STORY 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Isa?

Dalawa?

Tatlo...

Ilang taon na ba ako sa mundong ito? Ilang taon na ba noong mamulat ako, isang araw at hindi ko alam ang pagkatao ko. Bakit hindi ko man lang maalala kahit isang detalye ? Gusto kong malaman kung sino talaga ako... pero paano ako magsisimula kung lahat ay nilalayuan at kinatatakutan ako.

Gusto kong malaman... gustong-gusto ko talaga... subalit kahit saan ako lumingon, kahit saan ako pumunta walang makapagsabi kung sino talaga ako at saan ako nanggaling.

Hanggang isang araw may nakarinig ng aking panalangin, natuwa ako dahil sa tagal ng panahon ay may nakausap narin ako sa wakas. Subalit gumimbal sa akin ang mga sumunod niyang sinabi.

"Matagal ka na rin naming sinusubaybayan subalit hindi namin malaman kung bakit palagi ka nalang sumasama sa mga tao at nagtatanong kung sino ka, kung kilala ba nila ang pamilya mo o mga kaibigan." Huminga siya ng malalim na nagpakunot naman ng aking noo. Bakit pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa akin?

"Hindi mo ba alam na isa ka na lamang kaluluwa at ang mga tulad natin ay 'di na dapat nakikihalubilo sa mga nabubuhay pa." Malungkot ang kanyang mga matang tumitig sa akin subalit kahit anong gawin ko hindi ko maipagkakaila ang pagkabigla sa aking sarili. Walang salitang lumabas aking labi, wala ring luhang umagos sa aking mga matang tila matagal nang uhaw sa kasagutang matagal ko ng hinahanap.

Naiwan na naman akong mag-isa. Akala matutuwa ako kapag nalaman ko ang totoo. Akala ko masasagot na ang katanungan ko pero hindi pa pala. Bakit hindi ko man lang napansin na kaya pala walang pumapansin sa akin at kung mayroon man natatakot naman sila. Ngayon alam ko na subalit may mas malaking katanungan ang naiwan sa akin...

Bakit ako namatay?



>> Memory of Nobody <<

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro