o60

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NIGHT'S POINT OF VIEW

Nasabi ko na ang gusto kong sabihin, wala ng atrasan 'to Night. Hindi na ako naglilihim o nagtatago ng sikreto.

Nasabi ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Liligawan ko siya, si Mia.

Pauwi na ako ng bahay ng matapos ko siyang ihatid sa kanila, 'pag kauwi ko sumalubong agad sa akin sila mommy at ngiting-ngiti ang mga ito. Tsk.

"Ikaw ba ang pinili, Night?"

"Nak, ayos ba?"

"Ano na Night, ikaw ba ang pinili ni Mia?"

Sunod-sunod ang kanilang mga tanong sa akin.

"Umupo muna tayo, pinalakad niyo ko simula sa coffee shop, sa bahay nila at dito, mom, wala kayong awa 'di niyo man pinagamit sa akin iyong kotse. Nagmukha akong mahirap sa paningin niya." Saad ko sa kanila.

"Hindi pa tapos ang punishment mo sa amin dahil sa pagsisinungaling mo, Night, magtiis ka." Napakamot na lang ako.

'Di pa rin sila maka-move on, nagpaliwanag na ako lahat-lahat sa kanila.

"Nagpaliwanag na naman ako, Dad. Ginawa ko lang iyon dahil sa pagmamahal kay Mia. Sorry, Dad and Mom." Hingi ko ng paumanhin sa kanila.

"Bibigay ko ulit ang kotse mo kung ikaw ang pinili ni Mia na maka-date bukas. Ikaw ba?" Tanong ni Dad sa akin.

Ngumisi ako rito, "Give me the key, Dad." Sabay lahad ko sa kanya ng kamay ko.

Biglang nagsisigaw at nagsisitalon si Mom. Akala mo nanalo sa lotto.

"Tsk," rinig kong sabi ni Dad. Nilabas niya ang susi at nilapag sa kanang kamay ko.

Nilaro ko ang susi habang tinatapon ito sa ere, "ako pinili ni Mia, 'my. Ako ang makaka-date niya bukas. Umamin na rin ako sa kanya, pumayag siya na manligaw na ako sa kanya. Kaya Dad, balik mo na rin credit card ko."

Kinuha niya ang kanyang wallet at binigay niya ang kulay green na credit card.

"Sige na, Dad and Mom, akyat na ako, aayusin ko pa iyong damit ko bukas."

---

February 22. Shit! Nakaka-bakla pero ngayon lang ako natuwa at nasiyahan.

Tinignan ko ang tuxedo na nakasabit sa closet ko. Handa na ako mamaya.

Pumunta ako sa gym. It's a mini gym ng bahay namin. At, nag-gym ng ilang oras.

Nang sumapit ang 3:45 PM, saka ako naligo, nag-ayos at pumorma. Ready na akong sunduin siya.

Ala-singko ng hapon nang makarating ako sa kanila. Suot niya ang kulay dark blue na gown at maalong buhok niya.

"Tara, Night?" Napabalik ako ng wisyo ng magsalita siya at ngumiti sa akin.

Tumango ako rito ng sunod-sunod. Shit. Ang ganda niya. Para siyang anghel na bumaba sa langit.

"Night, iho, ikaw na bahala kay Mia, ipapaubaya namin siya sayo ngayon." Saad ng kanyang Ina.

"Iingatan ko po siya, Tita."

"Mommy naman! 'Di na ako bata!" Simangot na sinabi niya.

Ngumiti na lang ako.

Tahimik kaming pumunta sa hotel na pagdadarausan ng Night Prom.

"Ayos ka lang?" Tanong ko rito. Sobrang tahimik niya at nakatingin lang ito sa labas.

Tumango siya, "First time ko sa mga ganito, noong high school 'di ako nakasama sa JS Prom sa school natin, nagkaroon ako ng chicken fox. Sad no?"

"Okay lang iyon, atleast, ako ang kasama at ka-date mo sa araw na ito. Special day mo pala 'to?"

"Yes! Kaya dapat ma-enjoy ko 'to."

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya, "Ma-eenjoy mo 'to, baby. Pangako."

Apat na oras. Sa apat na oras na iyon, nasa tabi lang niya ako, 'di ako umalis sa tabi niya baka may makalapit na gago.

Tinignan ko si Sebs, na nakapalupot ang kanang kamay sa bewang ni Lemon. Bantay sarado rin ni Sebs.

Binataan pa iyong emcee para manalong Prince of the Night. Siraulo. Siya yata may sayad sa aming dalawa.

"Mauuna na kami sa inyo, inaantok na sina Dana at Belle, una na kami ni Zidane." Tapik ni Jasper sa mga barkada niya.

"Rico at Kian, iyong mga girls, iuwi niyo ng maayos. Yari kayo sa akin kapag may gasgas niyan sa monday at kapag nagsumbong niyang mga iyan!" Sunod-sunod namang tumango ang dalawa.

"Dude, paano iyong mga may jowa?" Sabay tingin ni Kian kay Lemon at Angie. "May mga date niyang mga 'yan pati si Angie,"

"Nasaan pala si Angie? Tanginang Vinz 'to!" Sabay nilibot niya ng tingin ang dalawang table na inuukupa namin.

"Duh? Nasa cr kasama si Rhia, Zidane." Pagsusungit nu'ng Nicca.

"Okay," bumaling siya sa amin ni Sebs, "iuwi niyo ng maayos niyang dalawa." Banta niya sa amin.

Parang natakot kami ha? Tsk.

Malapit na mag-9PM, silang nagkayayaan ng umuwi. Hinatid ko ng maayos si Mia, ayoko namang ayawan ng mga kaibigan niya.

"Thank you, Night, another, best day of my life. Goodnight. Ingat sa pag-uwi, Night!" Kumaway siya hanggang makapasok siya sa kanilang bahay.

Ako nga dapat magpasalamat, Mia. Binuo mo ulit ang buhay ko.

I love you, baby.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro