Entry #4: Tamang Pagkakamali [April's a Fool]

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



NAGLILIWANAG sa labas ang buwan sa madilim na kalangitan sa gitna ng malamig na ihip ng hangin. Maingay kaming nagtatawanan at nagkukuwentuhan habang binabalikan ang aming mga nakaraan. Ang araw na ito ay ang reunion ng aming batch at narito ang lahat ng aming kaklase pwera sa isang tao. Si Markus, ang asawa ko.


Hindi ko magawang hindi manggit sa kanila at ikahiya ang estado ko ngayon. Lahat sila ngayon ay mga professionals nan ngunit ako, isang housewife lang. Umaasa sa perang kinikita ni Markus sa pamamasada para tustusan ang pangangailan ko at ng nag-iisa naming anak.


Kung sana hindi ako naging bobo at pinili ang lalaking 'yon...

Kung pwede ko lang ibalik ang oras para baguhin ang mga maling desisyon sa buhay ko ay ginawa ko na...


"Nandito na ko."


Pumasok ako sa bahay at bumati  agad sa akin ang magulong sala, maruming kusina at may lababo pang halos mag-suntukan na ang mga hugasing pinggan. Tumingala ako upang pigilan ang mga luhang gusto ng kumawala.


"Palagi na lang bang ganito?"


Napahilamos ako ng mukha at ginulo nang malupit ang nakataling buhok. Saktong lumabas si Markus mula sa kwarto nang 'di lang man lang lumilingon at dumeretso malapit sa lamesa upang i-check kung may niluto akong ulam. Kasunod ko ring narinig ang mga yabag sa mula labas at pumasok si Olivia. Ang aming anak na babae.


"Oh? Sa'n tayo bukas? Ah, s—"


Lumingon ako at hinarap ang bagong dating. Mabilis niya akong nilagpasan na para bang isang hangin na hindi niya nakikita.


"Hindi ka lang ba mag-mamano? Dadaanan mo lang ako? Wala ka na bang respeto sa sarili mong nanay?!"


Ubos na ubos na pasensya ko sa mga sandaling ito tapos may gana pa siya pagtaasan ako ng isang kilay at ipinukol ang masasaming tingin sa akin mula ulo hanggang paa.


Ganito na ba ako ka walang kwentang ina para mapalaki ang isang bastos na anak? Wala na bang mabuting pangyayari na mabibigay ang buhay kong 'to?


Padabog akong pumunta sa lababo at simulang sabunan ang mga pinggan habang tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Di ko mapigilang mapasihap habang pinupunasan ang aking mga luha. Lumapit naman si Markus sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran.


"Pangako mahal, makakahanap din ako ng maayos na trabaho. Konting tiis na na lang mahal, magtiwala ka."


"Magtiwala?!" I scoffed and fake a smile. "Ilang taon akong nag-hintay. Ayos lang naman kung ga'no ka tagal kaso hanggang kelan? Hanggang kelan darating ang araw na magigising ka ilusyon mo na magiging isa kang sikat na song composer!?"


Nakatayo lang siya at nakadilat ang dalawang mata. Hindi siya makapaniwala sa aking mga sinabi. Ang buong akala niya siguro suportado ko pa rin siya sa ambisyon niya—ang pinakamaling desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko.


Inintindi ko siya dahil nag-tiwala ako.

Minahal at inalagaan ko siya dahil nangako siya na sabay naming tutuparin ang mga pangarap namin.


"Pagod na pagod na 'ko kakaisip kung ano ang ikabubuti sa pamilyang 'to tapos dumagdag ka pa? Pagod na pagod na ako kakaintindi sa'yo! Pagod na 'ko sa buhay na 'to kaya oras na para tuparin ko naman yung ambisyon ko!"


Mabilis akong humakbang palabas at tumakbo papunta kung saan. Iisa-isang tumulo ang mga  luha sa aking mga mata kasabay ang malakas na buhos ng ulan at hinayaan ang sarili na lunurin nito. Umupo ako at niyakap ang aking mga tuhod. Nagsimulang umalingaw-ngaw ang kulog at kidlat kasabay ang malakas na bugso ng hangin. Ilang sandali ay lumikha ito ng isang malakas na dagundong kasabay ang pagyanig ng lupa na animo'y lindol. Pero tila wala na akong maramdamang takot.


Ilang sandali ay dahan-dahan kong inangat ang aking ulo dahil akala ko ay kumalma na ang kalangitan ngunit kakaiba ang aking inaasahan. Nanlaki ang aking mga mata nang nakalutang na lamang sa era ang maliliit na butil ng ulan na tila kristal sa aking paningin. Kinabahan ako sa sumunod na nangyari nang sa isang iglap isa-isa itong umakyat pabalik sa makulimlim na kalangit. Gulong-gulo ako sa mga nagyayari dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso. Unti-unti akong nahihilo at isang liwanag ang aking nakita bago ako nawalan ng malay.


Kinabukasan nagising na lamang ako sa loob ng isang pamilyar na lugar suot ang aking pamilyar na uniporme. Napatakip ako ng bibig at saka inilibot ang paningin sa buong paligid. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang sariling repleksyon sa salamin ng isang kotse.


"A-ako ba tagala 'yan? Imposible namang bumata ako ng 30 taon?!!"


Sinampal ko ang aking sarili dahil baka panaginip ang lahat ng ito pero TUNAY ang mga nangyayari ngayon.


"Bumalik kaya ako sa nakaraan?"


Bulong ko sa sarili ko na may halong pagtataka.


"Hindi mo ba talaga kayang gawin 'yong pinapaggawa namin? Haaa?!!"


Nakarinig ako ng malakas na kalabog sa aking likuran. Sinundan ko ang kinaroroonan ng ingay at 'di ako inaasahang makita si Olivia na sinasaktan ng mga babae.


Ibig sabihin, nasa kasalukuyan pa rin ako at bumalik lang sa pagiging bente anyos.


"Olivia! Alam mo ba na kung ipapakita mo sa kanila na mahina ka, mas lalo ka nilang aapihin? Lumaban ka at ipakita mo na walang dapat na inaapi," tiningnan ko siya sa mata at saka binaling ang tingin sa mga bully. "Kung problema kayo kay Olivia, sa 'kin muna kayo dadaan kung ayaw n'yong ipatawag ko 'yong mga magulang n'yo."


Tinawanan lang ako ng mga babaeng imma at saka umalis na. Tinulungan kong tumayo si Olivia at umupo sa kanyang tinabi. 


"Sino ka? Bakit mo 'ko tinulungan? At saka bakit mo alam ang pangalan ko?"


Imbes na sagutin ang mga tanong niya, iniba ko na lang ang usapan at tinanong kung bakit siya binubully ng mga babae kanina.


"Dahil naiinggit sila sa akin dahil tingin nila nag-mamagaling ako sa harap ng professor namin. Kaya ayon sa akin nila pinapagawa lahat ng mga assignments namin. Pati sagot sa mga exams pinapakopya ko sila."


Shame on me. Marami akong pagkukulang sa kanya bilang isang ina at hindi ko man lang alam na ganito pala ang nararanasan niya palagi sa skwelahang ito.


" Tara kain tayo? Libre ko."


Yaya ko sa kanya. Gusto kong bumawi at i-cheer up siya. Gusto kong maramdaman niya na narito lang ako handang makinig sa lahat ng mga problema niya.


"By the way, you can call me April."


Dagdag ko na ikinatuwa niya at niyakap ako.


"Salamat, April. Teka mag-hahanap muna ako ng masarap na kainan sa unahan."


At saka hinayaang umalis si Olivia.


Nagulat na lamang ako nang biglang may kumausap sa aking babae na naka-suot din ng kapareho kong uniporme. Nag-aabang yata siya ng masasakyang jeep. 


"'Generalist ka 'di ba? 'Di ba ngayon yung mock board exam niyo in preparation sa LET?" Tumingin siya sa kanyang orasan, "Huy! May 5 minutes ka na lang para maka-abot, sizt!"


Sandali akong natigilan nang makita si Markus sa 'di kalayuan, lasing at dumudugo ang kabilang labi.


Lalo akong na-estatwa at unti-unting nanlambot ang aking mga tuhod. Napasapo ako ng bibig at dahan-dahang bumababa papunta sa aking dibdib. Ang pangyayaring ito...hindi ako makapaniwala.


Habang nakatitig ako kay Markus sa 'di kalayuan ay tila nadudurog ang aking puso. Maraming tanong sa aking isipan na hindi ko kayang magbiyan ng sagot. Pa'no kung mabangga siya? O madisgrasya siya?


Ang pamilyar na sandaling ito ay ang tanging alalala na pilit na ibinabaon ko sa limot. Ang tanging pagkakataon na makapagbabago ng aking hinaharap. Ang piliin ang aking sarili.


"Miss sasakay ka ba?! Sabay na tayo papuntang skwelahan!"


Hindi ako naging isang mapag-arugang ina sa aking anak. Marami kaming pagkukulang ni Markus kay Olivia. At 'yon ang dapat kong baguhin. Ang maging isang mapagmahal na ana maipagmamalaki ni Olivia sa hinaharap dahil naging patapon ako sa aking nakaraan.


"Hindi ako sasakay."


Sambit ko sa babae habang naka-tuon parin ang sarili sa lalaking minamahal ko.


Hindi ko kayang ipagpalit aking pamilya para sa sariling ambisyon. Kahit  naging ganito takbo ng aming buhay at mananatiling ganito ang aming estado ay buo pa rin kami. Naniniwala ako na magiging masaya pa rin kami sa huli. Nakalimutan ko na ang aking pamilya ang siyang mananatiling tama na nangyari sa buong buhay ko at hindi isang pagkakamali na nabuhay ako sa mundong ito.


Binubulag ako ng aking mga luha habang papalapit kay Markus nang naka-ngiti. Pinusan ko ang aking luha at tinulungan siyang makatayo nang maayos. Isinambit niya ang aking pangalan at niyakap ko siya nang mahigpit.


"Ma?"


Lalo akong humagulgol ng iyak nang makita ko si Olivia at mabilis akong niyakap.


"Sobra po kitang na miss, Ma. Akala ko iniwan mo na kami. Mahal ka po namin ni papa. 'Wag ka na pong umalis ulit."


Hindi ko namalayang bumalik na pala ako sa tunay kong  edad at hitsura. 


END.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro