Chapter 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

LYN's POV

*wake me up inside (i can't wake up)
Wake me up inside (save me)
Call my name and save me from the dark (wake me up)*

Oo na! Gising na ako.

The hell! Ba't ba ang agang nanggigising 'tong phone ni Rhen?

Pero 'di bale na, katabi ko naman siya.

Oo, katabi ko si Rhen sa pagtulog. I had a good time last night, tho.

"Morning." I beamed pero wala akong natanggap na sagot.

"Rhen? Are you okay?"

Taka kong tanong pero 'di parin siya sumagot. Nakatingin lang siya sa phone niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Kim's awake."

My eyes grew in circles upon hearing what he just said.

WHAT?

Agad siyang tumayo tapos kinuha 'yong boxers niya sa sahig saka sinuot.

"Where are you going?" Nag-aalala kong tanong.

"To the hospital!" Madalian niyang sabi habang nagbibihis. "I've got to see Kim!"

Aalis na sana siya pero agad kong hinigit kamay niya.

"Ano ba, Lyn?" Kunot-noo niyang untad.

"Don't go! Stay with me, please."

Sinamaan niya lang ako ng tingin saka hinila kamay niya at agad na nagbihis.

"Masaya ka naman sa akin diba?"
Tanong ko sa kanya na umaasang mutual lang ang iniisip naming dalawa.

"Diba mahal mo na naman ako?"

Napatigil siya sa pagsasara sa mga botones niya saka dahan-dahan akong tinignan.

"I-I have to go!"

Naiwang nakaawang ang bibig ko nang mabilisan siyang nag suot ng pantalon saka mabilisan ding lumabas ng kwarto.

Napatitig nalang ako sa kawalan.

Gising na si Kim. 'Yung totoo niyang mahal. Paano na ako? Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng mga luha ko.

***


Nanginginig ako habang nakatayo sa harap ng pintuan. Natatakot ako sa posibleng mangyari ngayong gising na siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Dahan-dahang kong binuksan ang pinto at agad kong nakita si Rhen habang nakaluhod sa harapan ni Kim at humahagolgol.

"Forgive me, Kim! I'm so sorry!"

Ngumiti lang si Kim saka hinaplos ang buhok ni Rhen.

"Shush! It's not your fault!" She said in the most calming voice.

Napalunok ako ng ilang ulit ng dahan-dahan niya akong tinignan.

"Hi, Lyn." Nakangiti niyang bati sa akin.

She's still the same as before though mahaba na ang buhok niya. Ngumiti narin lang ako ng sapilitan.

"H-hello, Kim."

Nauutal kong sagot. Para akong maiiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko sa totoo lang!

'Di ko alam ang dapat kong maramdaman.

Napatingin ako kay Rica and she's seriously staring at me. I smiled at her but she didn't smile back. Nag iwas lang din siya ng tingin.

What's her problem?

Weeks passed and everything went back to what it was before.

Sila na naman ang magkasama ni Rhen. Of course! Siya ang girlfriend, eh. Sino ba naman kasi ako. Hindi nga kasi ako na inform na parausan lang pala role ko.

Ang sakit sobra! Para akong nadudurog every minute kapag nakikita ko silang masaya.

Paminsan-minsan na nga lang ako sumasama sa kanila, eh. Na o-out of place kasi ako. Napapansin ko ring iba ang pakikitungo ni Rica sa akin.

Para bang galit siya sa akin. Hindi na nga rin niya ako pinapansin kapag nagkasalubong kami sa school.

Lalapitan ko na sana siya nang bigla akong mahilo. Akala ko saglit lang 'yon pero parang 'di ko kakayanin at nasusuka na rin ako.

Nag excuse na muna ako para lumabas at baka dun ako sumuka. Mabilisan akong tumakbo papuntang comfort room. May tao sa lavatory kaya dumiretso ako sa loob ng cubicle.

Pakiramdam ko naisuka ko na ang lamang-loob ko buti nalang at may dala-dala akong wipes. Ilang minuto din ako dun sa loob nang tamaan ako ng hinala.

"Fuck!" Napatakip nalang ako ng bibig. "This can't be happening."

***

Kim's POV

Apat na buwan din pala akong nawala at sa loob ng apat buwan ng pagkakawala ko, andaming nagbago.

Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdan ko pero may pakiramdam akong tama talaga.

Tumingala ako para tignan ang nagtataasang kahoy dito sa park. Nakaupo lang din ako sa bench habang naghihintay kay Rhen. Umalis siya para bumili ng ice cream.

Tanaw ko lang siya mula dito sa kinauupuan ko.

Honestly, everything feels off since I woke up. Parang hindi ko na nararamdaman 'yong pagmamahal na nararamdaman ko noon mula kay Rhen.

Mapakla akong ngumiti nang tumingin siya sa akin sabay taas sa dalawang ice cream na hawak niya.

He's smiling while walking towards me. He still had the same smile, but the emotion is no longer there.

"Here! Your favorite." Masigla niyang sabi saka inabot sa akin ang cookies and cream.

Tinanggap ko ito at natawa nalang sa isip ko. Rocky road is my favorite.

Ngumiti ako saka tumapik sa tabi ko. Umupo naman agad siya dun saka kami tahimik na kumain.

"Rhen?" Panimula ko at agad naman niyang ibinaling tingin niya sa akin.

"Hmm?"

"Namiss mo ba ako? Mahal mo pa ba ako?"

Tanong ko without looking at him but I can clearly see his stunned reaction through my peripheral vision.

"What kind of question is that? Of course, yes."

Napangiti nalang ako ng tipid. Alam ko kasing nag sisinungaling siya.
Pagkatapos ng date namin agad na niya akong hinatid sa bahay then left afterwards. Marami pa raw kasi siyang gagawin.

He never even kissed me on my forehead like he usually do before leaving.

Umakyat nalang ako sa room ko saka naupo sa harapan ng study table ko.

"Mahal mo pa ba ako." Inulit ko sa sarili ko ang tanong ko kanina. "Of course, yes."

Mahal pa pala niya ako.

Kinuha ko 'yong scrap book na ginawa ko noon. Noong pangarap ko pa lamang siya. Andaming I LOVE YOU JON RHENER VILLAFLOR na naka sulat.

Tanda ko pa kung gaano ako ka baliw sa kanya noon. Tapos noong kami na, inilagay ko pa dun 'yung isang botones ng uniform ko. 'Yung lalaking pinangarap kong maabot noon ngayon nasa kamay ko na pero bakit hindi ko parin ito magawang mahawakan?

Nagsimulang kumirot ang puso ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Bakit ganun? Bakit parang 'di na siya masaya sa akin?

****

After how may weeks of observing, hunches started to form in my mind. Masakit mang sabihin pero parang 'di na talaga siya nasisiyahan sa relasyon namin.

"Ganun na lang ba talaga kadaling magbago ang lahat?"

Panimula kong tanong pero wala ni isa sa kanila ang sumagot. Mom is out of town kaya kaya ang dalawang babysitter ang nandito ngayon para samahan ako.

"Hindi naman siguro." Sagot ni Lyn after isang minutong katahimikan.

"Nararamdaman ko na talaga kasi, eh." I said between deep sighs.

"A-ang alin?" Tanong niya ulit habang umayos sa pagkakaupo.

Andun kasi siya kama habang ako naka-upo sa harap ng study table. Si Rica, andun sa bintana, ewan ko kung ano tinitignan niya dun at parang ang seryo-seryoso niya.

Pinag-iisipan niya siguro kung paano masolusyonan ang korapasyon ng Pilipinas.

"I can't put my finger on it yet, but I feel like Rhen and I are slowly drifting away from each other."

"You wanna know why?"
Pareho kaming napatingin ni Lyn kay Rica ng bigla siyang nagsalita.

"I'll tell you why!" Sarkastiko niyang sabi saka dahan-dahang naglakad papalapit sa amin habang naka-krus ang magkabilang braso.

"It's because of your dear best friend right here."

Bahagya akong natigilan when she pointed Lyn.

"Jusko, Rica! Hindi ka nakakatulong." Patawa kong sabi but she hissed in disbelief.

"Tsk! For Pete's sake!" She yelled before rubbing her temples out of frustration. "This is no time for playing games, Kim!"

Binalingan niya si Lyn and the way she looks at her is dead serious. Nalilito ako. What is she talking about? I'm being clueless!

I looked at Lyn at kita ko kung paano siya manginig sa takot.

Why?!

"Oh? Bakit ayaw mong magsalita diyan? Buntis ka, hindi ba?!"

Pakiramdam ko may kung anong bumara sa lalamunan ko. I should be happy to know about the surprise news, but how the atmosphere feels like and how the topic shifted, seems like the questions I had has finally been answered.

"W-what are you talking about?!"

"Do I really have to give you credits for being an excellent actress?" Bumaba si Lyn ng kama nang lapitan siya ni Rica kaya magkaharap na silang dalawa ngayon.

Nakatingin lang ako sa kanila. Gustuhin ko mang magsalita, blangko 'yong isip ko. I couldn't even process the obvious facts that has been brushed against my face the past days.

"I followed the both of you in Rhen's condo and I heard everything!" Mahina pero mariing sabi ni Rica. "Sinundan rin kita sa girl's comfort room sa hospital nung magising si Kim."

Nanlaki ang mga mata ni Lyn. Hindi ko alam kung ano ibig-sabihin niya dun pero pakiramdam ko tama ang nasa isip ko. Nabuntis nga, eh. Punyeta!

Rica looked at me and gave me an awful look. Ilang minuto pa kaming nagtitigan until Lyn's sobs broke the silence.

"Kim, I'm sorry!" Walang gana akong tumingin kay Lyn.

Humahagolgol na siya and as much as I don't wanna make her cry kasi nga buntis, pero masama na kung masama, wala akong pakialam anak ng lintik 'yan!

"Pinigilan ko naman, eh. Pinigilan ko talaga! Maniwala ka sa akin. Hindi ko sinasadya!"

Natawa nalang ako sa sinabi niya saka tumayo para lapitan siya.

"Look, I don't know what the real deal is pero 'wag mo naman akong gawing tanga. Hindi ako kagaya mo."

Kita ko ang gulat sa mga mukha nilang dalawa sa sinabi ko. I mean it! Nagbastosan na, eh. Ifi-filter ko pa ba ang sasabihin ko?

"N-nagmahal lang ako, Kim! Minahal ko na siya bago pa siya naging sayo. He was my suitor before he became your boyfriend!"

Pansamantala akong natigilan sa sinabi niya. May pa more pasabog pa pala. May 'di pa ba ako nalalaman?!

Sinulyapan ko si Rica and her reaction shows that she knew about what Lyn is talking about.

Damnit! I've been fooled by all of them.

"Suitor before, ah?" Bulong ko nalang.

Sobrang bigat na ng dibdib ko pero pilit kong 'wag mag react.

"That, my dear, is the whole point. Suitor mo siya noon, boyfriend ko siya ngayon. Saang parte ba diyan ang hindi mo naintindihan?"

Natawa nalang ako ng mapakla nang kumawala ang isang luhang kanina pa gustong pumatak.

Deputa ang sakit!

"Kaya pala naging cold na si Rhen sa akin. Kaya pala pakiramdam ko minamadali niya lahat ng dates at lakad namin. Kaya pala natatagalan siyang mag reply. Kaya pala 'pag tinatawagan ko siya, busy ang line niya."

"Kaya pala hindi na niya ako mahalikan kahit sa noo man lang. Kaya pala nakalimutan niya na 'yong maliit na bagay na noo'y alam niya—my favorite ice cream. Rocky road 'yong favorite ko pero ang binigay niya Cookies and Cream. Eh, ikaw may favorite nun!"

Patawa-tawa kong sabi habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.

"Tanga din pala ako. Alam ko naman, eh." Turo ko sa sarili. "Simula nung magising ako, ramdam ko na kung saan at sino 'yong nagbago—kung paano kayong lahat nagtitinginan sa isa't-isa."

Parehas silang napayuko na dalawa.

"So, para sabihin mong hindi mo sinasadya, fuck you! Don't even try to make amends with me with more of your lies. That's an insult to my intelligence."

Napakagat nalang ako ng labi. Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili kong mapaiyak.

"Minahal kita, Lyn." Hagulgol ko. "Hayop ka mahal na mahal kita!"

"Kim, sorry—"

Hindi na siya nakalapit sa akin nang sampalin ko siya.

"Kim, stop." Pag-awat ni Rica sa akin nang akma ko pa sanang sundan ng isa pang sampal at lalapitan niya naman sana ako.

"'Wag na 'wag mo akong hawakan!" Nanggagalaiti kong sabi.

Gusto ko siyang saksakin sa sobrang galit sa totoo lang. Nandidilim ang paningin ko!

"I'm sorry! I'm sorry!"

'Yun lang ang palagi niyang sinasabi habang tinatakpan mukha niya. Nakakarindi na!

"Sa loob ng apat na buwan, habang nakaratay ako sa kama't nag-aagaw-buhay, nagpapakasarap kayong dalawa. Hindi ka pa nakuntento, nagpabuntis ka pa! Lynnnnn, ano baaa!"

Nasapo ko nalang ulo ko't nagpalakad-lakad at 'di ko na alam kung ano mararamdaman ko.

"Bakit kailangang ikaw pa!" Nahila ko nalang buhok ko sa magkahalong inis, sakit, lungkot at kung ano'ng deputang impyerno na 'yan.

"Kim, calm down, please!" Pagsumamo ni Rica pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

I know none of this was her fault. I know she didn't tell me right away to protect my feelings and for whatever relationship that the three of us have.

I'm just really frustrated and my mind is clouded with pain and hatred.

"K-Kim, please. Patawarin mo ako."

Nanginginig na sabi ni Lyn at dahan-dahang lumalapit sa akin.

"One more step and you'll see the other me!" I warned so she stopped.

"Kim, plea—"

"Get out!" I cut her off.

"But, Kim, I—"

"I said, GET OUT!" Sigaw ko kaya maslalo siyang naiyak.

"Let's go Lyn."

Bulong ni Rica. Napakagat nalang siya ng labi bago tumakbo papalabas.

Napaupo nalang ako saka muling humagulgol.

Ayaw ko na!! Sana pala hindi nalang ako nagising pa.

***


We're walking our way towards the ocean near our school. Everything feels so... Cold.

I glanced at Kim and I noticed that her eyes are swollen. I wanted to ask her why but I'm scared of what she might answer.

I've always hated myself for being so coward especially now that my feelings are all confused and messed up that I don't even know who I love between the two of them anymore.

"Come here."

She beamed and held my hand. She then pulled me towards the rock to where we usually sat to watch the setting of the sun.

She sat down first and pat the space next to her. I did what I supposed to do and quietly sat down.

A moment of complete silence before Kim talked.

"This place brings back old memories, ah."
She whispered.

I can't help but think, could it be possible that she already knew?

"Hey! Wanna play a game?" She cheerfully asked.

I tried plastering a smile.

"Hmm," I nodded. "What game?"

"The question only game," she raised her pointing finger.

Knowing her, she might be the one who created this game just now. I only nodded and she smiled.

"So what are the rules and mechanics?" I asked.

"Simple. Answer the question with a question and the one who answers a non-question, loses."

I ended up staring at her.

Kim knows how competitive I am, that I don't accept defeats, so I know where this is heading. I'll just try my best not to get cornered.

"Okay! I'll start now." She cleared her throat. "Do you know my favorite color?"

"Is it black?" I answered.

"Is it?" She answered back.

"Yes, but what about it?"

"I just wanna know if you still remember. Do you?"

"Yes, I do. What about my favorite color?"

"Emerald, correct?"

"Yes, but why do you sound uncertain?"

"No, I'm not. Why would I?"

Damnit! She's making me open a new topic.

"Just checking. What did you do today?"

"Nothing much. How about you?"

"Same here. Are you okay?"

I paused and she palely smiled.

I'm fucked!

"I'm not fine." She looked at me in the eye. "Why is has to be Lyn?"

My heart sank when tears started running down her cheeks.

What have I done?!

"Why it has to be her, Rhen? Why it has to be my best friend?"

I wasn't able to answer. I couldn't find the words to say.

"Alam mo bang araw-araw kong pinagsisihan ang pagkaaksidente ko? Na araw-araw kong hinihiling na sana maibalik ko ang nangyari? Na sana kasama lang kita? Na sana ako 'ykng nasa tabi mo nung mga araw na kayo ang magkasama?" Her sobs deepen.

"Alam mo 'yong pakiramdam na buhay ka naman sana pero parang gusto mo narin lang na mamatay nalang?"

I couldn't watch her cry. I don't know what to do!

"Mahal mo na ba siya?" I was caught of guard by her next question.

She raised her head to look at me.
How can I possibly tell her? I don't wanna hurt her tho I know I already did. She doesn't deserve a stupid guy like me.

"I'm sorry, Kim."

Tears fell when I spoke those words.

I lose and I gladly accept it.

She stared at me for a couple of seconds before turning back to wipe the tears that are dimming her vision.

I heard her heave a deep sigh, while I was there, staring out of nowhere.

"Thank you for being honest with me even just this once," she whispered. I couldn't bring myself to look at her so I remained staring on the sands.

"Kahit gaano kasakit, gusto kong malaman mong sobrang saya ko nung mga araw na ako lang 'yong mahal mo and thank you so much for that."

Tears started raining my hands when she ruffled my hair.

"Thank you so much for giving US a numbered time to have our little infinity."

She held my hand for the last time.

"I love you so much, Rhen. I always have and always will."

She left me alone, aimless. I felt like my body went numb. My hands are shaking and I couldn't stop my tears from falling.

What have I done? What the hell have I done?!

I covered my face with both hands and looked at the sea between the spaces of my fingers.

It's already sunset.

Sunsets are more colorful than sunrises indeed, maybe because sometimes things may work better in saying goodbyes.

I broke the girl who loved me up and beyond. I don't deserve her. I never have, never will.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro