W41

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Lesley Danelyn's Point of View:

"Les? Dito tayo para malapit sa kanila!" Hinila agad ako ni Kim at pinuntahan ang pinakamalapit na lamesa sa may stage.

Lumilinga-linga ako baka kasi dumating na sina Erika at Tiny. Nauna kasi kami sa kanila, may dadaanan pa raw ang dalawa.

"Marami siguro tao, Kim?" Tanong ko sa katabi ko na busy kalikutin ang dlsr niya.

Nagkibit-balikat lang siya sa akin, "marami naman talagang tao rito, lalo na sunday ngayon. Buti na lang talaga maaga ang gig nila." Oo nga naman.

Kaya siguro maaga ang gig nila kasi may mga pasok na kami. Study  first. Priorities before anything.

Lumipas ang 30 minutes, lalong dumami ang mga tao sa bar.

"Alam niyo ba, muntik na kami maipit sa traffic. Nakakaloko diba Tiny?!" Sumisigaw na sabi ni Erika.

Sobrang ingay na sa lugar. Malakas na tugtugan, mga boses ng mga tao rito at mga tao sa labas na nagpupumilit pumasok. Alam ba nilang puno na kami rito? Matapos lang talaga gig nila, uuwi na kami. Kaloka!

"Akala nga namin nadaganan na kayo, e. Buti na lang talaga may mga ticket din tayo." Sagot ko kay Erika.

"Pasalamat tayo kay Kim, VIP ang ticket natin,"

"Kay kuya Raven kayo magpasalamat." Thanks to kuya Raven.

Nagbago ang kulay ng bar kaya lalong nag-ingay ang mga tao. Ready na kami! Omg!

"Good evening, peoplets! Are you ready, guys?" Bago iyong emcee? O, may ibang appointment iyong dati?

Beki kasi ngayon 'yong nagsasalita. Kaya buhay na buhay ang mga madla.

"Suki na sila ritey, mga peoplets! Tuwing weekends na sila tutugtog. Let's welcome, Soundbreak19!" Pagkasabi niyang 'yon.

Nagsisitalon na kami nila Erika. Mah boys! May babyboy! After one week, nakita ko ulit sila. Iyong puso ko parang sasabog na. Huhuhu.

Kanya-kanya kaming video sa mga ganaps nila. Picture rito, video roon. Wala na kaming pake kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nagtititili, sumisigaw at naghahampasan na kami rito. Pati na ang ibang babae at lalaki na mukhang Soundbreak19 din ang pinunta.

Oh god! Laki ng improving nila! Nakakatuwa na gumagaling sila sa pagsasayaw at pagkanta. Lakas makahatak ni Ken. Jusko, magagalit si Wil!

Dalawang beses silang kumanta at wala kaming masabi maski ang mga taong pumunta rito para magsaya lamang ay pumalpak sa kanilang lima.

Wow!

"Grabe! I'm so proud of them! They're nailed it!" Tumitiling sabi ni Kim habang todo palakpak.

"Hinding-hindi ko sila iiwan! I stan Soundbreak19 no matter what happen!"

"We stan them! Soundbreak19!" Sabay-sabay naming sabing apat.

×××

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro