Chapter 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[A/N: Long chapter, pambawi.]


***


The nurse prescribed me some medications that can help me deal with my tiredness. Sinabihan niya din ako na huwag na munang magtrabaho ng sobra at baka mas lumala pa yung nararamdaman ko. Hindi ko na pinaalam kina mama na nahimatay ako sa school at baka pilitin nila akong mag-quit na sa trabaho ko. 


I went back to my previous schedule at work, yung may pahinga ako tuwing Sabado at Linggo. Nabawasan yung perang natatanggap ko doon pero okay na 'yun. The manager completely understood my situation and gave me tips from time to time. 


Nung dumating yung pasko at new years, sa bahay lang kami nag-celebrate. We didn't go anywhere because my family and I wanted to keep company for ourselves. We shut our shop down temporarily and had a great family time together. Parang wala kaming problemang nagsalo-salo sa hapagkainan at nagkukwentuhan, nagtatawanan. I missed us being like this, just being with ourselves and laughing wholeheartedly.


The months after that, were just full of shits, breakdowns, and hell weeks. Mahirap maging college student, sa totoo lang. Mahirap umabsent kahit isang araw o isang subject lang 'yan, kasi madami ka agad hahabulin na requirements or mga gawain. Mahirap kasi hindi ka pwedeng gumala basta-basta, lalo na't tambak mga pinapagawa lagi. Gosh, teacher nga hindi makaturo ng sampung subjects, 'tas eexpect niyo na matatandaan ng mga estudyante yung sampung subjects? Jusmiyo.


Dumaan ang isang taon na parang bulang pinutok lang. Ang bilis 'no? It's mind-blowing how time can truly fly so fast. Thank God, I was able to survive that stressful and unpleasant year. We were all in our 3rd year of college now and things got harder eventually. Tulad nung kay Shaira, kinakabahan daw siya para kay Castriel dahil magbabattery exam na sila ngayong taon. Tapos, tulad pa nito...


"Huh? May nagtayo ng panibagong carinderia sa tapat?" Nakataas-kilay 'kong tanong kay mama pagkatapos 'kong kumain ng umagahan.


"Oo 'nak eh," Pilit na ngiti ang pinakita sa'kin ni mama. "May ka-kompetensiya na tayo."


"Tanga ba sila? Bakit sila dito magtatayo ng business kung alam naman nilang meron na tayo? Mga gago 'yun ah!" Naiiritang pagrereklamo ko sa kanya. Ugh, this is so irritating! Ngayon lang nangyari 'to sa'min! Never pa kami nagkaroon ng kalaban sa carinderia.


"Ewan ko ba doon, 'nak. Regular customer natin 'yun dati eh, biglaan nalang siya nagtayo 'tas sa tapat pa talaga natin."


"Hampaslupa yung asungot na 'yun ah!" Nanggigigil na reklamo ko. "De, sigurado naman akong mas masarap yung luto mo kaysa sa inggiterang 'yon ma."


Tinawanan ako ni mama. " 'Yun nga lang, mas bata siya kaysa sa'kin. Mas gusto nung mga customers yung mas bata para makalandian, pati yung malalaki daw mga suso."


"Men should never view women as sexual objects, ma. You have your own unique qualities and they do not have the right to criticize you for being old." I defended. "Tsaka, pumupunta sila dito kasi gusto nila kumain, hindi para lumandi. Bakit ba mga babae tinitigan nila eh hindi naman tayo pagkain?"


My mom sighed at my words. "Men are trash, dear."


"Not all men are trash," I told her. "Sinasabi ko lang kasi may mga nagagalit pag 'di 'yun sinasabi. Masyado daw ginegeneralize ang mga kalalakihan."


"Kung nagagalit sila, baka natamaan? Joke lang haha. Oh siya, pumasok ka na anak. Baka ma-late ka pa sa school." Pagpapaalala sa'kin ni mama nung nakita niya kung anong oras na.


"Hays ma, sige po." 


Nag-mano po ako kay mama bago ako lumabas ng bahay. Bumati ako sa mga kapitbahay namin na nadaanan ko lang palabas ng village namin. Nakita ko pa nga si Ate Loida kasama yung mga ka-chismisan niya sa kabilang kanto, inirapan ko lang siya ew.


Speaking of her, sa pagkakaalam ko, nakabayad na sina mama at papa ng kalahati sa kanya. Gusto niya pa ngang patungan ng sampung libo, pero pota siya. Baka 'di niya alam na law student binabangga niya.


I tied my hair into a high ponytail when the sun's heat touched my skin. Parang awtomatikong lumabas yung pawis ko mula sa noo dahil sa araw. Napapunas pa tuloy ako ng pawis pagpasok ng school at nakailang paghawi ako sa buhok ko. May mga estudyanteng napatitig sa'kin nung ginawa ko 'yon.


"Morning," Biglang sumulpot si Asrow sa tabi ko, pagkapasok ko palang ng entrance.


"Good morning?" Naguguluhan na bati ko habang hinahawi ng maayos yung buhok ko. "Nakakagulat ka naman!"


He chuckled. "I saw you entering the school. Gusto kita batiin eh, masama ba?"


"Hindi,"


Asrow was wearing a black shirt with a minimalist retro design on the middle. He was also wearing a light brown slacks, partnered up with his usual sneakers. Kapansin-pansin pa din ang itim niyang hikaw sa kanyang kanan na tenga at halatang nag-ayos siya ng buhok ngayon dahil mukhang naka-pomade ito. 


"May something ba sa mukha ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. 


"Hmm?" Bahagya siyang tumingi sa'kin at tinitigan ako saglit. "Wala naman, pero may isang tanga akong nakikita ngayon."


Hinampas ko siya gamit yung bag ko, jusko! Hindi mo talaga 'to makakausap ng matino! 'Tamo, tinatawanan pa talaga ako kaysa seryosohin ako amp!


"Ano ba! Baliw ka talagang bakulaw ka," I hissed at him while walking.


"Why, I feel flattered, thank you." Hinawakan niya ang kanyang dibdib at nag-akto na touched na touched siya sa sinabi ko!


Hinayaan ko nalang siya, 'di naman issue o big deal sa'kin yung may mga tumitingin sa direksyon ko. We both had to separate our ways when I reached my classroom. Sa ibang floor at room pa kasi si Asrow, hindi ko alam kung bakit niya pa ako sinamahan papunta sa room ko eh. 


"Wow ha, sana all may taga-hatid ng room." Pang-bati na asar ni Shaira pagkaupo ko palang sa tabi niya. "Ano ka, batang iiwanan sa nursery?"


"Inggit ka lang kasi 'di kayo magkasabay ni Castriel ngayon," Nakangising pang-aasar ko sa kanya.


" 'Teh naman, battery exam ugh." Reklamo nito bago ako inirapan. " 'Di tuloy kami nakakatambay madalas kung sa'n-sa'n."


"Girlfriend ka?"


"Girl friend ako, may angal ka??"


I giggled at her outburst. "Pa'no naman si Silas?"


" 'Teh ha, 'di ko type 'yon, mahabangin! Tsaka, ba't ba sa'kin napunta yung topic eh ikaw naman yung may taga-hatid ng room!" She pouted.


"Wala ka kasing taga-ganon," I teased again. 


"Ewan ko sayo, may label ba? May label ba kayo??"


"Tanga, 'di naman kami baliw ka." Nawala yung ngiti sa labi ko at tinaasan siya ng kilay. 


"Hindi kayo? Ahh, hindi pa pala kayo sa lagay na: umabsent si Asrow ng isang araw para alagaan ka last year, sinusundo ka niya tuwing naulan o wala kang masakyan galing sa trabaho, binabati ka tuwing umaga, hapon, at gabi. Pero teka, pang-friendship lang pala lahat ng 'yon? Ahh sige, 'di ako na-inform."


"Ganun din naman kayo ni Castriel ah," I fired back.


"But there's a difference between my friendship with him and your friendship with Asrow," She said before smiling. "Aminin mo na kasi, crush mo si Asrow 'no? 'No??"


"Huh?" 


'Di ko na siya nasagot ulit kasi pumasok na yung teacher sa room namin. Nagsimula din naman yung klase namin kaya doon na nakatuon yung buong atensyon ko. Nothing new happened in this class kasi pinapagawa kami ng law review paper. Halos mangiyak-ngiyak ako nung last time akong nagsulat ng ganito dati. You have to be always double check your words and footnotes. 


Pagkatapos nung subject na 'yon, pumunta kami ng cafeteria para mag-lunch. Syempre, auto lungkot 'tong si Shaira kasi wala si Castriel, nag-aaral daw kasama mga ka-blockmates. And surprisingly, even though Castriel's not here, Wyatt's here at our table. May dala-dala siyang mahabang lalagyanan, para ata sa mga plates nito. 


Wyatt sat next to me while Shaira sat opposite from us. Ang 'tindi pa ng pag-irap nito sa'min, 'kala mo umikot ng 360 degrees yung mga mata.


"Edi sana all kasama si crush," Masungit na saad nito.


Nakita ko na bahagyang namula ang mga pisngi ni Wyatt. 'Di ko alam kung gusto niya talaga ako pero siya yung tipo ng lalaki na masasabi mong torpe. He's not doing anything that can deepen our bond more, not that I was expecting him to do anything...


Because I was expecting someone else...


Potangina, sinampal ko agad ang sarili ko. Cally, ano ba 'yang mga naiisip mo?! Jusko!


"Luh, tanga na talaga." Komento ni Shaira nung nakita niya ang ginawa ko.


"Ang epal mo gurl!" Natatawang saad ko kasi bad mood na bad mood talaga siya porke't nawawala crush. "Nung nandito si Castriel, palagi mo siyang inaaway 'tas ngayong nawawala siya, hinahanap-hanap mo. Siraulo ka din pre,"


" 'Yun na nga point! Wala akong kaaway!" She pouted even more. 


"Do you want me to call him? I think he's going to be on his break soon." Wyatt suggested, upon seeing Shaira's distressed face.


Agad naman na nanlaki ang mga mata ni Shaira. "Hoy! Ano? Nagrereply ba yung tukmol na 'yun sayo??"


"Uh, yeah. Kakachat niya lang,"


Napangiti ako ng wagas. "Oops... Diba Shaira, ikaw yung best friend simula nung bata pa kayo? Eh ba't si Wyatt nireplyan 'tas... ikaw... hindi? Hehe,"


"Napaka-ano niyo!" Ginulo-gulo ni Shaira ang kanyang buhok habang tumatawa ako sa kanya. Nakitawa din si Wyatt dahil katawa-tawa naman talaga si Shaira ngayon.


"You'll see him later," Wyatt chuckled.


"Hay nako! Cal, pupunta ako sa inyo ngayon. Kailangan ko matikman yung luto ni tita, kailangan ko 'yun para magka-energy." Shaira declared. Tinignan niya ako ng mariin, "Pwede naman ako tumambay diba?"


"Malamang, tanga ka na talaga." Inirapan ko 'to habang nakangisi.


"Mana sayo, 'wag kang magmalinis!"


"Can I come too?" Wyatt looked at me and asked that. Medyo malapit ang kanyang mukha sa mukha ko, kaya napalayo ako ng kaunti.


"P-Pwede naman," I told him, trying to avoid his gaze. 


"Nako Wyatt, makikilala mo na ang future parents in law mo haha! Magaling si tita magluto, promise!" Pumalakpak at humalakhak si Shaira, tuwang-tuwa ah!


Sinamaan ko siya ng tingin habang si Wyatt naman ay namula nanaman ang mga pisngi. Mukhang may sasabihin pa ata siya pero natigilan nung may lalaking biglang siniksik yung sarili niya sa pagitan naming dalawa. He technically pushed Wyatt to move aside and let himself sit by my side. 


"Hello, sorry I'm late. May na-missed ba ako?" Painosenteng tanong ni Asrow.


Nakita ko ang malaking ngiti na sumilay sa bibig ni Shaira kaya tinakpan niya ito agad at tumingin sa ibang direksyon para hindi mapansin nina Asrow. I looked over at Wyatt and saw him glaring at Asrow, but Asrow wasn't giving him any attention. Parang wala siyang pakielam sa ginawa niyang pagsiksik kanina eh.


"EHEM, selos, EHEM!" Mabilisang singhal ni Shaira bago uminom ng tubig. 'Kala mo naman napakagaling umarte, wew. 


"Tsk, show-off." Mahinang pagpaparinig ni Wyatt bago uminom ng tubig at gaya ng inaasahan ko, hindi ulit siya pinansin ni Asrow.


Tinignan ako ni Asrow bago nginitian. "Ano meron? May gala ba kayo?"


"Pupunta daw sila sa'min," Sagot ko bago ko iniwasan ang titig niya. Naka-apat na oras na kami sa school pero bakit ang minty pa din ng hininga niya? Amoy na amoy ko yung bango eh! Ang unfair ha, nakaka-insecure tuloy! 


"Talaga? Sama ako," Nakangiting saad nito. 


"Hindi ka invited,"


"I'm inviting myself, is that a problem?"


"Oo, problema 'yon."


"Ayaw mo ba akong kasama?"


Wala akong nasagot doon. Narinig ko ulit ang pagtawa ni Shaira at malamang puro kalokohan nanaman ang nasa isip nung babaeng 'yon.


"Uy, nawala dila mo 'teh? Asan yung sagot?" Natatawang pang-aasar nito sa'kin, ang galing!


Inirapan ko sila bago ako kumain. Wyatt stayed quiet while Asrow kept on talking to me. Si Shaira naman, ayun, maghapong nakatitig lang sa kanyang cellphone kakahintay sa lalaki. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit parang ang init nung ulo ni Wyatt kay Asrow eh magkaklase silang dalawa? Mukha pa nga silang magkaibigan dati eh. 


Nagsibalikan din kami ulit sa kani-kanilang mga rooms. Todo asar pa yung ginawa sa'kin ni Shaira doon, jusme! Kesyo nagseselos daw si Asrow kanina kasi magkatabi kami ni Wyatt, as if! Halos hindi ako maka-concentrate sa klase kasi tuwing titingin ako kay Shaira, ngingisian niya ako, 'lam na agad na nang-aasar ampota.


Nung dumating yung uwian, lahat kami ay nakisakay sa kotse ni Wyatt. Dapat ako yung nasa shotgun seat pero inunahan ako ni Asrow. Mas gusto niya daw doon kasi mas komportable daw siya doon, kaya sa likod nalang kami ni Shaira umupo. Wala naman akong reklamo doon eh. Tinuro ko nalang kay Wyatt yung direksyon na papunta sa'min. Hindi naman kalayuan kaya nakadating kami agad doon.


"Tita mommyyy! Namiss kitaaa!" Tumakbo agad si Shaira papunta kay mama at niyakap ito.


"Hija, nandito ka pala!" Gulat na bati kay Shaira at niyakap din siya pabalik. "Tumangkad ka hija, ha? Gumanda din! May boyfriend ka na ba?"


"Hehe, wala po." Malungkot na sambit ni Shaira.


" 'Teh ikaw ba yung anak, mas nauna ka pang bumati kaysa sa'kin." Mataray 'kong saad kay Shaira, na nakayakap pa din kay mama.


"Eh mommy ko na din siya!" Shaira pouted like a baby.


" 'Nak, 'di mo naman sinabi na may mga bisita ka pala. Sana nagsabi ka para mas nakapaghanda pa ako." Sambit ni mama habang nakatingin kina Shaira, Asrow, at Wyatt. "Oh, sino naman yung dalawang ito? Manliligaw ni Shaira?"


Napabitaw agad si Shaira kay mama. "Tita mommy, hindi ko sila manliligaw! Pero future manliligaw ng anak niy-"


Tinakpan ko agad ang bibig nung babaeng 'yon, bago pa siya makapagsabi ng hindi maganda. Ganito talaga yung amats nito ngayon, wala kasi si Castriel bwiset!


"Nako ma, mga kaibigan po namin sila. Madalas namin sila nakakasama sa lunch breaks. Siya po si Wyatt 'tas si Asrow, parheong architect students sila ma." Masayang pagpapakilala ko sa dalawang binata kay mama. 


"Hello po," Wyatt gave mom a small smile. 


"Good afternoon po tita," Inilahad ni Asrow ang kanyang kamay sa harapan ni mama bago ngumiti ng wagas. "Asrow nga po pala, pinaka-poging kaibigan ng anak niyo!"


"Ay wow," Natawa si mama sa pagpapakilala ni Asrow bago siya nakipag-shake hands.


Napansin ko na inismiran ni Wyatt si Asrow bago siya pumunta kay Shaira at tumabi lang sa side nito. Mukhang may tinatago talaga siyang inis kay Asrow ah.


"Oh siya siya, pasok na kayo! Hahandaan ko kayo ng merienda sa loob, tamang-tama kakaluto lang nung dinuguan at braised chicken. Mainit na mainit pa 'yun, tara na." Inaya kaming lahat ni mama na pumasok sa loob ng carinderia para makakain.


I couldn't help but feel sad when I saw that mom doesn't have any customers inside her carinderia. Kanina nung nasa labas pa kami, napansin ko na matao yung carinderia sa kabila at puro mga suki pa 'yun ni mama ha! The owner of that carinderia is a bitch and a snatcher!


"Umupo nalang kayo kahit sa'n, wala namang ibang customers." Mom gestured for us to choose a table with a smile plastered on her face.


"Luh tita, tumal po ba? Parang dati palaging punuan dito ah," Malungkot na tanong ni Shaira.


"Haha, hayaan na hija."


We chose the table that's closest to counter.  Pinapili namin sila ng pagkain na gusto nila at tinulungan ko si mama na maghanda no'n. Nanibago ako nung pumasok ako ng kusina namin, kasi walang tambak na hugasin, 'di tulad nung dati. Lahat ng mga plato at ibang kagamitan sa kusina ay malilinis eh 'tas yung mga niluto ni mama, mukhang hindi pa masyadong nababawasan.


" 'Nak, hindi ba nakakahiya na ganito yung plato natin?" Tanong ni mama habang naglalagay siya ng dinuguan sa isang mangkok.


"Ma? Anong masama? Ang gaganda kaya ng mga plato natin," I snorted.


"Eh 'nak, halatang luma na eh. Gusto mo bang ilabas ko yung mga plato na niregalo sa'min nung kinasal kami ng papa mo? 'Yun, mukhang pang-mayaman talaga."


"No need na ma, dagdag lang 'yun sa hugasin. Tsaka, 'di naman sila maaarte eh."


"Sure ka 'nak ha? Ayoko kasing mapahiya ka," Mom gave me a warm smile after readying the food.


"Opo ma,"


Kinuha ko yung mga plato, kutsara, at tinidor habang si mama naman ang nagdala ng pagkain namin. Lumabas kami ng kusina at nilatag yung mga kakainin namin sa lamesa. Lumabas agad yung mabangong aroma na galing sa mga niluto ni mama at talagang pinagutom kami lalo eh.


"Tita mommy, amoy palang masarap na agad, grabe ka!" Komplimento ni Shaira, na mukhang maglalaway na.


"This certainly looks delicious ma'am," Nakangiting saad ni Wyatt.


"Nako, 'wag mo na akong tawaging ma'am." Ani ni mama bago tumawa.


I looked over at Asrow and saw him looking at the dinuguan on his plate. Para siyang nakikipagtitigan sa pagkain niya, 'kala naman niya magsasalita 'yon o gagalaw ng mag-isa. 


"Oh Asrow, ano tinitingin-tingin mo diyan?" I asked him curiously. "First time mo bang makakita ng dinuguan?"


As I've expected, hindi niya ako sinagot. Kumuha siya ng kutsara at kumuha ng dinuguan at kanin. Tinitigan niya muna ulit 'to bago niya ito sinubo ng buo sa kanyang bibig. Pinikit niya ng mariin yung kanyang mga mata habang marahan na nginunguya ang kanyang pagkain.


"Masarap ba hijo?" Kinakabahan na tanong ni mama kay Asrow. 


Doon ko lang napansin na lahat na pala kami ay nakatingin kay Asrow. Wow, ano siya t.v show? Galing nga pala sa mayamang pamilya si Asrow, kaya baka ito yung unang beses niyang makatikim ng dinuguan.


Binuksan niya ang dalawa niyang mata at tumayo, bago suminghal ng, "TITAAA! ANG 'SARAP, SOBRA SOBRA POOO! FIRST TIME KO PO MAKATIKIM NG GANITO AT HINDI PO AKO NAGSISI, TITAAA!"


Natawa kami sa kakaiba at malakas na reaksyon nito, maliban kay Wyatt. Tuloy-tuloy na siyang kumain kaya nakisabay na din kami sa kanya. Talaga namang masarap yung luto ni mama eh. Yung tipong, isang tikim palang, ma-iin love ka na agad! Pwede ngang ilaban si mama sa mga fast food restaurants diyan eh, sige!


Kung may pera lang talaga ako, matagal ko na pinagawan ng malaking restaurant si mama. Tsaka, doon dapat 'yun sa mga matataong lugar para maging kilala agad yung store ni mama. 


"Oh siya, kain lang kayo ha? May aasikasuhin muna ako sa loob mga hijo at hija," Nakangiting pamamaalam ni mama sa'min.


"Sige lang po tita mommy, kami na bahala dito!" Sagot ni Shaira.


Binigyan ako ni mama ng isang halik bago siya pumasok sa loob ng bahay namin. Hindi ko alam kung ano yung gagawin niya, pero baka mag-kwekwenta siya ng pera namin sa loob. Mag-aasikaso din ata siya ng mga bills namin sa bahay.


"Grabe, ang 'sarap pala magluto ng mommy mo, Cally." Natutuwang saad ni Asrow sa'kin. "Pero ba't parang 'di ka nagmana?"


Dinuro-duro ko siya gamit yung tinidor ko. "Hoy, marunong ako magluto!"


"Sus! Kung kay tita may pagka-brown pa yung dinuguan, sayo siguro literal na itim na haha," 


"Ulol, asa!" I pouted at him. Marunong naman talaga ako magluto, hindi nga lang kasing-galing at kasing-runong ni mama.


"Hoy kayong dalawa ha, nandito din kami ni Wyatt. Beke nemen kausapin niyo din kami hehe," Singit ni Shaira sa usapan naming dalawa.


"Where's Castriel?" Nagtatakang tanong ni Asrow.


"Busy," Shaira snorted.


"Ahh busy? I saw him talking to a girl earlier, busy pala makipag-landian?" Nakangising pang-aasar ni Asrow sa babae.


"S-So?? W-W-Wala akong pake!" Shaira literally pouted and gave Asrow a small glare. 


"Should I call him for you?" Wyatt offered. "He's still replying to my messages, you know? But I don't know why he's not replying to your messages."


"HAY NAKO, TANTANAN NIYO NA AKO PWEDE BA??"


The three of us laughed at Shaira's sudden outburst. Naawa tuloy ako sa kanya dahil kanina pa namin siya inaasar sa pagkawala ni Castriel. Nagpatuloy kami sa pagkain 'tas naubos namin 'yon pagkatapos ng ilang minuto. 


Nanghingi pa nga ng second servings sina Asrow at Wyatt dahil nasarapan talaga sila sa luto ni mama. After eating, the three of them tried to pay me for the food they ate. Syempre, hindi ko 'yun tinanggap kasi mga bisita ko sila ngayon. Hindi sila nandito as customers, they're here because they're my guests. Tsaka, si mama na din mismo nagsabi sa'kin na huwag na silang pagbayarin.


"Bruha ka talaga, ikaw na nga 'tong binabayaran, 'tas tatanggi ka pa?" Naiinis na saad ni Shaira.


"Tanga, sa inyo na nga 'yan. Libre ko na 'to sa inyo," Natatawang sabi ko dito.


"BRUHA KA! Pili ka: Tatanggap o tatanggap??"


"Are you sure?" Wyatt asked back. "Because this is your family's business. You shouldn't make this free just because we're your friends. That'll be unfair on your side."


"Oo nga, ang kulit!" I told him and smiled. "Okay nga lang, tsaka mga bisita ko kayo, hindi customers. Pwede naman namin mabawi 'yun sa pagtitinda ulit sa ibang customers eh, kaya hindi na 'yun problema."


"So... If you don't mind me asking," Asrow suddenly said, which made me pay attention to him. "Bakit walang customers si tita ngayon? Her food is delicious, so why aren't there any customers here? The place looked like it's deserted since morning."


"Uh..."


The other two looked curiously about Asrow's statement as well. Gusto ko sanang sungitan si Asrow, pero... Kataka-taka din naman kasi talaga. Well, they're my friends. I guess I can let them in about the witch from the other side of the street.


So ayun, sinabi ko sa kanila yung ginawa nung impakta sa kabila, na dahil sa kanya, nagkaroon ng kakompetensiya si mama. The looks on their faces were predictable; they were all exasperated and indignant.


"Luh, gago ang kapal nung mukha nung hinayupak na 'yun ah!" Wagas na pang-iinsulto ni Shaira.


"Well, that's not too surprising. Having a competitor in a business is normal, but what your neighbor did was just too out of the line." Sabi ni Wyatt habang napapailing.


"Hayaan niyo na," I sighed. "Wala rin naman kaming panlaban. Alangan naman mag-bikini ako para lang mapansin yung carinderia."


" 'Wag gurl, gosh! It's not worth your time," Ani ni Shaira. 


"But you can think of a strategy you know," Seryosong sabi ni Asrow. "Diba kapag may labanan, dapat may maayos na plano kayo para manalo?"


"How?" Tinaasan ko siya ng kilay. 


Wyatt suddenly clicked his two fingers together. "Ah, I'll promote your carinderia. I'll send out flyers outside. That's what people usually do in order for their shops to get known, right?"


"Ha? Sa'n ka naman makakakuha ng flyers?" Nagtatakang tanong ko.


But he just gave me a big smile. "Editing's my specialty. I'll get onto it right away."


"EHEM sana all," Shaira faked a cough 'tas iniwasan yung masama 'kong tingin sa kanya.


Wyatt pat me on my right shoulder and said, "I'll edit now and I'll be right back again with my proposed design. Is that okay with you?"


"H-Ha?" Magsasabi sana ako na huwag nalang pero napaka-earnest ng mga mata niya, yung halatang gusto niya talaga 'tong gawin para sayo. "... S-Sige, pero kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo ako agad, ha?"


"Of course, anything for you." He said before smiling again.


I heard Asrow scoffed at Wyatt's words before rolling his eyes. "Show off,"


Ano bang problema nung dalawang ito??


Nagpaalam na si Wyatt na aalis na siya para makapag-conceptualize ng pang-flyers ng shop namin. Nacutan ako sa part na, nagpaalam pa talaga siya kay mama bago umalis kasi nakakabastos daw kung aalis nalang siya bigla ng walang sinasabi sa guardian. It's a softy action.


"Uy Asrow, galaw galaw ka ano na?" Siniko-siko ni Shaira ng ilang beses si Asrow. "Naunahan ka, payag ka do'n?"


"Pinagsasabi mo ba diyan, Shaira?" Nakakunot-noo 'kong tinanong sa kanya. 


"Wait, I have a suggestion," Asrow suddenly said before looking at me with his dedicated eyes. "... But first, do you have a guitar at your home?"


"Ah oo, kaso baka out of tune na. Bakit?" Sagot ko. Meron kasi akong gitara sa kwarto. Niregalo lang siya sa'kin nung cheater 'kong ex, pero ni isang beses ay hindi ko pa ito nagagamit. 'Di ko din kasi trip mag-gitara.


"Let me borrow it," He said as his eyes glistened with joy. "Hindi ko hahayaan na matalo ako ni Wyatt."


Kinurot ako ng madiin ni Shaira bago siya tumili-tili ng parang sirang plaka. "Yieeee! Ano ba, ang haharot niyo ha! Batukan ko kayo diyan eh!"


"Ikaw ang unang babatukan ko, ungas!" Binatukan ko nga siya 'tas pinitik pa sa noo.


"ARAY NAMAN 'TEH! Ganyan ba epekto ng love triangle??"


Inirapan ko siya bago ako napatingin kay Asrow. I saw a small blush on both of his cheeks, while ruffling his hair and avoiding my gaze.


Agad akong lumingon 'tas pumunta sa loob ng bahay para kunin yung gitarang hinihiram ni Asrow. I must be blind, honestly. Asrow... is... blushing?? Wew, asa! Baka may lip tint lang siya sa mga pisngi niya kaya mapula ang mga ito kanina.


I grabbed my blue guitar from my cabinet before I went downstairs. I saw Asrow sitting on a chair outside while Shaira was standing next to him. Hindi naman ako tanga o bobo para hindi maintindihan kung ano yung ideya na sinasabi niya. Sa pwesto at gitara palang, kita mo na agad eh.


"Sigurado ka ba dito?" Tanong ko sa kanya bago ko inabot yung gitara ko sa kanya.


He chuckled. "You don't believe me?"


" 'Di uhm... Baka pagkaguluhan ka dito, diba? Sikat ka sa YouTube eh, delikado na Asrow." I told him, clearly concerned.


"That's the idea, Cally." He explained. "Madaming tao ang pupunta dito, dadami mga customers niyo, plus hindi na malulungkot si tita dahil wala siyang naging customer ngayong araw."


" 'Di mo naman kailangan gawin eh," 


"I'd do everything for you, Cally." Sabi nito bago ako binigyan ng isang matamis na ngiti. Nagpakita nanaman ang dalawa niyang dimples sa pisngi. "Just sit back, relax, and watch me do my magic for you."


He positioned himself with his guitar. Napatabi nalang ako kay Shaira nang nagsimula na siyang tumugtog ng isang classic at pamilyar na kanta. It's one of the old songs in OPM but it stills brings you back the chills and excitement because of the embedded lyrics and meaning. 


"Heto ka na naman kumakatok sa 'king pintuan
Muling naghahanap ng makakausap" 


He sung loudly. There weren't any microphones so he had to raise his voice so that other people could hear him. May mga tumingin sa pwesto namin galing doon sa carinderia sa kabila, tila napatitig sa kagwapuhan at kagalingan ni Asrow sa pagkanta at sa pag-gitara.


"At heto naman ako,
Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan"


Kinalabit ako ni Shaira 'tas pinakita sa'kin yung phone niya. May nakatipa na message doon, 'Nag-order ako ng karaoke machine. Padating na daw, it's on me. Don't worry, Cally :> ' . Sinimangutan ko siya pero niyakap niya lang ako habang nakikinig kami sa kanta ni Asrow.


His voice was still the same; it still sends chills down through my spine. The fact that he always hit the tone and rhythm correctly made me feel like I wanted to hear more of his voice and songs. Bonus pa yung itsura niya ha?


"Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay 'di mo makita

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa"


"Gurl, nakatingin siya sayo kanina! 'Di mo napansin?" Kinikilig na tanong ni Shaira.


"Uy tangang 'to, 'di ako feeler." I giggled while shaking my head.


"Luh sige, magpakatanga ka pa."


Hindi ko napansin pero may tatlong babae na nanonood sa pagkanta ni Asrow, 'tas mukhang kinikilig pa sila sa kanya. Base sa kanilang mga itsura at mga damit, nasa high school palang sila. They looked like they just got home from school.


Bigla sila nilapitan ni Shaira. "Hi mga bagets! Ang ganda ng boses ng kuya niyo 'no? Pero baka mapagod at magutom kayo kakatayo diyan. Tara na mga bagets sa loob! Pwedeng-pwede kayong kumain 'tas may unli OPM songs ka pang maririnig. Budget friendly pa man din yung mga presyo dito, uy. Kung gusto niyo din magpapicture kay kuya doon sa harapan, pwedeng-pwede pagkatapos niyang kumanta! Oh sa'n ka pa? Dito na! All in package na 'to, 'di na kayo lugi!" 


Nagtinginan muna yung tatlong babae sa isa't-isa bago sila nahikayat ni Shaira sa loob ng carinderia namin. Napapasok tuloy ako kasi kailangan ko silang asikasuhin. Hindi naman gaano karami yung mga orders nila kaya hindi naman ako nahirapang dalhin 'yon sa kanila.


Shaira helped me entertain these high school girls. She has always been good at striking conversations to strangers because she's both interesting and talkative, unlike me, who's the complete opposite of her. 'Di ako marunong makipagdaldalan sa mga taong kakakilala ko lang. Ako yung tipo ng tao na, gusto ko sila yung mag-uumpisa ng kwentuhan eh.


"Ang kulang na lang,
Mahalin mo rin akong lubusan"


As Asrow kept on singing, a lot of people got interested in him and the carinderia. Mom had to go back to work because the longer Asrow sung, the more people came in to order. Shaira helped us out and it made our work easier because while we're busy preparing their food, Shaira entertained the guests and made funny jokes. 


Napahugas ako ng madaming pinggan sa loob ng sunod-sunod dahil sa mga customers. They were enjoying our food and Asrow's songs a lot! I can tell that because some of them ordered another meal, even though they already had one before. Plus, Asrow's soothing voice helped them with their appetites.


Asrow had to take a break after finishing ten OPM songs in a row, wow! Halu-halong genre pa 'yun, hindi lang puro love songs yung theme nung kanta. Madaming nagpapicture taking sa kanya tapos madami ding nakakilala sa kanya dahil sa kanyang YouTube account. The whole carinderia was in a disarray because of his presence.


"Kuya, kuya, ilang taon ka na?"

"Kuya, college ka na po ba talaga? Mukha kang high school po!"

"Ang pogi niyo talaga sa personal huhu,"


I could hear their voices clearly even though they were outside, with Asrow. Nagmukhang meron kaming autograph session sa labas dahil sa mga nakapila at nagkakaguluhan na mga tao doon. Buti hindi kami naireklamo ng mga kapitbahay dahil sa ingay.


"Kuya, may girlfriend ka na po?"


Asrow chuckled, "None."


"Kuya, bakit 'kung ako nalang sana' yung una mong kinanta? May dinadamdam ka ba?" Tanong nung isa sa mga babaeng dumidikit sa kanya.


"Hmm, maybe?" Pa-curious na sagot nito.


"Ano po 'yun, kuya? Kwento ka naman diyan!"

"Oo nga kuya, sino po ba 'yun?"

"Kuya, ako ba 'yun?"


He then chuckled at the amount of questions he's been receiving continuously. "... If you ask me, it's kind of dedicated to this certain woman..."


"YIEEEEE AKO PO BA 'YAN?!"

"Kuya, sino ba?!"

"Kuya, ako talaga 'yan 'no? Oh siya, sinasagot na kita."


"But she doesn't likes me back," He bitterly smiled at the girls, asking him about the song's meaning to him. 


"Bakit? May jowa ba si girl?"

"Luh, why naman ganun?"

"Ay nako kuya, 'pag ako yung crush mo, i-aauto crush back kita kaya sa'kin ka na."


"No, she's not taken but she doesn't see me as someone she can be together with," Dagdag ni Asrow. "I also have a competition for her hand so it made me even more nervous."


"Aww, edi pa'no 'yun kuya?"

"You'll give up?"

"Hays kuya, sa'kin ka na lang kasi, 'wag na makulit."


"I haven't started anything yet so," Nagsitaasan ang mga balahibo ko ng sabay-sabay nung tumingin siya sa direksyon ko. "why would I give up yet, when I can work hard to earn her for myself?"


His eyes were piercing through mine again. I couldn't look away because I found myself getting drown into him again, shit. I clenched onto my heart when he looked away because someone called him out.


What was with that? Bakit ganun siya makatitig sa'kin pagkatapos niya sagutin yung tanong na 'yun?


I hate this feeling, I really do...


Because I don't want to get my hopes up for nothing.


***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro