Chapter 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Hoy tiyanak ka, magkwento ka nga!" 


Kilig na kilig na sambit ni Shaira nung nalaman niya ang ginawa namin ni Asrow noong nakaraang Linggo. Jusko, akala mo naman napaka-big deal na naghang out kami nung lalaking 'yon. 


"Ano pa bang makwekwento ko eh nasabi ko na lahat," Inirapan ko ito.


She pouted. "Luh! Okay, sana all nalang talaga!"


"Bakit? Ano na ba ang nangyayari sa inyo ni Castriel?" Nakangising tanong ko pero hindi niya ako sinagot.


"Pabayaan mo 'yon!" Natatawang saad nito bago ngumiti ng pilit.


I didn't want to force her to tell me anything regarding the guy she likes so I just gave her a hug. Sabay kaming pumunta ng klase nung araw na 'yon at pagkatapos ay pumunta agad ako sa cafe para magtrabaho.


Mas tumatagal na ang shifts ko doon sa cafe at 'buti nalang pinayagan ako nung Manager namin na magkaroon ng extrang bayad. Mabait naman pala talaga, masungit nga lang pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi niya naman alam yung financial problem ko, pero tinutulungan niya pa din ako.


Sinusundo na din ako ni papa madalas dahil inaabot na ako ng gabi araw-araw. Ayoko na ngang sunduin niya ako ulit kasi sa bawat pagsakay ko sa tricycle niyang naluluma at nangangalawang na, palagi 'kong naririnig yung mga 'sorry' niya, eh wala naman siyang dapat hingan ng tawad. 


I did this on my own will; to help my parents, for them to not have a hard time anymore.


Makalipas ng ilang Linggo, sumapit na ang Pasko. Mayroong Pag-iilaw na ginaganap palagi sa school tuwing buwan ng Nobyembre. Normal na event lang ito kung saan may iba't-ibang banda na nagperform 'tas nagkaroon ng pag-iilaw sa may plaza ng school. Madaming estudyante ang pumunta para makilahok sa kaganapan na 'yon. Nung araw din na 'yon, sinamahan ako ni Asrow maghapon nung umalis sina Shaira. 


Nung padating na ang Christmas break, naging busy ang cafe sapagkat may mga schools na nagstart na yung break, kaya madaming nagbabike, gumagala, etc. Halos araw-araw na din ako pumapasok sa cafe, kasama na din yung Sabado ko kaya palagi nalang ako nagcracram sa mga requirements. Tuwing madaling araw nalang ako nakakapagbasa at nakakapagreview ng lectures.


"Oh, another cram nanaman?" Bungad na tanong sa'kin ni Shaira nang makita niya akong dire-diretsong nagtatype sa laptop niya sa library.


"Ah oo," Mahinang sagot ko kasi nakapokus ako sa sinusulat 'kong report.


"Besh, alam ba 'yan nina tita?"


Agad naman akong umiling sa kanya. Hindi ko pinapahalata kina mama at papa na pagod na pagod ako galing sa trabaho. Hindi ko din sinabi sa kanila na nahihirapan akong pagsabayin yung trabaho at school ko kasi malamang sa malamang, papatigilin nila ako sa pagtratrabaho, eh ayoko.


I lied for the better good.


Umupo si Shaira sa tabi ko. "Cal, may bibigay pala ako sayo."


Pinatigil niya muna ako sa pagtitipa sa kanyang laptop at binigyan ako ng isang white envelope. Tinaasan ko siya ng kilay nang mapansin ko na may pagka-kapal ang laman nito. Alam ko na agad kung anong laman no'n kahit 'di niya na sabihin.


"Shai, 'di ko kailangan niyan." Sagot ko agad.


Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ang envelope doon. "Dali na, kunin mo na. Ano ka ba Cal! Hindi ka na iba sa'kin at sa pamilya ko, alam mo 'yan. Parang kapatid na kita Cal at normal lang na bigyan kita nito kasi alam 'kong mas kailangan mo 'to."


"No Shaira, okay lang talaga. Tsaka, madami ka nang nabigay sa'kin. Nahihiya na din ako." Kinagat ko ang ibaba 'kong labi habang tinitignan siya at ibinabalik yung envelope. 


"Wala 'yun! Higit naman doon yung pagkakaibigan nating dalawa," Nakangiting sambit nito at pinilit ulit na ibigay sa'kin yung envelope. "Kunin mo na, wala lang 'to promise. 'Di mo na din ako kailangang bayaran! Yieee, kiligin ka sana fles."


Natawa ako sa kanya nung nagpacute pa siya sa harapan ko. Pinilit ko pa ding ibalik sa kanya yung pera pero pinanlakihan niya lang ako ng mata. Hiyang-hiya na talaga ako sa kanya. Shaira has always been like this. She always want to help her friends out, no matter what kind of help they need.


"Salamat ha?" Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. "Babayaran kita kapag naging Criminal Lawyer na ako."


"Sus! Libre mo nalang ako sa ano, travel. Tara na at mag-Canada haha! Char!"


"Pota ka, ang mahal naman!"


"Buti pa siya mahal, eh ako?"


Inirapan ko siya ng pabiro bago ako nagsimula ulit magsulat sa laptop niya. I-ppm ko agad sina tita't tito mamaya para magpasalamat sa kanilang pinadalang pera. 


Malapit na naming mabayaran ng buo yung utang namin, kaso kailangan ko pang mas magtrabaho pa para naman sa gastusin namin sa pang-araw araw dahil hindi na ganun kalaki yung kinikita ni mama sa carinderia. Nag-iisip nga akong maghanap ng isa pang trabaho pero may school pa kasi ako.


"May surprise quiz tayo ngayon, I hope that you've at least remembered our lectures from last week." Masungit na saad ng professor namin pagkapasok niya sa classroom.


Hindi ko maiwasan kun'di manlumo sa nakakagulat at nakakatakot niyang anunsiyo. Halos lahat kami, ganun reaction eh. May pinabasa siyang mahigit 100 pages last week tapos puro dates at republic acts ang laman no'n!


Hindi ako nakapag-aral kagabi, shet! 


Tsaka, siya yung tipong prof na ahead of time magsasabi kung kelan siya magpapaquiz para daw handa kami pero iba ngayon eh. Anong awra 'yan, ma'am?


"Cal, beke nemen." Pabulong na tawag ni Shaira habang nagkukunwaring nakikinig sa prof namin.


"Tanga, mukha bang nakakapag-aral pa ako?" Sambit ko tapos nalungkot siya.


"Kailangan na ata nating gawin ang pinagbabawal na technique,"


"Ano?"


"Kodigo," Nakangising sabi nito habang nataas-baba ang kanyang kilay.


Pinitik ko ang noo niya. Jusko, mahirap mangodigo dito sa U.P 'no! Pwede kang ibagsak agad or ipa-suspend, jusko baliw na ata 'tong kaibigan ko kaloka.


"Ma'am, will there be choices given?" Tanong ng isang kaklase namin.


"No," Nakangising tugon ni professor. 


I heard a lot of gasps echoing inside the classroom. This professor is getting on my nerves. Ang hirap-hirap ng pinapagawa niya 'tas ipapag-quiz niya kami agad ng walang aral-aral. And that creepy smile is yuck!


"Ma'am," Itinaas ko agad ang kamay ko kaya naituon ang kanyang atensyon sa'kin. "Don't you think it's a little unfair for us, your students, to take your quiz without any notice from you before and without multiple choices? I remember your lecture last week, but it was full of Republic Act numbers and confusing dates."


"So?" Mataray na tanong niya sa'kin. "Everyone should've at least taken a peek from their notes before coming to this class. Why is this unfair? You're all COLLEGE students now! You should all be responsible enough!"


"Yes ma'am, I understand that but I hope that we can get a small consideration from you regarding this matter." I told her sternly. "Pag-iilaw started last week and there's that Christmas event plan. We've all been busy in cramming our other projects and subjects. Yes, we are students, but we are not robots."


Hinawakan ako ni Shaira sa kamay pero binitawan ko siya. Jusko, stressed na stressed na nga ako sa trabaho 'tas may paganito pa si ma'am? Malamang sa malamang, walang makaka-uno sa'min dito sa quiz kapag sinagutan namin ito ng walang choices o aral man lang!


Ma'am clicked her tongue. "Okay, here's a little reconsideration..."


Napangiti ako ng bahagya nang marinig 'yon mula sa kanya, pero mabilis ding napawi nung narinig ko yung susunod niyang linya.


"Everyone will receive a deduction of 5 points from this quiz and Ms. Suarez will personally receive a deduction of 10 points for meddling in this quiz too much, when all she needs to do is to listen and comply to my instructions."


"Ma'am?!"

"Huh?!"

"Lah, bobo?"


"Ma'am? Don't you think that's too much??" I furrowed my eyebrows at her.


I received a deduction of points... just because I spoke up my opinion?


Ma'am gave me a threatening glare so I just sat down, with Shaira holding my hand to give me comfort. Ma'am's actions reminded me of the higher ups. They'll give you an unfair punishment just by speaking up your thoughts. Why is the world like this? Are our opinions not validated just because our social status is low?


In the end, we took the quiz. Ang hirap at tama nga hinala ko dahil walang naka-uno sa'min sa quiz. Pasang-awa lang yung nakuha ko din doon. I heard some of my classmates giving me insults but I couldn't care less. None of them were brave enough to speak up at all. Wala nalang akong choice kun'di bumawi sa ibang assessments sa subject na 'to.


"Hoy, ireport natin 'yon girl." Naiinis na asta ni Shaira. "Tara na't magsumbong!"


" 'Wag na, dagdag issue lang 'yan." Sambit ko.


"Luh! Tama ba yung ginawa no'n??" Shaira pouted. "Narinig ko sa kaklase natin na galing sa divorce daw 'yon, kaya sa students niya binubuhos hinanakit niya."


"She's too immature!" I hissed.


"Oh, kaya nga! 'Pag diniretso natin 'yun sa dean, edi wala na tayong problema."


" 'Di mo sure," I bit my lower lip. "Kung totoo ngang wala na sila ng asawa niya at may anak si ma'am, 'tas matatanggalan siya ng trabaho, edi sino bubuhay sa anak niya? Nakakaguilty naman kung mawawalan siya ng pagkakakitaan nang dahil sa'kin."


"Ay taray, kaloka ka. Ang 'bait ha?" 


Kinurot ko yung kanyang siko bago kami tuluyan na umalis ng school. Sasamahan daw kasi ako ni Shaira sa cafe dahil gusto niya akong makitang mapahiya sa trabaho. Ang gago eh 'noh? Kaibigan ko nga pala 'yan, guys.


Nanibago nga lang ako pagpasok sa shop nung araw na 'yon.


Asrow was the only one missing from his circle of friends. Ayon kina Drew, busy daw sa school. Palagi daw pagod kaya hindi na masyadong nakakasama sa galaan at biking nila. 'Pag inaaya daw, sinasamaan agad sila ng tingin. Parang nireregla daw kasi sinusungitan sila amp. Palagi daw nila itong nakikita na may mga salonpas sa katawan.


Wala din akong balita kaya hindi ako makacomment sa mga sinasabi nila tungkol sa lalaki. Pero ewan ko ba, naiirita ako... Kasi wala akong mairita. Nakakainis 'tong feeling na 'to, ba't ako nagkakaganito?


Sakto, last day na ng school namin bago mag-sembreak. Sa araw na 'yon, sobrang halata na yung malalalim at madidilim na eye bags ko. Kinailangan ko pa itong tapalan ng makeup para lang hindi mahalata ng mga magulang ko kung gaano ako kapagod. Nasabihan pa ako ni Shaira na pumayat daw ako, dahil yung dati 'kong matataba at malalambot na pisngi ay lumubog at naglaho na parang bula.


Malapit naman nang matapos yung eskuwelahan kaya mababawasan ang paghihirap ko kahit papaano, kaya hindi na ako nag-aalala.


"Shuta, ba't ba ang init-init pero December naman?" Pagrereklamo ko habang papunta ako ng U.P. Bumili pa ako ng strawberry iskrambol para mahimasmasan ako ng kaunti.


Kanina pa ako nagpupunas ng pawis gamit yung bimpo ko. Ultimo pati 'yon, basang-basa na, parang binuhusan ng madaming tubig! 'Ramdam ko ding malamig yung pawis na lumalabas mula sa aking noo. Nararamdaman ko din na nahihirapan ako huminga ng maayos.


I've been feeling like this lately. Wala namang nangyayaring masama sa'kin pero 'di naman ata normal na ganito ang nararamdaman ko araw-araw.


"Hey Cally!" 


May lalaking ipinulupot ang kanyang braso sa aking balikat at hindi ko maiwasan kun'di mapakuba ng kaunti dahil sa bigat nito. 


"A-Asrow?" Nanghihinang tawag ko. 


"Oh ano, kamusta? Namiss mo ako 'no?" Nginisian niya ako ng malaki at tinignan ako sa aking mga mata, pero mabilis din itong napawi nung nakita niya ang paghihingalo ko. "Uy, okay ka lang? Ba't ang bilis ng tibok ng puso mo?"


"W-Wala 'to..."


"Pawis na pawis ka, Cally." Pinatigil niya kami sa paglalakad at marahan na tinignan ako ng maigi, na para ba akong isang nawawalang tuta. "Ayan oh, 'di naman normal yan! Anong wala yan?"


"Your eye bags even got darker." He commented.


Napaawang ang bibig ko sa kanya. Nahalata niya kahit may makeup na akong nilagay pantago doon? Okay, he has good eyes. 


"What have you been doing these past few days?"


Sasagot na sana ako pero nakaramdam ako ng isang matinding sakit sa ulo. Mas lumala ang hilo ko. Nagsimulang manlambot na din ang mga tuhod ko habang nakatitig kay Asrow. Nabitawan ko ang hawak-hawak 'kong iskrambol at tuluyang nagsarado ang dalawa 'kong mga mata. 


Ang huli ko nalang nakita ay si Asrow na nagpapanic at sinusubukan na abutin ko. I also heard him calling my name numerous times but I couldn't answer back.


It felt like... I was in complete darkness, a voided place, an eternity of emptiness. It swallowed my body and soul up whole as I got drowned in it. I was lying down on the ground, staring at the mystified surroundings.


For once, I find myself resting as my body tried to rejuvenate my tiredness.


***


I stopped seeing the void when my eyes slowly reopened. A bright and white light greeted me in a room with yellow curtains surrounding me. The scent reminded me of hospitals. May amoy kasi yung mga ospital na madidistinguish mo agad na ospital o clinic 'yon. 


Tumingin-tingin ako sa paligid pero may nararamdaman akong mabigat sa kanang kamay ko. My eyes darted towards that direction and saw another hand on it.


Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko si Asrow na nakahawak sa kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay. His head was leaning on it and it looked like he was praying for me. Nakapikit ang kanyang dalawang mata, tila nagpopokus sa ginagawa niya. 


While staring at him, I noticed that what Drew and the others told me before were all true. Madami ngang salonpas si Asrow sa katawan niya, hindi ko lang napansin nung una kasi nahihilo pa ako no'n. May salonpas siya sa kanyang kanang pisngi, sa kanyang dalawang braso at meron din isa sa leeg. What has he been doing these past few days?


"Asrow..." I mumbled.


Bigla siyang nabuhayan nung narinig niya ako. His eyes were widened as he looks at me. "Gising ka na?"


Inirapan ko siya. "Hindi ba halata?"


Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil bigla siyang tumayo at hinila ako papalapit sa kanya. He pulled me in for a tight hug. Naramdaman ko yung mabigat na paghinga niya sa leeg ko at yung malambot na paghaplos niya sa aking buhok. 


"U-Uy, Asrow?" I awkwardly called him.


"Napakatanga mo talaga!" Bigla niyang pagsinghal sa'kin pagkabitaw niya sa'kin. "Alam mo bang nahimatay ka sa arawan kanina?? Halata pa sa mukha mo na pagod na pagod ka! Tangina Cally, kung pagod ka, magpahinga ka! Huwag yung pagod ka na, mas lalo mo pang papagurin sarili mo! Are you an idiot?! Ang tali-talino mo pero ang kulit pagdating sa ganito!"


I flinched as his sudden change of mood. He's glaring at me, he's mad at me for real! Hindi ko maiwasan kun'di kilabutan sa madiin na pagtitig nito sa'kin.


"I-I'm sorry," I mumbled quietly.


"HMM?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano? Wala akong naririnig, ang hina ng boses mo!"


"I'm sorry..."


"Ano??"


"I'M SORRY!" Napasigaw tuloy ako ng biglaan, ampota!


He gave me a soft smile after hearing my words. "Don't apologize to me, apologize to your body instead."


"W-Whatever," Inirapan ko ulit siya at tumingin sa ibang direksyon.


"Stay here, I'll call the nurse. Kanina pa kasi tayo nakatengga dito ng anim na oras." He chuckled before scratching his cheek.


Nanlaki ang mga mata ko sa binulgar niya. "A-Anim na oras?!"


"Well yeah,"


"I skipped classes?!"


"Obviously,"


"Nagskip ka din?!"


"Yeah,"


"Why?!"


"May sakit ka eh. Why wouldn't I skip my classes for you?" Tinaasan niya ako ng kilay. He said that as if it wasn't a big deal!


"Huh? 'Kala mo naman jowa mo ako, baliw ka." Ako naman ngayon yung may ganang taasan siya ng kilay.


I was taken aback when he leaned into me closer. Napasandal ako ng sobra sa headboard ng kama dahil sa kanya. He was staring into my eyes deeply and like before, his eyes let me drown into them once more, without letting me find my way up. Asrow  gave me his best smile as his dimples showed at his cheeks. 


"Not yet," He said softly.


"W-Wew, d-dami mong alam!" I lightly pushed him away as I heard him laugh. I knew it! Pinagtritripan niya nanaman ako, jusko! May sakit na nga ako 'tas mantritrip pa yung impakta ah.


"I'll be right back, rest for now again. We'll need to hear directly from the nurse about your condition." He pat me twice on my head and tucked my blanket underneath. "Kung gutom ka, may binili akong sopas dito, ayun oh nasa lamesa lang pero baka malamig na 'yon kasi kanina ko pa binili. May tubig at vicks ka na din diyan, bumili na din ako salonpas para sayo. If you need anything else, you can just tell me, okay?"


"T-Thanks," I mumbled once more. 


He opened up the curtains so he could get outside. He took another peek at me before closing it again. I could hear his voice talking to the nurse in charge of the clinic at this hour. Sa sobrang lakas ng boses ni Asrow, narinig ko yung kaunting pagtratrash talk niya tungkol sa'kin dahil sa kakulitan ko ugh.


I've really overworked myself this time. I've gone past my limits. I collapsed because I was doing a lot of things simultaneously, without resting for a bit. I guess, me collapsing is my body's way of saying that I've done enough for now and that I should take a break.



"Tangina Cally, kung pagod ka, magpahinga ka! Huwag yung pagod ka na, mas lalo mo pang papagurin sarili mo!"



Asrow's words echoed inside my head. May punto siya. Nagalit siya sa'kin kanina kasi may pakielam siya. He cares about my health. He didn't go to his classes today just so he could look after me in this clinic. He went through a lot of trouble of buying me food and medications for my headaches and body ache.


I clenched my fist before putting it on top of my chest, where my heart lies. I clicked my tongue as I heard it beating... faster than usual.


I don't know if the feelings I have is a bad omen or not. I don't know if I should let it out freely or not. I don't know if I should forget about this feeling now so I wouldn't have to worry about it later. I don't know if I should control this now...


Because I don't want to regret anything anymore.


***


[A/N: Sorry medyo naging inactive sa Wattpad kasi nagstart po ako ng business sa Telegram hehe <3 I sell game credits and do editing commissions po and don't worry, it's all legal po. Thank you guys for waiting! Will update as soon as possible again.] 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro