CHAPTER 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 12

ILANG buwan na ang lumipas at ngayon ay isa na kaming Senior Highschool students. Nakakapanibago pero unti-unti naman akong nakakapag-adjust. Laking pasasalamat ko dahil naging kaklase ko sila Arjelyn, Secret, Romeo, Tober, Kit, at Tessia sa strand na HUMSS. 

Nasa ICT strand si Tarius. Si Wence naman ay ABM. Samantalang si Xyrex ay STEM. Nagkakahiwalay man silang tatlo pero palagi pa rin silang nagkakasama. 

Madalas din kaming magkasama ni Xyrex dahil tuwing nauuna silang lumalabas, hinihintay niya ako sa labas ng classroom. Gano'n din ang ginagawa ko kapag ako naman ang unang lumalabas. 

Kumakalat na rin sa buong Campus na mayroon kaming relasyon ni Xyrex dahil maraming estudyante ang nakakakita sa amin na palaging magkasama o kaya'y magkahawak ng kamay. Minsan ay ipinagsasawalang bahala ko na lang ang pag-chi-chismisan ng iba dahil wala ring point kung ide-deny ko kug gayung sasagutin ko din naman siya. 

Yes, I'm planning to give him my sweetest yes. But...not now

Ngayon ay Pebrero katorse. Araw ng mga puso. Sa kasamaang palad ay mayroon kaming pasok pero wala namang klase dahil sa mga booth na hinanda naming mga Senior High School. Mas gugustuhin ko pang manatili sa bahay at magbasa ng mga nobela kesa mamasyal at sumubok ng mga booth.

What a waste of money. Ang mahal pa.

Plano ko sanang tuambay na lamang sa Library at magbasa buong hapon ngunit kinaladkad ako nina Tessia at Arjelyn patungo sa Quadrangle kung saan nakapwesto ang mga booths.

"Arj! Ayo'kong sumama!" Reklamo ko habang nagpupumiglas sa mahigpit nilang hawak sa aking magkabilaang braso.

"Ano ka ba, Selenn1 Minsan lang ito!" Humahagikgik na ani Tessia.

"Oo nga, Selenn! Susubukan lang natin itong isang booth na nakita namin kanina" Nakangising saad ni Arjelyn.

Huminto kami sa tapat ng isang booth. Nagmamadaling lumapit ang dalawa sa nakabantay ng booth saka iyon kinausap.

Parang masma ang pakiramdam ko dito, ah.

Lumapit ako kay Secret na kanina pa tahimik na nakasunod sa amin. Kumunot ang noo ko nang makitako siyang subo-subo ang isang lollipop.

Saan naman niya nakuha iyon?

Ipinagkibit-balikat ko na lamang bago  bumulong sa kanya. "Secret, may alam ka ba sa plano ng dalawang iyon?" Tanong ko.

Tumango naman siya. "Yep. Mukha namang masaya kaya gora lang ako." Walang pakialam na tugon niya.

"A-Ano 'yung plano nila?" Nag-umpisa na akong kabahan.

"Wala naman…" she pouted her lips. "Iha-handcuff ka lang nila kay Kit. 'on ang pagkakarinig ko. Why?" She innocently looked at me.

Sabi na nga ba, hindi maganda ang pakiramdam ko dito, eh!

Nanlaki ang mga mata ko. Akmang tatakasan ko sila nang biglang may malamig na bagay ang pumalibot sa aking pulso. I ffroze at my spot. Too late to realize that the handcuff was put on mine.

"B-Bakit? Arjelyn, Tessia! A-Ano ito?" Kinakabahang aniko.

"Surprise!" The two giggled.

"T-Teka, Kuya…ayoko!" I objected.

Halos ngumawa ako nang makitang tinawanan at inilingan llang ko ng naglagay ng handcuff sa pulso ko.

Oh, God. Please, someone save me from these crazy people!

"What's happening here?" I almost shouted in glee when Romeo appeared in the scene. He was with Wence, Tarius, Tober…and Kit!

Oh, no!

"Hoy, ano ginagawa niyo kay Selenn?" Wence asked.

"OMG! Kit! I'm glad that you're here!" Tessia shouted in glee.

I swear to God, I saw them grinning evilly. Their wicked smile says it all.

Kumunot ang noo ni Kit. "May problema ba?"

"Wala naman…" Tessia smirked.

In just one swift move, Tessia managed to put the other side of the handcuff on Kit's wrist.

"What the…" Kit raised his hand, nasama din 'yung kamay ko na naitaas.

I sighed. "What did I even do to deserve this kind of situation?" I murmured.

"Gagi, ba't si Kit-marikit ang pinosas niyo kay mameh Selenn?! Dapat si Luther!" Reklamo ni Tarius. "Patay kayo d'yan…paniguradong magwawala 'yun." 

Umirap si Arjelyn at humalukipki. "Wala akong paki." makling aniya.

"I'm gonna tell dadeh Luther!" Tarius exclaimed then ran.

"Hoy, hintayin mo ako!" Wence followed him.

"Now, our job is here is done!" Arjelyn clapped her hands.

"Mga kalokohan niyo talaga, eh." Naiiling na ani Romeo.

"Hala, Arjelyn, naubos na 'yung lollipop ko! Gusto ko pa!" Nakangusong ani Secret.

"Punyeta. Anong gusto mong gawin ko? Mang-agaw ng lollipop?" Iritadong saad ni Arjelyn.

"Ih! Punta tayong Canteen! Bili tayo ng pagkain." Secret clung on Arjelyn's neck.

"Nyemas naman! Ano ako nanay mo?" Arjelyn hissed.

Hindi nagtagal ay napilit din ni Secret si Arjelyn na pumunta ng Canteen akya naiwan kaming lima na nakatunganga sa gitna ng Quadrangle.

"Oh, I almost forgot! Tober, samahan mo naman ako doon sa Mini Art Museum. Gusto kong bumisita doon!" tessia clung to Tober's arm.

"Sama ako," Romeo interjected. "Gusto ko din maglakad-lakad."

"H-Ha? P-Pero sila Selenn–" Tober's word was cut by tessia.

"Hush! KAya an nila ang sarili nila!"

My eyes widened. "H-Ha? Hoy, iiwan niyo kami dito?!" I asked, panicking.

"Oo, kaya niyo na 'yan. 30 minutes lang naman, eh!" Tessia giggled then left with Tober and Romeo.

Napakunot ng kaunti ang aking noo ng may mapansin ako.

Am I hallucinating or did I just saw Tober glaring at me? I even caught him looking at our handcuffed hands with  full of pain. 

I heard Kit sighed. "Please tell me that this is just a dream…"

Same…

I felt my cheeks were heating up. I can feel the stares of those people passing by. Some are giggling while some are teasing us.

"Maybe we should find a better place…" Kit whispered, suggesting a great idea.

"A well hidden place to be exact…where no one can tease us." I added.

LIBRARY. A place where you can relax, read, find peace…and a safe hiding spot. Nakapwesto kaming dalawa ni Kit sa isang lamesa na mayroong dalawang magkaharap na upuan. Nakapatong ang kamay naming nakaposas sa lamesa at nakatakip 'yon ng panyo.

Kit and I decided to read a book for a while, to ease our boredom. It's been 10 minutes and we need to kill 20 more minutes.

Itinuon ko ang aking atensyon sa librong aking napili ngunit hindi ako makapag-focus magbasa dahil nadi-distract ako kay Kit. 

It's not that I like him or so. I mean…yeah, he's handsome, kind, a gentleman, smart, and generous but he isn't my type. And I only set my eyes on someone. His name is Luther Xyrex Alexei Magnus.

Tahimik kong inobserbahan si Kit. He's just staring blankly at the book. Obviously, he's not reading. His eyes aren't moving and he's not batting his eyelashes.

May problema ba siya?

I cleared my throat, trying to get his attention but didn't work. He's too occupied.

"Huh? Si Tessia ba 'yun?" I whispered, enough for him to hear. 

Tumunghay naman siya. "T-Tessia? Where?" Naging balisa siya.

Got'cha!

I giggled. I lied. I didn't see Tessia. But the good thing is, I discovered something.

"So…you're into Tessia, huh?" I teased him.

"Hush!" Natawa ako nang mamula ang kanyang pisngi at tenga.

"You like her, don't you?" I smirked.

"N-No!" He shook his head.

Huli na nga, dine-deny pa.

Nagkibit balikat ako. "Okay, if you say so." I said. "Oh, by the way, I know someone who has a crush on her!" I giggled.

"What?! Who?!" He shouted, furious.

"Hoy, 'wag kang maingay!" I laughed. "I was just joking!" 

Kumalma naman siya. Napailing naman ako sa kanya habang nakangisi.

"Fine…I like her." He gave up. I shrieked silently.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?" I asked with curiosity.

He eyed me boredly. "Sa tingin mo masasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko kung sa iisang tao lang nakatuon ang atensyn niya?" Mapait na aniya. "Ilang beses na rin ako nagpapakita ng motibo pero masyado siyang manhid."

Nakaramdama ko ng lungkot pero pinili ko pa ring ngumiti. "Hey, cheer up! Maybe soon…masasabi mo rin ang nararamdaman mo." I chirped. "Sa ngayon kasi kay Romeo lang nakatuon ang atensyon niya which is…how can I say this?" I pouted.

I sighed. "Ay ewan, hindi ko kayo gets. Ang mamanhid niyong apat." Komento ko.

"Apat? Bakit naging apat?" Takang ntanong niya.

"Tessia, Romeo, You, and Tober." I replied. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil nanlaki ang mga mata niya at nakanganga ang kanyang bibig.

"Sa tingin mo ba hindi ko alam na nagkakagusto si Tober sa'yo? I caught you two, talking beside the stairs last 3 months ago. And by the looks of Tober gave me a while ago when he saw us being handcuffed sent shivers through my spine and veins!" I chuckled.

"Love square, huh? Tessia likes Romeo, but Romeo likes Tober, and Tober likes you! Gosh, this is stressful!" I laughed.

Hindi siya nagbigay ng komento ngunit tumawa din siya kasabay ko.

"Iccen! Thank God you're here. I've been looking…around." Nahinto kami sa pagtawa anng mayroong pamilyar na boses ang nagsalita sa aming gilid.

"Xyrex…" Napatayo ako sa gulat. Mukhang nahila ko din si Kit dahil tumayo din siya at nahulog ang panyo na nakatakip sa amin kamay.

Xyrex's eyes settled in our cuffed hands then frown. His aura changed. From light to livid.

"You're with…Kit. I see," his serious voice is just like venom, dangerous and deadly.

"M-Mali ang iniisip mo!" I tried to explain.

"Maybe I should leave. baka naiiistorbo ko ang…date niyo." He gritted his teeth.

Bago pa man ako makapagsalita, tumalikod na siya at naglakad palayo. Kahit nakatalikod siya, I can see him clenching his jaw. My eyes landed on his hand. It was balled. It's like he's ready to hurt someone.

Oh no. He's angry. Really angry! He's livid! 

I bit my lower lip.

I need to find those two! I need Tarius and Wence's help!

FINALLY, I found the two. Humingi ako ng tulong sa kanila na kausapin yung nagbaabntay sa booth na tanggalin 'yung posas. Kinailangan pa naming magbayad dhil hindi pa tapos ang oras namin.

"Saan kaya natin siya hahanapin? Ang lawak ng school?" Mahinang sabi ko habang nilalaro ang aking daliri.

Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Unti-unti ring tumutulo sa aking noo ang aking malamig na pawis.

"Subukan natin sa Gynmanasium o sa 4th floor ng Junior High building. Doon siya madalas tumambay." Suhestyon ni Wence.

Kaagad kaming kumilos at hinanap siya sa buong scjhool ngunit wala kaming nakita maski anino niya. 

"Girls, bilisan niyo dali! I can't believe this! Pumayag si Luther na ikasal sa marriage booth sa iba! Akala ko ba si Selenn lang?" Narinig ko ang isang babae na dumaan sa aming likod.

Kumunot ang aking noo at nilapitan sila.

"Hi!" I smiled at them.

Nagulat sila dahil sa pagsulpot ko pero nagawang pa ring ngumiti. "Hello, Selenn!" Ngumiti 'yung isang abbaeng may mahabang buhok.

"Selenn, bakit hinayaan mo si Luther na ikasal sa iba sa marriage booth? Break na ba kayo? Sayang naman, ship ko pa naman kayo." Sumingit 'yung isang babae na mayroong maikling buhok.

Si Xyrex? Ikakasal sa ibang babae? Marriage booth?

I smiled at them. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila. Nagpaalam na ako at nagbaliks a Quadgrangle. Sumulpot sa akin ang nagsisiksikang mga tao sa tapat ng marriage booth. Sinubukan kong makisingit kahit na medyo mahirap dahil sa sobrang sikip at pagtutulakan.

Ginawa ko ang lahat para makasiksik at makalapit sa aknila ngunit hindi ko inaasahan ang aking naabutan. Nasaksihan ko kung paano um-oo ang taong mahal ko sa taong lubos kong pinagkatiwalaan. Ngunit hindi pa iyon ang mas masakit.

Diancia kissed Xyrex on his lips. And the worst part is, Xyrex didn't even pushed her. He was just tehre, standing and staring at Diancia who's kissing him.

I felt thousands of needles piercing my heart. It's painful. It's unbearable.

I heard a loud applause and cheering for them.

Before I could broke down in front of so many people, I walked out. HIndi ko alam kung paano ako mabilis na nakalabas sa siksikan. Those people looks so  happy for them.

Habang ako ay naglalakad unti-unting tumulo ang aking luha na matagal kong pinigilan hanggang sa humahagulgol na ako. Umiiyak akong naglalakad, walang direksyon at hindi alam kung saan pupunta. Swerte ko pa nga at walang tao sa aking paligid, marahil ay naroon silang lahat sa Quadrangle.

I feel so betrayed.

"That should be me…" I  held my chest and cried harder.

Ang sakit. Sobrang sakit. Why did you do this to me, Diancia? You betrayed me...

Hindi ko namalayang nasa loob na pala ako ng C.R. Ini-lock ko ang pinto. Umupo ako sa sahig at sumandal sa pader. I cried my heart out. 

Masyado ba akong mababaw? Alam kong isang pekeng kasal lamang 'yon pero bakit kailangan pa ng halikan? Bakit ang sakit?

Sinapo ko ang aking bibig.

Gumaganti ka ba Xyrex? Dahil ba sa nakita niya kanina? Pwes, panalo na siya. Nasaktan ako. This is my worst Valentine's Day experience.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro