Hello, Love

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy. Karamihan sa mga nagmamahalan, iisa lamang ang ninanais na patutunguhan ng lahat, at 'yon ay ang mauwi sa pag-iisang dibdib. Isang bagay na hindi maituturing na dulo, bagkus ay simula. 

Ngayong buwan ng Hunyo, pag-usapan natin ang dalawang mukha ng pag-iisang dibdib. 

1 - Nagkatuluyan kayo ng taong pinakamamahal mo. Paano nga ba kayo umabot sa puntong ito? Ipakita kung ano ang nararamdaman ninyo ng iyong minamahal sa inyong espesyal na araw. 

2 - Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana. Ikakasal ka sa taong laging nandiyan para sa iyo pero ang matalik niyang kaibigan naman ang tunay na isinisigaw ng puso mo. Sino ang pipiliin mo?

Pumili ng isa sa mga nabanggit na prompt sa itaas at gumawa ng maikling kuwentong may 200-300 mga salita

Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong mahanap ang tunay na pag-ibig ngunit kapag nasa harapan mo na ito, magkakaroon ka ba ng lakas ng loob na sabihin ang mga katagang "Hello, Love"?

Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain, at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates and sticker badge. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!

I-click lamang ang link na ito upang opisyal na maipasa ang iyong entry. Hindi na kami tatanggap ng entry na ise-send bilang direct message o comment.

Magsisimula ang pasahan ng entries sa ika-8 hanggang ika-20 ng Hunyo. Dapat sumunod sa mga nakatalagang araw ng pasahan upang maging valid ang iyong entry.

Huwag kalimutan ang tags:

#WattpadAThonChallenge2022

#WattpadJuneEntry

Paalala: Isang entry sa bawat tema sa isang Wattpad account lamang. At dapat bagong gawa o likha ang iyong ipapasang entry.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro