Page 47

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Page 47

Diretso ang mata niya sa akin ng tumango siya. "101 % sure."

Wait.

Wait lang. Hindi ako makapag salita. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Seryoso ba talaga?" di pa rin makapaniwalang tanong ko. "Kakakilala pa lang natin, Asher.."

"I know.." aniya at pumikit saglit na parang nahihirapan siya.

"Tapos gusto mo agad ako? Infatuation?"

Mabilis siyang umiling. "No. This is not infatuation anymore-"

"Paano mo naman nasabi?" putol ko sa sinsabi niya.

Hindi ko alam bakit pakiramdam ko ang init ng mukha ko. Ganito pala pag may nagtatapat sayo ng harapan? Madalas kasi, sa chat lang may nagko-confess sa akin. Nahihiya daw silang harapin ako. Pero bakit si Asher...

"Dahil alam ko. I got infatuated to you the very first time i saw you. I find you beautiful."

Nagyuko ako ng tingin. Nabigla. "Alam ko naman yun.."

"..at ngayon, alam ko na hindi na ito basta infatuation. Tapos na ako don. I want to know you more, and i want you to know me more too."

"Ahm...hindi k..ah, hindi ko alam sasabihin ko.."

"Ayos lang 'yon. Hindi mo naman kailangan sumagot ngayon. Sinabi ko lang sa'yo  kung ano ang nararamdaman ko para hindi ka magtaka sa kung anuman ang ikikilos ko kapag kaharap ka."

Tipid akong ngumiti. "Sige. Salamat sa pag sabi.."

Ilang sandali kaming natahimik. Tanging hangin lang ang may lakas loob na mag ingay at gumalaw. Hindi ko lubos maisip ang sinabi sa akin ni Asher ngayon. Sa iba ko man ibaling ang tingin ko, alam ko naman at ramdam ko na sa akin siya nakatingin ngayon.

"Kumain ka na ba?" aniya na at muntik na akong mapatalon dahil doon. Ang tahimik kasi tapos bigla siyang mag sasalita. Pasimple akong humawak aa dibdib ko.

Tumango ako dahil naalala ko kumain nga pala kami ng dessert nila Arielle kanina. "Oo.." sagot. Nilingon ko si Arielle. Tapos na yata sila mag usap ni Lucky.

Tumayo na ako at tumayo rin si Asher..

"Babalik na ako doon sa loob, ah, Asher.."

Tumango siya at namulsa. "Okay.. can i have your number?"

"Huh? Uso pa ba 'yon?" tanong ko dahil sa tingin ko ay hindi na uso 'yon sa panahon ngayon. Madalas kasi at chat chat na lang ang mga tao.

"Well.. I don't like social media and i can't be online always, but i'll text you-"

"Ah, textmate ang gusto mo?"

"Actually.. Ikaw ang gusto ko kung 'yan ang tanong mo."

Namilog ang mata ko, ang bunganga nito!

"..but yeah. Gusto ko na textmate. Gusto kitang kausap kahit hindi na kita kaharap."

"Akin na ang phone mo!" sabi ko at medyo nag mamadali na kung ano ano kasi! Mabilis kong nilagay ang number ko doon sa Iphone niya. Pagtapos nun ay dumiretso na ako kina Arielle.

"..ayaw mo na agad? Bilis naman." rinig kong sabi ni Lucky ng makalapit ako. Seryoso ang tono at mukha niya ngunit labas pa rin ang dimple habang nag sasalita.

"Kasing bilis mo." sagot naman ni Arielle.

"Arielle," agad naman akong nilingon ni Arielle. Tumayo siya at nauna ng lumabas sa akin.

Binalingan ko si Lucky.  "Ano'ng ginawa mo kay Arielle?"

Tumayo rin si Lucky at umiling. "What? Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa friend mo? Syempre wala." tinanguan niya si Asher, paalis na.

Bigla akong nainis sa sagot ni Lucky. "Wala? Wala ka pang ginagawa niyan e napaiyak mo na nga."

"Kaya nga. At kapag may ginawa na ako, hindi na iiyak ang kaibigan mo. Pangako 'yan, Behatti." aniya at parang nagbibiro pa. Pero ewan ko. Wala namang kasalanan si Lucky,.pero biglang nag init dugo ko kay Lucky, lalo pa at naalala ko yung naging pag iyak ni Arielle.

Hindi ko mapigilan matawa. "Kala mo kina-cool mo 'yan ganyang linyahan?" sabi ko. "Hindi! Lucky para kang bata na hindi kayang mag desisyon para sa sarili. Pa-feeling cool amputik!" dagdag ko pa at nagmartsa na paalis doon.

Kairita.

Naabutan ko pa si Arielle na palabas sa pinto na pinasukan namin kanina. "Arielle!" hiyaw ko at pasalamat sa Diyos dahil nilingon niya ako at huminto siya.

"Ano'ng sinabi ni Lucky sa'yo?" tanong ko kaagad pagkalapit. Naglakad muli kami at sabay na lumabas.

Umiling siya at malungkot na ngumiti sa akin. "Sa suite ko na lang i-kwento, mauuna na ako doon-"

"Ano'ng mauuna ka? Hindi, sabay tayong pumunta dito kaya sabay din tayong aalis. Hanapin na natin si Nicole-"

"Bakla!" nilingon namin 'yong sumigaw.

Si Nicole kasama si Massi.

"Ano? San ba kayo nag punta? Bwisit kayong dalawa kanina pa ako hanap ng hanap sa iny- oh, anyare sa'yo te?" aniya at natigil na tumingin kay Arielle.

Malungkot na ngumiti si Arielle, at alam ko, na gets na agad ni Nicole 'yon kaya nagtatanong ang mga mata niyang bumaling sa akin. Sinenyasan ko lang siya na mamaya na. Naintindihan naman niya.

"Babalik na kami sa suite, sasama ka ba?" tanong ko at hinawakan ko na ang kamay ni Arielle.

Gulat na tinignan ako ni Nicole. "Huh? Eh, diba yun naman ang usapan kanina? Babatiin lang natin sila pagtapos nun ay babalik na tayo sa suite."

Tinignan ko si Massi. Ngumiti naman ito. "Nasabi na sa akin iyon ni Nicole kanina." sabi niya at bumaling kay Arielle. "Kaya pa?"

"Kaya pa naman.." sagot ni Arielle.

Humakbang si Massi palapit kay Arielle. "Gusto mo ng yakap? gaya ng dati?" inilahad nito ang dalawang braso.

Dahan dahan namang tumango si Arielle kay Massi at yumakap din. Napangiti kami ni Nicole kaya yumakap din sa kay Massi sa gilid. Tutal matagal na rin mula ng magyakapan kaming apat ng ganito.

Sabi nga ni Massi, gaya lang ng dati. Sa La doña high.

Hindi man namin ganon kadalas nakakasama si Massi, pero alam naman namin na isa siya sa mga tunay naming kaibigan. Kahit pa nga madalas silang nag aaway ni Nicole, ay alam naman namin na maasahan at mabuti siyang kaibigan. Naalala ko noon, nung may bagong open na kainan doon sa likod ng La doña high, tapos ang sabi pa, first 10 daw ay libre ang kakainin, kahit ilan pang siomai, basta makaaali ka doon sa first ten na customer nila. So, kami naman, na limited lang ang baon ay talagang naakit doon sa promo na yun, kaya nagkaayaan kaming mag cut ng class. Sa school kasi namin, basta varsity ka, palagi kang myroong gate pass. Kaya malaya silang lumabas anytime. Kaya ang ending, si Massi yung naging taga salo ng bag namin mula sa mataas na gate ng school papuntang labas, tapos nun ay tsaka kami lumusot sa maliit na butas ng gate. Natawa ako ng maalala iyon. Doon unang nag away sila Nicole at Massi. Hindi kasi nasalo ng maayos ni Massi ang bag ni Nicole, e sakto naman na hindi naalis ni Nicole ang bulb na project namin noon sa T.L.E kaya nadurog iyon at ayun dun ang umpisa ang gyera nilang dalawa.

Pero kahit naman nag aaway sila ay si Massi ang naging kakampi namin tuwing may umaaway sa amin. Basta babae, kaming tatlo ang haharap, pero once na nangielam na ang mga boyfriend nito ay si Massi na ang humaharap para sa amin. Sa lapad ng balikat ni Massi, ay jusko, nagmumukha lang mga bata ang mga boyfriend nila.

"Ang liliit pa rin ng power puff girls.." sabi ni Massi sa aming tatlo. Tinignan namin siya ng masama ni Arielle, dahil si Nicole.. ibang tingin ang ibinigay.

"I love you.." malambing na sabi ni Nicole.

Nakita ko kung paano napangiwo si Arielle. "Awkward.." aniya kaya natawa ako.

"True."

"Mga inggitera," nangingisi rin na komento ni Nicole.

"Insensitive," sagot naman ni Arielle.

"Grabe n-"

"Sa akin yata yata yan, Massi." sabi ng bagong dating.

Aalis na sana ako sa yakapan ngunit humigpit ang yakap ni Massi kaya tinapik ko siya sa likpd niya para makita kung sino ang dumating.

Sila Lucky at Asher. Nag ngingitian pa. Nginitian ko si Asher bago nag iwas ng tingin.

Lumingon lingon si Massi sa paligid. "Sino'ng sayo? Wala naman si Daisy dito."

Agad na humakbang palapit si Lucky sa amin. Nag iba rin ang aura niya, hindi yata nagustuhan ang nasabi ni Massi. Ngunit ng tingalain ko rin si Massi ay mukhang hindi rin siya natutuwa.

"Who said it's Daisy?" mariin na sambit ni Lucky.

"So, sino ba?" sagot din naman ni Massi.

"Massi.." hinila ni Nicole ang kamay ni Massi kaya napatingin ito sa kanya. Ang kaninay matigas na aura nito ay biglang lumamlam ng tignan si Nicole.

"Sorry.." ani Massi bago nilingon ang dalawa. "Ihahatid ko lang sila." isang tamgo kang ang ginawa ni Massi bago kami sininop tatlo at sinamahan paalis doon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro