo, ginawa mo pa rin." sabi ko.

"Oo na nga!" irap pa nito sa amin.

"Ang bango kasi ng kape na ginawa ni air Jules kan-"

"What's that smell?" halos sabay sabay kaming tatlo na napatingin doon sa nag salita.

Yung babaeng hindi ko kilala. Yung masyadong maarte. Tumigil ito sa row namin magkakaibigan at nakataas ang kilay kaming tinitigan.

"What's that? Ang baho!" nag cross arms pa siyang nakatingin kay Nicole na natigil din sa pagpahid ng katinko. Kasama niya nga yung tatlo niyang alipores na umiirap- irap din sa amin.

"Katinko." simpleng sagot ni Nicole.

"Okay? Whatever? Hindi ka ba nahihiya? Naamoy namin yung smell ng.. thingy na 'yan? Have some audacity naman? Hindi lang ikaw ang tao dito, ang baho talaga!" aniya at paulit ulit na pinapay- payan ang harap ng ilong. "Right? Ang baho?" lingon pa nga niya sa mga alipores niya.

"Okay, itatago na." ani ni Nicole at tinabi na ang katinko. "Okay na ba, maam?"

"No! You should throw that!" hiyaw pa nito. Maamo itong bumaling kay Arielle na katabi ko pa rin at pinapanood alnga ng kaartihan ng babae.

Pero hindi ko na pinansin iyon at agad kong inagapan si Nicole dahil baka patulan pa niya. Hinawakan ko siya sa braso.

"Di ka na nahiya kay Arielle, naaamoy niya!" dagdag pa nito. "Are you okay Arielle?"

"Get lost." seryosong sabi ni Arielle at hindi naman siya nag dalawang salita pa dahil umalis din agad agad ang mga ito.

"Ano ba ang pro-"

"What was that?" nabaling ang tingin ko ng may mag salita sa likuran.

Si Luis.

"What happened?" dagdag na tanong nito at palipat lipat kaming tinignan.

"Sinugod kami ni Andrea dahil mabaho daw yung katinko," paliwanag ni Nicole. Napatango ako. So, Andrea pala ang pangalan nun.

"Akin na ang katinko ko," si Arielle na parang sumama na ang timpla. Kinuha niya iyon sa kamay ni Nichole. Well, kahit sino naman siguro maba- badtrip kapag nakasalamuha mo si Andrea. Hindi nakakatuwa ang pagiging maarte niya.

Masigla naman ang mukha ni Luis na lumapit pa sa amin lalo. "Katinko? Yung ointment? Sinong meron, pahiram naman!"

Umiling ako dahil sa akin siya nakatingin. "Wala, nasa kay Arielle yung katin-"

"Mauuna na ako, may lunch kami ni kuya." biglang sabi ni Arielle at walang lingon lingon na lumabas ng classroom.

Nagkatinginan kami ni Nichole. Parehas nagtatanong kung ano ba ang nangyari bakit umalis agad ang kaibigan namin.

Bibiruin ko sana si Luis na siya ang dahilan kung bakit uamlis si Arielle ngunit nang makita ko ang hitsura niya...

Nakatitig lang sa pintuan kung saan lumabas si Arielle, seryoso at galit ang mukha. Hindi lang napahiram ng katinko e.

Ilang segundo pa ay mabilis naman nag bago ang awra ni Luis at muling niyang nilabas ang dimple bago ulit kami balingan.

"May game kami sa sunday sa arena, free ba kayo?" tanong niya at medyo nag lean pa.

"Basta pahinye ticket, wala kaming pambili." ani Nichole.

l
"Sure." mabilis na sagot ni Luis at nilingon si.. yung number 69. "Do you still have tickets boy? Pahinye dalawa,"

Pairap naman na tinignan kami ni De rizzo. Ngunit wala naman siyang sinabi pero nagbigay naman ng ticket. Dalawa.

"Thank you. Here, tag isa kayo." inabot iyon ni Luis kay Nichole. Ngunit may napansin akong pangalan sa likod.

"Wala si Hatti?" tanong ni Nichole nang mapansin na may mga pangalan ang tickets sa likod. 'Nichole' ' Arielle'

"Huh?" kinuha iyon ni Luis at tinignan. "Oo nga no, Asher nasan ang ticket ni Behatti? Nireserved na natin silang tatlo diba?"

"Nasa locker ko," sagot nito na hindi ko mintindihan? Bakit nasa locker nita?

"Oh. Later na lang yung sayo Behatti, naiwan pala ni Asher sa locker niya."

Tumango naman ako at nag pasalamat na.

Ang weird ng mga tinginan ni Asher kaya nag iwas na ako ng tingin. Naalala ko pa nung nakaraan na bigla siyang sumulpot habnag kumakain kami ni Scott.

Weird.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro