C40

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

PHILLIP OMAR'S POINT OF VIEW:

Nasa van kami. 18 seater. Ang driver namin ay si kuya Wil syempre ang nasa passenger ay si Lesley.

"Uy!" Tumingin ako kay kuya Duke ng siyang sumiko sa akin. Siya kasi ang katabi ko sa kaliwa at si kuya Jagger naman ang nasa kanan ko.

Natutulog si kuya jagger sa tabi ko.

"Gumawa ka na ng paraan mo. Mauunahan ka talaga." Bulong na sabi ni kuya Duke. Parang ayaw niyang may makarinig sa aming pinag-uusapan.

"Paano? Nahihiya ng ako." Ani ko.

"Diskarte, Phil. Kung ayaw mong maunahan." Ayon na lang ang narinig ko at nakatulog na din siya.

Nasa 3rd row kami at ang nasa second row ay sina Tiny, Erika and Kim. Sa first row ay sina Angie, Ken and kuya Cullen.

Lahat ay tahimik, marahil mga nakatulog dahil sa aga naming umalis.  May apat-limang oras ang aming byahe papunta sa beach resort. Sa Amaya Resort. Three days and two nights kami rito.

Dapat talaga maunahan ko siya. Ginawa ko na nga iyon para wala na siyang access.

Bakit kasi parehas kami? Parehas na nga kami sa lahat ng bagay, pati pa naman sa pag-ibig? Naagaw na nga niya ang atensyon nila, pati pa naman 'to aagawin niya? Tanging si Farrah na lang nandyan sa akin at ang barkada, 'wag naman pati ito. 'Wag naman.

"Phil? Gising, nandito na tayo." Nagising ako dahil sa kalabit ni Duke.

"Nandito na tayo. Tayo na lang nandito sa loob ng van. Nandoon na iyong iba sa labas."

Inayos ko ang sarili ko at binitbit ang dala kong backpack. Natagpuan namin sila ni Duke sa lobby ng resort na ito.

"Bro! Buti na lang mabait si Duke kung hindi binuhat ka na namin ni Ken. Ako sa kamay, si Ken sa paa." Halakhak niya.

Hindi ko na lang pinansin si kuya Cullen. Nakulangan na naman siguro siya sa turnilyo.

"Ito na ang keys. One for girls and sa ating mga lalaki," inabot ni Wil ang isang susi kay Lesley.

"Magpahinga muna tayo then magkita-kita na lang tayo sa cottage. Nagpakuha na rin ako ng food sa atin." Dagdag ni Wil.

"Sana all mayaman!"

Hanggang 4th floor lang ang resort nila pero may elevator pa rin naman.

"Room 304..."

"Ito na guys! Katabi lang natin room ng girls." Ang ingay ng boses ni kuya Cullen.

-

"Busog na busog na ako! Ang sarap ng food!" Napapailing na lang kami sa kaingayan ng boses niya. Akala mo naka-megaphone.

"Nakakahiya ka, Cullen. Hinaan mo nga iyang boses mo." Buti nga sa kanya, sinaway tuloy ni Kim.

"What? Eh, masarap naman talaga, boss. Anong magagawa ko?" Yari si kuya Cullen.

"Ewan ko sa'yo. P'wede mo purihin pero grabe iyong boses mo! Akala mo ang layo namin sayo. Oh gosh!" Naiilang na lang si Kim sa ginagawa ni kuya Cullen.

Napatingin ako sa gawi ni Erika na naka-shorts and sleeveless na kulay pink. 'Di ba siya maliligo?

Narinig ko ang usapan nila ni Tiny, "bakit ganyan damit mo? Mag-swimsuit ka nga, Erika. Need natin ibilad ang ating kagandahan."

"Mainit kaya. Saka, nakakahiya. Ang daming tao." Sabay nguso nito sa mga katabing naming cottage.

"Ewan ko sayo,"

Ayon na lang ang narinig ko at tumingin na siya sa kanyang cellphone.

Nagawi ang tingin ko sa kanya at kitang-kita ko ang pagtitig niya rito. Dapat na ba ako kabahan? Dapat ko na bang sundin ang bilin ni Duke? Dapat na ba?

Nang matapos kumain, nagkanya-kanya kami. May ibang nanatili rito sa cottage kagaya ko, kasama sina Duke, Tiny, Erika and kuya Jagger. Ang iba naman ay naglibot sa resort at sila Ken umakyat sa room ng mga babae para kunin ang sunblock ni Angie.

"Hindi ka magliligo, Erika?" Napatingin kaming lahat ng magtanong si kuya sa kanya.

"Ah? Ah-eh, hindi. Mainit pa. Saka, bukas na lang ng maaga para 'di masakit sa balat." Sabay ngiti nito.

"Ah. P'wede naman mamaya. Mga 5-6PM. Nagsearch ako rito, maganda raw tignan ang paglubog ng araw." Wika niya.

Tumingin si Erika sa gawi ni Tiny, "ah... Hindi muna. May pupuntahan kami ni Tiny, e."

Tumango na lang si kuya. Matagal bago may magsalita ulit sa amin. Lahat kasi kami ninanamnam ang presko ng hangin.

"Sorry nga pala, Erika, roon sa chat mo? Na-seen ko bigla, nahiya kasi akong mag-chat." Sabay kamot sa ulo ni kuya.

Nagkatinginan kami ni Duke. Ito na ba? Hays.

"Okay lang,"

"Tungkol ba sa'n iyong itatanong mo?"

"Wala. Wala. 'Wag mo na isipin niyon." Tumatawang sabi ni Erika.

Natapos ang araw namin ng magkayayaang maglibot at sundan ang mga kaibigan naming may mga lovelife na.

"Guys, bukas agahan natin para roon sa island na isa. Maganda roon, low tide, may sandbar. You know, magandang magpictorial." Napailing na lang kami sa kaartehang magsalita ni Angie.

"Hoy, ha? Kakalabugin namin kayo d'yan sa kwarto niyo! Diba, girls?" Tumango naman ang apat. Cute.

"Buti 'di ka naririndi d'yan sa boses ni Angie. Ang arte ng boses." Ani ni Cullen ng makapasok kami.

"Sanay na iyan si Ken, simula pa naman pagkabata. Hindi ka ba masasanay?" Siyang sagot ni kuya Duke sa tanong ni Cullen.

"'pag mahal mo, lahat kaya mong i-accept. Mahal ko si Angie." Lahat kami natulala ng sabihin ni Ken iyon at agad na humiga sa kanyang kama.

"Alam niyo namang sensitive 'yan pagdating kay Angie. Matulog na rin kayo, 'di nagbibiro ang mga 'yon, kakalabugin talaga tayo ng mga iyon." Sermon sa amin ni Wil at nagtaklubong na rin ng kumot.

Wala kaming nagawa kung hindi humiga na rin at ipikit ang aming mga mata.

×××

PS: Kinain na naman ako ni ML. Nakalimutan kong mag-update kagabi😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro