01

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pst.” Sitsit ng isang babaeng nakaupo sa gilid ng slide. Nakatingin siya sa akin dahilan para mapatingin din ako sa kanya.  Hindi ko na lamang iyon pinansin at binaling ang aking tingin sa magandang buwan. Full moon ngayon at maliwanag ito kaya nakakatuwang titigan tila ba nakakagaan ito ng pakiramdam.

Pst. Uy!” Pagsigaw ng babae at napakunot na lamang ako ng noo. “Sagutin mo kaya ako kanina pa ‘ko tawag ng tawag sa ‘yo.” Dagdag pa niya ngunit para ba siyang lasing kung magsalita. Dahan-dahan naman siyang tumayo habang nakakapit sa slide at pagewang-gewang na umupo sa katapat kong upuan.

‘Lasing nga.’ Tanging nasabi ko na lamang sa aking isipan.

“Naririnig mo ba ako mister?” Saad niya’t kinaway-kaway pa niya ang kanyang kamay malapit sa mukha kaya’t natawa ako ng bahagya. “Ay, nakikita mo pala ako, ‘di ka man lang nagsasalita.”

“Lasing ka miss.” Sagot ko naman sa kanya’t tinignan naman niya ako ng masama.

“Ako? Lasing?” Tumawa siya’t tumayo ng tuwid saka nagsalitang muli. “Sinong lasing?” Wika niya’t pinilit kong pinigilan ang aking pagtawa. “Uy, nakita ko ‘yon tumawa ka.” Tumawa siya’t tinuro ako.

“Umuwi kana. Gabi na nasa labas kapa miss. Baka mapano ka dito.” Pag-aaya ko sa kanyang umuwi dahil madilim na. Isa pa’t lagpas alas dose na’t hindi pa siya umuuwi.
Umupo naman siya’t saka nangalumbaba at tumingin sa akin. “Nandiyan ka naman e. Mamaya na 'ko uuwi. 'Tsaka iiyak lang ako do'n." Mahina niyang saad saka inilihis ang tingin sa akin. Magtatago na lang ako diyan sa slide kung uuwi kana mister.” Dagdag pa nito.

‘Ba’t naman siya iiyak? Ah, baka nag-break sila ng boyfriend niya kaya nagpakalasing.’

Hindi ko naman siya sinagot at nanatili lamang akong nakaupo sa bench. Maliban sa malamig na simoy ng hangin ay nababalot din kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o manatili lang akong tahimik dahil hindi naman kami magkakilala.

Nabaling naman ang atensyon ko sa kanya habang siya’y nakatingin sa buwan. Hindi ko maipaliwanag ang emosyon sa mata niya, para bang blanko ito hindi mawari kung ano ang iniisip niya.

“’Wag ka masyadong mag-isip. Nakakabaliw ‘yan.” Bigla niyang sabi at tumingin sa akin na agad ko namang iniwasan. Tumayo naman siya’t kinuha ang kanyang bag.

‘Hindi ba siya umuwi? May uniform pa siya sa bag? Naglayas ba ‘to?'

“Umuuwi ako ng bahay naming, sadyang ‘di lang ako umuwi ngayong gabi.” Wika niya habang nag-aayos ng bag. “Ang dali mong basahin, may amats lang ako.” Dagdag pa niya saka isinukbit ang kanyang bag. “Tara, kain tayo.”

Naglakad naman siya’t hindi ko alam kung bakit ko rin siya sinundan. Gaya kanina, tahimik lang din siyang naglalakad hanggang sa huminto siya sa lugawan at pumasok. Agad naman siyang umupo sa may bakanteng upuan at sinesenyasan ako na pumasok na.

“Dalawang order ng lugaw, isang tokwa tapos yung isang order may itlog.” Sabi niya do’n sa lalaki na kumukuha ng order. “Bawas mo ‘to sa utang mo ah.” Dagdag pa nito’t ngumiti ng malapad.

"Ay, wow! Inii-scam mo na naman ako ah?” Sagot ng lalaki at ginulo ang buhok niya. Tumingin naman siya sa akin at sumenyas sa kasama ko.

“Ah, siya? Si mister.” Ngumiti naman siya sa akin at napakunot noo naman ako sa narinig ko.

‘Mister? Mukha ba akong matanda? O ganyan lang talaga siya magpakilala?’

“Pagpasensyahan mo na ‘yan pre, ‘di lang ikaw nadala niyan dito.” Tinapik naman ako sa balikat. “Jiro nga pala pre, kaibigan ni—”

“Napakatagal naman ng order ko. Nagugutom na ‘ko.” Pagsabat naman niya. “Mister, ang itawag mo sa akin ay "Miss" okay?” Tinaasan naman niya ako ng kilay at tumango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

Matapos naming kumain ay agad lamang siyang tumayo at lumabas, hindi ko rin maintindihan kung bakit ako sumusunod kahit na hindi ko siya kilala. Gusto kong kausapin siya ngunit parang hindi ito ang tamang oras, mukha siyang may pinagdadaanan pero wala naman akong makitang emosyon sa mata niya.

Huminto naman siya sa paglalakad at tumalikod siya’t tumingin sa ‘kin. “Taga dito ka diba? Ayon yung bahay mo.” Saad niya’t itinuro ang aming bahay.

“Pa’no mo nalaman na di---"

“Nakita ko lang na diyan ka lumabas kanina. Maganda yung bahay niyo, katabi lang ng park. Pwede kang tumambay kahit kailan mo man gustuhin.”

Napakamot ulo naman ako at ngumiti sa kanya ng bahagya. Wala akong masabi. Parang wala akong tamang masasagot sa kanya kapag nagsasalita siya.

Inilahad naman niya ang kanyang kamay senyales upang makipag-shake hands at tinaasan pa ako ng kilay, tinitigan ko pa ito, nagdadalawang isip kung makikipag-kamay ba ako o hindi.

“Hindi ka ata nakikipagkamay sa mga taong hindi mo kilala.” Sabi niya’t iniwas na ang kanyang kamay saka na siya naglakad papalayo sa akin.

‘Anong ginagawa mo Oliver? Ba’t ‘di ka nakipag-shake hands? Gano’n kana ba ka-bobo?’ Naiirita kong bulong habang tinitignan ko siyang papalayong naglalakad mula sa akin.

“Miss!” Sigaw ko at agad naman siyang lumingon. Hindi siya lumapit bagkus ay nakatayo lamang siya do’n at naghihintay sa sasabihin ko.

‘Bobo, anong sasabihin mo sa kanya? Baliw ka na ba?’

“Kita tayo bukas! Uh, dito sa park! Asahan kita. Ingat!” Mabilis kong sinabi at hindi ko na siya inantay na sumagot pa. Naglakad na ako papasok ng park at hindi na lumingon. Nilalamon ako ng kahihiyan kahit na hindi naman dapat.

Mabilis ang pintig ng aking puso ngunit tanging pag-ngiti ang namutawi sa aking mga labi habang naglalakad. Kakaiba ang babae na ‘yon, siya lang ang kauna-unahang babae na nagpatahimik sa akin na para bang matagal ko na siyang kilala.

‘What a great night.’

-

“Mahirap mangako na ‘di na kita iisipin, wala rin mapapala kung uulitin lang natin, ngayon ay aking aaminin sa isip na lang kita makakapiling, tuwing maririnig ang awit natin.” Pag-awit ng babaeng naka-blindfold at cap. Tanging labi niya lang ang makikita at ang hawak niyang gitara.

“’Yan daw yung bagong singer dito sa rooftop e.” Mahinang saad ni Sawyer saka uminom sa kanyang baso ng alak. “Galing ‘yan do’n sa kabilang bar e.” Dagdag pa niya.

“Pre, minsan hindi ko alam kung babae ka o sadyang marami ka lang kaibigan e.” Pang-aasar naman sa kanya ni Eli na tinawanan ko naman.

“Tropa ko may ari nito kaya alam ko, judgmental ka talagang kupal ka. Gayahin mo si Oli, tahimik lang.”

“Mapapanis laway ko kung naging si Oli ako pre. Parang wala ngang balak magsalita ‘yan e.” Pang-aasar naman nila sa akin. “Isang malaking himala kapag marami siyang sinabi kaya hayaan mo na ‘yan.” Dagdag pa nito.

“Nakita mo na mukha niyan pre?” Turo naman niya do’n sa babaeng kumanta.

Umiling naman si Sawyer saka uminom sa kanyang baso. “Sabi lang nila maganda daw.”

Hindi na nagtanong si Eli at tinuloy na lamang ang pag-inom ng alak, nagkwekwentuhan silang dalawa pero nabaling talaga ang atensyon ko sa babaeng kumakanta. Maliban sa pagiging misteryosa niya’y maganda rin ang kanyang boses. Sa tinagal-tagal naming pumunta dito ay ngayon lang sila nagkaro’n ng solo singer.

Alas onse na din at natapos na siyang kumanta hindi niya tinanggal ang blindfold at bumaba lamang siya ng stage saka naglakad na para bang kabisado na niya ang daan.

Akala ko ba bago lang siya dito?’

“Oli!” Pasigaw na tawag sa akin ni Eli. “Bingi ka ba?” Saad nito habang nakakunot ang noo. “Parang ang lalim ata ng iniisip mo? Nakatitig ka lang dun sa babae, gusto mo no?”

“Gago.” Pabiro kong saad at inilingan siya. “Bakit ba?”

“Nagtext kapatid mo. Hinahanap ka.”

Ininom ko naman ang natirang alak sa aking bote saka nagsalita. “Bakit sayo pa magtetext? Kelan pa kayo naging close?” Hindi naman niya ako sinagot at nanahimik lang. “Tumba na naman ‘yang si Sawyer, uwi mo ‘yan. May kikitain pa ako.”

“Nice one pre, parang iba ‘yang kikitain mo ah?” Pang-aasar naman niya’t ngumisi pa ng nakakaloko. “Ay totoo nga, goodluck pre. Galingan mo.” Dagdag pa nito’t umalis na ako.
Medyo kaunti na lamang ang mga dumadaan na bus kaya nahirapan akong sumakay. Ang dami pang nagkalat na mga estudyante kaya’t agawan pa sa sasakyan.

‘Nando’n kaya siya? Makikipagkita kaya siya sa akin?’ Tanong ko sa aking isipan habang nakadungaw sa bintana ng bus.

‘Bili kaya ako ng chichirya? Or kaya drinks?’ Dagdag ko pa’t pakiramdam ko’y mukha na akong tanga sa pag-iisip samantalang wala naman akong kasiguraduhan na makikipagkita siya sa akin.

Napadaan naman ako sa lugawan na kinainan naming kagabi, tinignan ko sa loob ngunit wala naman siya doon. Hindi ko rin nakita si Jiro doon na kumukuha ng order kagabi kaya’t umalis na rin ako. Binilisan ko ng bahagya ang aking paglalakad, nagbabakasakaling baka nando’n pa siya sa slide.

Agad kong binuksan ang gate at mabilis na pumunta sa slide ngunit wala siya do’n. Napatingin ako sa orasan at ala una na pala ng madaling araw.

“Siguro, natagalan siya maghintay sa akin.” Mahina’t medyo dismayado kong saad. “Bobo, baka hindi talaga siya pumunta. Umasa ka naman masyado.” Inis ko pang dagdag sa sarili ko. Napakamot ulo na lamang ako sa pag-iisip saka umupo muli do’n sa bench na inupuan naming kagabi.

‘Bukas kaya?’ Tanong ko sa aking sarili habang kinakain yung vcut na binili ko. ‘Baka hindi naman na ‘yon pumunta.’ Napabuntong hininga naman ako.

Naghintay ako ng ilang minuto ngunit walang dumating. Siguro nga’y wala naman siyang balak pumunta. Nakakalungkot ngunit wala naman akong magagawa. Isa pa’y wala namang dahilan para bumalik siya dito sa park.

Naglakad na ako para umuwi ng bahay. Siguro malungkot lang talaga siya kagabi. Hindi ko rin alam ang pangalan niya kaya’t mas lalong wala rin siyang interes na makipagkilala.

“Mister!” Sigaw ng isang pamilyar na boses dahilan upang mapahinto ako’t napangiti habang nakatalikod sa kanya. Nagpakawala na lamang ako ng buntong hininga saka humarap sa kanya at ngumiti ng bahagya.

“Kain tayo vcut?” Aya niya sa akin habang may mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. “Akala ko hindi kana dadating e.” Dagdag pa niya’t hindi man lang ako makasagot. Naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ako sa kamay saka sinabing, “Kinikilig ka?” Ngumisi siya’t tumingin ng diretso sa aking mata.

Malambot ang kanyang mga kamay na para bang pambata imbis na makasagot ako’y nablanko ang utak ko at wala akong masagot at nakatitig lamang ako sa kanya.

‘Anong nangyayari sa akin?’ Salitang nasa isip ko habang nakatitig sa kanya.

Ngunit hindi ko naman inasahan ang kanyang ginawa, tumingkayad siya’t nilapit ang kanyang mukha sa akin atsaka ako hinalikan sa labi, nanlaki ng bahagya ang kanyng mata.

‘Lasing ba ako? O sadyang totoo ‘tong nangyayari sa harap ko?’ Parang tumigil ang mundo.

‘Tangina. Nababaliw na ata ako.’

“Tara na, gutom na ako.” Saad niya’t hinigpitan ang hawak sa aking mga kamay at  ngumiti pa rin sa akin.

‘Baliw’

-

08:53pm 11-03-2019.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro