Page 38

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Kabanata 38

🤘

-

Hinagis ko sa maliit na upuan ang aking cap at pabagsak na naupo doon sa monoblock. Breaktime namin ngayon, alas tres na rin ng hapon.

"Bwisit, saan galing yung mga tao? Ba't ang dami nila?" ani ni Nicole ng maupo rin sa tabi ko. Tulad ko ay hinubad niya rin ang cap niya.

Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan at tsaka pumikit. "Kaya nga e, mukhang binawian tayo dahil ilang araw tayong wala."

"Hayaan mo na, ilang oras na lang naman at makakapag pahinga na tayo." sabi ni Nicole matapos tapikan ang hita ko. "Ano'ng gsuto mong ulamin mamaya?"

"Pagod na ako, ayoko ng magluto, bili na lang tayo ng piniritong manok kina kuya Toyo." sabi ko. Palagi naman ganon ang ginagawa namin ni mama dati. Lalo na noong nandito pa si mama, kapag pagod na ako kakatinda sa labas tapos pagod din sa school. Palagi na akng akong pinapabili ni mama ng piniritong manok ni kuya toyo na may harina. Tag 15 pesos lang ang isa nun, pero solve naman na. Ilang beses na rin kaming naisalba nung 15 pesos na manok na iyon nung walang-wala kami ni mama.

"Sige, yun na lang." sang ayon ni Nicole. "Nga pala, sabi ni Arielle, mag yellow daw tayo bukas para support daw sa Celestials bukas."

"Bakit yellow? 'di ba dapat gold?" tanong ko dahil gold and black ang kulay ng celestial. Tapos napansin ko rin na sa women's volleyball ang uniform nila ay kulay light blue na may halong purple ang jersey na para bang maliwanag na kalawakan. Na-amaze nga ako e, parang pangkalawakan talaga yung mga kulay nila when it comes to jersey.

"Oo nga, pero sabi ko wala tayong gold na damit kaya yellow tayong tatlo bukas,"

"Sige."

-

Kinabukasan ay maaga kami ulit nagising dahil may duty kami ulit sa shop. At 8 am pa lang ay nandon na kami sa loob ng shop at naglilinis pero nung dumating si sir Orlean ay inipon niya kaming lahat na staff para daw sa meeting. At  sabi niya doon sa meeting ay halfday lang daw kami today, para daw suportahan ang co-owner nitong shop na si Asher at Lucky sa laro nila mamaya. At binigyan oa nga kami nang tag iisang ticket para daw makanood kami. Noong isang araw naman ay may ticket na kami galing kay Scott, kaya yung ticket ko ay binigay ko na lang kay Jason, maging si Nicole ay binigay na lang din yung ticjet niya doon kay Janjan. Para sa amin ay okay lang naman na half day, dahil kahit daw halfday lang kami ay ang suswelduhin pa rin naman ay buo. Goods yun. Plus, makakapag pahinga pa kami ng maaga.

At mabilis lang dumaan ang oras at hindi naman namalayan na ala una na pala. Sabay nga kami ni Nicole na lumabas ng shop, nakabihis na rin. Siya ay suot ang dilaw niyang off shoulder longsleeve top niya at tinernuhan niya iyon ng black jeans. Habang nakalugay ang kanyang magandang buhok. Ako naman ay suot ang yellow shirt ko na may 'kyungsoo' na nakasulat sa gitna at tinernuhan lang ito ng white short-skirt. Kay Nicole dapat ito ngunit, dahil na rin siguro sa dami ng iniisip ko ay hindi ako nakapag dala ng pang ibabang susuotin, kaya ayun, mabuti na nga lang at may extra si Nicole na pants na dala. Parehas naming suot ang regalo ni Kuya Reyven na White Dior na rubber shoes. Binigay niya ito, pare- parehas kaming tatlo nila Arielle. At sabi ni Arielle yung fiancè daw ni kuya yung namili ng shoes.

"So ano? 'di ka pa sasabay sa amin?" tanong ni Nicole habang nasa labas na kami ng shop at hinihintay niya si Nicole. Ako naman ay hinihintay na rin si Antonia, na-text ko na rin siya na napaaga nga ang out namin ni Nicole. At sabi niya na sunduin na niya ako at didiretso na kami sa Phoenix University.

Umiling ako at inayos ang nakababa niyang damit, inangat ko kaunti iyon. "Susunod ako doon. Mabilis lang naman matapos yung laro,"

"Sure ka ah? susunduin ka ba niya?" tukoy niya kay Antonia. Tumango ako.

"Ngayon din?"

"Oo," sagot ko at naagaw nga ng pansin ko yung paparatingna itim na big bike. Huminto ito sa harapan namin ni Nicole.

"Papansin ah? Dito pa talaga sa harap natin huminto," ani Nicole at tinangay ako ng pag urong niya.

Sa loob loob ko ay sumang ayon ako sa sinabi ni Nicole. Minsan nga may mga rider pa na magpapadyak pa sa harapan ko mismo kaya tuloy yung hangin ng tambutso nila ay sumasampal na sa mukha ko.

Nang mag tanggal ito ng helmet ay nanlaki ang mata ko.

Si Antonia.

Mabilis pa nitong inayos ang maikli niyang buhok na nagulo dahil sa pag tanggal ng helmet. Tinaas nito ang isang kilay bilang bati sa akin.

"Ready ka na?" tanong niya habang yakap ang helmet.

Tumango ako.

"Alright. 'lika na," aniya at may kinuha doon sa box ng bigbike niya. Helmet din 'yon na itim at inabot sa akin. Lumapit naman ako doon habang nakakapit pa rin si Nicoke sa akin at kinuha iyon.

"Salamat." sabi ko. "Pero, pwedeng maya-maya na tayo umalis? Wala pa kasi yung sundo ni Nicole, kung aalis tayo wala na siyang kasama."

"Oh, gusto mong hintayin muna natin ang sundo niya bago umalis? pwede naman." aniya at ginalaw pa niya ang balikat.

Nginitian ko si Antonia. "Salamat."

Pagtapos nga non ay bumaba rin siya sa big bike niya kaya nakita ko ng mas mabuti yung suot niya.

Ang astig talaga niya.

Nakasuot siya ng tshirt na Nirvana na may kaunting punit banda sa tiyan, kaya nakikita ko ang flat niyang tiyan at black ripped jeans. At nakita ko rin ang black boots niya na may sintas.

Ang ganda talaga ni Antonia. Mukha siyang walang make up ngayon, at namumula ang pisngi, medyo pawis pa nga ang hitsura niya dahil siguro sa helmet.

"Antonia," tawag ko sa kanya habang nagse-cellphone siya at nakasandal sa motor niya.

"Hmmm?" aniya sa akin.

"Si Nicole nga pala, bestfriend ko."

Ngumiti naman si Antonia kay Nicole at binigyan ng tango. "Nice name. Nice to meet you,"

"You too." ani naman ni Nicole. "Pwede ako mag tanong?"

"Huy," agad kong pigil sa kaibigan ko. Nakakaloka talaga ito kahit kailan.

"Shoot it." ani Antonia.

Palihim kong kinurot ang daliri ni Nicole para balaan siya.

"Wala ka bang kaibigan? Bakit si Behatti ang inaaya mo?"

"Huy," pigil ko na kay Nicole. Nakakaloka talaga. At sa tonong iyon ni Nicole, alam kong nagmamaldita na ito. Hala, ang inaakala ko naman na itatanong niya ay kalokohan lang, yun  pala.. "Nicole ano bang tanong 'yan-"

"Bakit ba? Nagtatanong lang naman ako," si Nicole.

"Sorry Antonia," sabi ko agad.

Agad na umiling si Antonia. "No, im fine. Nagtatanong lang naman siya, ayos lang." sabi nito at mukhang hindi naman niya talaga minasama ang tanong ng kaibigan ko.

"Curious lang naman," dagdag pa ni Nicole sa sasabihin niya.

"To answer that question, well.. wala. Wala akong kaibigan." si Antonia at itinabi ang cellphone niya sa bulsa.

"Pero bakit?" tanong ulit ni Nicole.

Nagkibit balikat si Antonia. "Don't know. They don't like me so, i don't like them too."

"Ganon.." komento ko.

Tumango si Antonia. "Yeah. Why'd you asked?"

"Wala lang." sagot naman ni Nicole. "Pero kung gusto mo naman, sama ka na lang sa amin, pwede naman. Ako, si Behatti at si Arielle. Kung wala kang friends, pwedeng kami na lang."

Nakita ko sa mukha ni Antonia ang pagkagulat sa sinabi ni Nicole pero mabilis niya itinago ulit iyon at ibinalik ang dating kalmadong mukha.

"Pwede. ahm, yeah, pwede naman. Let's see.." tanging na sagot lang ni Antonia.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro